Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Circle

"Elyza kung sasabay ka bilisan mo. Parang pagong naman toh oh."

"Teka lang kasi! Kitang nag aayos pa ng gamit eh."

Takte kasi tong Jamie na toh. Ag.

Sa wakas natapos ko na. Nakangiwi na ang mukha ni Jamie at Hannah. Mukhang nainis na ata sakin HAHAHA. Inakbayan ko silang pareho.

"Smile na. Tapos naman na ako oh. Kain na tayo!"

"Oo na. :<"

Ang cute ni Hannah :")

Papunta na kaming canteen ng hindi ko napansin na may nabangga ako. Ibinaba ko ang tingin, at boom. Natapon lahat ng pagkain nya! Oh shet.

"Elyza."

Gasp. Hindi ko alam kung matutuwa, matatakot, malulungkot o maiinis ako sa totoo lang.

"Bryan."

Nagkatinginan lang kami sa may gitna, habang maraming dumadaan. Hindi ko alam, nalulunod ako sa mga tingin nya. Pero hindi ako pwedeng magpatalo, kaya ako ang unang umiwas ng tingin at naglakad palayo.

Nakita ko namang hinabol ako ni Jamie at Hannah.

"Oh eto. Libre ko na yan."

Muntik na akong maiyak sa ginawa ni Jamie. Kahit na sapakin tong babaeng ito, hindi ako iniiwan.

Hindi katulad nya.

"Salamat."

"Guys wag sirain ang happy mood! Kain na tayo sa canteen~"

At pumunta na kami don para kumain.

----

Hindi ko inaasahan na darating ang araw na pupuntahan ako sa classroom ko ni Bryan. Nakakatakot. Baka may sabihin sya. Nanginginig na rin yung mga kamay ko. Bwisit yun!

"Excuse nga po si Elyza."

Right after nyang sinabi yon ay naghiyawan na ang mga kaklase ko. Oh ano? Yay na ba? Okay edi yay! Bwisit! Bwisit napaka attention seeker nitong lalaking ito! I really hate him! Paker! Sarap ingudngod--

"Elyza!"

Napa "Oh?" agad ako. Ay puta kinakausap nga pala nya ako. .-.

"Elyza mahal parin kita!"

"GAGO!"

Napatakip na lang ako ng bibig sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan na magiging ganon ang response ko. Pero di ko na binawi. Bakit? Totoo naman kasi.

"Yung nakita mo noon--"

"Tas mag eexplain ka pa?" At tumawa ng pang sarcasm.

"Ineexpect mo ba talaga na maniniwala ako dyan sa mga kasinungalingan mo? Hindi naman ako tanga Bryan! At lalong hindi ako bulag! Ieexcuse mo yung pangyayaring naghalikan kayo ng putanginang Mirden na yan! Hindi totoo?! Eh ako mismo na niloko mo ang witness nun eh! Kaya wag ako, Bryan. Wag ako."

Umalis na akong tuluyan.

Ugh. Nakakawalang gana. Punyeta naman.

Dumiretso na ako ng bahay. Tinext ko na lang sina Jamie at Hannah na di ko na ma-a-attendan ang last subject. Wala narin naman kasi ako sa mood para ipagpatuloy pa yung pagpasok. Kaya matutulog na lang ako. Nagmano ako kay Mommy, tinanong rin ako kung bakit parang ang aga ko naman, sinabi ko na pinauwi ako ng nurse dahil may sakit ako. Nagbihis lang rin ako sandali at natulog na.

-----

BRYAN POV

Holy shit.

Bwisit na Mirden! Kung dahil sa kanya! Putangina talaga.

Flashback

"So you think na makakawala ka sakin? Then you have guessed it wrong. Sorry Bryan pero akin ka lang. Ipinagkasundo ka sakin ng mommy mo so don't you dare stay away from me. At yang Elyza na yan? I'll make you two break up~" malanding sabi ng babaing ito na puta mukha naman pokpok.

Tiningnan ko sya ng maigi, mula ulo hanggang paa.

"Kahit naman anong gawin mo, hindi ako mahuhulog sayo. Hindi kita magugustuhan at mamahalin katulad ng pagmamahal ko kay Elyza, Mirden. So fuck off from my life. I don't need shitty sluts like you." Puno ng otoridad kong sabi sa kanya, and as I expected ay nag smirk lang sya. Bitch.

"Bryan!"

Oh shit!

Agad agad kong pinaalis si Mirden sa harap ko, mahirap na! Baka makita pa kami ni Elyza na magkasama at iba isipin nya, hays.

"Ano bang problema mo ah?!"

"Andito girlfriend ko! Pwede bang umalis ka na?!"

"Bryan!"

Shit!

"Oh, girlfriend pala." At nag smirk ito. Ayan na naman sya, puta feeling maganda na naman.

"Eto sayo." At hinalikan nya ako--- fuck.

"Bryan?"

Oh fuck. Wag. Wag.

"Elyza.."

"Gago ka!" At pinagpapalo na nya ako sa dibdib ko. Nag eenjoy naman si Mirden na panuorin kami. Fucking hell.

"At ikaw babae ka napakalandi mong hayop ka!"

"Get off me you bitch!"

"Mas bitch ka sakin! Pokpok!"

Pucha naman tong mga toh oh. Hinila ko na pa alis si Elyza at dinala sa may gilid ng gym.

"Elyza.."

"Bryan!"

Pinunasan ko ang mga luha na pumapatak galing sa mga mata nya. Oo masakit. Sobrang sakit na makita ko syang umiiyak, at iyon ay dahil sakin. Dahil ang gago ko.

"Elyza mahal kita!"

"Mahal? Oh talaga? After mong makipaglaplapan na malandi na yun noh? Mahal mo ako? Oo mahal mo ako ramdam na ramdam ko! Ramdam na ramdam ko yung sakit! Bakit? Kasi ikaw ang mundo ko! Masaya ako sa piling mo! Eh ikaw ba? Masaya ka ba? O baka naman nagsawa ka na? Kasi may iba ka na? Dahil mas nag eenjoy ka sa kanya at di hamak na mas mabibigay nya ang mga "pangangailangan" mo? Edi go! Alis! Maghiwalay na tayo kung mag gagaguhan lang rin tayong dalawa sa putanginang relasyon na toh!"

At tumakbo na sya. Saktong may ulan pa. Just pure bullshit. Fucking misunderstanding.

End of Flashback

"Oi balita ko may nanliligaw kay Elyza, Eli ata pangalan? Sa kabilang section lang."

Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Ano? May nanliligaw kay Elyza? Eli?! Putang--

"Oo alam ko. Sayang. May hubog pa naman katawan nung elyza, sana nakama natin pre! HAH--"

"GAGO MAGKA-RESPETO KA NGA SA BABAE! KAHIT KAUNTI LANG!"

Putangina eh! Hindi ko alam kung nananadya ba sila! Alam naman nilang ex ko si Elyza at mahal ko yun, tas maguusap pa sila sa likod ko? Tangina.

"ANONG PROBLEMA MO AH?!"

"GAGO!"

At magkakasunod na suntok ang inabot ko sa kanilang dalawa.

Halos magkapilay pilay na ako ng maramdaman kong.. wala na akong maramdaman.

"MAGSITIGIL KAYONG DALAWA!!!! PRINCIPAL OFFICE NGAYON NA!!"

Boses ni..

"Elyza?" Tawag ko dito.

"Bryan! Okay ka lang? Ugh shit dadalhin kita sa clinic." At tinulungan nya akong makabangon, hinayaan nya akong isandal ang ulo ko sa balikat nya habang naglalakad kami.

Habang papunta kami sa clinic ay nagsalita sya.

"Walanghiya ka talaga. Napano ka ba ha? Magsisimula ka ng away pero di mo naman kayang patulan."

"Minamanyak ka na kasi nila sa mga isip nila eh."

Huminto sya.

"Anong sabi mo?"

"Minamanyak ka nila sa isipan nila kako. Ayaw ko ng ganun. Mahal ko yung pinagiisipan nila ng ganun eh. Tapos pinaguusapan pa nila na may nanliligaw ata sayo. Eli ata---"

"HAHAHAHAAHAAHHAHAHAAHAH!!!"

Ano? Tatawanan lang nya ako? Pagkatapos kong makipagsabakan dahil sa kanya tatawanan nya lang ako?!

"Hoy!"

"Sorry na! HAHAHAHAH eh kasi naman tangna pinsan ko si Eli! Close kami at halos kapatid na ang turingan namin kaya lagi kami magkadikit. Hindi naman kami magkakadikit kung hindi tayo naghiwalay eh."

"Elyza.."

"Mahal parin kita Bryan eh. Hindi ka matanggal dito oh." At tinuro nya ang puso nya.

"Hindi ko parin mapigilan ang sarili ko eh. Mahal parin kita eh. Kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hindi ba't sabi ko noon? Ikaw ang mundo ko. Binigay ko naman ang lahat, pero ginago mo parin ako. Minahal naman kita ng lubusan, pero niloko mo parin ako. Ano bang nagawa ko, Bryan? Alam mo bang sobrang nasaktan ako sa nangyari noon? Alam mo ba kung gaano kahirap dumistansya sayo at umiyak gabi gabi? Alam mo bang sayo lang ako sasaya? Haha. Bat ko nga ba sinasabi toh? Wala ka naman ng pake eh. Hiwalay na rin tayo. Bakit nga ba? Haha. Sorry na. Sige halika na sa clinic."

Akmang aakbayin na nya ako, pero niyakap ko sya. Sobrang mahigpit na yakap, na mararamdaman nya yung pagmamahal ko.

"Elyza I'm so sorry. Hindi ko na explain sayo agad agad. It was all a fucking misunderstanding. Pinagkasundo kaming dalawa ng mommy ko at mommy nya, they want us to marry soon. Pero ayoko, kasi ikaw ang mahal ko. Pero hindi ko inexplain at sinabi agad sayo kasi baka hiwalayan mo ako at masaktan ka. Dumating na rin sa punto na, ayun nga, nakita mo kaming dalawa. Pero yung halik na yun, that doesn't mean anything. Walang halong love. Because she insisted it. Hindi tulad sayo, bawat hawak, halik, at yakap ko sayo, may halong pagmamahal. Kasi Elyza,"

Hinarap ko sya sakin.

"Ikaw rin ang mundo ko."

-----

072716, 1378 words, aewookie.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro