circles
TINAAS NI Taria ang dalang transparent bag. "Sino pang lalagyan?" nakangiting tanong niya. Huling araw na ng retreat kaya nagdesisyon silang magkaroon ng maikling pagtatanghal bilang tribute sa mga propesor.
"Ayun, o." Pabiro siyang siniko ni July, ang tumatayong lider ng section nila. "Si Ezzy na lang." Ngumuso ito sa direksyon ng lalaki. "Goodluck," pang-aasar nito bago lapitan ang iba.
Parang biglang sumikip ang dibdib ni Taria sa tanawin. Pati ang lalamunan niya, tila lumiit at pinagkaitan ng hangin. Prente kasing nakaupo si Ezekiel sa nakasabit na duyan – nakapatong ang kanang binti sa ibabaw ng kaliwang hita. Bahagyang hinahangin ang puti nitong polo na nakasampay sa sandalan ng upuang yari sa kahoy.
Saktong paghakbang ni Taria ay siyang paglingon ng lalaki sa kanya. Binilisan niya ang lakad nang mapagtantong hinihintay siya nitong lumapit.
At dahil clowns ang napili nilang konsepto, Ezzy's face was already covered in foundation.
Oh, my gosh. She had nowhere to go. And nowhere to hide.
Even with the white product covering most of his handsome features, the softness of his face was still highlighted, thanks to the bonfire and the setting sun combined. Despite wearing wedge sandals, Taria's feet sank into the beach's grainy sand, nearly making her stumble.
Thank God for Ezzy.
The second she felt his hand on her left arm, her cheeks burned. But of course, she kept her composure.
"Don't worry. This will only take a minute," she told him before sitting down.
Ezzy looked puzzled. Ilang segundong nangunot ang noo nito bago nito pasimpleng hagurin ang maalong buhok na pinaaanod ng hanging mula sa dagat. "Right, 'yong makeup."
"Why?" Binuksan ni Taria ang bag. "Ano bang akala mong pinunta ko dito?"
Pilyo itong ngumiti. "Hindi ba ako?"
Nginitian lang niya ito habang iniikot ang lip crayon. "Don't move, okay?" Kinuha niya sa bulsa ang pisong paggagayahan ng bilog. Gamit ang kaliwang hinlalaki ay dinikit niya iyon sa kaliwa nitong pisngi.
Nakita niyang pinigil ni Ezzy ang paghinga nang dumampi ang barya sa balat nito. Tuluyan itong napasinghap nang malakas – napapikit pa nga – matapos niyang simulan ang pagbalangkas sa bilog gamit ang pulang lip crayon.
"Ezzy, p'wede kang huminga. You know that, right?"
"Pa'no? Ang lapit mo kaya."
Mahina siyang natawa. "Sabing 'wag malikot, e." Dahil ilang sentimetro lang ang pagitan ng mga mukha nila, pati mga hibla ng buhok niya ay tumatama sa mga mata at pisngi nito.
"So, hindi talaga natin pag-uusapan?"
Inalis niya ang piso, nagpatay-malisya siya sa narinig. "Ang alin?" Kinulayan niya ang bilog gamit mismo ang lip crayon. Lumayo siya nang kaunti. Tuloy ay napadako ang tingin ni Ezzy sa kanan niyang palapulsuhan. "Kabila naman."
"Wala kang balak takpan?" tukoy nito sa tattoo niya ng isang bulaklak na may anim na talulot.
Umiling si Taria bago ilapat ang piso sa kanan namang pisngi ng lalaki.
"It looks okay to me," she answered nonchalantly. Ezzy chose that design. It was an ancient Slavic protection symbol for the home; for his home.
"Kumain ka ba kanina? I didn't see you at breakfast."
"I slept until four."
Sumaglit ang katahimikan.
"Ngayon na lang kita nasolo nang ganito. In demand ka kasi, e."
"Friendly lang." Taria quickly outlined the coin and colored the circle. "Saka, bakit ka nagrereklamo kung hindi ka naman nagde-demand in the first place?" She could not help but laugh at his reaction. His lips were parted in awe, surprised at her remark.
Ezzy heaved a sigh before holding her arm, prompting her to return the lip crayon to the bag. "Taria." Because of the crackling bonfire as their background, his face glowed, almost synonymous with "pretty" in her vocabulary. "Magkalinawan nga tayo dito."
"Didn't we agree that we're better off as friends?"
He smiled meekly. "Pero hinalikan mo 'ko kagabi, 'di ba?"
"Okay na." She bit her lower lip, debating whether she should leave or risk listening to his pleas. "Tapos na 'yong makeup."
Pareho silang nagitla nang magsigawan ang batchmates sa direksyon ng bonfire.
The flames grew bigger, producing a small to medium amount of sparks, earning everyone's excitement. Ezzy's smile grew wider as his gaze shifted back to her, aware that she was about to give in.
Oh, gosh.
It was the same look he had last night that made her kiss him by the hotel's fireplace.
"No, hindi pa tapos." Mataman siya nitong tinitigan bago alisin ang pulang bilog sa kanang pisngi. "Kulang pa ng isa, Taria." Hindi nito napigilang ngumisi nang mariin siyang pumikit, senyales na sumusuko na siya.
"Okay, then." Mula sa bag ay kumuha siya ng wet wipes. The tension doubled when she carefully removed the remaining red color on his face; when her fingers grazed his skin. "Baka nga hindi pa tayo tapos," bulong niya sa nakangiting si Ezzy; handa na siyang gawaran ng halik sa labi.##
— fin —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro