Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

A/N: Salamat sa 500+ ffs! HAHAHA! Nagiging in-active ako bigla, e, 'no. HAHAHA! Maraming salamat sa patuloy na pag-suporta sa kwento ni Lili at Knight! Happy 15K reads mga acclaaa! Ang tanong, may happy ending ba si, Lili at Knight? Chz! HAHAHA! Thank you ulit! Happy August 1? HAHAHA!

Happy reading!


***

NAKATINGIN ako sa napaka-laking mansiyon ngayon sa aking harapan. Malabo ang aking paningin at hindi makita ng maayos ang aking kapaligiran.

Pero alam ko. Nasa harapan ako ng isang napakalaking bahay, isa itong napaka-laking mansiyon. Kulay krema ang pintura niyon at animo'y mga maharlika ang nakatira roon. Maraming puno at halaman sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nakakaginhawa iyon ng aking pakiramdam.

Napabuntong-hininga ako at tila may sariling buhay ang aking mga paa at lumapit sa napaka-pamilyar na mansiyon. Pumasok ako sa loob niyon at kahit malabo (blurred) ang aking paningin, alam kong napakaganda at napakagara ng paligid niyon.

Kataka-takang tila alam ng aking mga paa kung saan dapat ito mag-tungo, nag-lakad ito sa kanang direksiyon at bumungad ang isang malabong aniyo ng isang lalaki na mas malaki ng ilang pulgada sa akin, mas matangkad siya sa akin kung kaya't kinailangan ko pa siyang tingalain upang matingnan siya.

Malabo pa rin ang aking paningin nang matingnan ko siya, ngunit tila alam na alam ng aking katawan na naiinis siya sa akin sa pagkakataong ito.

Hala, mayroon ba akong ginawa sa kaniya? Pero wala akong matandaang naka-away!

"LILIÉNNÉ AMORÉ GRECCO!" Galit na galit na anang lalaki sa aking harapan. "Perché sei così testardo, eh? Non ti avevo detto di non lasciare la villa senza di me con te!" (Bakit ba napaka-pasaway mo, ha? hindi ba't sinabi ko na 'wag na 'wag kang lalabas ng mansiyon ng hindi ako ang kasama mo!)

Napapikit ako at gusto ng maiyak nang marinig ang galit niyang boses. Bigla akong natakot at kinabahan. "M-m dispiace, fratello maggiore..." (Ipag-paumanhin mo, Kuya...)  Nanginginig ang boses ko dahil sa pag-pipigil ng iyak.

Nagulat ako nang yakapin niya ako. "Non piangere, Lilienne. Madre sarà ferita quando ti vedrà piangere." (Huwag kang umiyak, Lilienne. Masasaktan si ina kapag makita kang umiiyak)

"NO. Non piangerò, non voglio ferire nostra madre." (Hindi. Hindi ako iiyak. Ayokong masaktan si, ina.)

Tumango ang lalaki sa aking harapan at ngumiti. Lumayo siya at ginulo ang buhok ko. "Dai la mamma è in cucina a cucinare, andiamo da lei." (Halika. Naroon si ina sa kusina at nagluluto, puntahan natin siya.)

Napatango ako at napangiti. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming nag-lakad patungo naman sa ibang direksiyon.

"Conto--" Akma pa sanang bubukas pa sana ang aking bibig at mag-sasalita nang biglang may kung anong pwersa ang humila sa aking pailalim na siyang nakapag-patigil ng aking pag-hinga.

"LILI! LILI!" Paulit-ulit na pag-tawag ng pamilyar na boses sa aking tainga. Naramdaman ko ang pag-tapik niya sa aking pisngi habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan ko.

"Uaagh." Bigla akong napabangon at humigit ng pagka-lalim-lalim na hininga. Hinihingal kong tiningnan ang lalaking tumatawag sa aking pangalan. "Xalvienne!" Malakas kong sambit. Kahit hinihingal, ay mabilis akong kumilos at hinatak ang kaniyang mga matipunong braso at yumakap doon.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong niya at bahagyang hinahaplos-haplos ang aking likuran. "Anong masakit sa 'yo? Tell me."

"Medyo... ano... nahihilo ako." Pag-amin ko at dahang-dahang kumalas sa kaniyang mga bisig nang mapagtanto ang ginawa ko. Nahiya tuloy ako at namula at agad iniiwas ang tingin.

"Look at me." Kinuha niya ang aking mukha upang makatitigan kami. "Tell me--sabihin mo sa akin. Anong nangyari? Bakit nawalan ka ng malay do'n sa likod ng building? At bakit may bukol ka sa noo?" Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha nang itanong iyon.

Nag-aalangan ko siyang tiningnan at napabuntong-hininga. "Wala... ano... na-untog lang ako... ano... aksidente." Nakamot ko ang noo.

"Tell me the truth." Humugot siya ng pagkalalim-lalim na hininga. "I mean, sabihin mo sa akin ang totoo. Ano ba ang nangyari?" Mariing tanong niya pa.

"Ano..." Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ngunit, sa hindi malamang dahilan ay may nag-uudyok sa aking magsinungaling. "Ano... na-aksidente nga ako..." Mahinang bulong ko at nag-iwas ng tingin.

Alam ko. Alam kong masama ang mag-sinungaling, hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ko ginawa iyon. Mag-nagsasabi sa akin--may nag-uudyok na mag-sinungaling ako. At isa lang ang itinuturong dahilan no'n. O, 'di kaya'y sino?

Si, Knight. Hindi ko malaman kung bakit ko siya naisip sa ganitong pagkakataon. May nag-sasabi sa aking wala dapat makaalam ng ginawa sa akin--nang nangyari sa akin na kagagawan ng mapapangasawa niya.

Humugot ako ng malalim na hininga nang mapansing hindi umimik agad si, Xalvienne. Nakatitig lang ito sa akin na animo'y tinatantiya kung nag-sasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Ano..." Wala sa sarili kong hinawakan ang kamay niya. "Huwag kang mag-alala sa akin." Nginitian ko siya. "Ayos lang ako. Pramis!" Itinaas ko pa ang kamay ko.

Ginulo niya ang buhok ko. "Sa susunod, mag-iingat ka. Pag-igihan mo ang pag-iingat sa sarili mo." Bumuntong-hininga siya. "Mahirap na ang mag-tiwala sa panahon ngayon, marami na ang masasamang loob. Marami na ang abusado, maraming manloloko. Sa huli, sarili at sarili mo pa rin ang kakampi mo, sakaling talikuran ka ng mga tao sa paligid mo."

"H-ha?" Nangunot ang noo ko, walang naintindihan. Ang dami naman niyang sinabi. "Bakit naman nila ako tatalikuran? May ginawa ba ako? Wala naman akong kaaway..." Humina ang boses ko sa huli.

"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon, Lili." Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Pero ipinapangako ko, sa tamang panahon--malapit na malapit na, malalampasan mo ang mga pag-subok na 'to at magkakaroon ka ng kaginhawaan ang iyong puso."

"O-okay po?" Hindi ko na alam ang dapat kong itugon. Naubusan na ako ng sasabihin. Wala akong maintindihan sa mga binanggit niya.

"You're so cute." Nakangiting aniya. "Malapit na. Malapit na kayong muling magkasama. Kaunting panahon na lang."

"P-po? Sino po?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Ano ba itong mga pinag-sasabi niya? Hindi ba siya nasisiraan ng ulo? "Ayos lang po... ba kayo?" Hindi komportableng tanong ko sa kaniya.

"Yes. Hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo, don't worry." Umayos siya ng pwesto at tumayo ng tuwid. "Come. Kailangan na nating bumalik sa loob, mag-gagabi na, paniguradong hinahanap ka na ni, Knight."

Bigla akong nag-alala sa pagka-banggit ng pangalan ni, Knight. "Ano... ano... Xalvienne. Alam mo ba kung ilang oras akong walang malay?" Mahinang tanong ko sa kaniya.

Napailing-iling siya. "Nope--Hindi. Napadaan lang ako rito dahil malapit dito ang paborito kong tambayan, then, nakita kita. I thought, nasa loob ka na at kasama na si, Knight, but then, nakita kitang nakahiga rito sa sahig, walang malay."

Napatango-tango ako. "Maraming salamat, Xalvienne" Sinsero kong sambit sa kaniya. "Salamat talaga... pakiramdam ko, ang dami ko ng utang sa 'yo... kahit saglit pa lang tayong nagkita."

Kinindatan niya ako. Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng pisngi ko. "Don't mention it. I'm happy to help you, my heir. I'm honored." Inilahad niya ang palad niya at inaalalayan ako bago kami mag-umpisang mag-lakad. "Your Family--the Grecco's helped me so much. So, it is my time to--"

"A-ano?" Napahinto ako sa pag-lalakad dahil sa narinig. "G-grecco's?" Gulat kong tanong sa kaniya habang mahigpit na nakahawak sa kaniyang mainit na palad.

Naguguluhan siyang tumango. "Yeah. Why--I mean, bakit? Is there any problem, my heir? Fvck." Napailing siya. "Ang ibig kong sabihin, ay kung may problema ba sa sinabi ko?"

Napailing-iling ako. "Wala... ano... kasi... noong nahimatay ako... nanaginip ako." Napabuntong-hininga ako sa huli.

"What? What is it?" Binigyan niya ako ng makahulugang tingin na hindi ko alam ang ibig sabihin. "Anong napanaginipan mo?"

"Malabo..." Pag-amin ko. "Sobrang labo. Pero nakatayo ako sa isang malaking bahay--o mansiyon ba 'yon ang tawag? Hindi ko alam. Pumasok ako sa loob ng bahay, tapos nakita ko 'yung batang lalaki..."

Kumunot ang noo ni, Xalvienne. "Batang lalaki?" Takang tanong niya. "Sinong batang lalaki? Anong sinabi niya?" Kuryosong tanong niya pa.

"Natandaan ko... sinigawan niya ako..." Sinubukan kong alalahanin ang napaka-labo kong panaginip at ang sinabi ng batang lalaki pagkapasok ko pa lamang. "Lilienne..." Bulong ko sa sarili.

Bigla ay naramdaman ko ang biglang panginginig sa paraan ng paghawak sa akin ni, Xalvienne. Tiningnan ko siya at nakitang nakapikit ang kaniyang mga mata sa hindi malamang kadahilanan.

"Xalvienne..." Mahinang pag-tawag ko sa pangalan niya. "Ano... ayos ka lang?" Nahihiya ngunit may pag-aalalang tanong ko sa kaniya.

Dumilat siya at may kung anong kislap ang mga mata niya nang tumingin sa akin. "Yeah." Bulong niya. "I'm glad, finally, I found you, my heir... Liliénné Amoré Grecco." Hindi ko narinig ang huling sinabi niya sa sobrang hina no'n kahit magkatabi lamang kami.

"Nag-sasalita ka ba?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil sa pahina nang pahina ang kaniyang boses at pag-iingles niya na hindi ko maintindihan. "Anong... sinasabi mo?" Binigyan ko siya ng kuryosong tingin.

"Wala. Don't mind me." Napailing-iling siya. "Sha'll we?" Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at magka-agapay kaming nag-lakad patungo sa malaking entrada ng imprastraktura ng mga, Fulgencio.

"Kaya mo bang mag-lakad? Nahihilo ka pa rin ba?" Tanong sa akin ni, Xalvienne nang makapasok kami sa loob ng imprastraktura at huminto malapit sa entrada no'n. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

"Hindi na." Inilingan ko siya. "Kaya ko naman. 'Wag kang mag-alala." Nakangiti akong nag-thumbs up sa kaniya. "Salamat, Xalvienne." Muli ay sinsero kong pasasalamat sa kaniya.

"Drop it. It's my job to protect you, my heir." Nginitian ko na lang siya kahit walang naintindihan sa sinasabi niya. Maya-maya pa ay biglang namilog ang mata ko nang hawiin niya ang iilang buhok kong nililipad ng hangin sa aking mukha.

Agad akong pinamulahan ng mukha dahil doon. "Ano..." Hindi ako makahanap ng tamang salita sa aking dila. Bakit gano'n? Pakiramdam ko, hindi tama ito? Pakiramdam ko... nag-kakasala ako? Bakit? Kanino?

Bigla ay biglang pumasok ang pigura nii, Knight, sa aking isipan. Si Knight... bakit? Hindi ko na talaga maintindihan itong nararamdaman ko... magulo... malabo... minsan masakit... minsan nakakaliti. Ano ito? Anong pakiramdam ito? Naguguluhan na ako.

Pero, may kung ano sa aking puso... hindi ko man aminin, napapakalma ako ng presensiya ni, Xalvienne. May kung ano akong hindi maipaliwanag... pamilyar na pakiramdam, na hindi ko maunawaan. Masarap. Pakiramdam ko, protektado ako tuwing malapit siya sa akin at walang ano man ang makakapanakit sa akin kapag nariyan siya sa malapit.

Ang hirap ipaliwanag. Pati ako ay naguguluhan na rin sa sarili ko.

"Oh, right." Nakangiting ginulo ni, Xalvienne ang buhok ko. "Sige na. Kung kaya mo na, hanapin mo na si, Knight. Ang dinig ko ay kanina ka pa niya hinahanap." Nginitian niya ako at isinuksok sa kaniyang bulsa ang kaniyang mga kamay.

Marahan at nahihiya ko siyang tinanguan. "Sige... ano... Xalvienne... Salamat ulit." Nakamot ko ang noo dahil sa nararamdamang hiya.

"Cute." Napailing-iling siya. "Sige na. Pumasok ka na. May pupuntahan din ako, Lilienne--este Lili." Napabuntong-hininga siya sa huli.

"O-okay po?" Naguguluhang sambit ko sa kaniya. Anong sinabi niya? Tinawag niya ba akong... Lilienne? Pero, Lili ang pangalan ko.

"Right." Nginitian niya ako sa huling pag-kakataon at kinawayan bago niya ako tinalikuran at nag-lakad papalayo.

Humugot ako ng malalim na hininga at nakangiting tinanaw siya papalayo. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Masaya akong umikot at pumasok sa loob ng malaking imprastraktura ng mga, Fulgencio para hanapin si, Knight.

Hindi ko mawaglit sa aking isipan ang sinabi ni, Xalvienne bago siya umalis. Hinahanap ako ni, Knight? Hinahanap niya ako! Bigla ay nakaramdam ako ng kiliti sa aking kaibuturan dahil sa naisip.

"LILI!"

Ngunit bago pa man ako tuluyang makapag-lakad sa loob ng gusali at hanapin ang lalaking, nakakapag-pagulo at sumasakop sa aking isipan. Isang pamilyar na amoy ang bumalot sa aking ilong. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang maskuladong braso ang nakakapit sa aking katawan.

Hindi ko na pala siya kailangan hanapin. Nandito na siya. Nandito na ang isa sa mga dahilan kung bakit ko nararamdaman ang kakaibang pakiramdam, pinaghalo... may sakit, may kilit... at may sarap.

Palihim na lang akong naapailing-iling sa naisip at yumakap pabalik sa mabango at gwapong lalaki sa aking harapan. Naririto siya, sa aking harapan, at... magka-yakap kami.

"Knight..." Mahinang bulong ko sa gitna ng pag-sasama ng aming mga bisig. "Knight... ano... kasi... ano..." Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Nag-alala ako sa 'yo." Punong-puno ng emosyong bulong niya sa aking tenga. "Nag-alala ako sa 'yo, tapos ang makikita ko sa CCTV, magkasama lang pala kayo ng gagong si, Xalvienne, na 'yon." Kumalas kami ng aming mga yakap at tila hindi makatingin ng diretso sa akin. Masama ang kaniyang tingin at nakakunot ang kaniyang makapal na kilay.

Napailing-iling ako. "Knight, hindi." Pag-tutol ko. "Ano... kaso... ano..." Tila may kung anong bumara sa aking lalamunan at hindi masabi ang ginawa sa akin ni, Diana, kanina.

Bakit nga ba, hindi ko masabi? Bakit tila pakiramdam ko, makakasama ang sasabihin ko kay, Knight? Sa kanilang dalawa? Sa relasyon nila? Magiging mag-asawa na sila sa hinaharap... ayaw kong makagulo. Hindi, ayoko. Hindi pwede.

"Yeah, I get it. I get it. You're having a good time with, Xalvienne. Yeah, I know. I can see it clearly." Pinaikot ni, Knight, ang kaniyang mga mata na. "Tara na. Let's go home. Manang Iray, is waiting for us in the mansion." Malamig na aniya at naglakad papalayo sa akin.

"H-ha?" Wala akong maintindihan sa sinabi niya dahil sa pulos ingles ang lumabas mula sa bibig niya. Ngunit, magka-gano'n man, ay para akong batang nag-lakad at sumunod sa kaniya.

"Umuwi na tayo." Malamig na ani, Knight, nang makababa kami at makalayo sa gusali na pag-mamay-ari nila.

"Uuwi na?" Hindi ko sinasadyang nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Uwian na ba? Sila Vogs, Vineb, at Vilog?"

"They were alright." Nakita kong biglang nandilim ang paningin niya at bumaba ang tingin sa labi ko. "Stop biting your lips." Marahas siyang napapikit nang makitang muli kong kinagat ang aking labi.

"H-huh?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Bakit ba kasi siya nag-iingles? Alam naman niyang hindi ko siya maintindihan kapag nag-sasalita no'n, e.

"I. Said..." Nagulat na lang ako ng hinigit ni, Knight ang aking baywang at pinagdugtong ang labi namin. Namilog ang mata ko at tila tumigil ang aking mundo, nabigla ako at hindi alam kung ano ang gagawin, hanggang sa mailayo niya ang kaniyang labi sa akin.

"Anong--"

"Ang sabi ko... 'wag mong kakagatin ang labi mo." Napaawang ang labi niya. "Baka hindi ako makapag-pigil." Napabuntong-hininga siya. "Sakay na." Hindi ko napansin na nasa harap pala kami ng kaniyang kotse, kung hindi niya pa bubuksan ang pintuan no'n, hindi ko pa mapapansin ang magara at mamahaling itsura ng ipinagmamalaki niyang sasakyan.

Napatango ako at wala sa sariling sumunod sa kaniya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan pagkatapos ay isinarado niya iyon ng marahan. Nakita ko siyang umikot at pumasok na rin sa loob, kasalukuyang katabi kong muli katulad lang noong dumating kami rito kanina.











GABI na noong makarating kami sa bahay ni, Knight. Pupungas-pungas akong iniangat ang ulo at napag-tantong nakatulog pala ako at nakahiga sa isang maliit na unan... kaamoy iyon ng pabango ni, Knight, kaya alam kong pagmamay-ari niya ito.

"Bakit hindi mo 'ko ginising?" Tanong ko sa kaniya nang huminto ang sinasakyan namin sa isang tabi. "Naka-uwi na kaya si... Xalvienne?" Wala sa sariling bulong ko namg maalala ang binata kanina.

Nagulat ako ng malakas na hinampas ni, Knight ang manibela ng sasakyan. Nanlalaki ang mata ko nang tingnan siya. "Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan ng gagong 'yan, Lili!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Nanginig ang labi ko at nag-iwas ng tingin. Bigla akong natakot at kinabahan. Hindi naman siguro niya ako pagbubuhatan ng kamay 'di ba? Hindi naman niya siguro ako sasaktan? Naramdaman kong nanubig ang mga mata ko ngunit agad ko 'yong pinigilan.

Pinag-laruan ko ang aking daliri sa kaba. "Ano... galit ka ba? Ano... galit ka sa kaniya?" Mahinang tanong ko. "Mabait naman si... Xalvienne... mabuti siyang--"

"HINDI MO SIYA KILALA!" Galit na galit na ang itsura ni, Knight, sa pagkakataong 'to. "INAGAW SA 'KIN NG GAGONG 'YON ANG LAHAT NG DAPAT AY SA 'KIN! AND NOW! He wants to steal you from me! I CAN'T TOLERATE THAT! NEVER! I'LL KILL HIM! I WILL!"

Lalo akong nanginig sa takot at hindi inaasahan ang mabilis na pag-ragasa ng luha sa aking mga mata. May ginawa nga ba talaga si, Xalvienne kay Knight, kaya ito galit sa kaniya? Masamang... tao ba talaga si, Xalvienne.

Pero mabait siya sa 'kin... Napabuntong-hininga ako at lalong naiyak sa naisip. Hindi naman niya ako pinakitaan ng hindi maganda, mabait siya sa 'kin, may kung ano sa loob ko ang nag-sasabing mabuti siyang tao, na dapat ay hindi ko siya pag-duduhan, na dapat ay mag-tiwala ako sa kaniya.

"I'm sorry..." Napalunok ako at nagpatuloy ang pag-agos ng luha nang kumalma na ang boses ni, Knight, maya-maya. "I'm sorry, come here." Hinapit niya ako sa kaniyang maskuladong bisig at niyakap ako.

"Knight..." Bulong ko ay yumakap pabalik. Humugot ako ng malalim na hininga at pinigilan ang rumaragasang luha na nag-babalak lumabas sa aking mga mata.

"Shh... I'm sorry." Hinigpitan niya ang yakap sa akin. "It's just... ugh. Please, 'wag mo ng babanggitin ang pangalan na 'yan. Please, Lili."

Napatango na lang ako upang hindi na humaba pa ang usapan at para hindi na siya magalit pa. Nakakatakot siya. Natatakot ako.

"Shh... I'm sorry. Tahan na." Bumuntong-hininga siya at kumalas sa aming mga yakap. "Bumaba na tayo, hinihintay na tayo ni, manang." Nginitian niya ako at pinunasan ang luha ko gamit ang kaniyang daliri.

Napatango ako at hindi sumagot. Lumabas siya ng sasakyan at umikot upang pagbuksan ako ng pintuan. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong makababa.

"Salamat." Mag-kaagapay kaming naglakad papalapit sa entrada ng malaki niyang bahay. Magkahawak ang aming kamay habang tahimik na nag-lalakad.

Mabilis naming natanaw ang bukas na pintuan at ang babaeng nakatayo roon, nag-hihintay sa amin--o nag-hihintay lamang kay, Knight.

"Magandang gabi." Nakangiting ani, manang Iray sa kaniya at tinapunan lamang ako ng malamig na tingin.

"Good evening, manang." Marahang binitawan ni, Knight ang aking kamay. "Iiwan muna kita kay manang Iray, Lili. Manang, I'll just go upstairs and change my clothes."

Napatango lang si manang pero hindi sumagot. Ginulo ni Knight ang buhok ko sa huling pag-kakataon bago siya naglakad papasok at nawala sa paningin ko.

"Mag-usap tayo." Malamig na ani, manang sa akin nang kami na lang ang maiwan. "Sumunod ka sa 'kin." Napasunod ako sa kaniya nang mag-simula siyang maglakad papasok.

Naglakad kami at nag-tungo kusinang bahagi ng bahay. Umikot si manang at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Ijo, hindi ibig-sabihin na nag-kakamabutihan--na magka-ibigan kayo ng alaga ko ay hindi mo na pagta-trabuhiin ang pag-tira mo rito sa mansiyon." Malamig niyang aniya at iminuwestra ang mga gamit na mga baso, kutsara, at mga plato sa lababo. "Mag-hugas ka ng pinggan at ako'y mag-luluto muna ng hapunan natin. Siguraduhin mong matatapos ka riyan bago bumaba si, Knight."

Palihim akong napabuntong-hininga nang mabilis akong iwan ni, manang Iray na nakaharap sa lababo habang siya ay lumayo sa akin at nag-umpisang paandarin ang ang gasul para makapag-simula ng mag-luto. Ni-hindi man lang niya ako hinintay makapag-salita at basta na lang niya akong tinalikuran.

Nag-usap ba kami? Parang siya lang naman ang nag-salita.

Alam ko na, sa umpisa pa lang na hindi maganda ang tingin ni, manang Iray sa akin dahil sa malamig na pakikitungo nito noong pagkatapak na pagkatapak ko pa lang dito sa mansiyon. Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon, pero mas pinili ko na lang intindihan.

Iintindihan ko siya dahil alam kong parehas ang nais namin kay, Knight, at alam kong ang mas makabubuti ang gusto naming pareho sa kaniya. Mapalad si Knight at may manang Iray siya na mag-aalaga at iintindi sa kaniya, mabait si manang sa kaniya at gano'n din ito sa kaniya. Alam ko, ramdam ko, na malalim na ang pinag-samahan nila. Pakiramdam ko, matagal ng kilala ni, manang Iray si Knight.

Bigla akong natigilan. Matagal na niyang kilala si, Knight! Oo nga, 'no! Siyempre! Paniguradong alam din nito ang mapapangasawa ni, Knight! Si, Diana!

Mabilis kong tinapos ang hugasin ko at maingat iyong itinaob sa lalagyan nila. Nag-punas ako ng aking kamay at lumapit sa nag-lulutong si, manang.

"Manang..." Mahinang pag-tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Tapos ka na mag-hugas?"

Napatango ako at lumapit sa kaniya. "Manang... ano... ano po... kasi... ano..." Marahas akong bumuntong-hininga nang makaramdam ng hiya. Bakit ko ba kasi nais malaman kung may alam ba si, Manang kay Knight at Diana?

Naku, Lili! Nagiging tsismoso ka na!

"Ano 'yon?" Tinitigan ako ng maiigi ni, Manang dahilan para mas lalo akong mahiya.

Tinakpan ko ang aking mukha at huminga ng malalim. "Ano... ano po kasi... ano... kilala niyo po ba si, Diana?" Mariin akong napapikit matapos itanong iyon, ayaw kong makita ang reaksiyon ni, manang.

Marahan akong dumilat maka-ilang saglit pa ngunit hindi ko siya tiningnan. Nahihiya ako.

Nakakahiya ka talaga, Lili! Bakit ko ba kasi itinanong pa 'yon?

Katahimikan.

Maya-maya pa ay nagulat ako ng malakas na humalakhak si, manang Iray at iiling-iling akong tiningnan.

"Bakit? Anong mayro'n sa babaeng 'yon? Buhay pa ba?" Nginisihan niya ako. "Bakit? Nag-seselos ka?" Pinanliitan niya ako ng mata.

Namilog ang mga mata ko at mabilis na umiling. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. "Hala, manang Iray, hindi po! Hindi po! Ano... bakit naman po ako mag-seselos?"

"Talaga lang, ha?" Mapang-asar niya akong tiningnan. "Well, sa totoo lang..." Humina ang boses ni manang. "Ayaw ko sa babaeng 'yon. Ang plastic. Akala mo santa-santahan, iyon pala, may itinatagong kati ang kingina!"

Napatakip ako ng bibig. "Manang." Gulat kong pag-tawag sa kaniya. "Nag-mumura po kayo?" Gulat na gulat ako sa narinig.

"Aba, sa tanda kong 'to? Malamang." Napangiwi siya at bumuntong-hininga. "Pero totoo lang, tungkol kay, Diana..." Napahinto siya saglit. "Ayaw ko talaga sa babaeng 'yon. Masiyadong malandi." Napatigil siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "At isa pa, naiisip ko... ang totoo, hindi na masama. Iniisip ko, mas ok siguro at... mas makabubuti kay, Knight, kung ikaw ang mapapangasawa niya."

Nalaglag ang panga ko bigla at tila tumigil ang aking mundo kasabay ng pag-bagal ng oras ng paligid. Hindi dahil sa narinig mula kay, manang, kundi dahil sa gwapo at makuladong lalaking seryosong nakasandal sa pader sa entrada ng kusina at tila kanina pa nakikinig sa usapan namin ni, manang Iray.

"Knight..."











To be Continued...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro