Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 39

A/N: Happy pride month mga ka-rainbow squad! Know that you are worth it and deserve to be loved, always, and always.

P.S. Last chapter na next update. Huhu. Walang hanggang pasasalamat sa walang hanggan niyong pag-suporta sa story nila, Knight and Lili. Mahal ko kayo palagi! Again, happy pride month and happy reading! Mabuhay ang sangka-baklaan!











KASALANAN BA ang magmahal ng taong kaparehas mo ng kasarian? Kailangan ba, kaming mga miyembro ng LGBT ang dapat umintindi palagi sa mga taong against sa amin? Kailangan bang kami palagi ang nasasaktan?

Palagi na lang... hindi maari ang relasyong mayroon kami. Kasalanan bang maging bakla, tomboy, bisexual, transgender, queer? Kasalanan bang mapabilang sa LGBTQIA+? Bakit... katulad ng mga tinatawag nilang normal, lalaki at babae, may damdamin din naman kami. Nasasaktan din kami.

Gusto din naman naming maging... masaya. Masama ba 'yon?

"Are you crying?" Natinag ako mula sa pagkakatitig ko sa hawak na iPad nang marinig ang tinig ni Knight sa gilid ko.

I immediately wiped the tears streaming down from my eyes. "Ha? Hindi, ah." Napailing-iling ako at ngumiti sa kaniya. Akma ko sanang itatago ang iPad at ilalayo na, nang mabilis niyang maagaw 'yon mula sa kamay ko.

"What is it?" He stared at the iPad, his face serious. "You're reading a thread," he whispered, slowly scrolling down.

"W-wala 'yan. Ano... nadaan lang sa feed ko..." Nakita kong unti-unting gumalaw ang panga niya. "Huwag na lang nating pansinin--"

"These are all pure hate comments for the LGBT." Nawala ang emosyon sa kaniyang mukha. "You musn't read comments like this. These were all pure trash."

I slowly closed my eyes and heaved. Hinayaan ko siyang magbasa roon sa iPad ko.  "Ang totoo niyan, Knight... natatakot ako." I whispered.

He stopped and slowly turned to me. "Why..." Marahan niyang ibinaba ang gadget na hawak sa isang gilid at hinawakan ang kamay ko. "Don't be scared... we got this... as a family."

I shook my head. "Hindi naman ako natatakot para sa sarili ko, Knight, kung 'di para sa anak natin... Knick Liam's still young." I sighed. "I can't bear seeing him hurt because of the hateful comments that were going to be thrown at us if the public knew that you had... child with a..." I shook my head vigorously and smiled sadly. "A freak."

His forehead creased. "You're not a freak. You are special." Dinala niya ang kamay ko sa kaniyang labi at hinalikan 'yon.

"But still... I am a freak in their eyes. Normal bang magdalang tao ang isang lalaki? Hindi naman, 'di ba..." malungkot kong sambit sa kaniya. "T'saka... bakla ako, Knight, hindi 'to katanggap-tanggap sa mata ng nakararami..."

"Who cares if you're gay?" he whispered, his eyes full of emotions I can now finally name. "I don't fall in love because of your gender; I fall in love because it's you, Liliénné..."

"But our family... our family would not be accepted by the society."

"We don't need validation or approval from anyone but ourselves, hon." He sighed and locked his eyes into mine. "And no one has the right to tell us what makes a family."

I heaved a deep breath. "Pero--" Akmang magsasalita pa sana ako nang takpan niya, gamit ang daliri, ang labi ko.

"Shh.... that's enough, hon. Basta, kahit ano man ang mangyari, dito lang ako sa tabi mo. Hindi ko kayo iiwan ng anak natin... palagi mong tandaan 'yan."

I just sighed to myself before slowly nodded my head. Napangiti siya at marahang pinakawalan ang labi ko. Nangalumbaba siya sa lamesa sa harapan ko at nakangiting tumunghay sa akin.

"So... how's your stay at our house?" Pag-iiba niya ng usapan.

Napailing-iling ako. "Stressful." Napangisi siya sa sinabi ko. "Ang hirap kayang lagyan ng kulay nitong bahay, ka-stress, 'no." Inilibot ko ang tingin sa paligid at isa-isang tiningnan ang mga gamit na ipinadagdag ko sa bahay na ito.

Chandelier. New wall color. New, and much bigger dining Table. Ilan lang 'yan sa mga gamit na ipinundar ko--well niya, because I used his money, not mine--rito sa bahay nitong mga nakaraang araw na pananatili namin dito ni, Knick Liam. Slowly but surely, the house is getting livelier each day as new things are added inside of it.

"Nalagyan mo nga ng kulay 'tong buhay ko, e. Itong bahay pa kaya." Napairap ako sa hangin dahil sa sinabi ni, Knight Andrius. "Uh, Lili?" Pagtawag niya sa akin pagkatapos magkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin.

I slowly turned to him. "Hmm?" I arched a brow as I looked at him.

"Uhm... c-can..." He faked a coughed. "C-can I ask you o-out for l-lunch?" He stuttered.

"Huh?" Napakunot ang noo ko. "Sabay-sabay naman tayong kumakain nila, Knick Liam ah." Bigla akong napaisip. "Teka, hindi ba masarap 'yung luto ko?" I asked. "Sorry, italian foods lang kasi ang alam kong lutuin..."

"Oh, god, no. Of course, masarap ang luto mo!" Naalarma si, Knight. "What I mean, is c-can I ask you for a lunch date... oh, my god. Why am I feeling embarassed?"

Napanganga ako nang biglang takpan ni, Knight, ang buong mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay. Is this for real? Knight Andrius Fulgencio is getting embarassed? In front of me?

Oh, goodness. The world is healing.

"Okay."

"What did you say?" Agad niyang tinanggal ang kamay sa mukha at tumingin sa akin nang may hindi makapaniwalang mukha.

"Okay." I nod my head. "Let's have a lunch date... but." I raised my index finger in the air. "We'll have a lunch date, in one condition..."

"Dang, yes. Anything. Tell me about it."

I smiled at him sweetly. "Isasama natin si, Knick Liam, sa date natin." Nakangiti kong sambit sa kaniya habang itinataas-baba ang kilay, sinubukang mang-asar.

But I felt defeated when he agreed. 

"That's fine with me. Well, I think that's really a good idea so we can have a family bonding together."

I sighed. Nag-bibiro lang ako, e. "And one more thing," I told him. "I don't want it to be around Manila or Metro Manila... I want it somewhere else... must be a quiet place so that my mind can calm from any worries." 

Napahawak siya sa baba niya at nag-isip. "Hmm, I know a place." He let out a handsome smile. "Now, we must take a bath as soon as possible, para hindi tayo maabutan ng traffic sa daan." Napapalakpak ito sa huli.

"Sir K, Papá, saan po tayo pupunta po?"

Agad kaming napabaling sa pinto sa kuwarto kung nasaan si, Knick Liam, nang marinig namin ang tinig niya ro'n. He was there, standing, freshly awoken. Pupungas-pungas siya ng mga mata habang nakatingin sa amin.

"Speaking off. Our son is finally awake." Napaayos ako ng tayo. "Ikaw na muna ang maligo, Knight. I'll just need to take care of Knick Liam first--"

"Ako na." Pagpe-presinta niya. "Ako na ang mag-aasikaso kay, Knick Liam. Ikaw na muna ang maligo at mag-ayos sa kuwarto."

"Sigurado ka?" I asked and he nodded.

Sa iisang kuwarto kami natutulog ni, Knight Andrius, tuwing gabi. But that doesn't mean that we're sleeping in the same bed, because in reality, Knight's sleeping on the floor. I insisted that I must be the one who sleeps on the floor, but he refused. Hindi na rin masama dahil may mattress naman, kumpleto naman ang gamit niya sa sahig, kaya hindi na ako nag-alala at nagpumilit pa.

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay kaagad akong lumabas at nagtungo sa kuwarto ni, Knick Liam, para si Knight naman ang makapag-ayos ng sarili. Isang oversized white hoodie jacket ang suot ko na tinernohan ng black wide-legged pants. Habang simpleng nike shoes naman ang suot ko sa paa. I also wore black round-eye glass in my eyes, just to protect it from the sun, just in case.

"Papá, artista po ba kayo? Sobrang poganda niyo po, Papá!" Natutuwang papuri ng anak ko nang makita ako. "Ang angas-angas po ninyo! May swag!"

I just shook my head and turned my head to, Knight. "Mag-ayos ka na. Ako na ang bahala rito." Patukoy ko kay, Knick Liam. Wala na rin naman akong dapat gawin dahil pormado na ang bata; he's wearing a mix black and white hoodie, and a black pants on his bottom. Sapatos na lang ang kulang at ready-to-go na.

"Our son's right. You're gorgeous." Napailing ako sa sarili nang pasadahan naman ako ni Knight ng tingin. "Why, you never failed to amaze me in everything about you... mas may igaganda ka pa pala."

So, hindi ako maganda kapag 'di nakaayos? Gano'n?

"Thank you, ha," sarkastiko kong sambit sa kaniya at pumameywang. "Pero kung 'yung tinayo-tayo mo kaya diyan ay niligo mo, 'di ba? E'di sana, nakaalis na tayo, 'no?" Napahagikgik si, Knick Liam, dahil sa sinabi ko.

"Just give me a minute, hon... well, wait. May pick-up line ako sa 'yo. Sana mapag-bigyan mo 'ko, ha," nakangising ani, Knight. Napasimangot ako. "Susi ka ba?" He asked.

"Hindi. Tao ako, e." Pambabara ko sa kaniya.

Napakamot siya sa ulo. "Pick-up line nga, e. Sakyan mo naman, please." Napanguso siya, nagpapa-cute. "Susi ka ba?" Muli niyang tanong sa akin.

I sighed. "Fine. Bakit?"

"Puwedeng pa-keys?"

Kaagad bumungisngis si, Knick Liam.

Napailing-iling ako at palihim na napairap. "Iligo mo 'yan." Naglakad ako sa drawer at hinanap doon ang sapatos ng anak namin.

"Ayaw mo ba 'kong pag-bigyan? Isang kiss lang po..."

"Lumabas ka rito. Maligo ka na." Masungit kong sambit sa kaniya. "Kapag bilang ko ng lima, kapag 'di ka pa lumabas dito, kami ni Knick Liam ang aalis. Sige ka."

"Ito na nga po boss. Lalabas na po." Mabilis na tumugon si, Knight Andrius, at mabilis pa sa kidlat na lumabas ng kuwarto matapos sabihin 'yon.

"Buti naman," I whispered to myself when he vanished from our sight. I walked towards our son, put on his shoes, and tied it. "There you go, big guy."

"Papá, bakit ayaw mo po i-kiss si, Sir K? Hindi mo po ba siya mahal, Papá?" Nakangusong tanong niya nang pasadahan ko ng tingin ang ayos niya.

I paused for a while. At last, I sighed. "Katulad mo, nasa-shy din ako, anak." Pinigilan kong matawa nang gayahin ko ang sinabi ni Knick Liam noong nakaraan.

"Naku, Papá. Huwag po kayong nasa-shy. Ayos lang po sa akin kahit maglaplapan po kayo sa harap ko--"

"Knick Liam!" Namilog ang mga mata ko sa narinig. "A-anong sinasabi mong l-laplapan?" Nagugulat ko siyang tiningnan at napailing-iling na bumuntong-hininga. "That's a bad word, ah. Huwag na huwag mo nang sasabihin ang ganiyang word sa susunod."

He pouted. "Ano po bang masama ro'n, Papá? E, ang sabi po ni, Tinang Cress, whenever two individual kissed, it is called 'laplapan' in tagalog daw po."

"Don't and never listen to him anymore, anak. He's never a good teacher; he's teaching you the wrong kind of words and terms." I heaved. "Huwag mo na ulit sasabihin ang word na 'yon, ha. Magagalit si, Papá."

He slowly nod his head. "Okay po, Papá."

Ilang minuto ang hinintay namin ni, Knick Liam, bago tuluyang nakapag-ayos ng sarili si, Knight. Nang lumabas siya mula sa kuwarto namin ay isang itim na hoodie at white wide-legged pants ang suot niya, habang jordan naman ang naroon sa paa niya. He also has black round-eye glasses dangling from his hoodie; his outfit looks opposite to mine.

The outfit really suits his height, though; he looks so gorgeously handsome.

Pinanliitan ko siya ng mga mata, buhat ko na sa aking braso ang anak namin. "Pinapartner-an mo 'yung suot ko, 'no?" Napangisi ako. "Ganoon ka ba talaga ka-in love sa akin?"

He nodded and smiled. "I am madly, deeply in love with you, hon. Always and always." Natigilan ako sa sinabi niya. He slowly walked towards me and suddenly gave me a kiss on my forehead. "Ako na ang magbubuhat sa anak natin." Marahan niyang kinuha sa akin si, Knick Liam.

"Papá, nagba-blush ka po?" Natinag ako sa sinabi ng anak ko.

I panicked. Indeed, my cheeks are getting warm. "Ano, hindi, ah! Pinagpapawisan lang ako, ang init pala rito sa kuwarto mo anak." Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malapot bigla.

Nagtaas-baba ang kilay ni, Knight. "Hindi naman, ah. Malakas naman ang aircon dito." He smirked at me. "Ang sabihin mo, kinikilig ka sa 'kin, tama 'no?"

I shook my head vigorously. "Ba't naman ako kikiligin sa 'yo?" Napairap ako sa hangin. "Halika na nga't umalis na tayo. Baka ma-stranded pa tayo sa traffic, e." Pag-iiba ko ng usapan bago mabilis na nagpatiunang lumabas ng kuwarto.

Isang simpleng sasakyan ang ginamit namin papunta sa, Meycauayan Bulacan. Ayon kay Knight, may alam daw siyang lugar doon kung saan puwede kaming mag-stay--date ng tahimik at matiwasay, 'yung malayo sa media at malayo sa maaring issue rito sa Maynila kapag nagkataon.

"Sir K, 'di ba po sa susunod na bukas na po 'yung comeback po ng group niyo po?" Biglang tanong ni, Knick Liam, habang binabaybay namin ang daan patungo sa aming destinasyon.

"Yes, why?" Sandaling napasulyap si, Knight, sa anak namin bago muling ibinalik sa daan ang atensiyon. Our son is sitting comfortably on his father's lap.

"Bawal po kaming manood, 'no? Sabi po kasi ni, Papá, baka raw po makita kami ng press doon at malagay kami at ikaw po sa peligro. Ayaw ko pong mangyari 'yon, Sir K."

"I want you both to be there..." Knight said, almost like a whisper. "Lili... gusto ko, naroon kayo sa arena para panoorin ang--" He faked a coughed. "Ang performance ko."

Kahit ramdam ko ang panaka-nakang pag-sulyap niya sa akin ay hindi ako tumingin ng diretso sa mga mata niya. "Delikado, Knight. That's a public place, there's a lot people and press there. Pa'no na lang kung--"

"Please?" Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang unti-unting paghinto ng sinasakyan namin. "Please... I want you both to be there..."

"Pero--"

"Please? This will be the last time that I'll be performing as a K-Star, and I want you both to see me doing the things that I love before I retire... dancing and singing."

"Knight..." Nanlumo ako at tumingin sa kaniya. "You know I don't want to indulge--"

"Trust me. I've got it under control." Nakikiusap ang mga mata niya. "Just this once... please...?" Gumaya ang anak ko at nagpa-cute sa harap ko.

"Please po, Papá. Pumayag ka na po." Ipinagdikit pa nito ang kamay na animo'y nagdadasal. "Please, please, cutie please."

"Nagkakampihan pa kayo, ah..." Napabuntong-hininga ako at nag-iwas ng tingin. "Fine. Fine. I'll think about it."

"Yes!" Magkasabay nilang sambit at nakipag-apiran pa sa isa't-isa.

"Wait a second, nasaan na ba tayo, Knight? Why did we stop?" Napatingin ako sa bintana ng sasakyan at napansin kong tila isang malawak na hacienda ang hinintuan namin.

"We're here." Pagkasabi na pagkasabi pa lang no'n ni, Knight, ay kaagad silang lumabas ni Knick Liam ng sasakyan at pagkatapos ay ipinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Gamit ang isang kamay niya ay inalalayan niya akong bumaba ng kotse. "Ang bilis naman ng biyahe."

"Good thing, it's not traffic." Napatango-tango siya at ipinagsalikop ang mga kamay namin habang buhat-buhat niya naman sa kabila ang anak namin.

Tama nga ako. Isang malawak na lupain ang ngayo'y nasa harapan namin. We started to walk towards somewhere, and eventually a small resto appeared in the view.

Kaagad akong kinabahan nang may makita akong mga tao sa loob no'n. "Knight... may mga tao." Nag-aalalang bulong ko.

"It's alright, hon. Hindi nila tayo kilala." Knight winked at me, and we finally headed towards that restaurant.

Humigpit ang kapit ko sa kamay ni, Knight Andrius, nang pumasok kami sa loob. All heads turned to us when we entered the restaurant. Napapikit ako at halos bumaon ang kuko ko sa kamay ni Knight dahil sa maaring mangyari ngayon sa amin.

They were all looking at us! Will they take a picture of us? Ano na lang sasabihin nila? Yuck? Kadiri? Oh, god. Mabuti sana kung kami lang ni, Knight, ang narito pero hindi. Our son, Knick Liam is with us!

"Chill, hon. Look at them." Knight encouraged. Marahan kong idinilat ang isang mata ko. "They're not looking at us. They just took a quick glance in our direction."

Tila nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang makitang bumalik sa kani-kanilang ginagawa ang mga tao sa loob. Finally, we settled ourselves at the end point of the resto, where only a few people are. Kinakabahan akong naupo habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kamay ni, Knight.

"Good day, Sirs, and to this cute little boy of yours. Here's our menu, please take a look."

"My name is Knick Liam po!"

Knight's right. Parang wala ngang nakakakilala sa amin--sa kaniya rito. Nasaan ba talaga kami? Are we really in Meycauayan, Bulacan?

A few minutes after we ordered our food, the servant finally served it at our table. Mainit-init pa. It's a Filipino food that is very unusual to me since it's been a very long time since I ate one. Noong tikman ko naman, masarap naman siya kung kaya't walang naging problema sa pagkain.

Isang oras yata ang inabot namin sa naturang resto dahil na rin sa pagpapakain ko sa bulilit na kasama namin bago kami nagpasiyang lisanin na ang lugar. We walked again into space, where Knight's car was parked. Pero bago pa man namin marating ang kotse niya ay biglang tumunog ang cellphone ko.

It was a text message from Cress.

Baklaaa!! Gaga ka, mag-open ka ng Twitter!! Daliii!! Shutaangunemerssszzz!

Nangunot ang noo ko, nagtataka. "Ano na naman ba 'to?" I whispered to myself and followed what he said.

"What's wrong?" Knight asked when I stopped walking. Buhat-buhat niya pa rin si, Knick Liam sa kaniyang braso. "Is there something wrong?"

Agad nanginig ang katawan ko dahil sa bumungad sa akin nang buksan ko ang twitter app sa cellphone. It was a picture of me, Knight, and our son. Kitang-kita ang pagmumukha ko--naming tatlo, lalo na ang kamay namin ni, Knight na magkahawak.

It had a caption that made my heart shatter.

'Bakla pala 'yung idol niyo? Hahahahaha. E'di samahan niyo siyang masunog sa impyerno. Hahaha.'

Napatakip ako ng bibig. It was posted 10 minutes ago, but it has already gained 60 thousand likes and 30 thousand retweets.

Who took this picture?

"What's wrong, hon?" Naalarma si Knight.

Nag-scroll ako, ngunit gano'n na lang ang paglandas ng luha ko sa mga mata dahil sa sunod kong nakita. Knight also had a tweet 5 minutes ago... and his tweet is also the same picture that was taken above, and there I saw a caption that made me burst into tears.

'I love you both, forever and ever and always. My life. 🌈'

Although it was posted early, it has already gained 100 thousand likes and 50 thousand retweets.

Humikbi ako at nag-angat ng tingin kay, Knight. "Knight..." I whispered to myself and immediately clung my hands around his neck.

"Shh... what's wrong?" He asked and hugged me back using his one, free hand. "Tahan na... alam mo namang nasasaktan ako kapag nakikita kang umiiyak, hindi ba..."

"Papá, huwag ka na po umiyak... naiiyak din po ako, Papá..." Ipinulupot din ni Knick Liam ang braso niya at niyakap din ako.

I sobbed in Knight's chest before I turned my head to Knick Liam, and smiled. "Don't cry," I whispered, wiping away his tears. "Masaya lang si, Papá..."

Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap ni, Knight sa aming dalawa ng anak namin. Lalo akong naluha at napangiti.

At that moment, I know and I can feel it... as long as Knight Andrius is on our side, no one can hurt us. As long as we are with him, we are harmless.

In his arms, I am certain, we are safe.








To be Continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro