CHAPTER SIX
A/N: Ang hindi mag-follow, hindi papasa ngayong sem. Emz. Hahaha. Hahaha. Happy 1.16K reads kay, Lili at Knight! Salamat sa pagbabasa, barbies! Love you! Xoxo.
***
"TAMA NA 'yang kalandian niyo, Knight. Bumaba kayo dito!"
Napabalikwas ako at naitulak ko si Knight ng wala sa oras nang biglang isang malakas at malalim na boses ang sumigaw mula sa ibaba. Ano ba kasi itong ginagawa namin? Bakit kami nag-hahalikan? Bakit pumapayag ako sa gusto niya?
"Fvck it. Damn you, Kobe." Mariing bulong ni Knight at napapikit bago siya tumayo para alalayan ako. "Mamaya ko na nga lang itutuloy. Bumaba na tayo, hinahanap na tayo ni, Master Kobe." Nakasimangot na aniya.
Hindi na lang ako nag-salita habang inaalalayan niya 'kong maglakad palabas. Muli akong napakapit sa leeg niya nang mag-umpisa siyang bumaba ng hagdanan.
Nang tuluyang makababa ay isang lalaking nakasuot ng pormal na damit ang nakasalubong namin. Matalim itong nakatingin sa amin. Nag-iwas ako tingin at ibinaling sa mga matatayog na puno ang atensiyon. Nakakatakot talaga ang kaniyang presensiya. Ang bigat.
"What's wrong with you, Kobe? I'm enjoying my stay in your place earlier, and you disturbed me." Napairap si Knight at hindi binibitawan ang bewang ko.
"Fvck you, Knight Andrius. You don't like nature because you grew up in the city. Isa pa, hindi ka nag-eenjoy sa lugar ko, nag-eenjoy ka diyan sa kasama ko." Malalim na anang kapatid niya at tinaliman siya ng tingin.
"Blah. Blah. Blah." Walang ganang ani, Knight. "Bakit kasi nandito ka pa? Akala ko ba, may pupuntahan ka pa?"
"Alam ko ang gagawin mong kalokohan kapag nawala ako, Knight Andrius Fulgencio." Malalim na ani Kuya Kobe. "Nakakadiri ka." Nandidiring aniya pa. "Pagpahingahin mo 'yang batang kasama mo, akala mo naman baldado 'yan kung makakapit ka sa bewang. Tsk."
"Hayaan mo na nga ako. Umalis ka na dito, 'wag mong susubukang mag-dala ng babae dito hanggat nandito kami ni Lili, sisiguraduhin kong malalagot ka kay, Mama at Papa." Pinanlakihan niya ng mata ang nakakatandang kapatid.
"Edi sa condo, sa hotel. Ang daming paraan, little brother." Ngumisi si, Kuya Kobe. "Two weeks na rin simula nung last sex ko, naipon na ang katas ko, kailangan ko ng ilabas."
"Just use condom, para safe. Mamaya makabuntis ka pa." Nakangiwing ani, Knight. "Kung ayaw mo naman mag-condom dahil mainit sa pakiramdam, try to fvck a man." Mapang-asar ang tono niya.
"Yuck. Shut up. That's disgusting." Nandidiri itong umirap at pinag-krus ang mga braso. "Basta, 'wag kang gagawa ng kalokohan dito sa pamamahay ko, baka mapatay kita ng wala sa oras kapag nagka-taon."
"Tss. Behave na nga ako, e. Basta tabi kami ni Lili sa kwarto, wala tayong problema." Ngumiti ng nakakaloko si Knight at bahagyang pinisil ang bewang ko.
Pinanlakihan siya ng mata ni, Kuya Kobe. "Hindi. Hindi pwede. Iyang bata, sa guest room. Ikaw, sa kwarto ko, do'n ka matutulog."
Napasimangot si, Knight. "Ayoko. Hindi ko pwedeng iwan ang Lili ko." Kunwari niya pa akong niyakap.
"Gago ka, isip bata. Kadiri ka talaga. Subukan mo lang siyang tabihan, tatamaan ka talaga sa 'kin." Bumuo ng kamao si Kuya Kobe.
"Tss. Paano mo naman malalaman kung aalis ka?" Nang-aasar na tono ng nakababata niyang kapatid.
Napangiwi si, kuya Kobe. "Secret." Napangisi siya. "Marami akong mata dito sa paligid." Tumingin siya sa paligid at maya-maya pa ay lumapit siya sa amin. "I'm watching the both of you."
Napalunok ako. Parang nakakatakot ang boses ni Kuya Kobe. Tila may pagbabanta. Dapat talaga hindi kami mag-tabi ni, Knight. Baka ako naman ang pagbuntunan niya, mahirap na. Makikitira na nga lang ako dito.
"'Wag mo namang takutin si, Lili." Napatingin sa akin si, Knight. "Ayos ka lang? Pansin kong kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Napailing ako. "Ayos lang ako, 'wag kang mag-alala." Mahinang sambit ko. "Gusto ko ng magpahinga."
"Right." Muli siyang bumaling sa nakatatanda niyang kapatid. "I'll just take this kid to the guest room, then, I'll borrow your laptop so I can work while I'm here."
Napatango si, Kuya Kobe. "Ok. Sa kwarto ka na mag-trabaho. 'Wag kang mag-alala, malinis 'yon."
Napangiwi si, Knight. "Dapat lang." Aniya at mahigpit na hinawakan katawan ko para alalayan. "Sige na. Umalis ka na. Kami na ang bahala dito."
Isang tango na lang ang isinagot ng nakatatanda niyang kapatid bago niya ako inalalayang maglakad papalapit sa malaking bahay para makapag-pahinga na. Ang daming nangyari ngayong araw. Hindi pa ma-proseso ng utak ko ang mga pangyayari mula kanina. Pakiramdam ko, lutang na lutang ako sa nangyayari. Idagdag mo pa 'tong palaging galit na si Kuya Kobe, akala mo palaging galit sa mundo at hindi man lang ngumingiti sa 'min. Sabagay, ayaw niya kasi sa bakla kaya siguro gano'n siya. Iintindihin ko na lang.
"We're here. Be careful."
Nakarating kaming muli sa kwarto kanina. Marahan akong inalalayan ni Knight papasok sa kwarto at iniupo sa kama.
"Are you ok there? I mean, ayos ka lang ba diyan?" Tanong ni Knight nang mai-ayos ako.
Napatango ako. "Ayos na 'ko." Huminga ako ng malalim. "Hanggang kailan... ba ako dito? Kailan ako... pwedeng umalis?" Mahinang tanong ko sa kaniya.
Matunog siyang bumuntong-hininga at umupo sa tabi ko. "Lili, hindi ka pa pwedeng umalis hangga't hindi ko nasisigurong ligtas ka. Paano kung balikan ka ng mga armadong lalaki? Wala na si Ravinal dahil kumikilos na rin siya laban sa organisasyon na balak manakit sa 'yo." Muli siyang bumuntong-hininga. "'Wag kang mag-alala, nandito lang ako, babantayan kita. Hindi ako papayag na may makapanakit sa 'yo."
"Pero..." napipihan ako. Masiyadong mabait si, Knight. Kahit hindi niya pa ako lubusang kilala, tinanggap niya pa rin ako. Lubos ko iyong pinag-papasalamat sa kaniya. "Pero... bakit mo ba 'to ginagawa? Bakit mo 'ko... gustong protektahan?" Tinitigan ko siya sa mata.
Natigilan siya. Hindi siya nakasagot. Napayuko ako. Bakit ba niya kasi ito ginagawa? Hindi naman kami magka-ano-ano, ni-hindi ko nga rin siya kilala. Isang beses lang naman kaming nagkita at sa bar pa. Kakakilala pa lang namin, bakit niya ba 'to ginagawa?
Napaangat ang tingin ko maya-maya nang biglang isang malaking kamay ang yumapos sa palad ko. Si Knight iyon habang matiim na nakatitig sa 'kin.
"I actually don't know, Lili. This is not me. I really don't know, because I'm just following what my heart wants... and it wanted to help you. And one more thing..." Pinaglaruan ng daliri niya ang buhok. "...I have to figure out something. Something strange on me."
Napangiwi at napasimangot ako. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Ingles na naman, seryoso ba siya diyan? Baka mamaya, minumura niya na 'ko sa ingles na bersyon. Aba'y mumurahin ko rin siya pabalik.
"Wala naman akong naintindihan sa sinasabi mo." Nakasimangot kong sambit. "'Wag ka na kasing mag-ingles kapag kausap mo 'ko. Alam mo namang boploks ako diyan."
Nangunot ang noo niya at maya-maya'y natawa. "What is boplocs? I mean,... boploks. Ano namang ibigsabihin no'n?" Kunot-noo at natatawang tanong niya.
Natawa ako. "Ang sabi ko, boploks ako sa ingles. Hindi ko maintindihan 'yan, hindi rin ako marunong mag-salita ng ingles."
"Ang pangit naman ng term na 'Ingles'. Pwede namang 'English' na lang, masiyadong malalim ang term mo." Nakangiwing aniya.
"Mas marunong ka pa sa 'kin? Maganda naman ang ingles, ah." Depensa ko.
"Its giving me vintage vibes. Ang luma na ng term na 'yan, parang panahon pa ng mga amerikano." Umirap siya.
Napanguso ako. "Eh, 'wag ka na kasing mag-salita ng ENGLISH kapag kausap ako. Pwede ka namang mag-tagalog na lang. Pa-ingles-ingles pa, akala mo naman nasa ibang bansa tayo."
"Bakit? Sa ibang bansa lang ba pwedeng mag-english?" Matunog siyang bumuntong-hininga at ginulo ang buhok ko. "Mag-pahinga ka na nga lang muna diyan, dumadaldal ka na." Aniya. Nahiya ako sa sinabi niya. "Gusto pa sana kitang galawin, pero alam kung masakit pa rin 'yan. Pagaling ka muna, Bata. Para makapag-laro na ulit tayo." Napangisi siya sa huli.
Umiling-iling ako. "Ayoko na makipag-laro sa 'yo. Ang laki ng alaga mo. Ayoko na. Ayoko ng masaktan. Maghanap ka na lang ng ibang kalaro mo."
"Pero ikaw ang gusto ko, Lili." Malambing niyang aniya. "Hayaan mo, sa susunod, dadahan-dahanin ko na ang pag-pasok para hindi ka na masaktan."
"Ha? Eh, dahan-dahan din naman po 'yung nangyari sa 'tin do'n sa bar, ah. Dahan-dahan niyo pong pinasok 'yung alaga niyo sa 'kin, pero masakit pa rin. Ayoko na." Pag-tanggi ko na sinabayan ng pag-iling.
Grabe naman siya. Kanina pinag-uusapan lang namin ay tungkol sa Ingles, pero ngayon, napunta na sa hard geym. Ayoko. Ayoko na. Ayoko na ring maranasan ang sakit. Kahit... medyo masarap. Kaunti lang, ayoko pa rin. Hindi na 'ko uulit.
"I'm sorry. But you can't stop me now. I already claimed you as mine. Aangkinin at aangkinin pa rin kita hanggang sa mag-sawa ako." Mahinang aniya at hinalikan ang noo ko. "You have to rest--- ang ibig kong sabihin ay, dapat ka ng magpahinga. Tatawagin na lang kita kapag kakain na tayo."
Inalalayan niya 'kong humiga sa kama. Para talaga akong baldado dahil sa ginagawa niya, masiyado akong alaga sa kaniya. Nakakahiya na. Babawi na lang ako kapag medyo magaling na 'tong pang-upo ko. Ipagluluto ko na lang siya.
"Ipikit mo ang mata mo at isipin mo ang gwapong mukha ko. Para naman maganda ang tulog mo."
Mahangin din pala siya. Nasa mukha naman talaga niya ang pagiging mahangin. Napabuntong-hininga ako. Baka mamaya niyan bangungutin ako kapag inisip ko ang mukha niya.
Ipinikit ko ang mga mata at inayos ang sarili. Maya-maya ay naramdaman ko ang pag-dampi ng kaniyang labi sa aking noo. Wala sa sariling napangiti ako doon.
"Sleep tight, baby." Mahinang bulong niya bago ko marinig ang mga hakbang niya at ang tunog ng pag-sara ng pintuan.
Ang akala ko, dadalawin na ako ng antok. Ang akala ko, hihilahin na ako ng kadiliman. Ang akala ko, ay makakatulog ako. Ngunit hindi. Ilang beses at pilit kong ipinikit ang mata ngunit hindi pa rin ako makatulog. Tumihaya ako at nagbabaka-sakaling dalawin ng antok, ngunit hindi pa rin. Tumagilid. Tumihaya. Nakailang palit ako ng posisyon bago ako napahinga ng malalim at idilat ang mga mata.
"Bakit hindi ako makatulog?" Mahinang tanong ko sa sarili at napahilamos sa mukha.
Inalog-alog ko ang kama at napansing hindi ako komportable sa kinahihigaan ko ngayon. Banig. Wala bang banig dito? May banig ba sila Kuya Kobe?
Napatayo ako. Nag-hanap ako ng banig sa paligid... ngunit wala. Wala silang banig. Itanong ko na nga lang kay Knight kung meron silang banig. Mas komportable kasi ako do'n kaysa dito sa umaalog-alog at lumulubog sa kalambutan na kama.
Napagdesisyunan ko ng lumabas ng kwarto para itanong kay Knight kung may sapin ba silang banig dito sa bahay. Napatingin ako sa may kalapit ma kwarto na may pangalan ng kapatid niya, Kobe Andrew ang nakalagay. Nakasarado iyon. Nasa baba siguro si, Knight.
Bumaba ako ng hagdanan at hinanap siya. Halos libutin ko na ang bahay sa paghahanap sa kaniya ngunit nagtaka ako nang hindi ko siya makita. Pumasok sa kung saan-saang kwarto ngunit hindi ko pa rin siya nakita. Marahan akong umupo sa may sofa nang maramdaman ko ang pagkirot ng pang-upo ko. Ilang minuto na pala akong naghahanap sa kaniya. Naliligaw na yata ako sa laki ng bahay na 'to. Ang dami kong pinasukan, hindi ko na alam kung paano pa bumalik sa kwarto ko kanina.
"Hello, Philippines and hello, World. My name is, Fey Espiritu, isang baklang virgin at never pang nadiligan dahil ang strict ng mga magulang. I am from the country when the 'Marites' is better than CIA ang NBIA when it comes to investigation... Philippines!"
Isang lalaki ang lumitaw sa kung saan habang hawak-hawak niya sa kaniyang kamay ang walis at ginagawa iyong mic habang tinitingnan ang paligid na animo'y may audience. Maya maya ay lumingon siya sa 'kin at ngumiti.
"Hi, Mare. Ang beauty-beauty mo, ah." Nagulat ako ng hawakan niya ang buhok ko at sinuklay-suklay iyon agad ang kaniyang kamay.
"Hello... po." Pilit akong ngumiti.
"Shuta ka, bata pa 'ko, 'no. 'Wag ka namang mag-'po'." Nakangiwing aniya bago binitawan ang hawak niyang walis at ilagay 'yon sa gilid.
"Sori." Mukha nga siyang bata, sa tingin ko'y magka-edad lang kami. Ano namang ginagawa niya dito sa bahay nila, Kuya Kobe?
Lumapit siya sa akin. "Anong pangalan mo, 'te? Kanina ko pa kayo napapansin ni sir, Knigh ah. Ang sweet niyo. Omg kayo." Kinikilig na aniya.
Napailing ako. "Anong sweet? Matamis?" Inosenteng tanong ko sa kaniya.
"OMG, ka diyan. Sweet. Parang ang lambing niyo sa isat-isa. Ganern 'yon." Aniya at pinatunog ang kaniyang daliri.
"Si Knight lang naman 'yon." Mahinang sambit ko. "Oo nga pala, ang pangalan ko ay, Lili. Ikaw? Anong pangalan mo?"
Ngumiti siya. "Ako nga pala si, Gandang Never Pang Nadiligan." Inilahad niya ang kamay.
"Ha? May gano'n bang pangalan? Akala ko ba, Fey Espiritu? Narinig kong sinabi mo kanina." Napanguso ako sa sinabi.
Natawa siya. "Gaga. Siyempre charot-charot lang. Ang weird mo, ah." Nakangiting aniya. "Fey Espiritu, 'yon ang name ko. Oh, 'di ba? Pak na pak pang miss universe." Pumalakpak siya at muling natawa.
"Oo. Sumasali ka siguro ng mga pageant ng mga bakla sa barangay. Hehe." Pinakatitigan ko siya. May itsura naman siya kahit papaano, mukha din namang siyang mabait, pwede ko naman siguro siyang maging kaibigan.
Namilog ang mata niya. "Anong gay pageant? Ang cheap-cheap naman no'n, ang baba ng prize. Pang-international ang beauty ko, 'no."
"Pang-internasyonal? Eh, mukha namang pang-barangay lang 'yang mukha.... mo." Mahina kong sambit. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hoy, ang sama mo, ah. Porke't beauty ka lang, gaganiyanin mo na 'ko? Aba, hindi naman tama 'yon." Pinanlakihan niya 'ko ng mga mata.
Napanguso ako. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, bawal mag-sinungaling, magagalit si Papa God."
Tila hindi siya makapaniwala sa narinig. "Echosera ka, ah. Dinadamay mo pa si God. Basta, maganda ako. Period. hmmp! Sampalin kita ng 180 degrees diyan, e!"
"Sinong sasampalin, Espiritu?"
Parehas kaming napalingon nang marinig ang baritong boses ng isang lalaki mula sa kung saan. Natigilan ako ng makita si Knight habang nag-pupunas ng tuwalya sa kaniyang ulo. Naka-navy blue polo siya at pantalon sa ibaba, tunay na napaka-gwapo niya sa kaniyang ayos.
"Hi, sir Knight. Nagke-kwentuhan lang po kami nitong si, Lili. Hehe. Napakabait at napaka-honest niyang bata. Sa sobrang honest nga po, ang sarap na niyang sampalin, e. Mga 180 degrees lang." Napasimangot si Fey sa huling sinabi.
Napangiwi si, Knight. "Whatever what he said. That was 100% true. Alam mo naman ang kasabihan, hindi nag-sisinungaling ang mga bata." Napailing-iling siya at lumapit sa amin.
Napahawak si Fey sa kaniyang dibdib na animo'y nasasaktan. "Nakakasakit na po kayo, ah. Nagta-trabaho po ako ng marangal sa Kuya niyo. Minamasahe, pinag-lalaba at jinajaks ko po siya tuwing pagod na siya at tulog na tulog."
"Anong jaks? Gusto mo bang isumbong kita kay Kuya para mawalan ka na ng trabaho." Pananakot ni Knight dito.
Nanlaki ang mata niya. "Hoy, parang hindi ka naman mabiro sir, Knight. Parang hindi na kayo nasanay sa 'kin."
"Paano ako masasanay, e minsan na nga lang ako kung pumunta dito, hindi pa kita nakikita." Nakangiwing tugon ni, Knight.
"So, hinahanap niyo ko sir kapag pumupunta kayo dito?" Nakangiti ng malaki si, Fey.
Napailing-iling si, Knight. "Nope. Sino ka ba?"
Nawala ang magandang ngiti ni Fey at napalitan ito ng pagka-simangot. "Nakakasakit ka na, ah. Ano, suntukan na lan, oh." Pinatigas niya ang kaniyang katawan at humarap kay, Knight.
Mahina akong natawa. Wala pa man ay lugi na itong si, Fey. Baka kawawain lang siya ni, Knight kapag nagka-taon. Ang liit na, ang payat pa. Walang-wala siya sa kalaban niya.
Tinaasan siya ng kilay ni, Knigh. "Gusto mo ba talagang mawalan na ng trabaho?" Malalim na aniya.
Napaurong si Fey at pilit na natawa. "Joke lang naman, Sir. Ganito lang talaga attitude ko, dapat masanay na kayo."
"Hindi ako masasanay sa ganiyan." Napangiwi si, Knight. "Ituloy mo na nga ang trabaho mo, puro ka satsat diyan, e."
Napanguso si Fey at maya-maya pa'y pinulot ang walis na hawak niya kanina.
Lumapit sa akin si Knight at hinimas ang buhok ko. "Are you hungry? What do you want?"
Napasimangot ako. "No more ingles na nga, e. Hindi nga ako maka-gets."
"Omo!" Nagulat kami ng muling lumapit sa amin si, Fey. Ngumiti siya sa 'kin. "Pwede akong maging translator ni Lili, Sir Knight. Ita-translate ko lahat ng english na sasabihin niyo. Alam ko namang mas sanay kayo sa english kaysa sa tagalog, e." Malawak ang pagkakangiti niya. "Concern citizen lang ako, Sir."
Nangunot ang noo ni, Knight. "Are you really good at english language?" Binigyan niya ito ng mapanuring tingin.
Napatango si Fey. "Yes, Sir. I am very-very good at english language."
"Ok. Then, let's try this." Ani, Knight. "Translate this one; Lili are you fvcking hungry?"
Napatango si Fey at ngumiti bago tumingin sa 'kin. "Lili, gutom ka raw ba nung kinadyot ka ni, sir Knight?"
Nangunot ang noo ko. Walang maintindihan. Ano namang kadyot? Nakakain ba 'yon? Ipaliwanag naman nila para maintindihan ko ng maayos ang sinasabi nila.
"What the fvck!" Gulat na ani Knight at tinaliman ng tingin, si Fey.
Muling tumango si Fey at ngumiti bago tumingin sa 'kin. "Anong kadyot daw?"
Wala akong maintindihan.
"Fey Espiritu!" Malalim na pag-tawag ni Knight sa kaniya. Tila naiinis na.
"Yes po, Sir?" Inosenteng tanong ni, Fey.
"You...!" Naiinis na ani, Knight. "You're fired!" Dumagundong sa buong bahay ang malalim niyang boses kasabay ng biglang pag-tili ni, Fey.
Napailing-iling na lang ako sa kanila. Wala akong maintindihan sa sinasabi nila. Kadyot...? Ano naman 'yon?
To be Continued...
---
Mga, 'te. Ika-clarify ko lang. Kamukha po talaga ni Knight si Nam Joo Hyuk (siya ang inspirasyon ko for todays vidyoww), ah. Kaso, mas malaki nga lang ang katawan ni, Knight kaysa sa kaniya. Mas may muscle si Knight, parang 2.0 siya ni Nam Joo-Hyuk. Hahaha. Anyway, bahala na kayo kung sino ang gusto niyong gumanap. Emz. Hahaha. Basta, tahimik akong nagsusulat dito. Spread positivity, no to negativity. Hahaha. Happy reading! Xoxo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro