Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12 Pathetic

Kanina pa ako iniiwasan ni Andz. Actually kahapon pa!

Sumabay nga syang umuwi nang maaga kahapon kay Sarah at di ako hinintay. Buti na lang, nalaman kong nagpasundo lang sa driver si Sarah at di sasakyan ni Bong ang gamit nila. Di rin sinasagot yung text at tawag ko kagabi. Nung tumawag ako sa landline nila, sabi ni Juno, tulog na. Nag-text pa rin ako sa kanya kagabi na sabay na kaming pumunta sa school ngayon dahil alam kong marami syang bitbitin. 

Pagdating ko kaninang umaga sa kanila, nakaalis na sya. Inasar nga ako ni Tito Ernie kasi mukhang galit daw sa akin yung panganay nya.

Hinanap ko agad si Andz pagdating sa school at nakita ko sya sa hallway near the AVR. Mukhang kalalabas nya lang dun pero bigla syang bumalik sa loob. 

Nahiya naman akong pumasok at kunwari ay makiusyoso dahil busy silang lahat kasama ang dance troupe sa final touches ng costumes at props nila para sa presentation mamayang gabi. Umalis na lang ako at nagpunta sa soccer field. Pinanood ko na lang yung mga nagde-decorate at nagsa-sound check sa stage.

Tsk! Ang aga pa. Wala pang lunch time. Wala pa rin yung tatlong itlog.

"Hi, Aris!" 

Bati sa akin nung isang babae sabay kaway at ngiti.

Tinanguan ko lang. Maya-maya, meron na namang bumati, tatlo naman. Di ko mga kilala pero pamilyar ang mukha. 

Tss, mga istorbo sa pagmumukmok ko.

Tumunog ang message alert ko. Nagmamadali kong binunot ang cp ko sa bulsa. Baka si Andz na ito.


Bro, asan ka na? 


Tsk! Si Erol pala. 

Tinawagan ko na lang. Wala ako sa mood mag-text.

"Sa soccer field, malapit sa stage, side ng kiosk," agad kong sabi right after he picked the call.

"Dito lang kami ni Jeff sa kabilang side. Pinapark lang nya yung van malapit sa stage para sa drum set nya. On the way na raw si Mike."

"Puntahan nyo na lang ako dito. Ayokong tumawid sa field. Daming asungot na booth marshals," sabi ko. 

Pinindot ko na yung end call nang di hinihintay sagot ni Erol. Sorry naman, sobrang badtrip lang ako.

For two years na magkakilala kami, ngayon lang nagtampo nang ganito katindi sa akin si Andz. Natuturete ako. 

Napangisi ako ng mapakla. Sakto pa sa isang tutugtugin namin mamayang gabi sa Valentine's event.

Paano ko ba aamuhin yun?

Mag-ikot kaya ako sa mga booth dito at maghanap nang mabibili? Yung alam kong magugustuhan nya?

Bigyan ko kaya ng flowers, tutal Valentine's? 

Tss, I dismissed the idea. Ang baduy nun!

Tsk, ang totoo, natatakot ako sa magiging reaksyon nya kapag binigyan ko sya ng bulaklak. Di pa ako ready magtapat.

Tama, puntahan ko na lang uli si Andz maya-maya at yayaing mag-lunch para makapag-usap kami. Yung kunwari kaswal lang at walang nangyari kahapon.

"Hello po." 

Napalingon ako sa kanan ko. Babae na naman pero mukhang nene pa. Tapos may hawak na isang bulaklak. 

Tss!

"Bawal magcross-over ang taga-higschool department dito ngayon ah. May sarili kayong event sa kabila, di ba?" sita ko.

"Freshman po ako ng Tourism," sagot nya tapos inabot sa akin yung white rose. "Galing po sa flower delivery booth namin. May nagpapabigay po. Ikaw si Aris Kho, di ba?"

Tumango ako at kinuha na lang. Di ko na sinungitan. Kawawa naman at freshman lang.

May nakataling maliit na card dito. Binasa ko. Dedication tsaka pangalan nung nagbigay. Anonymous daw. Tss!

May tumapik sa balikat ko. Yung tatlong itlog pala.

"Ano? Nagkausap na ba kayo?" Si Jeff.

"Tsk! Di pa rin ako pinapansin," napabuga ako ng hangin.

"Kasalanan ito ni Madison eh! Naglabas na nang tunay na kulay! Pahamak talagang babae yun!" 

Eto na naman si Mike.

May kinalaman naman talaga si Maddie. 

Pagbalik kasi namin sa from Wendy's kahapon, ang plano, hihintayin namin si Andz matapos ang final rehearsal nila tapos sasama sila ng mga kaibigan nya sa Falcon's para naman sa final practice namin. Pero on the way sa multi-purpose hall, nasabat ako nang tatlong marshals ng Psych Society, yung grupo ng mga Psychology students. 

Namumukhaan ko nga yung isa na classmate at close friend ni Maddie.

Ayoko ngang sumama, kaso binubuyo ako ni Mike. Gago kasi, palibahasa meron syang pinopormahang third year psych student. Tapos, ang kukulit nung mga marshals. Wag ko raw sila ipahiya dahil kaibigan naman daw sila ni Maddie.

Tiningnan ko muna si Andz, pero ngumiti lang sya nang tipid. 

Eto na naman eh. Di ko malaman kung okay lang ba talaga o hindi.



"Sus, nagpapaalam pa sa tingin," tukso ni Sam.

"Sige na, Aris. Wala pang five minutes ito," pakiusap nung kaibigan ni Maddie.

"Mabilis lang naman pala. Pagbigyan mo na," sabi ni Andz.

E si Andz na yung nagsabi, may magagawa pa ba ako?

Nakita kong lihim na ngumisi nang nakakaloko yung mga marshals. I have a bad feeling about this.

Pagdating namin sa pwesto nila, wedding booth! At may babae na dun na naka-wedding gown at nakikipagtawanan sa mga tao sa booth.

Si Maddie! Nalintikan na.

Nawala lahat ng ngiti sa mukha naming walo. Si Andz, napansin kong humigpit ang kapit sa braso ni Sarah. 

Narinig ko pa ang mahinang 'Ouch!' ni Sarah.

Pinatungan ng mga kasama ni Maddie nang puting na Americana yung suot kong black acid wash tee.

Nakangiti si Maddie pagharap sa akin at kumapit sa braso ko. 

"Tara, harap tayo kay Father," tapos nagtawanan sila.

"Mas mukhang sister yan eh," sarkastikong hirit ni Erol.

Paano kasi yung tumatayong pari sa kunwaring altar na ginawa nila, naka-eyeliner at ahit ang kilay.

Totoo ngang sandali lang yung 'wedding ceremony'. May wedding ring pa na gawa sa stainless steel. 

Nung sinabi nung 'pari' na 'You may now kiss the bride', napahawak ako nang madiin sa nosebridge ko. Ayoko na tumingin sa pwesto ng mga kaibigan ko, lalo na kay Andz.

"Hey, kiss the bride na raw," nakangising sabi pa ni Maddie.

So, inangat ko yung veil at hahalikan sya sa noo, pero tumingkayad si Maddie. Hinawakan nya ako sa balikat nang mahigpit sabay tumingala kaya sa labi lumapat ang halik na dapat ay sa noo lang.

Nabigla ako at di agad nakagalaw kaya mas tumagal yung paglalapat ng labi namin.

Palakpak, hiyawan at may sumipol sa mga nanonood. But I heard gasps coming from my friends' side.

"I now pronounce you man and wife," tuluy-tuloy na sabi nung 'pari'.

"Here is the stub for your one hour 'honeymoon date' at the school cafeteria." 

May inabot siyang coupons kay Maddie na nakangiti.

"The fuck?!" si Mike.

"Sarah, let's go," narinig ko ang garalgal na boses ni Andz.

Doon ako parang natauhan at naitulak ko si Maddie. Paglingon ko, nakita ko ang sakit sa mukha ni Andz at pangingilid ng luha nya bago tumalikod kasama sina Sarah. Mabilis silang lumakad palayo.

"Andz!" tawag ko pero di sya lumingon.

Hinawakan ako nung marshal na kaibigan ni Maddie, " Aris, may one hour kayo sa café ni Maddie."

Tinitigan ko sya ng matalim. "Magkano'ng binayad nang kung sinong siraulo para sa pesteng kasal-kasalang 'to?" madiin kong sabi.

Walang sumagot sa kanila.

"MAGKANO?!" sigaw ko. 

Naramdaman ko ang kamay ni Jeff sa balikat ko. Malamang nag-aalala sya na bigla akong manuntok nang kung sino na lang.

"One thousand ang binayad ko," mahinang sabi ni Maddie.

Lumapit ako sa 'altar' habang dinudukot ang wallet ko. 

"Etong limang libo. TIGILAN NYO LANG AKO!" sabay marahas na nilapag yung pera sa 'altar'. 

Inilibot ko ang matalim kong tingin sa mga members ng Psych Society. "Dadagdagan ko yan bukas nang limang libo ulit, wag lang kayong magpapakita sa akin buong araw ngayon!"

"It was just for fun," depensa si Maddie.

"Fun?! Am I laughing now, Maddie? Tang-ina! And you don't kiss people for fun. Act like a decent woman! Stop being a brat like what you do with your parents! Hindi lahat nang gusto mo pwedeng mangyari o pwede mong makuha!"

"Bro, let's go!" sabi ni Jeff.

Pero di pa ako tapos magsalita. "Kayo, mga Psychology students pa man din kayo sa isang prestihiyosong university. Pero di nyo ginagamit nang tama mga utak nyo. Will you please act with dignity?!"

"Aris naman..." si Maddie.

"STOP!" sansala ko sa kanya. 

Padarag kong hinubad yung puting coat na isinuot sa akin kanina sabay talikod. Wala akong pakialam kung umiyak sya o kung ano pa. She brought it upon herself.

"What a pathetic move!" si Mike and I couldn't agree more.

Sa multi-purpose hall kami unang pumunta. Andun nga si Andz para sa final practice nila. Sinalubong agad kami nina Sam at Rika. Nanatili si Sarah sa upuan nya, bantay ang gamit nila.

"Wag muna ngayon. Baka masira ang concentration nya sa practice," sabi ni Sam.

"Labas muna tayo. Hintayin na lang natin sila sa cafetria.Ite-text ko na lang si Sarah. Sandali lang naman yan," si Rika.

Ganun nga ang ginawa namin. Pero lumipas ang isang oras, walang Sarah at Andz na dumating. Maya-maya'y may nag-text kay Sam.

"Punta na raw tayo sa Falcon's. Susunod na lang daw sila dun."

Ang awkward ng practice namin sa Falcon's. Walang biruan na nangyayari. Nag-text si Sarah na umuwi na lang daw sila ni Andz dahil pagod na raw ito. 

Walang kumakausap kay Maddie maliban kung tungkol sa pagtugtog namin. Nagkainitan pa sila ni Mike.

"Mike, ano ba? Paulit-ulit na lang tayo sa part na ito eh. Ikaw na'ng kakanta sa part na ito," si Maddie.

"Gusto mo ikaw ang mag-bass tapos kumanta. Wag ka nga magmagaling at di ka kagalingan," pabalang na sagot ni Mike.

"Ano'ng gusto mong palabasin?" hamon ni Maddie.

"Na merong mas magaling sa iyong kumanta. Ganun. You are so full of yourself! Kaya ka lang naman nakuha dito dahil wala na kaming time na magpa-audition at kinausap kam---...."

"Tama na nga yan!" saway ni Erol at Jeff.

"Sino'ng magaling sa inyo? Yung bait-baitang kaibigan ng mga ito?" turo ni Maddie kina Sam at Rika.

"Aba, nananahimik kami dito -- " nagulantang na sabi ni Rika.

"Pack up na tayo. Walang matatapos kung mainit ulo natin," sabi ko.

Walang umangal sa kanila maliban kay Maddie.

"Teka muna. Di pa nga natin nape-perfect yung huling kanta," apela nya.

"Kaya mo yan. Magaling ka, di ba?" sarkastikong sabi ni Mike. 

Patuloy lang ang lahat sa pagligpit ng gitara namin.

"That's enough. Pahinga na tayo. Kaya natin yan bukas basta kalma lang," saway ko na naman sa dalawa na nag-uumpisa na namang magbangay.



Nagkanya-kanya na kami nang uwi kagabi. 

Gusto kong pumunta kina Andz pero baka lalo lang lumala dahil di rin nya sinasagot ang mga text at tawag ko. I thought of giving her time and space last night, and just to talk to her today ... but still to no avail.

"Ano, sa'n na tayo?" si Erol.

"Pupuntahan ko uli si Andz sa MP hall. Malapit na mag-lunch, yayayain ko. Para magkausap na rin kami," sagot ko pagkatapos tumingin sa phone ko. Baka may text si Andz na di ko lang napansin. Asa naman ako!

"Tara, samahan ka namin," si Jeff. "Pero hihiwalay kami ng table kapag kakain na." 

Tumayo na kami.

Patawid pa lang kami sa soccer field, natanawan ko si Bong sa kabilang side na may dalang rose... o mga roses? Di ako sigurado kasi medyo malayo sya. 

Kinabahan ako. 

He's heading towards the MP hall!

"Putang ina!" di ko napigilang sabihin. 

Nilakihan ko ang mga hakbang at nagmadali.

"Bakit?" habol nung tatlo.

"Si Castillo..." 

Di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nakita kong pasalubong sya kina Andz na kasama ang ibang choir members na naglalakad sa hallway between the locker area and the women's CR!

"Shit!" si Erol. 

Nakita nya na rin ang nakita ko.

"Bro, wag ka na muna lumapit. Meron pa kayong issue na di natatapos. Baka lalong lumala kapag kinompronta mo," si Jeff.

Huminto sina Andz. Nakita kong inabot ni Bong yung mga roses sa kanya! 

That son of a bitch!

Nag-usap sila sandali pagkatapos parang tinukso si Andz nung mga kasama nya bago nauna nang lumakad sa kanila. Nakatalikod sya sa akin kaya di ko alam kung natutuwa ba sya sa nangyayari o ano. 

Pero ang tarantadong si Castillo, kitang-kita ko na halos mapunit na anglabi sa ngiti!

We followed them from a distance. Enough na di nila kami mapapansin. Palabas sila ng campus. 

Mas ayos na yun na naglalakad sila kesa sumakay sila sa kotse ni Castillo. Pero di pa rin talaga okay! 

May ibang kasamang lalaki si Andz! Tangna lang!

Nag-text ako kay Andz. 


Asan ka?


Nakita kong dinukot nya yung phone nya sa bulsa at tiningnan. Pero ibinalik lang uli sa bulsa nya. 

This is not good!

Pumasok sila sa isang sikat na pizza and pasta house na malapit lang rin sa campus. Pumuwesto kami sa loob ng coffee shop katapat nun. Naupo kami sa tabi ng glass wall para tanaw namin yung dalawa.

"Order lang ako ng drinks natin," sabi ni Jeff. "Nakakahiya namang tatambay lang tayo dito." 

Pinagdiinan pa talaga yung salita. Tumayo na ito at nagpunta sa counter.

Si Bong lang naman ang mukhang enjoy na enjoy sa pag-uusap nila habang kumakain ng pasta. Mga tipid na ngiti lang ang binibigay sa kanya ni Andz at bihira ko lang nakitang bumuka ang nya.

"Erol, bili ka pa nga dun uli," sabi ni Mike. 

Pangalawang serving na namin yun ng frapp. 

"Tutubuan ako ng nerbyos kakasama ko dito ke Aris eh," biro nito. 

Hindi ako natawa. Pinanatili ko ang tingin sa pizza house.

"Bro, ayoko sana mag-advice sa iyo," sabi ni Mike, "Kasi iisipin mo, playboy style lang eh. Alam mo, kung nagagalit ka sa ginawa ni Maddie, dapat magpasalamat ka rin at the same time."

Doon ako napatingin sa kanya.

"Totoo, nakakagalit yung ginawa ni Maddie kasi nasaktan si Andz na makita nya yun. Wag na tayo maglokohan dito. With her reaction yesterday and the way she is behaving towards you now, she is hurting. Why is she hurting then? That is something that you should be thankful to Maddie. If that did not happen yesterday, di kayo pareho magkakaroon nang mas maliwanag na realization. In denial kayo pareho," mahaba nyang sabi.

"Gago, di ako in denial. Eversince alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Sinabi ko naman sa inyo noon pa, di ba? Di lang ako ready magtapat sa kanya. Baka layuan nya ako," salag ko.

"Ah, sorry naman. Di ka nga pala in denial. Isa kang dakilang torpe ... malaking duwag!" 

Napapangisi sina Erol at Jeff.

Tangna nito ni Mike. Isampal talaga sa mukha ko! Pero he's definitely making sense. Akala ko si Jeff lang ang matinong kausap sa tatlong ito.

"Dude, this is your chance. The best time to tell her, maliban sa Valentine's ngayon! Puta, ang baduy!" sabay tawa.

"Gago!" sabi ko.

"Kidding aside! You have to bank on her reaction yesterday and her sulking right now. She's vulnerable now. Madali mo yang mapapaamin kapag binigla mo. That's 100% guarantee!" mayabang nitong sabi. "Pero wag na ka humingi ng suggestion sa akin kung paano ang gagawin. Di mo magugustuhan!" 

Tapos tumawa ito na nakakaloko.

"The perks of having a player in the group!" sabi ni Erol at nag-high five pa ang dalawang bugok.

Pero dahil sa sinabi ni Mike, nagkaroon ako ng kaliwanagan ... at lakas ng loob!

"May gusto akong gawin but..." I looked at each of them. "I need your help."

==============

Don't forget to comment and vote on each chapter!

Thanks and hope you enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #b1ca