CHAPTER FOUR
LIGTAS kaming naka-alis sa lugar. Kasama ko sa sasakyan iyong si Knight. Niligtas niya ako, ngunit may pag-aalala pa rin sa dibdib ko, lalo na't hindi ko pa nakita si Cress.
"Ano... si Cress?" Hindi ko mabilang kung ilang beses ko na ba itong tinanong sa nag-mamaneho ng sasakyan--- si Knight. Masiyadong kinakain ng pag-aalala ang puso.
"How many times do I have to tell you that he's fine? Masiyadong matunog ang pangalan niya. Sa palagay ko ay matinik ang baklang 'yon." Sagot naman niya at sumulyap sa 'kin.
"Sana... hindi siya mapahamak. Mabait si Cress, palagi niya akong inaalagaan, palagi niya akong sinasama sa mga lakad niya, hindi niya ako pinababayaan." Mahinang sambit ko.
"Wag kang mag-sasama sa kaniya minsan, hindi maganda ang naririnig ko tungkol sa binabaeng 'yon." Nakangiwing aniya.
Nangunot ang noo ko. "Hindi kita maintindihan." Naguguluhan ko siyang inilingan.
"Then, don't try to undertand." Napangisi siya. "Bawal 'yun sa mga bata." Seryosong aniya at tumuon na lang ang atensiyon sa dinadaanan.
Napanguso ako. "Puro naman english, baka mamaya, maramdaman ko na lang tumutulo na ang dugo ko sa ilong." Mahinang bulong ko sa sarili at nag-iwas ng tingin.
"Narinig ko 'yun." Biglang aniya.
Nagugulat ko siyang tiningnan. "May super hearing powers ka ba?" Nanlalaki ang matang tanong ko.
Napangiwi siya. "Paano naman na hindi ko maririnig. Eh, katabi lang kita?" Masungit niyang tanong.
Nalukot ang mukha ko. "Mahina na nga ang boses ko, e." Sambit ko ang napabuntong-hininga. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?"
"Somewhere... safe." Napasulyap siya saglit sa akin.
Natigilan ako. Safe? Ano namang english word 'yon? Mga basic english words lang naman ang alam ko.
Napailing-iling na lang ako at napahinga ng malalim. Hindi na ako nagsalita at biglang natahimik ang paligid. Ilang minuto lang ay nakaramdam ako ng pag-bigat ng talukap ng mata ko, ngunit bago ako hilahin ng kadiliman ay naramdaman kong may humawak sa akin at hiniga sa kaniyang balikat.
"Thank you..." mahinang bulong ko at nagpalamon sa kadiliman.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakatulog. Naramdaman ko na lang ang isang mainit na kamay na humahaplos sa aking pisngi.
Napamulat ako. "Nasaan ako?" Bumangon ako at kinusot-kusot ko ang mata.
Tila parang isang kidlat na bumalik ang lahat ng pangyayari sa aking isipan mula kagabi hanggang sa ma-iligtas ako ng lalaking nakatitig sa akin ngayon sa harap ko.
Kakagising ko lang. Isang anghel agad ang sumalubong sa akin. Nasa langit na ba ako? Napailing-iling ako. Napaka-gwapo talaga ng lalaking ito. Kamukha niya si Nam Joo-Hyuk na aktor ng korean na kinababaliwan ni Cress... si Cress.
"Nasaan nga pala si Cress?" Mahinang tanong ko ngunit hindi siya sumagot.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang hindi ko makayanan ang uri ng pagtitig niya. Napatingin tuloy ako sa labas. Napagtanto kong nakahinto na pala kami sa isang malaking gate sa harap namin.
"Like I said, magiging maayos din si Ravi--- I mean, si Cress. I'm sure that he's safe." Sagot niya maya-maya.
Napatingin ako sa kaniya. "Sana nga." Napabuntong-hininga ako at tahimik na dinadasal sa isip na sana ay ligtas ang kaibigam ko. "Nasaan nga pala tayo?" Muli akong napatingin sa malaking gate.
"Were here at my older brother's house." Seryosong sagot niya. Tinanggal niya ang seatbelt ko pagkatapos ay sinunod niya ang kaniya bago siya lumabas ng sasakyan at pag-buksan ako ng pintuan.
"Let's go." Aniya at inalalayan akong makalabas ng pintuan.
Napangiwi ako ng maramdaman ko naman ang pagkirot ng pang-upo ko nang mag-umpisa akong mag-lakad.
"Does it hurt?" Nag-aalalang tanong niya.
"Ha?" Napatanga ako sa tanong niya. Wala akong maintindihan. English pa kasi ng english.
"I mean, masakit ba?" Kunot-noong tanong niya.
"Alin?" Hindi ako makapag-isip ng matino dahil ang lapit ng mukha niya sa akin. Hawak niya ang aking kaliwang kamay na animo'y isa akong babasaging gamit na iniingatan. Habang nasa bewang ko ang kabila niyang kamay.
"This." Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa aking pisngi nang maramdaman ko ang pagbaba ng kaniyang kamay at bahagyang pagpisil nito sa pang-upo ko.
"Ahmm... o-opo." Tila may kung anong nakabara sa lalamunan ko.
"I'm sorry." Sinserong pag-hingi niya ng tawad. Halos manghina ang tuhod ko nang maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga na tumatama sa pisngi ko.
Pinatatag ko ang postura at kunot-noo ko siyang pinakatitigan. "Ha? Eh, tinulungan lang naman po kitang mag-laro ng hard geym. Ok lang po ako, kaya ko pa naman." Nginitian ko siya.
Napangiti siya ngunit maya-maya'y napunta iyon sa pag-tawa. "Masiyado kang inosente." Napailing-iling siya. "Kailangan turuan kita nang mga bagay-bagay na dapat mong malaman, katulad ng sëx. Ilan taon ka na nga pala?"
"19 po." Sagot ko.
Nakita kong namilog ang mata niya at tila natuod sa kaniyang kinatatayuan. Napahinto tuloy kami sa pag-lalakad papunta sa gate.
"Really? You're too innocent to be 19, I thought you were 14 or 15 something like that." Tila hindi makapaniwalang aniya. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. "Anyway, tuturuan kita ng mga dapat mong malaman. Tuturuan kita, isang subject lang---sëxcapades. Matutunan mo ang iba't ibang positions and so on na dapat mong malaman about sa sëx."
"Parang narinig ko na 'yan kay Cress." Napangiwi ako. "Parehas ko kayong hindi maintindihan." Napasimangot ako.
Natawa siya at nag-simula na naman kaming maglakad papalapit sa gate. "In the next few days ay maiintindihan mo na rin ang sinasabi ko, trust me." Nakangising aniya.
Hindi ko siya sinagot at napailing na lang. Malapit na kami sa gate at akmang kakatok na sana, nang isang pag-harurot ng motor ang nagpalingon sa amin sa likod.
Huminto iyon sa gilid ng sasakyan nitong si knight. Naka-suot ng buong itim ang nagmamaneho. Mula sa helmet hanggang sa suot na boots nito.
Ganito 'yung napapanood ko sa TV na suot tuwing bakbakan. Ang astig!
Namilog ang mata ko ng magtanggal ng helmet iyong nagmamaneho. Gulat na gulat akong napatitig sa kaniya.
Si Cress!
"Cress!" Sigaw ko at akmang lalapit papunta sa kaniya nang biglang hawakan ng katabi ko ang damit ko at walang hirap niyang ibinalik sa tabi niya.
"No. Don't come near him. It's dangerous." Seryoso at mariing aniya. Tumingin siya kay Cress na ngayon ay walang emosyong nakikipagtitigan sa kaniya. "Ravinal Philippe." Tila tinawag niya si Cress.
Anong... kanina Ravi, ngayon naman Ravinal Philippe. Ano ba talagang nangyayari? Anong pangalan 'yon?
"Gusto kong makausap si Lili." Seryosong ani Cress.
Hinawakan ko ang kamay ni Knight. "Gusto kong kausapin si Cress." Pakiusap ko.
"Hindi." Mariing aniya. "Mapanganib. Hindi siya pangkaraniwang tao."
"Ano ako? Demonyo? Engkanto? Multo?" Napangiwing singit ni Cress.
Sinamaan niya ng tingin si Cress. "Hindi ko sinabing mag-salita ka."
"Aba. Batas ka ba?" Mataray na tanong ni Cress. Bumaba siya ng sinasakyan at kalmadong naglakad papalapit sa amin.
"Hanggang diyan ka lang." Nanlaki ang mata ko ng maglabas si Knight ng baril at itinutok iyon kay Cress. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha. Nag-simulang kainin ng kaba ang dibdib ko para sa kaibigan.
"Knight..." mahinang bulong ko at akmang piligilan siya ngunit itinago niya ako sa likod.
Itinaas ni Cress ang dalawang kamay at napahinto ngunit nanatiling kalmado ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Tila hindi alintana na babarilin na siya.
Marahang nag-lakad si Knight papalapit kay Cress. "Talikod." Utos niya pa dito.
Dumadagundong ang tibok ng puso ko.
Matunog na bumuntong hininga si Cress. Hindi niya sinunod ang sinabi ni knight.
"I said, turned around!" Mariing utos pa nito sa kaibigan ko. Kinakabahan ako para kay Cress.
"Wala akong panahon ngayon para sa walang kwentang-away, Mister Fulgencio." Huminga ito ng malalim. "Umalis ka sa daraanan ko at nais kong makausap si Lili. Si Lili ang pakay ko at hindi ikaw." Kalmadong aniya.
Akmang lalapit ako nang lingunin ako ni Knight. "Stay there!" Sigaw niya sa akin.
Nanginig ang labi ko. Puno ng awtoridad ang kaniyag nakakatakot na malalim na boses na naging dahilan upang hindi ko maigalaw ang katawan ko.
"Tss. Sinisigawan mo pala talaga si Lili." Napailing-iling si Cress. Tumingin siya sa may relo niya. "Wala na akong oras." Huminga siya ng malalim.
Nanlaki ang mata ko sa bilis ng pangyayari. Biglang tinalon ng patiwarik ni Cress si Knight at inagaw ang baril dito. Halos mapatid ko ang hininga dahil sa ginawa.
Kakaiba si Cress... mayroon ba akong hindi nalalaman sa kaniya? Sino ba talaga siya? Sa dalawang buwan pa lang naming magkakilala ay naging mag-kaibigan na kami. Dayo lang siya sa amin at wala pang nake-kwento patungkol sa personal niyang buhay. Hindi kaya... Ravi ang palayaw niya at Ravinal ang buo niyang pangalan? Hindi ko alam. Naguguluhan na ako.
Itinutok ng kaibigan ko ang baril kay Knight at mas malapit na ang posisyon ni Cress sa akin, tila nagpalit lang sila ng posisyon. Ngayo naman ay mas kinakabahan ako para kay Knight.
"Kulang ka pa sa kaalaman. Miyembro ka rin ba ng organisasyon?" Seryosong tanong ni Cress kay knight.
"Nope." Nakangiwi itong umiling. "Masiyado ka kasing sikat at hanggang sa 'kin ay nakakarating ang pangalan mo."
Tumitig si Cress kay Knight. "Tss. Ang pangit mo mag-palusot." Umirap ito. "Diyan ka lang, kakausapin ko lang si Lili." Mariing ani Cress bago itinago ang baril sa bulsa niya at nakangiting lumapit sa akin.
Ipinagkrus ni Knight ang mga braso at hinayaang makalapit sa akin ang kaibigan ko.
Pareho silang wirdo. Kanina ay halos patayin ni Knight si Cress dahil ayaw niyang palapitin sa akin, pero ngayon, kalmado na silang parehas. Ang ibig kong sabihin, si Knight. Kalmado lang pala ang mga naging kilos ni Cress.
"Hi, Bakla." Nakangiting bati nito ng kaibigan ko nang makalapit.
"Cress... sino ka?" Iyon ang lumabas sa bibig ko. Masiyadong puno ang isip ko nang mga tanong tungkol sa pagkatao niya.
"Mahirap ipaliwanag, 'te. Lalo na't sa walang muwang na katulad mo." Bumuntong-hininga ito. "Ang tunay kong pangalan ay Ravinal Philippe." Nakangiting pagpapakilala niya.
Hindi ako makasagot. Pinaktitigan ko lang siya.
"Oh, speechless ka diyan? Ang ganda ko ba?" Napangiwing aniya at bumuntong-hininga. Hinawakan niya ang kamay ko. "Aalis muna ako pansamantala, hindi ko alam kung kailan ako babalik."
"Ano... saan ka pupunta, Cress--- Ravinal?" Nag-aalalang tanong ko. Natatakot na baka mapahamak lang siya.
"May kailangan lang akong ayusin lalo na sa personal life. Ganern. Oh, 'di ba, pak na pak." Aniya at huminga ng malalim. "Basta, magkikita pa tayo. Promise ko 'yan. Magpapadilig muna 'ko sa lalaking patay na patay sa 'kin para parehas na tayo hindi virgin." Natatawang aniya.
"Basta.... mag-ingat ka kung saan ka ma'n pupunta, Cress. Ipagdadasal ko lagi ang kaligtasan mo." Marahan kong sambit sa kaniya.
"Gora lang. Kapag time mo na, time mo na talaga. Pero sa kapag ako, maski yata si Satanas may matatakot na kuhanin ako. So, matagal pa akong mabubuhay." Natatawang aniya.
Napangiti ako at napailing-iling sa naisip. Puro kalokohan talaga 'to si Cress.
"Uy, totoo nga. Si Knight nga. Ang gwapo sa personal ng isang Fulgencio, ah. Yummy ang body niya." Humina ang boses ni Cress, para siyang pasikretong nagchi-chismis. "Mukhang malaki din ang saging niya, so I grab mo na 'yan, mag-patira ka na ulit." Mahina siyang natawa.
Umiling ako. Walang maintindihan. Mag-patira? Tungkol ba iyon sa nilaro namin ni Knight? Puro kalokohan naman siguro ang mga sinasabi ni, Cress. Kakaiba talaga siya.
"Basta, ingatan mo sarili. Palagi kang maging ligtas at h'wag susugod sa labanan kung alam mong dehado ka." Paalala ko sa kaniya.
"Opo, 'nay." Nakangiwing aniya.
"Why do you take so long to talk?" Tila nawawalan na ng pasensiyang singit ni Knight sa amin. Napalingon kam sa kaniya. Nakasimangot ang mukha niya at naka-krus pa rin ang kaniyang maskuladong braso.
"Sige na, Lili. Pinagmamadali na 'ko ni, Mister sungit. Alam kong magiging ligtas ka sa pangangalaga ng isang, Fulgencio." Binitawan ni Cress ang kamay ko. "Mag-ingat ka rin hangga't hindi ko pa nalalaman ang pakay ng organisasyon sa 'yo. Be safe, bakla."
Tumango ako. "Mag-iingat ako, Cress. Salamat."
Nagpalitan kami ng ngiti bago siya tumalikod at bumaling kay Knight.
"Woy, Knight Andrius Fulgencio. Alagaan mo si Lili, ah. Kahit malaki pa 'yang saging mo, masarap at milky, wala akong pake. Babalikan kita kapag nalaman kong napahamak si Lili ng dahil sa 'yo." Masungit na ani Cress dito at lumapit sa kaniyang motor.
"Tss. Can you please just zip your mouth? Your voice annoyed me." Masungit ding balik ni Knight.
"Pake ko." Pinaandar ni Cress ang motor niya at lumingon sa akin bago mag-suot ng helmet. "Ingatan mo siya, Fulgencio. Hangga't hindi pa ako nadidiligan--- este nakakabalik."
"Alam ko ang gagawin ko, 'wag mo 'kong pangunahan." Kunot-noong sagot ni Knight.
"Ang pangit mo naman ka-bonding. Sungit." Bumwelo si Cress at kumaway sa akin bago niya mabilis na pinaharurot ang motor papalayo kung nasaan kami.
Naiiling si Knight at lumapit sa akin. Muli niya akong inalalayan. "Let's go inside."
"Paano mo nakilala si Cress? Bilang Ravinal?" Tanong ko.
"Sa kaibigan ko sa bar. Pinahanap kita nung umalis ka, and nakita sa CCTV na kasama mo ang pinakamatinik na traydor ng organisasyon. Wala akong alam sa organisasyon nila." Ipinilig niya ang ulo. "Never kong naisip na sumali ng mga organization na 'yan, mas mabuti pang magpalago na lang ako ng negosyo kaysa diyan."
Lumapit si Knight sa gate at may pinindot doon. Maya-maya pa'y may isang ginang, na nasa tantiya ko ay 50s, ang nag-bukas ng gate.
"Magandang hapon po, sir Knight. Pasok po kayo." Magalang na bati nito at pinapasok kami sa loob.
"Where is my brother? Nandiyan ba siya?" Tanong ni knight dito.
Umiling-iling ang ginang. "Kanina pa po umalis si Sir at hanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik."
Tumango ang katabi ko. "Gano'n ba." Inalalayan ako ni Knight papalapit sa pintuan.
Napanganga ako sa laki ng bahay. Gawa sa pinaghalong kulay tsokolate at berde ang haligi at may desenyong ginto ang paligid. Mukhang nature lover iyong kapatid ni Knight at nag-mukhang kagubatan ang bahay niya. Ang ganda. Napaka-sarap ng sariwang hangin na nag-mumula sa mga kalapit nitong puno.
"Tara." Ani Knight at binuksan ang pintuan.
Nalula ako sa loob nang mapagmasdan ang bahay. Moderno ang loob at mamahalin lahay ng bagay. May malaking ilaw sa itaas at may kung anong desenyo. Nakalimutan ko ang tawag. May isang gold carpet pa ang nakalatag. Nakakatakot tuloy tumapak dahil mukhang mamahalin.
"Ihahatid kita sa kwarto mo para makapag-pahinga ka na." Ani Knight at inalalayan ako papaakyat ng hagdanan. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha sa ganda ng bahay. Mukhang ma-gubat at makaluma ma'n ang labas ngunit napakaganda ng bahay sa loob.
Binuksan ni knight ang isang kwarto at ipinasok ako doon. Kulay berde ang kwarto at may mga painting sa paligid ng halaman. Napakaganda ng kwarto.
Iniupo ako ni Knight sa kama. "Ok ka lang diyan?" Tanong niya.
"Ok lang ako. Hindi ako lumpo." Sumimangot ako. Napahinga ako ng malalim at inihiga ang sarili sa malambot na kama. Nakakapagod ang araw na 'to. Napakadaming nangyari.
Maya-maya pa ay namilog ang mata ko ng biglang pumatong sa akin si Knight. Natuod ako at hindi maigalaw ang katawan ko.
"Bagay sa 'yo ang damit ko." Hindi ako makapag-isip ng maayos ng maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa tenga ko.
"Knight... anong ginagawa mo?" Halos manghina ako ng maramdaman ko ang mainit niyang dila sa tenga ko.
"Gusto mo bang mag-laro tayo ulit?" Bulong niya at patuloy sa pagdila ng tenga ko.
Napailing ako. "Ayaw ko. Masakit na ang pang-upo ko. Pagod na ako. Tama na." Naiiyak kong sambit sa kaniya.
"Shh. Dadahan-dahanin ko lang. Don't worry." Naramdaman ko ang pagtigas ng bagay sa suot niyang pantalon. Gusto kong maiyak nang maalala ko kung gaano kalaki at kasakit iyon.
"Fvck. I can't stop myself." Nahihirapang aniya at inilipat ang pag-dila sa leeg ko.
"Tama na. Ugh." Napaungol ako ng kagatin niya ang leeg ko.
"KNIGHT ANDRIUS!" Mabilis kaming napabalikwas ni Knight mula sa kama nang dumagundong ang malaki at nakakatakot na boses ng isang lalaki.
"Kuya..." Mahinang bulong ni Knight at sinalubong ang matatalim na tingin nang taong nakasilip sa amin sa pintuan.
To be Continued...
---
FACEBOOK: Barbie Dy (PM for accept)
TWITTER: @itsbarbiedy
INSTAGRAM: @itsbarbiedy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro