21 Envelop
NANGINGINIG ako pagbaba namin sa kotse. Umaamot lang kami ng lakas ni Juno sa isa't-sa.
"Ms. Dela Cruz, sunod po kayo sa akin," sabi nung sundalong kasama namin kanina nina Lt. Posadas.
Napansin ko ang ilang nagmamadaling sundalo na paroo't-parito sa mga hallway na nadadaanan namin.
"Dito po tayo," giniya kami sa isang may kalakihang kwarto na may malaking parihabang mahogany table sa gitna. Mukha itong conference room.
May mga tao na roon. May mga nakaupo paikot sa malaking mesa, yung iba nakatayo at ilang pinili sa couch maupo. Karamihan ay mga may edad na babae at ilang kabataang katulad namin. Meron pa ngang isang buntis. But there is something common among us.
LUHA. Yung iba, tumutulong luha, may nangingilid, may pinipigil at may ibang tuyo na nagdulot na lamang ng pagkatulala. Pero luha pa rin.
Nakita ko si Mama, kasama si Nida, sa may isang panig ng conference room. Nakaupo sya sa isang single couch habang nakaupo sa arm rest nito si Nida na hinahaplos sya sa likod dahil sa tahimik nitong pag-iyak. Kinakabahan ako para kay Mama. Kasi medyo namumula ang leeg nya at balikat.
"Ma," tawag na namin sa kanya ni Juno sabay takbo sa kanya. Nagyakap kaming mag-iina.
"Ano pong sabi?" tanong ko.
"Wala pa anak. Mag-iisang oras na kami dito, pero kailangan daw hintayin ang lahat. Hindi ko alam kung ilan pa ang hinihintay," napalingon kami sa pinto dahil may pumasok uli na dalawang babae. Tingin ko mag-ina.
Naghintay pa kami ng ilang minuto. Sa wakas may pumasok lampas sa sampung sundalo at isang tila high ranking official base sa uniform nyang suot. Naupo ang nasabing opisyal sa puno ng conference table at ang mga sundalo ay tumayo palibot sa kwarto.
Tumikhim muna ito bago nagsalita, "Hindi ko po alam kung nararapat lamang na bumati ako ng magandang hapon," seryoso nitong sabi. May mga nag-iyakan kaagad sa mga naroroon. Nilapitan ang mga ito ng pinakamalapit na sundalo sa kanila.
Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Mama sa palad ko at ang paghigpit ng yakap ni Juno sa amin.
"....darating po ang mga labi nila ngayon sa dito Villamor...." Wala na akong masyadong naintindihan dahil nag-iyakan na kami. Yung sakit sa dibdib, yung pagka-miss namin kay Papa. Kahit inaasahan na namin ang pagdating ng araw na ito dahil kasama ito sa trabaho ni Papa. Kahit itinanim na sa isip ni Papa ang tungkol sa bagay na ito.... masakit pa rin. Masakit dahil napakabuti nyang ama sa amin. Kahit malayo sya, pinaramdam nya sa amin kung paano mahalin ng isang ama.
"Punta na po tayo sa may left wing hangar. Sunod po kayo kay Sgt. Reyes," sabi nung opisyal na isa pa lang general.
May mga pangalan na tinawag at isa si Mama sa mga ito, " Maiwan po muna kayo sandali," ang sabi.
Nagkaroon ako ng bahagyang pag-asa. Baka kritikal lang si Papa.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Madam," isa-isa nyang tiningan ang mga natira sa kwartong iyon. Tapos may inabot sya sa amin na mga brown envelops.
Binuksan ni Mama ang para sa amin. Unang kong nakita na nadukot ni Mama at ang dog tag ni Papa... mabilis nyang itinaktak ang laman niyon. Naroon ang wedding ring nila pero sunog ito, yung wallet ni Papa pero punit-punit ito at medyo nasunog rin. May mga ilang pirasong tinuping papel na parang mga sulat at wallet size pictures naming mag-iina pero blurred dahil sa ...dugo?
"Ano ito? Bakit ...?" nanginginig na sabi ni Mama.
"Malubha po ang pag-atake na nangyari sa grupo nila. May ilang sundalo po na iilang bahagi lamang ng labi nila ang nabawi namin...."
"Ma!!!!" napasigaw ako dahil nawalan na ito ng malay.
Nataranta na kami pati ang mga sundalo. May medic rin kaming kasama sa loob. Maingay na sa conference room na iyon dahil nagpalahaw na rin ng iyak ang iba pang naroroon.
May naghiga kay Mama sa sofa. Pero...
"Sir, we need to bring her to ER!"
Diyos ko! Diyos ko! Si Mama!
Gusto kong isigaw iyon pero walang lumabas na salita sa bibig ko. Nakita ko na lang na may ipinasok na stretcher. Kusa kaming tumabi nina Juno para bigyang daan ang paglalabas kay Mama. Sumunod kami sa kanila hanggang sa labas. Magkahawak kamay kaming magkapatid, si Nida ay nakayakap sa sarili nya.
"Andz!" napalingon ako. Si Aris! Kasama ang mga kabanda namin at sina Sarah.
Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Yumakap ako sa kanya at umiyak ng umiyak. Mahigpit akong niyakap ni Aris. Nakita ko si Sarah na yakap naman si Juno.
"Ano'ng nangyari? Bakit inakyat sa ambulansya si Tita?" si Aris. Hindi ako makapagsalita, basta iyak lang ako ng iyak.
"Nawalan ng malay si Ate Mina. Sabi nung isang sundalo kailangan daw dalhin sa ER," si nida ang sumagot.
"Kamag-anak po ba kayo ng mga dela Cruz?" tanong nung isang sundalo.
"Family friend po kami," sabi ni Sam.
"Kailangan pong may sumunod sa inyo sa ospital at kailangan din pong may maiwan dito para sa mga labi ni Lt. Dela Cruz."
Napatakip sa bibig sina Sarah at Rika. "Si Tito Ernie?!?!"
Tango lang ang naisagot ko.
Napagkasunduan namin na maiiwan ako dito at mga kaibigan ko. Si Juno, Nida at sina Aris ang susunod sa ospital.
Aris' POV
"Thanks, 'mmy!" natutuwa kong sabi bago ko binaba ang telepono. Pumayag si Mommy na siya na ang bahalang kumausap kay Dad na half-day lang muna ako sa office for the meantime. I told her what the situation is. Andz and Juno need me right now. Nagmamadali akong nag-ayos ng gamit at sumakay na sa elevator.
It's been two weeks nung ilibing si Tito Ernie. Hindi pumayag si Andz na sa Libingan ng mga Bayani ilibing ito. Meron daw kasing biniling memorial lot ang mag-asawa para sa kanila. Nagdesisyon si Andz na iburol ito ng dalawang araw lamang at ipalibing agad sa ikatlong araw. Naunawaan namin iyon, dahil nasa ICU pa rin si Tita Mina. She had a massive hemorrhagic stroke attack, and she is currently in coma. Hindi kinaya ni Tita Mina ang nangyari sa asawa.
Sabi nung kumausap sa aming opisyal sa Villamor Air Base, tila may nag-leak daw ng mission nina Tito Ernie kaya nabangan sila ng mga dapat sana ay tutugusing mga rebelde. Ang nangyari, naging ambush. Sa imbestigasyon daw, isa si Tito sa mga nasabugan ng mga high powered explosives. Halos wala raw natira sa katawan nito na naibalik sa pamilya. It was a closed-casket military funeral. Ang Ninong Arthur lang daw ni Andz ang survivor. Nakalampas na raw ito sa kritikal na kondisyon pero hindi na ito maaring makalakad dahil sa spine daw ang damage.
Maraming pumunta sa mga taga-St.Margaret noong burol dalawang araw na burol. Mabuti na lamang at full support kay Andz ang mga kaibigan nya at mga taga-choir. Kinausap na rin siya sa choir na excuse na muna sya para sa mga susunod na practice at sa participation sa Foundation Day.
Sa basement na ako tumuloy papunta kung saan naka-park ang kotse ko. Bago ako umalis, nag-text ako kay Andz na ako na ang magdadala ng pagkain para kay Nida. Ito kasi ang nagbabantay kat Tita Mina sa ospital.
Naaawa na kasi ako kay Andz. Pumapasok pa rin silang magkapatid at nagsasalitan ng pagbabantay sa ospital. Inaasikaso nya pa na mapadali ang pag-proseso ng pension nilang mag-iina. Kailangan kasi nila ito para pantustos sa pagkaka-confine ni Tita Mina. Magastos nga naman sa ICU. Kahit hindi magkwento si Andz, alam kong paubos na ang savings nilang mag-anak. Palagi siyang kulang sa tulog. Kahapon nga ay muntik siyang makabangga dahil sa sobrang antok.
Nasa main road na ako nung matanggap ko ang reply ni nya.
(Thanks, Hon. I owe you a lot. Punta agad ako sa ospital. Follow up lang ako dun sa papers namin sa AFP)
Napailing ako. Malamang a-absent na naman sya sa panghapon nyang klase. Though binibigyan silang magkapatid ng consideration sa school, alam kong napapagod silang maghabol sa mga lessons.
Nag-drive thru na lang ako sa Jollibee para sa pagkain ni Nida. Isa pa ito sa pinoproblema ni Andz. Syempre, papaswelduhin nya pa rin ito. Pinasara muna yung mini-grocery sa harap ng bahay dahil hindi naaasikaso. Last Monday nga ay inabutan ko yung isang supplier nila sa grocery para sa collection. Palabas na kami ni Juno ng bahay nila bitbit ang pamalit damit ni nilang magkapatid at ni Nida.
"Tao po!" tawag nung lalaking mag hawak na resibo.
"Ano po iyon?" tanong ni Juno.
"Andyan ba si Mrs. Dela Cruz?"
"Ahm .. naka-confine po si Mama sa ospital," tipid na sagot ni Juno.
"Naku! Paano ba ito?" napakamot sa ulo yung lalaki.
"Ano po ba iyon?" Singit ko.
"Collection po kasi doon sa mga de lata na inorder ni Madam. E tuwing Monday po ang bayad tapos bukas uli ang deliver."
"Magkano ba?" sinabi nito ang presyo. Dumukot ako mula sa wallet ko.
"Kuya, wag na. Sasabihin ko na lang kay Ate," awat ni Juno.
"Wag mo na sabihin. Dagdag pa iyan sa isipin nya," sabi ko. Tinanggap nung lalaki ang bayad at niresibuhan ako. Wala sa loob na nilagay ko iyon sa paper bag ng mga damit nina Andz.
"Manong, wag po muna akyong mag-deliver bukas. Wala po kasing makakaasikaso ngayon. Tatawag na lang po kami kung pwede na," bilin ni Juno sa lalaki.
Tumutulong ako sa pag-iistima sa mga bisita sa burol ni Tito, hinila ako ni Andz papunta sa kotse nya.
"Aris, ano ito?" sabay pakita sa akin ng resibo. Napakamot ako sa ulo.
"Ano kasi, kaninang pagpunta namin sa inyo para kumuha ng damit. Inabutan namin. Eh, alam ko namang busy ka at maraming inaasikaso..." sabi ko.
"Hindi mo dapat ginawa yun. Sana sinabi mo tatawagan na lang sila. Alam mo namang bukas na ang libing ni Papa. Medyo makakaluwag na ako sa oras ko," medyo mataas ang boses niya.
"Andz, di ko naman pinanghihimasukan. Sobra ka nang stressed. Kahit dyan lang makatulong ako. Wag ka na magalit. Di na mauulit. I'm sorry. " inakap ko sya.
Hinilamos nya ang kamay sa mukha nya at ilang beses bumuntung-hininga. Tinakip nya ang mga kamay sa mukha nya, "Aris.... I'm sorry! Di kita dapat pinagtaasan ng boses," garalgal na ang boses nya nung magsalita.
Lalo ko syang niyakap ng mahigpit. "It's ok, Princess. I understand," ilang minuto kami sa ganoong pwesto. Hinayaan ko sya umiyak. She has not been crying since Saturday. She is trying to be strong for her sister.... but she needs to cry... to mourn....
Inabutan ko si Nida na natutulog ng paupo sa labas ng ICU. Ginising ko ito.
"Kain ka muna sa canteen sa baba, tapos umuwi ka muna para makapagpahinga ka ng maayos," inabot ko ang paper bag ng pagkain at pera. "Pamasahe mo na yan tsaka kung may iba ka pang kailangang bilhin." Tumango lang ito, marahil sa pagod at antok.
Naupo ako sa waiting area sa labas ng ICU. Nilabas ko ang laptop ko para mag-review ng mga lesson sa school at mga dokumento sa office.
Sandali akong nagbukas ng FB. Ang daming notification pero di ko pinansin. Nagpunta ako sa albums. Isa-isa kong tiningnan ang mga pics namin ni Andz at hinaplos iyon. Kailan ko kaya uli makikita ang mga ngiti nyang ito?
Nag-log-out na ako nag nagbukas ng isang file. Nagbabasa na ako nung maramdaman ko ang pag-vibrate ng cp ko.
Si Dad!
"Dad," sagot ko.
"Nasaan ka na naman, Emmanuel?! Kinuntsaba mo pa ang mommy mo para makaalis ka palagi ng maaga sa opisina!" galit na bungad agad sa akin.
"Dad, alam mo naman yung sitwasyon eh."
"Hanggang kailan ba iyan, ha?"
"Dad, not now please," pakiusap ko. Nakita ko sa peripheral ko na paparating na si Andz. "I have to go, Dad. I'm sorry." I ended the call without waiting for his response. Sumasakit ang ulo ko kay Dad. Tuluyan ko nang in-off ang cp ko.
"Hon, asan si Nida?"
"Pinauwi ko na. Kumain ka na ba?"
"Mamaya na," matamlay nyang sagot.
"Hey, what's wrong?" tanong ko.
Umiling lang ito. "CR lang ako." Tumayo na ito at iniwan ang gamit sa katabi kong upuan.
Nang mawala na sya sa paningin ko. Binuklat ko ang laman ng envelops na dala nya. Mga papeles ng pension approval nila. Pero masyadong maliit kahit i-combine pa nilang tatlo lalo na at monthly ito. Sa magiging gamot pa lang ni Tita na malamang ay magiging maintenance, kulang pa ito. Paano pa ang pag-aaral nina Andz? Wala naman silang babayaran na tuition dahil sa educational plan nilang magkapatid. I mean, yung pambaon, para sa projects at pagkain araw-araw.
Yung isang envelop, mga papel galing sa ospital, promisory notes at running bill nila dito. Nanlaki ang mga mata ko. May isang linggo na pala simula nang huminto magbayad si Andz sa mga bill ni Tita. Saan kukuha ng pera si Andz para dito?
Dali-dali ko itong ibinalik sa pwesto nung bumukas ang pinto sa CR ng mga babae. Nakita ko na naghilamos sya. Galing ba sya sa pag-iyak?
Umupo sya sa tabi ko tapos binuksan ang laptop nya. Akala ko nung una, magre-review sya ng mga missed lessons nya. Pero nakita kong nagba-browse sya ng mga buy and sell cars websites.
"Andz," untag ko.
"Hmmm..." sagot niya na di tumitingin sa akin.
"Magsabi ka lang kung kailangan mo ng tulong."
"Marami ka nang naitulong sa akin. Kayo nina Sarah," sabi nya. Then, "Actually, kailangan ko ng tulong mo."
"Anything, princess."
"Help me sell my car." She said with determination yet there was sadness in her eyes.
"Andz, you don't have to do that. I can help you."
"That's not your money. It's your parents'. Ayokong may masasabi sila sa akin. Isa pa we can still manage."
Nawalan ako ng kibo sa sinabi nya. Totoo naman. Naubos ang savings ko nung kumuha ako ng condo weeks ago. Iniipit pa ni Dad ang iba kong cards, dahil pilit kong sinusuway ang gusto nya. Si Mommy ang naglalagay ng pera sa isang personal account ko at palihim lang iyon. Nakakaipon lang ako ng paunti-unti ngayon galing sa "OJT allowance" ko. Thing is Dad is still deducting from it dahil nga lagi akong nagha-half-day.
Nagpatuloy si Andz sa pagba-browse hanggang sa sinara na nya ang laptop nya at isinandal ang ulo sa dingding sa likod ng inuupuan namin. Inihilig ko ang ulo nya sa balikat ko. Sandali lang at naramdaman ko agad ang pagbigat ng ulo nya.
Nawawalan na rin ng oras si Andz sa pag-aaral. Sayang kung mawawala sya sa dean's list. Consistent pa naman sya doon. Inayos ko ang ulo nya dahil nangangawit na rin ako.
Binuksan ko uli ang laptop ko at nagsimulang magbasa. Hindi k alam kung gaano ako katagal nakatutok sa laptop ko nung marinig kong may tumatawag sa cp ni Andz.
"Andz," tinapik ko sya sa pisngi. "May tumatawag sa iyo, baka importante."
Sinagot niya ito, "Oh, bakit?" humikab pa ito. "Sa tindahan na muna kayo kumuha ng stocks. Wag na muna kayo magbubukas o kumuha ng delivery ha? Sa atin na lang muna iyan. Pakisabi na rin kay Juno." Tumigil ito magsalita marahil pinapakinggan ang sinasabi ng kausap, "Ahm, Nids, bale bukas ko na lang ibibigay yung sweldo mo, pagpunta mo dito," natahimik uli ito. "Ok, sige. Pasensya na. Pahinga ka na. Bye!"
"Ano yun?" usisa ko.
"Nakalimutan ko yung sweldo ni Nida. One week na pala yung delayed. Nawala na sa isip ko. Nahihiya tuloy ako. Tsk!"
"Let's eat. It's already past eight," yaya ko.
Parang ayaw nya pa umalis sa harap ng ICU pero napilit ko rin.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro