20 Juice
LAST day na ng midterm exams. Nandito ako sa loob ng kotse ko sa parking area, nagcha-charge ng phone ko at magbasa-basa ng notes. I still have less than an hour para sa huling exam ko today. Sumipsip ako sa softdrinks na binili ko sa kiosk dun sa tambayan ng mga estudyante bago ako pumunta dito sa parking. Sinara ko ang binabasa kong libro. Information overload na ako. Nakapag-review na naman ako ng maayos kagabi. Mas pinili ko na lang magpahinga sandali. Si Rika, nagre-review sa library. Sina Sarah at Sam nga, nasa cafeteria at aasa na lang daw a stock knowledge. Haha.
I reclined the driver's seat then closed my eyes. Memories of the past few days came flooding in.
"Andz ko, I'm sorry about last night," naramdaman kong pumulupot ang ni Aris sa bewang ko. Nagluluto ako ng breakfast namin. Maaga pa rin akong bumangon despite what happened last night.
"It's fine, Hon," nilingon ko sya at tipid na nginitian. "Ligo ka na. Pagkatapos mo, sabay na tayo kumain."
Inasahan ko na mag-o-open up sya sa akin during our breakfast pero wala. I opted not to push it. I'll just wait when he's ready to talk.
"Ok ka lang talaga dito mag-isa?" tanong nya nung palabas na sya ng pinto.
"Yup, kapag natapos ako ng maaga, magpapahinga lang ako tapos magre-review. I'd be ready by the time you pick me up papuntang Falcon's mamaya," sagot ko. We kissed then bid goodbye.
Pagkaalis nya, inasikaso ko na agad ang pag-aayos ng mga pinamili namin kahapon sa mga dapat kalagyan ng mga ito. Nagliligpit na ako ng mga kalat sa sala nang may mag-doorbell.
First visitor on the first day?
Hawak ko pa ang isang black bag, napagbuksan ko ang isang may edad na babae. Maputi sya at chinita. She looks regal in her classy dress. I've seen her in some pictures. Ang mommy ni Aris. Hindi nya siguro inaasahan na ako ang magbubukas ng pinto.
"Ahm, good morning po. Pasok kayo," magalang kong ngiti at niluwagan ang buka ng pinto. Buti na lang nagpalit na ako ng disenteng pambahay.
"Oh, you know me?" she said with one brow rising.
"Mommy po kayo ni Aris. Wait lang po," dinampot ko ang mga kalat sa sofa at pinagpagan ito. "Upo po kayo."
Iginala nya ang tingin sa loob ng condo bago naupo.
"Gusto nyo po ng juice or something? Pumasok na po kasi si Aris, Ma'am," tumaas ang kilay nya.
"I came here to visit my son. I did not expect him to go to school kasi biglaan nga ang desisyon nyang bumukod kahapon. You're Andie, right? Are you two living together?" She asked looking at me directly in the eye. She looked strict and uptight. Kaya siguro nai-stress si Aris.
"Yes, I'm Andie, and no, Ma'am. We are not living together," sagot ko sa kanya na diretsong ring nakatingin sa mga mata nya. I have nothing to be scared of.
"Then why are you here on the very next day he moved out of our house?" Is she insinuating that Aris moved out because we planned to live together?
"Ayaw nga pong pumasok ni Aris today kasi gusto nya raw mag-ayos dito. I told him to go to school at ako na ang mag-aayos dito since I don't have classes today. He can't afford to be absent since midterms na po next week and he is a graduating student."
Bahagyang lumambot ang istriktang ekspresyon ng mukha nya. "I see. You're here so I guess...did he tell you something...anything by any chance?" bigla nitong banggit.
Ito na yata ang hinihintay ko na dapat manggagaling kay Aris. "Wala naman po, pero he looked bothered since yesterday. May problema po ba si Aris, Ma'am?" nilakasan ko na ang loob kong magtanong.
She looked at me and for a second, I saw sadness there but she was good at hiding it immediately. "If meron, he will tell you eventually. I should go now. Salamat sa pagpapatuloy." Tumalikod na ito agad at lumabas.
Sinabi ko kay Aris ang pagbisita ng mommy nya, pero di sya nagkomento. Siguro nga, may problema sila ngayon sa pamilya. Mukhang nakabuti naman sa kanya ang practice namin sa Falcon's last Saturday. He loosened up. Though may pagkakataon ko syang nahuhuling nag-i-space out this week but I let it go. It appears that he is getting by. Hindi na sya kasing stressed out compared last week.
Nag-ring ang phone ko. He is calling.
"Hon, dito ako sa kotse ko. Saan ka?" bungad ko agad.
"Katatapos lang ng exam ko sa CE Laws. Puntahan kita. Love you!" iyon lang at nawala na sya sa linya.
Napangiti ako. Ibinalik ko sa pagkaka-charge ang phone ko at muling pumikit. Ilang minuto lang ay may kumatok sa car window sa side ko. Nakita ko si Kumag na nakalahad ang isang palad na tila namamalimos.
"Ay, wala akong coins dito," biro ko sa kanya when I rolled down the window.
"Pag-ibig po ang nililimos ko," naka-pout pa sya.
Napatawa ako ng malakas. Hinila ko ang kwelyo nya papasok ang ulo nya sa kotse ko tapos I gave him a good French kiss. I heard him moan.
"Wow," bulong nya when I let go.
"O aangal pa ba?" hamon ko.
"Wag po. Maawa po kayo! --- Ouch!" kinurot ko sa baba. Para kasing tanga. Akala mo re-reypin!
Umayos na sya ng tayo. "Let's grab some snack," yaya nya sa akin.
Napatingin ako sa cp ko. Tsk! One bar pa lang ang batt ko. Hayaan na nga. I grabbed my bag and cp, got out of the car then locked it.
"Hon, yung last exam ko will be in 30 minutes. Kiosk na lang tayo, yung mga hotdog on sticks," sabi ko.
"Sure," hinawakan nya ang kamay ko at tinawid na namin ang soccerfield. Nasa kabilang panig kasi noon ang kiosk.
Pagkabili namin ng pagkain, naupo na lang kami sa isa sa mga benches doon. May ilang mga estudyanteng bumabati sa amin.
"After ng exam ko, may choir practice kami until five. Susunod na lang ako Falcon's," umpisa ko ng usapan.
"Ok." Simple nyang sagot. "Wait bili pa ko ng hotdog. Ginutom ako dun sa exam," tumayo ito papunta sa kiosk.
Maluwag ang schedule nina Aris this week dahil midterms nga. They were given consideration sa mga OJT nila. Reason we have more time together. Since Monday, sinusundo nya kami ni Juno sa bahay papasok sa school. Then sabay kaming pupunta sa Falcon's. Na-miss naming lima ang pagtugtog kaya sinusulit namin na available kami this week. Nagdala lang ako ng kotse ngayon dahil may choir practice pa ako para sa nalalapit na Foundation Day at Valentines Event. Mauuna na silang tumugtog sa Falcon's. Andun naman si Mike para sa vocals.
Nung Wednesday nga, nagpunta ang buong banda at mga kaibigan ko sa condo ni Aris. Maaga kasi ang sched ng midterms naming lahat. Nagpalipas kami ng oras doon hanggang six ng gabi then we all headed to Falcon's dahil seven to nine ng gabi ang slot namin.
"Grabe, bes, na-miss ko ang mga kumag na ito," sabi ni Sarah sa akin. Nasa Falcon's na kami at hinihintay matapos yung banda na nauna sa amin. Medyo napaaga kasi kami ng dating kaya nag-sizzling plate muna kami.
"Sino ba ang hindi?" singit ni Rika.
"Asus, lagi mo kayang kasama si Jeff," sabat ni Sam. Namula si Haponesa dahil magkatabi sila ni Jeff.
"Oi, wag nyo asarin si Rika," banat ni Jeff. Tinukso naming lalo. "Baka mag-harakiri yan," sabay tawa si Jeff. "Aw!" siniko sya ni Rika
"Akala ko pa naman, ipagtatanggol mo ko," pinanliitan nya ng tingin si Jeff. Nagtaas ito ng dalawang kamay na tila sumusuko.
Nagtawanan kami maliban kay Mike. Simple lang itong sumulyap sa dalawa at tinuloy ang pagkain.
Bumulong ako kay Aris, "Hon, napansin mo ba yun?"
"Ang alin?"
"Wala!"
Napangiti ako sa naalala ko.
"Anong nginingiti ng prinsesa ko?" Nakabalik na pala si Aris.
"Wala naalala ko lang nung Wednesday. Yung kumpleto tayo," napangiti rin si Aris.
"Yeah, just like before," lumamlam ang mata nito at ngumiti ng malungkot.
"Hey," malambing kong sabi at hinawakan sya sa pisngi.
Hinuli nya ang kamay ko at hinalikan sa palad, "Wala, nami-miss ko lang kayo ... tayo... yung dati, lagi tayong magkakasama." Tumingin sya sa wrist watch nya.
"Halika, hatid na kita sa room mo. Less than ten minutes na lang." Tumayo na sya nang hawak pa rin ang kamay ko.
"Aay!" Natapon yung cup ng juice ko pagtayo. Biglang may kabang gumapang sa dibdib ko.
"Hayaan mo na," sabi ni Aris. Lumingon sya sa kiosk pero maraming bumibili.
"Iyo na lang ito," inabot nya sa akin yung iced tea nya. "Bibili na lang uli ako mamaya. Male-late ka na."
Kinuha ko ito tapos kumapit na ako sa braso nya.
Bago ako sumipsip sa straw, "Hon, nag-toothbrush ka naman, di ba?" Pang-asar ko pang tanong.
Tiningnan nya ako tapos sa paligid ng tambayan, "Gusto mong halikan kita dito ng torrid?"
Kinurot ko nga, "Grabe ka!" Tumawa lang ito tapos nagpatuloy na kami sa paglakad.
Umalis agad si Aris pagpasok ko sa classroom ko. Naroon na si Sarah at Sam. Si Rika, nakita kong paparating pa lang at nasa likod nya ang professor namin. Nagmamadali kaming umayos ng upo. Strikto kasi ang prof namin dito.
Bago magsimula, "Alright, everybody. Put all your bags and cellphones in front," sabi na nito. As expected. "Make sure all your phones are in silent or turned off."
May mga madadaling tanong at meron ding iba na kahirapan. Ang huling parte ng exam ay essay. Nasa kalagitnaan na ako ng essay nang maagaw ng pansin namin ang isang empleyado ng Dean's Office sa may pinto. Tumayo ang prof namin at nilapitan ito, "Answer your exams!" mahigpit nitong sabi bago lumabas. Maya-maya's pumasok ito na tila balisa. Nasa labas pa rin yung empleyado.
"Anyone finish with the exam?" Nagtaas ng kamay ang dalawa naming classmates, pati si Rika.
"Ok, give me your papers then you may go out quietly."
Naba-bother ako doon sa nakatayo sa labas, kaya mabilis ko nang tinapos ang essay. Binasa ko ito ng isang mabilis para i-double check ito at nang makuntento na ako, tumayo na para ipasa. Di pa ako nakakarating sa table sa harap, sinalubong na ako ng prof namin.
"Ms. Dela Cruz, I need you to go with Mrs. Reynoso to the Dean's Office," she said with urgency. Napansin kong lumapit na rin sa amin yung Mrs. Reynoso.
"Bakit po?" Kinakabahan kong tanong.
"Asan yung gamit mo? Dalhin mo na,"sabi nung babae.
Mabilis kong kinuha ang bag ko sa mga bag na nakahilera sa harap. "Bakit po? Anong pong problema?"
"Basta, halika na. Bilis!" Hinila na ako.
"Andie!" nakita kong napatayo sina Sarah at Sam kahit di pa tapos mag-exam.
"Go back to your seats and finish your exams!" madiing sabi nung prof namin. Walang nagawa yung dalawa. Sumenyas na lang na magtawagan na lang daw kami.
Kinakabahan ako. First time kong ma-experience ang ganito na ipasusundo papunta sa Dean's Office at tila nagtataranta ang mga tao. Kahit sa ibang estudyante, hindi ko ito nakitang nangyari sa St. Margaret.
Pagpasok namin sa Dean's Office, nakita ko na mayroong may edad na sundalo na nakaupo sa receiving area. Naroon din ang Dean namin at ang secretary nya. . . at si Juno. Tahimik lang sila, pero si Juno, mapula ang mata, pati ang mukha nya. Tisayin kasi si Juno katulad ni Mama.
Lahat sila, nakatingin lang sa akin. Hindi ko gusto ang presensya ng isang sundalo sa eskwelahan namin, kasama pa ang kapatid ko. Alam ko ito...alam ko ito!
Kusang tumulo ang luha ko kahit wala pa silang sinasabi.
"Ate," tumayo si Juno at yumakap sa akin. Naramdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya, at impit na pag-iyak. Inakap ko si Juno ng mahigpit. Nakita kong naluluha na rin ang mga empleyadong naroroon.
Tinitigan ko yung sundalo. "Saan po tayo?" sabi ko sa kanya sa matatag na tinig. Tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Di ko mapigil.
"Lt. Posadas, Ms. Dela Cruz," pakilala nito. Inabot ko ang kamay niya bilang paggalang. "Sa Villamor Air Basetayo. Andun na rin ang mother nyo." Sagot nito.
"Iha," narinig kong sabi nung Dean namin. Nilingon ko sya. "Magpakatatag ka." Inakbayan ako nito at si Juno. Hinatid nya kami hanggang pinto ng office nya.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nasasalubong namin. Mabilis ang mga hakbang namin heading to the parking lot. Nakita ko ang isang open humvee at may tatlo pang sundalo doon na mas bata ang mga itsura kay Lt. Posadas.
"Sir, andun po yung kotse ko," turo ko sa kanya sa kabilang section ng parking area.
"Akina yung susi. Ako na ang magmamaneho," I shuffled my bag for my car key and handed it to him.
Nakapa ko rin ang cp ko. Shit! Na-empty batt na!
Tahimik na umiiyak si Juno na nakayakap sa braso ko.
Sumakay na kami sa kotse ko. Sumakay din sa shotgun yung isang sundalo. Nakasunod sa amin yung humvee. Pareho kami ni Juno na nasa backseat.
"Sir, pwede po bang paki-charge ng cp ko dyan? Nasa dashboard drawer po yung car charger," sabi ko dun sa isang sundalo.
Simple nyang inabot ang cp ko at hinanap yung charger ko. Gusto ko nang tawagan si Mama, o kaya si Nida. Nag-aalala ako kay Mama.
"Juno, may charge ba phone mo?" bulong ko sa kanya. Ayokong magsalita ng malakas, baka mapahagulgol ako.
Umiling ito, "Naiwan ko cp ko sa bahay," sabi nito sabay punas ng luha.
"Eto cp. Gamitin nyo na," sabi nung katabi ni Lt. Posadas.
Nagpasalamat ako. Di ko kabisado ang number ni Nida, kaya sa bahay ako tumawag pero wala ng sumasagot. Yung number ni Mama, unavailable.
Si Aris!
Tinawagan ko si Aris. Ilang ring lang, sinagot nya, "Hello." Narinig ko pa ang mahinang tunog ng drums.
"Aris," umiyak na ako.
"Andz? Kanino itong gamit mong phone? Anong nangyari?" tarantang sagot nito.
"Si Papa...pa...papunta kami sa Villamor Air Base," sabi ko.
"Pupunta ako! Hang in there! I love you!" iyon lang at nawala na sya sa linya.
Inabot ko ang cp dun sa sundalo at nagpasalamat.
Nakakuha ako ng bahagyang lakas sa sandaling nagkausap kam ni Aris.
Sumandal ako sa upuan at hinapit sa akin si Juno. Tumigil na sya sa pag-iyak pero hindi sya nagsasalita.
"Andito na tayo," Anunsyo ni Lt. Posadas.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro