Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27

A/N: Happy 35K reads CB! Maraming salamuch po sa mga nagbabasa at magbabasa pa lamang! Sana nag-e-enjoy kayo. Kasi ako, hindi. SHAHAHA! Charot! Happy three-kings, mga miii! Ako naman ang pamaskuhan niyo dahil sunod-sunod na yata ang UD?! Kems. SHAHAHA! Happy reading! XD.

Ready na ba kayo sa nalalapit na muling pagkikita ni, Lili at Knight? HEHEHE! ABANGAN SA NEXT CHAPTER--28!

---

MASAKIT. Makirot. Iyon ang aking paulit-ulit na nararamdaman sa araw-araw na lumipas. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan at hindi na mabilang kung ilang araw, o linggo na naman ba ang lumipas. Paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin sa bawat araw, gigising, kakain, tutulala, matutulog, gigising, kakain, tulog ulit. Paulit-ulit.

"Iniisip mo na naman ba si, Knight at Diana?" Bulong ni, Cress, sa aking tabi. Napabuntong-hininga siya. "Kasalanan ko 'to, e. Hays. Dapat talaga hindi ko na binuksan 'yong TV nung nakaraan."

"Wala kang kasalanan, Cress... Okay lang ako." Tugon ko at sinubukang pilit na ngumiti.

Napailing siya. "Ok lang? Sapak, do you want?" Namaywang siya. "Stop stressing yourself, Liliénné, stop thinking about that asshole. Tingnan mo nga 'yang tiyan mo, may umbok na, oh." Iminuwestra niya ang tila halos bola na sa tiyan ko. "The baby is growing. Masama para sa bata kung puro negative thoughts or negative vibes ang iyong iniisip at nararamdaman."

Ngumuso ako. "Bakit? Nababasa niya ba ang iniisip ko?" Nagtatakang tanong ko. "Nararamdaman niya ba ang nararamdaman ko?"

"Gaga ka talaga, bakla, 'no?" Umirap siya. "Siyempre, malamang! Iisa pa kayo ngayon ng anak mo, 'no. Nakadugtong ang lahat ng sa inyo--kung paano kumakain, iyong feelings mo na, for sure, nararamdaman niya, at bukod do'n kung paano dumudumi sa loob ng tiyan 'yang si baby. Pati na ang life's span niya, nakadepende rin sa iyo 'yon, nakadepende sa physical, mental, and emotional being mo as his... mother." Napahinga siya ng malalim. "Alam mo bang, puwedeng malaglag ang baby sa sinapupunan kapag na-o-over stress ang nagdadala?"

Napailing ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi..." wala sa sarili kong nahipo ang aking tiyan. "Ayaw ko... ayaw kong mawala si, baby ko."

"Then, ayusin mo 'yang buhay mo." Nakangiwing tugon ni, Cress, bago mabilis na lumingon sa pintuan. "Si, Doc Lagdameo 'yan, pustahan." Hindi ko agad naintindihan ang sinasabi niya, hanggang sa narinig ko na lang pag-bukas ng pintuan.

Tama nga ang kaibigan ko. "Magandang araw, Liliénné." Bumaling ang matipunong doktor kay, Cress, at ngumiti rito. "Cress." Tumango siya. "I just drop by to say, na puwede ka nang ma-discharge ngayong araw. Nakausap ko na ang kuya mo at nakapag-bill up na rin siya. Babalik ka na lang dito para sa further check-up mo at para na rin kay baby." Nakangiting litanya niya sa akin.

Nagliwanag ang mukha namin ni, Cress. "Oh, my god! Yes! Makakauwi ka na, baks!" Masayang sambit pa ni, Cress, at inalog-alog pa ako.

"Oo nga. Makakauwi na ako." Pinigilan ko ang kamay ni, Cress, sa pag-alog sa akin. Bumaling ako sa doktor. "Maraming salamat po, Doc." Sinsero kong sambit sa kaniya.

"No worries." Mabilis na napasulyap sa kaniyang relo ang doktor bago mag-paalam sa amin. "Paano? Mauuna na ako, ah? Magra-rounds pa ako."

"Teka lang, doc." Pag-pigil sa kaniya ni, Cress. Nakakunot ang kaniyang noo. "Nasaan na nga pala ang kumare naming si, Doc Lynn? Isang linggo ko na siyang hindi nakikita, a. Marami pa naman akong chika sa kaniya."

Sinakop ng baritonong tawa ang aking silid. "Umuwi na." Napangisi siya. "Iniuwi na siya ni, Achilles, sa Batanes." Napailing-iling ito. "Takot malamangan, e."

"Hmm, ok po." Napatango-tango si, Cress, at hindi na nag-salita pa. Mabuti na lang at wala na siyang follow-up pang mga tanong dahil tila nag-mamadali ang lalaking doktor.

"Sige na. I'll leave you two. Mauuna na ako." At pagkatapos nga noon ay mabilis na nag-lakad si, Doc Damian, sa pintuan ng aking silid upang lumabas.

"O... MY... LILIÉNNÉ!" Halos matakpan ko ang aking tenga nang basta na lang tumili si, Cress, nang mawala ang doktor sa aming paningin. "Narinig mo 'yon?! Madi-discharge ka na! I'm so excited!"

"Huwag ka ngang tumili-tili riyan, Cress." Inilingan ko siya. "At bakit ka naman na-e-excite dahil makalalabas na ako rito, ha?" Pinanliitan ko siya ng mga mata.

"Babalik tayo ng club at sabay na mag-lalantuday! Hooray!" Masayang aniya at lumayo ng kaunti sa aking kama para mag-tatalon.

Nginiwan ko siya. "Nakalimutan mo na ba, Cress?"

Napahinto siya saglit at tumingin sa akin. "Ang alin?"

"Nakalimutan mo bang... buntis ako?" Nalukot ang aking mukha. "Hindi pa ako puwede sa mga hard, hard geym na 'yan ulit, Cress. Baka maalog si baby ko." Seryosong sambit ko at hinimas-himas ang aking umbok na tiyan.

"Hmp. Walang buntis-buntis kapag nag-crave ang butas ng puwet mo, 'no." Napairap siya. "Pero wait. You say, 'ulit'? Ibigsabihin nakipagchukchakan ka na talaga? I mean, hard geym is your term for sex, right?"

Pinagkunutan ko siya ng noo, walang naintindihan. "Oo naman. Nakipag-hard geym na ako, 'no." Proud na proud ko pang sambit sa kaniya.

"Kanino?" Pinanliitan niya naman ako ng mata ngayon.

"Kay..." Natigilan ako. "Knight..." Humina ang tinig ko.

"Tumpak! Sinasabi ko na nga ba!" Masayang ani, Cress, at ngumisi sa aking harapan. "Ano? Malaki ba 'yong longadog niya? Anong kulay ng ulo? Mushroom ba 'yong ulo? Anong naramdaman mo? Masarap ba? Masakit? Liliénné, sabihin mo sa 'kin lahat! I-kuwento mo! Dali!" Nananabik pa niyang aniya at mabilis na naupo sa aking tabi.

"Wala akong ganang mag-kuwento." Walang emosyong sambit ko at ibinagsak ang aking buong bigat sa kama. Napatulala na lamang ako sa kisame. Bakit ba tila hindi ko matanggal sa aking isipan si, Knight? Bakit hindi siya matanggal sa aking sistema?

"Oops. Oo nga pala. Ayaw mo palang pag-usapan si, mister Fulgencio." Rinig kong ani, Cress, ngunit hindi na ako muli pang bumaling sa kaniya. "I'm sorry, beks, na-carried away lang." Dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at pinakinggan ang malakas na pag-tibok ng aking puso... dahil sa nararamdaman nitong hindi maipaliwanag na pinag-samang... sakit at kirot.

Si, Knight... bakit ba tila nasasaktan ako tuwing naiisip ko na ikakasal na siya kay, Diana? Tuwing naiisip ko ang napanood ko sa telebisyon--noong naghahalikan sila?

Hanggang sa ilang segundong pag-iisip lamang sa kasagutan na 'yon sa aking isip, ay bigla akong dinalaw ng kadiliman at hinatak ako sa maitim na kailaliman ng walang hanggan.

"Honey, wake up."

"Can you carry him into the car, L.A.?"

"Of course, I can."

"Wag niyo nang ipabuhat, may paa naman 'yang si, bakla."

Napahinga ako ng malalim dahil sa maraming boses ang aking naririnig mula sa bawat sulok ng aking silid. Boses ng aking ina, na siyang gumigising sa akin, ang aking ama, ang aking nakatatandang kapatid at siyempre, ang aking kaibigan na hindi basta-basta nag-papatalo sa bungangaan si, Cress.

"Wake up, mi amore."

"Carry him, L.A."

"Wag na."

"Ang iingay niyo." Marahan kong idinilat ang aking mga mata at isa-isang tiningnan ang tao sa aking silid. "Ano po bang mayroon?" Tumingin ako sa aking ina na siyang pinakamalapit sa akin.

Ngumiti siya. "We're going home."

"Uuwi na raw, bading." Mabilis na sabat ni, Cress.

"Uuwi na po tayo?" Nagtatakang tanong ko sa aking ina, at marahang bumangon upang maupo sa aking kama. "Babalik na po tayong italia?"

"Nope. Not today." Ang aking nakatatandang kapatid na si, L.A., ang sumagot ng aking tanong. "I still have business here, pagkatapos no'n ay sabay-sabay na tayong babalik ng Italy."

"Wow..." Namamanghang ani, Cress, habang naka-awang ang kaniyang labing nakatingin kay, Kuya. "Marunong ka nang mag-tagalog!" Masayang aniya pa sa huli.

"Of course. What is the use of my Filipino language teacher, if I will not learn filipino language, right?" Mayabang pang anang kapatid ko.

"Wait, medyo nag-flip ang brain cells ko sa sinabi mo, L.A."

"Ugh." Napairap si, Kuya. "Nevermind."

"Here." May iniabot sa akin ang aking ina, isang paper bag. "That's your clothes for you to exhange for the hospital gown. Can you change all by yourself? Can you walk?"

"Tita, may problema ho sa utak ang anak niyo, hindi baldado."

"Shut up, Ravi. My mom is not talking to you." Sinamaan ng tingin ni, Kuya, si, Cress.

"Bakit, ikaw din ba ang kinakausap ko?" Napangiwi lang ang aking kaibigan. "Aside from hindi siya baldado, Grecco Fam, e, hindi rin siya masiyadong nakakaintindi ng english language, kaya mas mabuting tagalog ang gamitin niyong medium of communication kapag gusto niyo siyang kausapin... at kung gusto niyong makakuha ng matinong sagot sa kaniya."

"Well, I can speak tagalog." Umalingawngaw ang nagmamalaking tinig ng kuya ko.

"Tse! Ang bantot mo naman mag-pronounce, 'no. Para kang alien kapag nagpi-filipino!"

"At least, I can speak and understand filipino language!"

"Hindi lahat!"

"And why is that?" Tumaas ang isang kilay ng kapatid ko.

Namaywang si, Cress. "Hindi mo nga alam ibigsabihin ng burat!"

"You told me, it means medicine!"

"I was just kidding, dumbass!"

"Then, what is burat?" Mapang-hamong ani, L.A.

"Tnga! Titë 'yon!" Malakas na tugon ni, Cress, na siyang nakapag-paralisa sa matipunong katawan ni, Kuya, bigla. "Oha, 'di mo inaasahan 'yon, 'no? Bakit? Malaki ba 'yang burat mo, ha?"

"T-that's a stupid question!"

"Gagø! Siguro malaki lang bayag mo, pero 'yong kahabaan mo, ay parang sing-haba lang ng middle finger ko! Look, oh!" Itinaas pa ni, Cress, ang kaniyang gitnang daliri at ipinakita 'yon sa kapatid ko. "Talo ka sa 'kin, I can speak more than five languages, and many Filipino dialect, 'no!"

"Stop it, both of you." Suway bigla ng aking ama sa kanila. "Ravi, mind your tongue when you are in front of my youngest son, he's mind is similar to a child, right?"

"I doubt it, Tito. Siguro 'yong brain cells niya as of the moment is pang-15 years old na. Oh, pak! Nag-evolve! Pokemon yarn?"

Hindi pinansin ng aking ama si, Cress, at nagpatuloy sa aking nakatatandang kapatid. "And you, L.A., puwede ba, huwag mo ng patulan pa iyang si, Ravi. He's still younger than you, and you are much his old brother, so please... maging mapag pasensiya." Napailing-iling ito. "Furthermore, don't be an added stress to, Liliénné. He's going through a tough situation right now."

"Tch." Napairap ang kuya ko.

"Perks of being younger than L.A." mapang-asar pa na ani, Cress, at nginisihan ito. Masamang tingin lang ang itinugon ng kapatid ko at hindi na nag-salita pa.

Napailing-iling na lang ako sa sarili bago humugot nang maraming hangin at marahan din 'yong pinakawalan. Tinanggap ko ang paper bag sa kamay ng aking ina, at dahan-dahang tumayo mula sa aking kama.

"Ayos na po ako... mag-bibihis na po ako." Tinanguan ko ang aking pamilya, kabilang si, Cress, bago ko sila talikuran at maglakad patungo sa C.R. para makapag-bihis.

Napaawang ang labi ko at halos hindi makilala ang aking katawan nang makita ko ang aking repleksiyon sa salamin nang makasok ako sa nag-iisang cubicle sa loob ng C.R. Bakit tila lomolobo ako? Anong nangyayari sa akin? Dahil ba ito sa batang nasa tiyan ko?

Napabuntong-hininga ako. Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa umbok ko sa tiyan at wala sa sariling napangiti. Hindi ko napigilan ang aking sarili at humaplos ang aking palad doon.

"Lumalaki ka na... ang bilis lumipas ng araw... ang bilis mo ring lumaki." Napapailing kong ngiti sa aking sarili. "Nananabik na akong mahagkan ka..." Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan. "Aking... a-anak."

"Siguro, sasagot 'yang baby at sasabihing, 'magulat ka, mi, kapag hindi ako lumaki habang lumilipas ang araw.' Duh." Biglang panggagaya ni, Cress, sa boses ng bata.

Nagulantang ako. Bakit nandito siya? "Cress!" Tili ko nang mapansing naka-hubo pala ako rito sa loob ng cubicle, kinakabahang baka bigla siyang pumasok, wala pa namang lock ang maliit na silid na ito.

"Don't worry, beks. 'Di kita sisilipan kahit parehas berde naman ang mga dugo natin. Hmp!" Dinig kong reklamo ni, Cress, sa labas. "Gusto ka lang i-check ng pamilya mo kung buhay ka pa ba, o baka nadulas o nabagok ka na rito sa loob. Baka raw mawalan ka na naman ng memorya."

"Paki-sabi, ayos lang ako! Kaya ko na ito! Puwede ka na lumabas!"

"Ok, madali naman akong kausap. Hintayin ka namin dito sa labas. Babush!" At pagkatapos no'n ay narinig ko na nga ang kaniyang matunog na yapak palabas ng C.R. Mabuti na lang talaga at nakahiwalay itong cubicle, dahil kung hindi... naku, ayaw kong isipin.

Dahil sa biglang pag-sulpot ni, Cress, sa labas ng silid na ito, ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at nagmadali na sa pag-papalit ng aking kasuotan, natatakot na baka may susunod pang gawing pagbisita rito ang aking kaibigan kung sakali mang mag-tagal pa ako rito.

"Ano ba itong ibinigay niyong mga pamalit sa akin?" Napalabi ko sa aking pamilya nang makaharap ko sila pagkatapos ng aking pagbibihis. "Seryoso ba kayo? Bestida at panjama? Anong klaseng pagpa-pares ito?"

"Hmp. Bawal kang mag-reklamo, baks. Ako ang bumili niyan diyan sa UK-UK." Mapang-asar ang ngiti sa akin ni, Cress. "Isa pa, kiber na 'yan dahil preggy ka naman. Para hindi halata 'yang umbok sa tiyan mo. Alam mo naman mga, marites ngayon, nag-e-evolve na rin.... marimar na sila."

"Wait, Ravi. You mean these clothes are from United Kingdom?" Nagtatakang tanong ni, L.A. rito. "That far? Just for this clothes?"

"Kingina. Manahimik ka na nga lang, L.A." Napaismid si, Cress, dito. "Siyempre, hindi 'yan galing sa United Kingdom, 'no. Hindi ko afford do'n. Sa ukay-ukay lang 'yan."

"What's Ukay-Ukay? And where? Can we drop by there?" Tanong naman ng aking Ina. "The clothes are in good quality, I like it."

"Diyos miyo, ang hirap talaga kapag kaharap mo mga rich people, e, tapos ikaw hampas-lupa lang." Bubulong-bulong na ani, Cress, sa sarili. "Saka na ho ako magle-lecture about sa Ukay-Ukay, Tita. Lisanin na po natin 'tong hospital na 'to, bago pa tuluyang ma-stress ang kipay ko sa inyong magpa-pamilya."

Narinig kong matawa ang aking ama. "Yeah. Ravi's right. Let's go home first bago tayo makuwentuhan." Nag-tanguan sila ng aking nakatatandang kapatid bago sila magpa-tiunang maglakad papalapit sa pintuan para lumabas ng aking silid.

"Kuwentuhan? Ay, wala na, be. Suko na ang hampas-lupa self ko sa inyo." Dinampot ni, Cress, ang malaking bag sa gilid ng kama at binitbit 'yon sa kaniyang balikat. "HOY, L.A. BATUGAN! IKAW NGA ANG MAGBUHAT NITO! ANG BIGAT!" Tili niya sa aking kapatid at marahas na hinagis ang bag dito.

Napangiwi at iiling-iling na lang ako sa kanilang dalawa bago kami magkaka-sabay na lumabas ng silid. Sa wakas, makakaalis na ako rito.

Nag-hihintay ang kulay puting sasakyan sa parking lot nang hospital nang makalabas na kaming lima. Inalalayan ako ni, L.A. pasakay sa likod ng kotse at itinabi sa akin ang bag ko roon.

"Nasa'n ang mga magulang natin?" Takang tanong ko sa kapatid ko nang mapansing mawala bigla ang nanay at tatay namin sa aking paningin.

"They'll ride the other car." Iyon lang at mabilis na pumuwesto si, L.A., sa harap kung saan siya ang magsisilbing drayber. Narinig ko naman ang malakas na pag-bukas ng pintuan sa kaniyang gilid at pumasok doon si, Cress.

"Dapat talaga, dinala ko na lang 'yong motor ko, e." Labag sa loob pa siyang nag-suot ng seat belt at nag-hintay na paandarin ni, L.A., ang sasakyan.

"Here we go." Umarangkada ang kotseng aming sinasakyan at mabilis na pinaandar iyon ni, L.A. "Kapit kayong mabuti."

"Sa'n ba kasi kayo nag-s-stay ngayon?" Dinig kong tanong ni, Cress, sa kaniya.

"Our parents are staying at hotel. Liliénné will stay at my condominium for a while."

"Pa'no ka?"

"Hotel."

"Bakit kasi maliit na condo lang ang binili mo?"

"That's the only condo available I found near NAIA."

Namayani ang katahimikan sa aming paligid pagkatapos mag-usap nina, Cress, at,  L.A. Wala sa sarili kong kinayod ang aking mga mata upang pilitin ang sariling hindi makatulog.... pero siyempre, nabigo ako.

Inaantok na naman ako, palagi na lang. Nitong mga nakaraan ay ang bilis kong antukin. Ano na naman ba ang nangyayari sa akin?

"Sige na, baks. Maborlog ka na. O, baka gusto mong kantahan pa kita ng Ili-Ili Tulog Anay?"

Inilingan ko na lang si, Cress, at marahan kong ipinikit ang mga mata ko nang biglang buksan ni, L.A., ang radyo ng sasakyan at umalingawngaw ang mabagal na tunog ng piano roon.

"BAKLA! NANDITO NA TAYO!"

"Can you please don't shout at him? Ang lapit lang niya sa 'yo, oh."

"Tse!"

Pupungas-pungas kong idinilat ang aking mga mata at umayos ng upo nang mapansing nakahinto na pala ang aming sinasakyan sa tila malawak na parking lot.

"Let's go." Naunang bumaba si, L.A., at ipinag-buksan pa ako ng pintuan bago niya mabilis dinampot ang malaking bag sa aking tabi at inilagay 'yon sa kaniyang balikat.

Nakita kong nakababa na rin si, Cress, ng sasakyan habang nakapamaywang na naghihintay sa amin. Nagtanguan kami at magka-agapay kaming napasunod sa nagpapa-tiunang si, L.A., sa aming harapan.

Ilang saglit pa, bago pa man kami tuluyang makaalis sa parking lot ay bigla akong naparalisa sa aking kinatatayuan at unti-unting napaawang ang aking mga labi dahil sa nakakawindang na eksena sa aking harapan.

Mabilis na tumabi sa akin si, Cress, at napatingin kung saan ako nakatingin. Sa hindi kalayuan sa amin ay may dalawang pigurang tahimik na nag-hahalikan sa isang gilid, nakapikit ang kanilang mga mata na animo'y dinadama ang sarap ng kanilang mga labi.

Hindi ko namalayang unti-unti na palang pumapatak ang mga luha sa aking mga mata. Napansin kong biglang dumilat ang lalaki at biglang tumingin sa direksiyon ko.

Si, Knight... namilog ang mga mata niya nang magtama ang mga mata namin.

"Let's go." Marahas na hinatak ni, Cress, ang aking braso at mabilis kaming naglakad pabalik sa sasakyan.

"Where are--HEY!" Napahinto sa pag-sasalita si, L.A., nang bumaling siya sa amin at napansing wala na kami sa kaniyang likuran. Napailing-iling siya at walang nagawa nang sumunod siya sa amin, hindi niya yata napansin ang mga naghahalikan.

Napailing-iling ako sa sarili. "C-cress..." Hindi ko napigilan ang aking pag-hikbi ko nang tuluyan akong makapasok sa sasakyan at doon nag-patuloy sa pag-iyak. "C-Cress... b-bakit gano'n? Ang s-sakit... sakit."

"What are--" Natigilan si, L.A., nang makita akong humihikbi sa likod ng kotse. "What happened?" Nag-aalalang tanong niya pa sa akin sa harap sa upuan ng drayber.

"Nakakita kasi kami ng dalawang asong ulol doon, kaya nag-retreat kami ni, Lili, at bumalik dito. Siguro, natakot siya."

"Seriously?"

"Tnga. Siyempre, hindi."

"C-Cress... K-kuya..." Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanila, nagpapatuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata. "A-ayaw ko na rito. Ayaw ko rito." Napailing-iling ako. "Gusto ko nang bumalik sa italia..." Ilang segundong katahimikan pa ang namayani sa paligid, bago ko naramdaman ang mabilis na pag-harurot ng aming sinasakyan papalayo sa lugar kung saan nakita ko si, Knight... at Diana'ng magka-halikan.

Wala sa sarili kong nahipo ang aking tiyan habang pumapatak ang tubig sa aking mga mata.

"H-hindi tayo mahal ng t-tatay mo..." Mahinang bulong ko sa sarili. "P-pero pangako ko, aalagan kita... at m-mamahalin kita nang higit pa sa buhay ko, a-anak..." Humugot ako ng pagkalalim-lalim na hininga at marahan 'yong pinakawalan. Malungkot akong ngumiti at muling hinaplos ang umbok sa tiyan ko. "M-mahal kita... my litol Knight." Napahagikgik ako.

"Sabi ko sa 'yo, L.A., may sira sa utak 'yang si, Liliénné, e. Papalitan mo kaya ng utak 'yang kapatid mo?"










To be Continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro