13 Official
It's almost six in the evening. Malapit nang magsimula ang program proper.
Marami na ang mga estudyante at ilang mga pamilya nila ang nagsidatingan para sa Valentine's event ng St. Margaret. Iilang upuan na lang sa open field ang bakante. Kunsabagay, malaki ang puwang sa harap na malamang mapupuno rin ito nang mga gustong manood nang nakatayo habang sumasayaw.
Wala na ang mga booth ng mga estudyante. Puro mga food stalls na lang nang mga kilalang establishments ang natitirang bukas sa event.
Busy na rin sa likod ng stage ang mga grupo ng mga student representatives nang bawat college departments para sa contest ng sayaw at pagkanta.
Nakita ko kahapon sa program list na ang choir at dance troupe ang intermission number bago i-announce ang mga mananalo sa mga contests.
Tatlong banda sa school na magsasalitang tumugtog para sa party concert later on hanggang matapos ang program. Kami ang panghuli.
Di pa rin kami nagkakausap ni Andz, kahit sa text. Siguraduhin kong makukuha ko ang atensyon nya mamaya.
Nakita ko na nasa backstage na ang mga props nina Andz pero wala pa sila doon. Malamang nasa MP hall or AVR room pa sila para sa last minute huddle and reminders.
Umalis muna ako doon para puntahan sina Jeff sa van na malapit lang namang naka-park sa stage. Doon kasi ang rendezvous naming lima before and after the program.
"'Tol, " bati ni Jeff pagkakita sa akin. "All set na!"
"Ge, thank you! Hanapin ko lang sina Sarah," paalam ko at lumakad na.
Nakita ko sina Sam, Sarah at Rika sa isang food stall na kumakain.
"Ano, musta? Nag-usap na kayo?" si Rika.
Umiling lang ako.
"Okay lang yun. Nakausap na namin ang mga dapat kausapin," nakangising sabi ni Sam.
"Aris, dadating sina Tito Ernie at Tita Mina," banggit ni Sarah.
Puta! Bigla akong kinabahan. I mean, lalong kinabahan!
"Ano, tuloy?" nakangising hamon ni Sarah.
"Tuloy!" sabi ko.
Pero gusto ko nang uminom ng alak para pampalakas ng loob kaya lang bawal sa campus.
Tsk! Kaya ko ito ... kaya ko ito!
Andie's POV
Hindi ko na pinanood ang huling college na kasali sa dance contest. Kailangan na kasi naming mag-ready dahil mag-i-intermission na. Kami na ang magpe-perform para aliwin ang mga nanood habang tina-tally ng judges ang score.
Narinig ko ang paghinto ng music ng mga sumasayaw at malakas na palakpakan, hiyaw at sipol ng audience.
"People, get ready!" sigaw ni Ms. Gina habang pumapalakpak para kunin ang atensyon namin.
Kinapa ko para siguraduhing maayos pa rin ang pagkakabit ng lapel mic ko. Sinikop ko ang mahaba kong suot dahil baka matapakan nang kung sino. Binase kasi ang costume ko sa suot ni Christine sa Phantom of the Opera. White gown na pinatungan ng hooded red cape.
Yung tenor na ka-duet ko ay katulad naman kay Raoul. Ang ibang male choir at male dance troupe ay naka-half mask katulad ni The Phantom. Ang mga babae sa choir ay naka-mascarade mask.
"Don't forget the blocking. Dancers be more conscious about it. Remember that our two main singers will be moving while singing. Mas sanay kayo sa blocking!"
Malakas na paalala nung dance troupe instructor .
Kailangang lakasan kasi nagmamadali na kaming pumunta sa stage.
Nakitang kong inilabas na sa stage ang mga props.
Medyo nahirapan akong hanapin yung maliit na round platform na tuntuntungan ko dahil madilim sa stage. Nasa kabilang side ng stage ni Kevin, yung tenor na ka-duet ko.
Nang naka-set na ang lahat, nagsalita ang emcee.
"Ladies and gentlemen, for our intermission. The St. Margaret Choir and Dance Troupe performing the song All I Ask of You from the movie Phantom of the Opera."
Bumukas ang mga ilaw, medyo dim sa gitna at may tag-isang spotlight kami ni Kevin. Bumungad sa lahat ang 19th century settings ng stage.
"Whoaa!"
Dinig kong sabi ng mga audience. May mga pumalakpak at sumipol.
Simple kong inikot ang mga mata ko. Nakita kong kumaway sa akin si Papa, kasama sina Mama at Juno. Ilang upuan lang din ang layo sa kanila nina Sarah, Sam, Rika at iba pa naming classmates. Ngumiti ako sa kanila ng pasimple. Nakita ko rin si Jeff at Erol. Malamang si Mike nag-iikot para man-chicks. Mamaya pa naman sila tutugtog sa concert party.
Inulit ko ang pagtingin sa paligid.
Di ko nakita si Aris. Nalungkot ako. Baka nagalit na sya sa akin sa hindi ko pagpansin sa kanya mula kahapon kaya di sya manonood ngayon. First ito na di nya ako susuportahan.
Kasalanan ko naman. Na-realize ko na napaka-irrational nang mga inasal ko. Wala akong dahilan para umarte ng ganun. Halatang nagulat din naman si Aris sa ginawa ni Maddie. Pero nasaktan pa rin ako sa nakita ko. At nagselos.
Kagabi, sa pag-iisa ko sa kwarto, inamin ko na sa sarili ko na mahal ko si Aris. Actually, Mahal na mahal. Hindi bilang kaibigan. Kundi bilang lalaki. Nakatulugan ko ang tahimik na pag-iyak sa realisasyong iyon. Kasi baka di kami pareho nang nararamdaman. Kasi mag-bestfriend lang kami.
Yung pag-iwas ko sa kanya kanina mula umaga, hindi dahil galit ako, kundi nahihiya ako sa kanya.
No more talk of darkness
Forget these wide-eyed fears
I'm here, nothing can harm you
My words will warm and calm you
Bigla akong bumalik sa realidad. Nagsimula nang kumanta si Kevin at sumayaw ang dance troupe ng contemporary ballet. Nagpalakpakan uli ang audience.
Nung turn ko na, lalong lumakas ang palakpakan. Pero tumayo ang mga program marshals para i-tone down ang ingay. Maayos ang takbo ng performance namin. Biglang lumalakas ang cheer ng audience lalo na kapag may lifting sa mga steps ng dance troupe.
Sa huling dalawang linya namin ni Kevin,
Anywhere you go, let me go too
Love me, that's all I ask of you
At nagyakap kami bilang parte ng presentation.
Di ko na narinig ang last part instrumental dahil sa lakas ng palakpakan at sipol ng mga nanonood. Nangunguna sina Papa at mga kaibigan ko sa pagtayo. Sumunod na ang iba pang audience.
Naiiyak ako. Mali, kami pala.
Ito ang unang pagkakataon na nakatanggap kami ng standing ovation mula sa mga taga-St. Margaret. Dapat pala, laging magko-combine ang choir at dance troupe para matindi ang pasabog!
Pero di ko pa rin nakikita si Aris. Nabawasan ang tuwang nararamdaman ko.
Humilera kami at sabay-sabay na yumukod. Kami ni Kevin ang nasa gitna ng hilera. Tulad sa napag-praktisan namin, kami pa rin ni Kevin ang huling mag-e-exit. Pero nagtaka ako nung kinapitan nya ako sa braso at di kami umalis sa gitna ng stage.
Biglang namatay ang mga ilaw maliban sa spotlight na nakatapat sa aming dalawa.
Teka, wala ito sa rehearsal namin!
Sandali lang ay may tumugtog nang acoustic guitar sa background.
Bumitaw na sa akin si Kevin at bumulong, "Wag kang aalis dyan," at tumalikod na.
Paglingon ako, si Mike yung naggigitara.
Biglang nagtilian ang mga babae sa audience. Natatawa ko syang binigyan ng anong-ginagawa-mo na tingin.
Ngumiti lang siya at nagsimulang kumanta habang naglalakad papunta sa akin. Sinundan sya ng spotlight.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone,
All of my doubt suddenly goes away somehow.
One step closer
Huminto sya sa harap ko na may bahagyang distansya.
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
Umatras sya pero patuloy sa paggitara. Tapos may iba nang kumanta.
Time stands still
Beauty in all she is
Si Aris, galing sa kabilang side ng stage!
Nakalapel mic sya at may hawak na malaking bouquet ng bulaklak. May nakatutok din sa kanyang spotlight.
Dumagundong ang ingay sa openfield. Naitakip ko ang kamay sa bibig ko nung lumakad sya papalapit sa akin na hindi ako nilulubayan ng titig. Huminto sya sa harap ko mismo at inabot sa akin ang mga bulaklak.
Napaiyak ako na tinanggap yun.
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer
Medyo off-tune at nanginginig ang boses ni Aris, pero wala akong paki. Basta ang alam ko, ginawa niya ito para sa akin sa harap ng pamilya ko, mga kaibigan at maraming tao.
Lalo akong naiyak. Kinulong nya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko gamit ang dalawa nyang hinlalaki. Ginawa nya iyon nang di pumapalya sa pagkanta habang nakatitig sa akin.
Hindi ko na alam kung paano nya natapos ang sintunado nyang pagkanta dahil sa ingay nang pag-chi-cheer ng mga tao at sa pagkabog ng dibdib ko.
Kaya pala wala sya kanina. Kaya pala.
"Bati na tayo ha?" malambing nyang bulong.
Tumango lang ako ng tumango.
"I love you, Andz! Will you be my girl?" sabi nya.
"Oo," yun lang nasabi ko habang tumatango at umiiyak.
Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang emosyon.
Lumapat ang labi nya sa labi ko nang ilang segundo.
Ang first kiss ko!
Sa harap nang maraming tao. Di ko talaga ito makakalimutan!
"Thank you. I love you so much! Antagal ko itong hinintay!" bulong nya uli sabay yakap.
Lalong nagtilian ang mga tao!
Pareho kaming parang nagising ni Aris. Nasa gitna nga pala kami ng stage sa harap nang maraming tao! At pareho pa kaming naka-lapel mic!
Nag-init nang husto ang mukha ko at isiniksik ang mukha ko sa dibdib ni Aris.
"Sorry, andyan pa pala kayo!" birong sabi ni Aris sa mga tao.
Ang daming nagtawanan.
May sumigaw, "Aris, pag nag-break kayo, ako ligawan mo nang ganyan!"
Tawanan uli.
"Ah, di mangyayari yun!" sagot nya. "Anyway, thank you sa mga kabanda ko, kaibigan ni Andz na tumulong para sa surprise ko. Special mention po sa program master nitong event at sa booth ng Tourism, para sa biglaang pagawa ng bouquet."
May grupo nag-cheer sa kaliwang parte ng audience. Malamang yun ang mga Tourism students.
Tumikhim sya at tumingin sa gawi nina Papa, "Tito Ernie, bati tayo."
Nag-peace sign pa sya. "Magpapaliwanag po ako mamya. Di pa po ako nakaka-practice umilag sa bala."
Nagtawanan uli ang audience pati si Papa na napapailing pa.
"Thank you!"
Inakbayan ako ni Aris papunta sa backstage. Sinalubong kami ng mga choir and dance troupe members.
"Grabe, kilig na kilig kami dito sa likod!"
"Konti na lang maiihi na ko."
"Congrats! Sakto pa sa Valentine's ah!"
Ngiti lang ang sinagot ko. Narinig ko ang emcee na nagsalita para ituloy ang program.
"Aray!" kinurot ko ia Aris sa ilalim ng braso. "Bakit?"
"Dinaan mo 'ko sa gulpe de gulat. Sa harap pa nang maraming tao! Nakakahiya!" sabi ko.
"Ayaw mo kasi ako pansinin kahapon pa. Kaya kailangan nang daanin sa dahas! Aray!"
Kinurot ko uli.
"Andz ko, wala nang bawian ha? Tayo na, official na." paniniguro nito.
Ngumiti lang ako sa kanya nang matamis at tumango tapos niyakap ko sya.
Sumabay na kami sa ibang members ng choir at dance troupe pabalik sa AVR para kunin ang mga gamit namin.
Di kami kasya sa CR para magpalit ng damit dahil may mga bisita ring gumagamit doon. Yung ilan sa amin ay sa shower room ng pool area nagpalit.
Hinintay na lang ako ni Aris sa labas. Pabalik na kami sa open field nang makita ko si Bong at grupo nya sa isang saradong food stall. Nakatingin sila sa amin ni Aris. Malungkot ang mga mata ni Bong at umiwas sya ng tingin nung makita nyang nakatingin ako sa gawi nila.
Pinuntahan namin sina Papa. Andun na rin sina Sarah.
"Bessiiieeeeee!" tili ni Sarah bago pa ako makalapit. "Grabe! Wala akong masabi!"
"Nakakahiya kaya," sabi ko.
"Ito kasi," hinampas ko nang mahina si Aris.
"Mas nakakahiya yung sitwasyon ko. Alam mo namang sintunado ako," kamot nito sa batok.
"Ngayon mo pa naisip yan. Dapat kaninang nagpaplano tayo," singit ni Rika.
"Desperado na ko eh. Di kasi ako pinapansin ni Andz ko."
"Syeeeet! Kinikilig pa rin ako," tili ni Sam.
"Basta para kay Andz ko," sabay inakbayan ako pahapit sa kanya.
"Eherm! Andito pa kami!"
Si Papa! Oo nga pala.
Bigla akong nakaramdam nang malaking hiya. Napanood nila ni Mama lahat kanina.
Napilipit ko yung laylayan ng tshirt ko.
"Ate, na-capture ko yung presentation nyo sa video. Pati yung ka-kornihan nyo ni Kuya! Eeewww!" si Juno.
Napakamot sa ulo si Aris, "Tito, Tita. Good evening po!" hilaw na bati nya.
"Ewan ko kung matutuwa ako o ano kanina eh!" Napapailing na napapangiti si Mama.
"Kailangan ko ng atsara mamaya. Naumay ako sa inyo," biro pa.
"Ayos ka rin, boy!" tapik ni Papa sa balikat ni Aris. "Ginulat mo prinsesa ko, nabigla tuloy!"
"E sabi nyo, Tito, bahala na ako sa diskarte," sabi ni Aris na parang natatae.
"Sinisi mo pa ko ha? Sikmuraan kaya kita?" biro ni Papa sabay tapik nang may kalakasan sa tyan ni Aris.
Napaubo tuloy.
"Pa naman!"
"Tito naman. Bigla pa ba yun? Alam nyo namang matagal ko nang nililigawan si Andz."
Napatingin ako sa kanya.
"Ehehe... two years na," nakasenyas pa ang dalawa nyang daliri. "Simula nung ibalik mo sa kin yung payong ko."
"Huh?!" nagulat ako.
Medyo nag-loading pa ang utak ko bago ko naisip ko yung sinabi nya.
"Ikaw talaga!" hinampas ko sya sa braso. "Sabi ko pa naman, ambait mo kaya kita naging bestfriend. Yun pala..."
"Ang sakit nga nun sa dibdib nung sinabi mong ako na ang bestfriend mo," umarte syang masakit ang puso.
"Kayong dalawa," sansala ni Papa sa harutan namin, "Hindi ako naghihigpit sa inyo dahil may tiwala ako sa inyo."
Tumahimik kami ni Aris at nakinig kay Papa. "Tapusin nyo muna ang pag-aaral nyo at gawing inspirasyon ang bawat isa, maliban pa sa pamilya nyo."
Bumaling si Papa kay Aris. "Aris, inaasahan kong mamahalin, iingatan at igagalang mo si Andromeda. Sana ay tinangnan-tingnan mo rin si Tita Mina mo at si Juno. Lalo na at palagi ako sa malayo. Maasahan ko ba yan, Aris?"
Tumango si Aris.
Natutuwa ako na binigyan ng basbas ni Papa ang relasyon namin, pero may gumapang na masamang pakiramdam sa dibdib ko sa huling sinabi nya kay Aris.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro