Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER THREE

"SAAN ka ba kasi nag-sususuot, Bakla? Alam mo bang kanina pa 'ko hanap ng hanap sa 'yo!?" Binitawan ni Cress ang kamay ko nang makalayo-layo na kami sa bar.

Naiiyak akong yumuko. "Pasensiya ka na, Cress. Hindi na talaga mauulit." Umiling-iling ako.

"Gaga. Talagang hindi na. Kasi hindi naman na talaga tayo babalik ng bar, 'no. Echosera ka, parang gusto mo pang bumalik, ah." Aniya. "Pero saan ka nga nag-punta kagabi? Napansin ka raw pumasok ng kaibigan ko sa room? Anong... klaseng room?"

Nag-angat ako ng tingin nang maging kalmado ang boses niya. Ngunit hindi nawawala ang pag-tataka at pag-aalala doon.

"Ano...." Napakamot ako sa ulo. "Naiihi kasi ako noon, Cress. Tapos nung tumayo ako, parang pumipitik 'yung ulo ko---"

"Anong ulo? 'Yung sa taas o sa baba?" Natatakang pag-putol niya.

"Ha? May ulo ba sa baba?" Naguguluhang tanong ko.

"Meron, bakla." Bumuntong-hininga siya. "Ituloy mo na nga chismis, puro ka ka-inosentehan diyan."

Ngumuso ako. "Yun na nga, tumayo ako sa kinauupuan ko, tapos, pumipintig nga iyong ulo ko. Hindo muna ininda ang ulo ko kasi nga naiihi na 'ko---"

"Wala na bang mas interasanteng pakinggan diyan sa kwento mo? Inaantok agad ako sa paraan nang pag-sasalita mo, Lili." Nakasimangot na ani Cress.

"Ano ba kasing gusto mong malaman?" Mahinang tanong ko.

"Gusto kong malaman kung saan ka galing kagabi at hindi kita nakita? Jusko, ah. Sayang iyong lalaki ko kagabi at hindi ko na-diverginized dahil busy ako sa paghahanap sa 'yo kagabi. Sayang naman, feeling ko pa naman malaki ang saging no'n."

Napayuko ako. "Pasensiya na, Cress. Pasensiya na talaga."

"Pasensiya na naman." Tila pagod na aniya. "Gaga. Tinatanong pa kita, saan ka nga nanggaling kagabi? Ang ibig kong sabihin, saan ka nanggaling kanina? Anong kwarto, gano'n? May kasama ka ba sa loob? Anong ginawa niyo?" Sunod-sunod na tanong niya habang matiim na nakatingin sa akin.

"Ano... doon sa parang sikretong kwarto.... ano... may kasama akong lalaki---"

Naputol ang sasabihin ko nang magtanong na naman siya.

"Anong ginawa niyo sa loob ng kwarto?" Pinanliitan niya ako ng mata at tila sinusuri ako.

Nakamot ko ang ulo. Naglaro lang naman kami sa kwarto. "Ano... naglaro kami sa kwarto, Cress..."

Nangunot ang noo niya. "Ha? Ano namang nilaro niyo, Bakla?" Naguguluhang tanong niya.

"Hard geym 'yon, e. Atsaka masakit sa pang-upo..." Bulong ko at mahinang napadaing nang biglang kumirot ang butas ko.

"LILI!" Natakpan ko ang tenga nang biglang tumili si Cress, naagaw niya tuloy ang atensiyon ng mga naglalakad.

"Ano ba 'yan, Cress. Ang ingay ng tili mo." Suway ko rito.

"Gaga ka! Na-unahan mo pa 'kong makarating sa rurok ng kalangitan! Pvnyeta, e mas malandi ako sa 'yo pero virgin pa rin ako." Napahilamos siya na tila kinaka-awaan ang sarili. "Omg. I-kwento mo nga, kung anong ginawa niyo sa kwarto, Lili."

Napailing-iling na lang ako. Wala akong maintindihan sa sinasabi niyang naunahan ko daw siya sa langit? Eh, sa aming dalawa, siya nga itong palaging kalaro ng mga bata sa laro nilang hard geym din, minsan kasi hindi ako nakakasali dahil nag-iikot ikot ako at nag-bebenta ng basahan. Pero tila mas masakit yata itong nilaro ko ng kasama ng lalaki.

"Ano.... naalala mo 'yong pipanood ng tambay sa atin? 'Yung babae tsaka lalaki?" Mahinang tanong ko kay Cress.

Napalunok siya at tumango. "Oo. 'Yung pørnhub. 'Yun lang naman pinapanood nila kapag may load."

Napabuntong-hininga ako. "Gano'n nga ang ginawa namin, nag-laro kami ng hard geym. Pinasok niya kasi, e. Ang sakit tuloy ng pwët ko."

Nanlaki ang mata niya. "Na-divergenized ka niya?!" Tila hindi makapaniwalang tanong niya. Hindi ako makasagot dahil hindi ko siya maintindihan. Hinawakan niya ang kamay ko "Ano? Gwapo ba? Mabango? Mayaman? Anong itsura?"

Dahan-dahan akong tumango. "Mukha siyang mayaman, Cress. Mabango naman, masiyado lang matapang ang amoy. At higit sa lahat, magandang lalaki siya Cress. Sa tingin ko, kapag nakita mo siya, gusto mo siyang yakapin dahil sa malalaking pandesal at mga muscle sa katawan niya. Parang ang sarap yakapin no'n."

"Gaga ka. Hindi mo ba nayakap 'yung lalaki?" Malaki ang matang tanong niya.

Ngumuso ako. "Nayakap ko siya, ang init ng katawan niya, Cress. Feeling ko napapaso ako kapag nakadikit ako sa katawan niya."

"Oh, nayakap mo naman pala, e." Napangiwi siya. "Masarap ba?"

"Yung nilaro namin?" Tanong ko.

"Ay, hindi. Baka 'yung nilaro ko. Malamang 'yung ginawa niyo ng lalaki ang tinatanong ko." Sarkastikong aniya.

"Ano..." Napag-laruan ko ang daliri ko. Ano? Masarap ba? Nasarapan ba 'ko? "Oo, Cress. Nung una, sobrang sakit. As in, parang nahahati ang katawan ko, pero nung naglabas-pasok na siya sa loob, parang may magic, ang sarap-sarap ng pag-baon niya."

"Ahh!" Muling napatili si Cress. Nakatakpan ko ang tenga. "Kilala ko ba 'yang lalaki? Nakita mo bang naging nakasama ko?"

May mga nakasama si Cress na mga mayayaman, nagiging kaibigan pa niya, ngunit ni-isang beses ay hindi ko pa siya nakitang kasama iyong lalaking kalaro ko kagabi.

Napailing ako. "Hindi. Hindi ko kayo nakitang mag-friends, pero parang nakita ko na 'yung mukha nung lalaki. Sa tv yata?" Naguguluhan kong tanong sa sarili.

"Ano! Sa tv? Bakit, sino ba 'yan? Artista ba?" Tanong niya.

Umiling aki ulit. "Hindi ko alam. Basta, parang nakita ko na siya. Pero parang sa Tv nga? Hindi ko alam, e. Nakalimutan ko na." Nakamot ko ang noo.

"Gaga ka talaga. Ang swerte mo bakla at posibleng artista nga ang nakauna sa 'yo!" Nakangiwing aniya. "Sa bahay na lang nga natin ipag-patuloy ang chismis mo. Umuwi na muna tayo."

Napatango ako at nag-simula na kaming maglakad ni Cress pauwi sa lugar namin. Napatingin ako sa kapaligiran kung saan maraming mga sasakyan at mga taong dumadaan kung saan-saan.

Ilang minuto lang ang nakalipas noong mapadpad kami sa mga malalaking litrato ng mga artista. Karamihan ay mga lalaking walang damit at talagang litaw na litaw ang kanilang gandang lalaki.

Natigilan ako nang may mapansin. Iyong lalaking kasama ko kagabi.... siya 'yun! Kasama siya do'n sa mga litrato! Siya ang may pinaka-malaki kaysa do'n sa ibang katabing picture.

"Cress... Cress, tingnan mo." Itinuro ko litratong may kamukha ng kasama ko kagabi. "Ganiyan. Ganiyan na ganiyan ang mukha nung kasama kong lalaki kagabi sa kwarto."

Napanganga si Cress. "Nagbibiro ka ba?" Natatawang tanong niya. "Gaga. Ang isan Knight Andrius? Ang nakauna sa 'yo kagabi?" Hindi mapigil ang pag-tawa niya.

May naalala ako. Iyong lalaking pumasok kanina sa kwarto, iyong pinag-taguan ko.  "Knight. Knight ang tawag nung Evan doon sa kasama ko kagabi. Tapos tinawag niya ring Fulgencio."

Unti-unting natigil ang pagtawa niya. "Tngina. Totoo ba?!" Malakas niyang tanong sa akin. Do'n  ko lang napagtantanong naka-hinto na naman pala kami sa pag-lalakad.

Tumango ako. "Mmm. Tapos mas pogi pa siya personal. Pati yung Evan, pogi rin. Pogi sila parehas."

Sumimangot siya. "Hoy, baka ini-echos mo lang ako, ah? Gusto mo bang sampalin kita ng 360 degree?"

"Hindi kita niloloko, Cress." Hinawakan ko ang damit na suot ko. "Itong damit na 'to, doon ito galing sa Knight."

Tila literal na nalaglag ang panga niya. "Tumalikod ka nga, Bakla."

Sinunod ko ang sinabi niya at narinig ko ang malakas niyang pag-singhap na animo'y may nakita sa likod ko.

"Bakit?" Tanong ko nang nakatalikod pa rin.

"Bakla..." Pinaharap niya 'ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Congrats, at isang Knight Andrius Fulgencio ang naka-una sa 'yo." Nagda-drama niyang pinunasan ang luha niya namang wala.

Napanguso ako. "Ha? Naka-una? Nag-laro lang naman kami."

Napailing-iling siya. "Pvnyeta ka naman, e. Puro ka ka-inosentehan diyan, e. Halatang mura ang isip mo, 'te."

"Eh, wala naman akong alam sa mga yan, e. Mag-benta na lang ako ng basahan."

"Ang gaga mo talaga, Bakla." Umirap siya. "Ano? Malaki ba siya? Anong size niya? German size ba? Brazil? American? Ano?" Hinawakan niya ang kamay ko at nag-simula kaming maglakad ng dahan-dahan.

"Ano bang malaki?" Naguguluhang tanong ko aa kaniya.

"Shunga. Di ba pinasok niya sa butas mo kagabi? Gaano 'yun kalaki?" Nanunuri ang tanong niya.

"Ano..." Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga pangyayari kagabi. Gaano kalaki ang pinasok nung lalaki sa 'kin? "Ano... Cress, sobrang laki niya. Malaki siya Cress, ang haba niya. Masakit din."

"Gaano 'yun kataba?" Nanlalaki at namamanghang tanong niya.

"Kasing taba ng braso ng sanggol, Cress." Nanlalaki ang matang sagot ko. "Masakit sa una, pero pasarap naman ng pasarap."

"Tvngina, sa laki niyang 'yun? Nabuhay ka pa?" Namilog ang mata niya. "I mean, nakatayo ka pa?"

Alanganin akong tumango. "Kahit masakit ang pang-upo ko, tumakas ako sa kwarto kasi dumating 'yung Evan. At saka, alam kong nag-aalala ka na sa 'kin, kaya napag-desisyunan kong lumalabas at hanapin ka."

"Aoh." Nagdadrama niyang pinunasan ang wala namang luha sa mga mata. "Na-touch naman ako sa 'yo, Bakla. Pero sana humirit ka pa ng round 2 bago ka umalis."

Nakamot ko ang ulo sa hindi alam ang tamang isasagot kay, Cress.

"Halika na nga. Umuwi na tayo at maghahanap pa ako ng daddy--- este magbebenta ka pa ng basahan." Hinawakan niya ang aking braso at magka-agapay kaming nag-lakad.

"Grabe, ang swerte mo talaga, gurl! Biruin mo? Isang Fulgencio ang tumira sa 'yo? Lasap na lasap ang heaven no'n, for sure!"

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinag-sasabi ni Cress habang nag-lalakad kami pauwi. Bukod sa hindi ko maintindihan ang sinasabi niya, ay talaga namang wala akong makuhang tamang isagot sa kaniya.

"Dapat talaga, mag-aral ka ng sëx education, e. Para hindi puro kahinhinan at ka-inosentehan ang alam niyang katawan mo."

Nag-simula na naman siya mag-salita at wala na naman akong naintindihan. Nginiwian ko na lang siya.

"Ok. Kapag nasa bahay niyo na tayo, ituturo ko sa 'yo ang mga dapat mong malaman pagdating sa sëx. Mga different positions. Pero for me, dog style talaga ang pinaka-masarap, e. Oh, pak!"

Napailing-iling na lang ako. Wala akong maintindihan. Ano ba ang dog style na 'yan? Masiyado siyang pala-desisyon.

"Bilisan mo naman maglakad para maka-uwi na tayo. Excited na 'kong mag-turo sa 'yo! Omg!" Tila excited na aniya at mas binilisan pa ang pag-lalakad habang hawak niya ang braso ko.

"Sino ang mga iyan?"

"Anong ginagawa nila sa bahay ni, Lili?"

"Jusko, baka drug lord na iyonh si Lili at huhulihin na nila."

"Hindi. Mabait na bata si, Lili. Maayos at mabait siyang bata."

Nangunot ang noo nang makarating kami sa lugar namin. Halos lahat ng kapitbahay namin ay nasa tapat ng bahay ko at nakiki-usyoso. May mga bulungan na rin akong narinig ngunit lahat ng iyon ay hindi ko maintindihan dahil sabay sabay sila. Hindi ba pwedeng isa-isa lang muna?

"Anong nangyari mga, Kumare?" Tanong ni Cress nang madaan kami sa mga kapitbahay naming bakla.

"Hinahanap si Lili." Sagot ng isang bakla at tumingin sa akin.

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Bakit daw?" Mahinang tanong ko.

"Malay ko."

"Masama ang kutob ko dito, Lili. Ilang beses ko na silang nakitang inaabangan ka sa bahay mo." Ani Cress at seryosong hinawakan ang kamay ko. "Umalis na muna tayo dito. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito."

Tumango ako at marahan kaming nag-lakad paalis sa lugar namin. Ngunit bago kami makaalis ay isang lalaki ang sumigaw na siyang naging sanhi upang magka-gulo ang mga tao.

"Tago!" Sigaw ni Cress at itinulak ako sa likod ng isang sasakyan. "Ahh!" Nakita ko kung paano umagos ang dugo mula sa braso niya. "Tvngina. Daplis lang." Aniya. "'Wag kang lalabas diyan, Lili." Mahinang bulong niya at medyo lumayo sa 'kin.

Nakita kong tinutukan siya ng baril ng lalaki. "Nasaan si, Lili?" Mariing tanong ng lalaki kay Cress.

"Nasa pwet ko, kumakain." Nang-aasar na sagot ni Cress.

Bumwelo ang lalaki at tila ipuputok na ang baril sa kaibigan ko. "Tvngina mong, bakla. Hindi ako nakikipag-biruan sa 'yo, ah. Nasaan si lili? Sabihin mo sa 'kin kung ayaw mong pasabugin ko ang utak mo."

Ngumisi ang kaibigan ko "Pero sisiguraduhin kong mauuna kang sumabog... sa loob ko." Tila gustong pikunin ni Cress ang lalaki.

"Pvtangina mo talagang bakla ka!" Galit na anang lalaki at akmang ipuputok na sana ang baril kay Cress nang biglang mabilis gumalaw ang paa ng kaibigan ko at tila ekspertong inagaw ang baril gamit ang paa niya.

"Sabi ko naman sa 'yo, e. Ikaw ang unang puputok... ang bungo." Seryosong ani Cress at itinutok ang baril sa lalaki. Nagka-baliktad na sila ng posisyon ngayon.

Hindi ko pa nakikitang ganiyan si Cress... hindi ko alam na gano'n siya kagaling... na mabilis siyang kumilos pagdating sa isang emergency payt. Madalas kasing puro kalokohan ang laman ng bibig niya at hindi mo mawari kung seryoso ba siya o nag-bibiro lang.

"Ibaba mo ang baril mo, Bakla." May narinig na naman akong panibagong boses.

"'Wag kang lalapit kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo ng kasama mo." Tila hinostage ni Cress ang lalaking bumaril sa kaniya kanina.

"Matagal ko ng gustong saktan ka, Ravi. Kating-kati na akong patayin ka, matagal na." Anang lalaki kay Cress, tila boses baliw ito.

Ravi? Sinong Ravi?

"Tss. Alam mo ang consequences kapag nasaktan ako, Crocodile." Sagot naman ni Cress at ngumisi. "Hindi mo gugustuhing makita si Del Valle ng galit kapag nalaman ang ginawa niyo sa 'kin." Napangiwi siya at tiningnan ang tama niya ng baril.

Si Cress si Ravi? Teka... naguguluhan ako. Wala akong maintindihan.

"Wala ng pakialam ang lalaking 'yun sa 'yo, Ravi. Tingnan mo, nasaan ba siya? Bakit hindi ka niya iligtas ngayong malapit ka ng mamatay?" Nang-aasar ang tono ng lalaki at narinig ko ang pagkasa ng baril.

"Nandiyan lang siya sa paligid. Nararamdaman ko siyang palaging nakatingin. Isa pa, alam niya kasing kaya ko ang sarili ko kaya paniguradong hindi 'yun magpapakita." Napapangiwing anang kaibigan ko.

"Ahh!" Sigaw nung hawak ni Cress nang biglang magpa-putok ng baril iyong tinawag niyang Crocodile, iyong lalaking hinostage ni Cress ang natamaan at bumagsak sa sahig.

Itinutok ni cress ang baril sa lalaki at batid kong itinutok rin nung crocodile ang hawak niyang baril kay Cress.

"Ravi. Ravi. Ravi. Ang isa sa pinaka-magaling na tao ng organisasyon."

"Crocodile. Crocodile. Crocodile. Ang mukhang crocodile ng organisasyon." Pang-gagaya ni Cress sa lalaki.

Teka, sino ba talaga si Ravi? Bakit tinawag ng lalaki na Ravi si Cress?

"Sabihin mo nga sa 'kin. Bakit hinahanap niyo si Lili? Anong kinalaman niya sa inyo?" Matapang na tanong ni Cress sa lalaki.

"Sa amin, wala. Pero sa organisasyon, oo." Sagot ng lalaki. Wala akong maintindihan.

"Paanong may kinalaman si lili sa organisasyon?"

"Hindi ko alam." Batid kong napailing-iling ang lalaki. "Napag-utusan lang kami ng mga nakaka-taas. Ikaw kasi. Trinaydor mo ang organisayon kaya hindi ka na updated. Tandaan mo, pinag-hahanap ka na rin at pinapapatay ng Chairman."

"Sa dami ng pinag-daanan ko sa loob ng impeyernong pvtanginang organisasyon na 'yan, ngayon pa ako matatakot sa kamatayan?" Ngumisi si Cress. "Kalokohan." Napailing-iling siya. "Hindi ko sa 'yo ibibigay si Lili kahit buhay ko pa ang kapalit. Hindi ko ibibigay ang kaibigan ko. Hindi." Naging mariin ang paghawak ni Cress sa baril.

"Cress..." mahinang bulong ko. Nanubig ang mata ko sa sinabi niya. Kahit kailan, hindi niya ako hinahayaang masaktan, palagi niya akong pinoprotektahan.

Akmang tatayo na sana ako at lalabas mula sa likod ng sasakyan nang biglang may humawak sa braso ko.

"Ikaw..." Mahinang bulong ko sa sarili at napasinghap. Mabilis kumalat sa ilong ko ang matapang niyang pabango.

"Bakit ka umalis ng kwarto?" Seryosong tanong niya sa 'kin. Napaawang ang labi ko at hindi makapag-salita. Napatitig lang ako sa gwapo niyang mukha. May inilabas siyang parang bote sa kaniyang bulsa at hinagis iyon sa kaharap ni Cress.

Nakita kong umusok iyon at kumalat sa paligid.

"Tara na." Nanlaki ang mata ko nang binuhat niya ako. Hindi ako makapalag. Mabilis siyang nag-lakad palayo sa lugar namin.

"Si Cress..." Bulong ko. Nakasunod kaya amg kaibigan ko? Sana nga. Dahil alam kong sa lalaking ito magiging safe ako, magiging safe kami.

"He will be fine." Aniya at sinulyapan ako bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Knight Andrius Fulgencio..." Mahinang bulong ko at kumapit sa leeg niya.

To be Continued...

---

Natatawa ako kay Cress, parang kaugali ko siya emz. Hahaha! Anyway! Para maging updated kayo kay Lili at Knight, i-follow niyo ko! Ang hindi magpa-follow, hindi makakatikim ng isang Knight Andrius Fulgencio. Hahaha! Omg. K bye!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro