10 Cuffed
TINOTOO nga ni Aris na makikipagpalit sya ng slot nila sa Falcon's.
Simula last Tuesday, balik na kami sa routine namin na ihahatid nya ako pauwi, tapos saka siya pupunta sa practice nila ng banda. Kanina naman, sinundo nya ako sa bahay papasok sa school kahit mapaaga sya nang isang oras sa una nyang klase.
Kahapon kasi, nilapitan ako ni Bong nung free time ko. Nasa locker area ako para iwan yung libro kong ginamit nung umaga at kukunin yung libro ko para sa afternoon classes ko. Nauna na kasi sina Sarah sa KFC para pagsunod ko, naka-order na sila.
Inalok ako ni Bong na sumabay sa kanila ni Sarah tuwing umaga papasok sa school habang di ko pa namamaneho yung kotse ko. Nakita nya raw kasi na nag-commute ako papasok sa school kahapon.
Siya kasi ang kasabay ni Sarah papasok sa school kahit may araw na magkaiba sila ng sched. Tumatambay kasi si Bong kasama ang mga barkada nyang seniors somewhere kapag wala pang klase, or kahit walang pasok.
Tinanggihan ko.
Una, out of way sila dahil mas malapit ang bahay nila sa campus kesa sa amin. Malaking abala yun dahil kailangan pa nilang umalis nang mas maaga to pick me up. Dyahe!
Si Aris nga, Monday lang ako pumayag na susunduin ako dahil pareho sched namin, pati na yung paghahatid sa bahay pauwi. Maliban sa sinusundo nya ako kahit tinatanggihan ko sya dati. Nakasanayan ko na lang. Kaya ko naman sarili ko. Ang kulit lang talaga ni Aristotle.
Anyway, nakarating kay Aris yun. Malamang yung mga nakarinig na mga estudyanteng nakasabay ko sa locker area.
Ang nakakainis, iba yung lumabas na kwento. Tinanong ...rather kinompronta ako ni Aris about it noong sunduin nya ako after ng choir practice.
"May date daw kayo ni Bong," bungad agad sa akin paglabas ko sa multi-purpose hall.
"Ha? Saan galing yang balita?" nagulat ako.
"Sagutin mo yung tanong ko!" mataas ang boses nya.
"Teka muna, Aris. Una sa lahat, hindi ka nagtatanong kanina. You said it as if you were stating a fact...which is not a fact at all!" medyo nag-high pitch na rin ako.
"Inalok nya lang akong sumabay sa kanila ni Sarah pagpasok sa school. Tinanggihan ko kasi di naman ganun kakapal ang mukha ko. Masaya ka na?!" Asar na asar ako, kay Aris at sa mga tsismosa sa school.
"Kung gaganyanin mo rin lang ako, wag mo na ako ihatid pauwi. Wala akong inoobligang kahit na sino na gawin yan para sa akin!" bwisit na bwisit kong sabi at nilampasan ko sya.
Pucha! Nakapasok akong nag-commute, makakauwi akong magko-commute! Ganitong pagud na pagod ako, naku talaga!
Hinabol ako ni Aris, "Andz", tawag nya sa akin.
Hindi ko nilingon. Mas binilisan ko ang paglakad. Naiiyak ako pero pinigilan ko. Sa pagkakaalala ko, ito ang unang pagtatalo naming nagtaas kami pareho ng boses.
Malapit na kami sa hallway sa pagitan ng cafeteria at parking, nung abutan nya ako at hawakan sa braso.
"Andz, sorry," sabi sa akin.
Sinubukan ako bawiin yung braso ko pero di nya binitawan.
"Andz, naman. Sorry na. Nabigla lang ako."
Naiyak na ko. May kumawalang mahinang hikbi sa labi ko.
"Fuck," mahina nyang sabi. Hinatak nya ako paharap sa kanya at niyakap. "Sorry....sorry talaga."
Ilang segundo kaming ganun. May ilang estudyanteng napatingin sa amin at yung iba huminto sa di kalayuan.
Inangat nya yung mukha kong nakasubsob sa dibdib nya.
"Tahan na, sorry," pinunasan nya ng daliri nya yung luha ko sa mukha. "'Lika na sa kotse. Madami ng mata at tenga sa paligid."
Kinuha na nya yung hawak kong libro pati backpack ko. Pahapit nya akong inakbayan. Sumama na ako sa kanya. Alam nyang allergic ako sa mga tsismis.
Nag-stay muna kami sa loob ng kotse. Ilang minuto kaming di nag-usap. Kalmado na kami pareho nung magsalita sya.
"Sorry. Sorry talaga, Andz," kinuha nya yung kamay ko sa kandungan ko at pinagsalikop nya ng mahigpit.
"Sorry din kung napagtaasan kita ng boses," mahina kong sabi pero di ako tumitingin sa kanya.
"Hindi, kasalanan ko yun. Naniwala ako dun sa kumakalat na usapan sa campus," sinserong nyang sabi.
Tiningnan ko sya, "Alam mo namang chismis, pinaniwalaan mo pa. Sa susunod, tanungin mo muna ako. Yung tanong na maayos, ha."
"Sorry na nga eh."
"Kung totoo man yun, anong ikinagagalit mo, Aris?"
Natigilan sya sandali at mas mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
"Pinoprotektahan lang kita. Hindi maganda yung grupo na sinasamahan ni Bong."
"Tingin mo ba, gagawan nya ako ng masama?"
"Tsss... wag ka na ngang maraming tanong. Halika nga rito." binitawan nya ang kamay ko pero inakbayan ako pahapit sa kanya. Halos nakayakap na sya sa akin, "Basta, simula bukas, susunduin na rin kita papasok sa school, that's final."
So, ayun na nga. Ang aga ni Kumag sa school today.
Well, actually, wala naman sya gagawin since na di na kami regular classes ngayon dahil nag-start na ang mga booth ng mga estudyante at mga clubs sa school grounds. Ngayong Thursday ang simula at bukas ang closing, kasabay ng Valentine's Program.
Excuse na naman ang mga choir at dance troupe members sa lahat ng klase starting today. Last practice na namin mamyang after lunch at sabi ni Ms. Clara, isang run lang kami today at ibibigay lang yung mga isusuot namin. Para makapahinga kami nang mas mahaba at ma-enjoy namin yung mga booth at events ngayon.
Kakaasar lang yung prof namin sa first subject kasi nag-check pa ng attendance at nag-iwan nang babasahin namin para sa graded recitation next week.
Ang KJ! Tapos nilayasan na kami.
"Saan tayo? Nine pa lang," tanong ni Sam nung papalabas na kami ng classroom.
"Kayo. Basta kailangan nasa multi-purpose ako ng one to three pm mamya. Last rehearsal na namin," sabi ko.
"Tingin tayo sa mga booth sa baba," yaya ni Sarah. "Baka may magustuhan akong bilhin."
Napangiwi ako at si Rika.
"Tsss. Mahuli pa tayo sa mga booth doon,"sabi ni Haponesa.
"Yun nga yung thrill doon," sabat ni Sam.
Nag-vibrate ang phone ko. Text galing kay Aris. Nasa cafeteria raw sila kasama ang mga kabanda nya at ilang kaklase. Pinapupunta kami doon.
Napangiwi uli ako. Kasi, madadaanan namin ang maraming booth sa soccer field at parking area bago makarating sa cafeteria. Malayo masyado kung iikot kami sa Med building kung gusto naming umiwas. Marami nang nagkalat na estudyante at mga marshals, kumpara kaninang umaga pagdating namin.
Sinabi ko sa mga kasama ko ang text sa akin.
"Let's go," biglang yaya ni Rika. Akala ko ba ayaw nitong mahuli sa mga booth. "Sigurado ako, andun si Mike."
Sinasabi ko na nga ba.
Di pa kami nangangalahati sa soccer field, may sumalubong na sa aming dalawang matatangkad na lalaki na may dalang posas. Parang sa basketball team ang mga ito.
Napaatras ako sa likod ni Sam, pero napansin ko na meron din palang dalawa pa sa likod. So apat sila lahat.
"Mga miss... dalawa lang ang kailangan namin. So..."
"Ako na lang," volunteer ni Sam.
Napasimangot yung isang nanghuhuli. May binulong sa kanya yung isa nyang kasama at inginuso ako.
Shit!
"Ikaw si Andromeda, di ba?" di ako nagsalita. Binuo talaga eh!
"Sya nga," sabi ni Sarah.
Pinosasan agad ako nung isa. Potek talaga!
"Ito na lang yung isa," sabay posas kay Rika, "Cute ng mata."
Kinilig ba si Kuyang Matangkad kay Rika?
"Teka," apela ko, "Si Sarah na lang. Sya mahilig sa ganito."
Tinuro ko si Sarah.
"Di sya pwede ngayon sa booth namin."
"Bakit? Unfair yun!" sabi ni Rika.
"Basta! Tara!"
Hinatak na kami. Pwede bang sumigaw ng kidnap dito?
Nasa medyo gitna ng field yung booth nila. May tatlong upuan akong nakita sa booth nila at may kurtina sa likod. May isa nang nakaupong seksing babae. Sexy, kasi naman konti na lang, luluwa na yung kinabukasan nya sa baba ng neckline nya tapos naka mini-skirt sya na sa maling galaw ng legs nya, matatanaw na ang langit. Hihih!
Nahiya naman ako sa suot kong blue jeggings at striped white and blue polo na lampas sa hita ko ang haba. Si Rika nga naka simpleng jeans lang at tube with cardigan.
So, pinaupo kami ni Rika doon sa dalawa pang bakante pero nakaposas ang kamay namin sa sandalan nung upuan. Mga sigurista!
"Okay, start na tayo," sabi nung isang bantay sa booth.
May hawak syang parang queue card at inabot doon sa likod. May isa pa palang participant sa likod na solong nakaupo. Teka, parang....
"Okay, welcome sa Dating Booth ng Varsity Basketball Team. This is just for fun. Walang pikon sa mga may girlfriend at boyfriend," sabi tapos tumikhim sya. "Sa rules, our three ladies in front are Searchee 1, 2 and 3."
Number three ang nasa upuan ko. 'K, fine!
"Bawal magsabi ng pangalan. Kung ano lang ang tanong, yun lang ang sasagutin. Kailangan may sagot. Mayroon lang dalawang tanong tungkol sa inyo at tatlong tanong na what will you do or what if. Si Mr. Searcher, ikaw ang bahala sa dalawang unang tanong pero sa tatlong tanong, kung ano lang ang nasa card, yun lang ang itatanong. After nang Q & A, pipili na si Mr. Searcher."
OK, fine! Wala ba silang maisip na mas original na concept dito?
I rolled my eyes. Sorry, I can't help it.
"So, si Mr. Searcher at yung mapipili nya, isang oras po kayong ipoposas dito sa Campus. Bahala kayo kung saan nyo gusto mag-date sa isang oras na yun. May escort kayong marshal para masigurong walang iistorbo sa inyo."
Ano daw!? Napa-facepalm na lang ako.
"Sa ChemLab. Walang tao dun ngayon," sigaw nang isang audience.
Nakteteng talaga! Nag-uumpisa nang pagkumpulan ng mga spectators ang Dating Booth na ito. Si Rika, nakasimangot sa tabi ko, pero itong si Ms. Sexy, ngiting-ngiti.
Pucha, nagse-selfie pa.
Si Sarah at Sam, bungisngis nang bungisngis sa harap ng booth tapos kinukuhan kami ng picture.
Nakakahiyaaaa!
Nagsimula nang magtanong yung lalaki sa likod kay Ms. Sexy pero di ko napagtuunan ng pansin dahil nag-vibrate yung cp sa bulsa ko.
Tumatawag si Aris.
"Asan na kayo?" sabi nya pagsagot ko sa phone.
Hindi ko na nagawang sagutin dahil hinablot nang isang marshal ng Dating Booth yung phone ko.
"Bawal na mag-cellphone pag-on going yung game," nakangising sabi.
Ang sarap bigwasan kaso lang ang tangkad. Lugi ako pag nagkataon.
"Number three," tawag sa akin nung parang parang host.
"Ha?"
"Pare, pakiulit nga nung tanong," sabi nya dun sa participant sa likod.
Turn ko na pala.
"Ano'ng course mo at year dito sa St. Margaret," ulit nya.
Teka, parang pamilyar yung boses nung lalaki.
"B.S. HRM, second year," matipid kong sagot.
Itinanong na yung pangalawa. Nakita ko si Sarah na may kausap sa phone nya pero nakatingin sa akin. Tinuro nya yung phone nya and she mouthed,
"Si Aris."
Naku, naghihintay nga pala sila!
"Number three,"
"Ha?"
"Tsk! Di ka naman nakikinig. Pare yung tanong nga uli," parang naiinis na yung host.
"Member ka ba nang isang group or sorority dito"?
"Sa choir," sagot ko.
Sa pangatlong tanong ni kuya sa likod,"What is your favorite part of your body and why?"
Eto na yung mga awkward questions.
"My long legs, because they will be good around your waist." Si Ms. Sexy.
Nagsipulan yung mga manyakis na nanonood. Parang gusto kong sipain itong babaeng ito eh. Di na nahiya. Ang daming nanonood.
"My eyes, kasi they get me identified as Japanese," sagot ni Rika.
"My hands," sabi ko.
Naghiyawan ang mga pesteng lalaki. "Fuck man! You'll have fun with her pretty little fingers!"
Ang bastos nito ah!
" Excuse me, I play the piano well that's why I love my hands, you jerk!" sikmat ko sa kanya.
Nagtawanan yung mga nanonood at may bumatok dun sa lalaking kasagutan ko.
"Hey, knock it off," saway ni kuyang Searcher. Pamilyar talaga ang boses nya.
"Pwede ba, Sam, wag mo na ito i-video?" sita ko kay Tukling.
"Oo nga," sabi ni Rika.
"It's fun kaya!" ngumuso si Sam.
Pang-apat na tanong naman was, "Why should I choose you?"
Si Ms. Sexy, "You will regret it if not."
Si Rika, "Kahit wag mo na ako piliin,"
Ako naman," Si number one na lang piliin mo."
"Ang KJ naman! " may sumigaw sa audience.
Nakita ko na dumating si Aris, kasama ang mga kabanda nya. Buti di nya inabutan yung bastos na lalaki kanina. Naku, malamang magagalit itong si Aristotle!
Nung magtama tingin namin, nakakunot–noo sya. Helpless ko syang tiningnan at ipinakita yung kamay kong naka-posas sa upuan. Tapos may sinabi sa kanya si Sam na di ko nadinig dahil ang ingay nung mga nanonood.
Sa huling tanong ,"If I choose you, where in the Campus do you want to spend that one hour cuffed with me?"
Si Ms. Sexy, "Sa ChemLab. Sabi nung isa kanina, wala raw tao dun ngayon."
Hiyawan na naman ang mga nanood. Si Aris, tumalim ang tingin sa stage.
Si Rika, " Sa cafeteria, pagmeryendahin mo ako."
Ako naman, "Wala, o kaya dito na lang rin sa booth. Iba gusto kong ka-date," sagot ko at napatingin ako kay Aris.
Nagpigil sya ng ngiti.
"Puta, pare. Busted ka," mahinang tukso nung host dun kay Mr. Searcher. Pero narinig ko.
"Fuck you, man!" sagot ni Mr. Searcher..
"Okay, that concludes our Q & A portion," ang sabi sabay inangat nung host ang kamay nya para patahimikin ang mga nanonood. "So, Mr. Searcher, sino napili mo? "
Maraming sumisigaw nang number one.
"Si number three!" sigaw mula sa likod.
Nanlaki mata ko, nanlumo si Ms. Sexy, nakahinga nang maluwag si Rika, pumapalakpak na tumatawa sina Sarah at Sam ... at si Aris, di ko maipinta ang mukha!
"Sabi ko na eh. Nagsayang pa tayo ng laway dito," sabi nung host. "Labas na dyan, dude!"
Narinig ko ang pagtayo ni Mr. Searcher at paglabas nya mula sa likod ng kurtina.... Si Bong!
Please, not him!
Napatingin kay Aris.
Shit! Ang dilim aurang nakapalibot sa kanya!
Naramdaman ko na lang na kinalas yung posas na nakakabit sa upuan ko at inilipat sa wrist ni Bong.
Shit talaga! Si Aris, galit na yun! Nag-aalala kong sabi sa sarili ko.
Nakita kong inakbayan ni Jeff si Aris. Si Mike at Erol naman, tinapik sya sa balikat.
"Hey," tawag ni Bong sa atensyon ko.
Nalipat ang tingin ko sa kanya.
"Cafeteria na lang tayo. Snacks lang after one hour balik tayo dito," sabi sa akin.
Napatingin ako kay Aris tapos kay Bong uli bago alanganing tumango. May kasunod kaming Dating Booth marshal.
Kinambatan ko sina Aris na sumama pero hinarang sila nung marshal.
"Dude, bawal istorbohin ang nagde-date. Isang oras lang naman," ang sabi.
==============
Don't forget to comment and vote on each chapter!
Thanks and hope you enjoy!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro