Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Warm Welcome

Shayne's POV

"And here it is..." pagbukas ni manager Sejin ng pintuan sa dorm ng BTS, namangha ako.

"Ang ganda..." napaka-ganda ng lugar! Expected ko na na malaki yung bahay dahil pito naman silang nakatira dito, simple lang yung mga designs pero maganda. Tsaka parang hindi nga siya tinitirhan ng mga artista eh, mukhang komportable kasi yung lugar.

"I know right?" proud na sabi niya. Sakto naman at nag-ring ang phone niya. Humarap muna siya samin bago sagutin ito. "Taehyung, i-tour mo muna siya sa buong bahay. I have to take this call." sabi niya at akmang maglalakad na palayo pero humarap ulit siya samin na para bang may nakalimutang sabihin.

"Oo nga pala, Shayne get ready para bukas. Ipapakilala kita sa mga managers ng BTS." sabi niya bago umalis. Nanlaki mata ko.

Ano?! Bukas agad?!

Tsaka teka... Tama ba ang narinig ko? Ipapakilala sa MGA MANAGER? So ibig sabihin madami sila?!

"Yah!" natauhan ako nang marinig kong sumigaw si Taehyung. "Tutunganga ka nalang ba diyan? Ito-tour pa kita diba?" supladong sambit niya.

Medyo nainis naman ako. Parang napipilitan pa siya ah.

"Don't worry, hindi naman ako siguro maliligaw dito sa pagkaliit-liit ng bahay niyo noh?" actually nasabi ko lang yan dahil sa inis ko sa kanya. Medyo malaki nga ang dorm nila eh kung tutuusin.

Napangisi siya. "Ah, maliit lang pala yung dorm namin. Atleast kami may natitirhan, eh ikaw?" pang-aasar niya na mas ikinakulo ng dugo ko.

"Alam mo Taehyung kung ayaw moko dito sa dorm niyo, eh di sana hindi mo nalang ako pinilit na tanggapin yung offer ni manager Sejin." cold kong sambit at nagmadali akong pumasok sa pinakamalapit na kwartong nakita ko. Para kasing ayaw niya ako dito, eh siya nga yung dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

Tsaka bakit ganun? Parang iba yung ugali niya sa mga fans niya at ugali niya sakin? Pag sa fans niya ang amo niya pero pag sakin ang sungit, pakitang tao?

Ni-lock ko nalang yung pinto sa kwartong pinasukan ko at pinagmasdan ko yung buong kwarto.

Ang ganda!

Kulay red ang kulay ng dingding. Ay hindi pala, kulay red ang kulay ng buong kwarto!

Pula yung closet, yung desk, laptop, tapos may nakita pa akong laruang ironman na nakalagay sa kama na pula din.

Pero napansin kong isang pulang king-sized bed lang yung nandito. So... may kanya-kanya silang kwarto?!

Pero ang naka-kuha ng atensyon ko ay ang isang maliit na picture na naka-frame at nakalagay sa gilid ng kama.

May isang napakagandang blonde na babae na nakangiti habang yakap-yakap mula sa likod si...

Teka...

"Takte! Kwarto niya to?!" Putik! Bat sa lahat ng kwartong pwede kong mapasukan dito sa dorm ay sa kwarto niya pa ako pumasok?! Mabuti pang makaalis dito habang wala pa siya.

Akmang lalabas na sana ako nang marinig ko ang doorknob.

"Fxck! Ngayon pa na-lock to!" tinig ng isang napaka-pamilyar na boses. Ang boses na ayaw ko nang marinig pa kahit kailan. Oo nga pala, ni-lock ko yung pinto ng kwarto niya kanina.

Teka... Anong gagawin ko na ngayon?

Kaya wala akong nagawa kungi magtago sa loob ng closet niya. Hindi ko nga alam kung bat ko naisipang magtago eh. Basta ang wish ko lang, ay sana hindi niya ako mahuli.

Saktong pagkapasok ko sa closet ay narinig kong bumukas ang pinto. Naglagay ako ng kaunting uwang sa closet para masilip ko kung anong nangyayari. Ngunit laking gulat ko nang makita na hindi pala siya nag-iisa.

Pumatong siya sa isang babae habang naghahalikan sila sa kama. Naka-cocktail dress ang babae habang siya ay naka-tuxedo. Amoy alak pa sila pareho kaya halatang kagagaling lang nila sa isang party.

"Ahhhh!" hindi ko na napigilang tumili na ikinagulat at ikinatigil nilang dalawa. Agad akong lumabas ng closet at tumakbo palabas ng kwartong iyon.

Yung mata ko! Nawala na yung pagka-virginity ng mata ko! Huhuhu.

"Shayne? Is everything okay?" alalang tanong ni manager Sejin. Hindi ko pa nasasagot ang tanong ni manager nang biglang lumabas si Jungkook sa kwarto niya.

Ang sama ng tingin niya sakin. "Bakit nandito yang b*tch na yan sa dorm namin?" maangas na tanong niya sa MANAGER NILA. Ang angas-angas niya magsalita sa mismong manager nila! Wala talagang utang na loob.

At ang kapal pa ng mukha, magdala ba naman ng babae sa dorm nila eh.

Plano ko sanang patulan siya dahil tinawag niya akong b*tch pero hinayaan ko nalang muna. First day ko palang naman at medyo may trauma parin ako sa nangyari kanina lang.

"She'll be your boss starting tomorrow, lahat ng sasabihin niya ay dapat sundin mo at ng ibang members kung sa ayaw at sa gusto niyo." may awtoridad na sambit ni manager Sejin. Nagulat ako sa sinabi niya, BOSS?

"What the fu-"

"Babe?" napatingin ako sa babaeng kakalabas lang din sa kwarto ni Jungkook. Siya! Siya yung kahalikan nung haliparot na unggoy na yun!

Nang mapansin niya ako, tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa. Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit nahihiya ako, diba sila dapat ang mahiya? Ewan ko ba.

"And who are you?" naningkit ang mata ni manager Sejin habang nakatingin dun sa babaeng kasama ni Jungkook.

Sasagot sana yung babae ngunit naunahan siya ni Jungkook. "Stella, ill take you home." sabi ni Jungkook.

"Pero hindi pa tayo tapos di-"

"I said, ill take you home." may diin na sabi ni Jungkook at hinila palabas ng dorm yung babae.

Wala talagang respeto sa babae, hmmp.

Nang makaalis sila, humarap sakin si manager Sejin. "Pagpasensyahan mo na si Jungkook." may naramdaman akong lungkot sa boses niya. "Hindi naman talaga siya ganyan dati eh. Mabait na bata siya dati, sobrang bait..." hindi ko alam kung awa o lungkot ang nakikita ko sa mata ni manager. Tapos umiling-iling siya na para bang dismayado sa nakita.

Hindi ko siya maintindihan. So mabait dati yung Jungkook na yun? Kung ganon, eh anong nangyari sa kanya ngayon?

"Anyway," bigla nalang nawala yung lungkot at awa sa mga mata niya. "Should i take you to your room?" nginitian niya ako. Tumango nalang ako at sinundan kung saan siya pupunta. Baka kasi maligaw nanaman ako at kung kaninong kwarto nanaman ako mapakasok.

Maya-maya napahinto kami sa isang kulay brown na pinto. "Here's your room." sabi niya at binuksan niya ito. Nang makita ko ang lugar...

"Wow..." ang laki-laki! Mukhang mas malaki pa nga tong kwarto ko sa buong bahay ni tita. Pumasok kami sa loob para mas makita ko kung gaano kaganda. May balcony pa na may napaka-gandang view! "Make yourself at home." sabi niya.

Pero bago pa man siya makaalis, tinawag ko siya dahilan ng pagkalingon niya. "Nasan po pala si Taehyung?"

Napansin ko kasi na parang wala siya dito sa dorm. Hindi naman sa may pake ako kung saan mang lupalop siya naroroon pero... Ah basta, ewan.

Luminga-linga si manager Sejin sa paligid na para bang hinahanap si Taehyung. "Well siguro nasa condo niya na siya..." kumunot noo ko. Condo niya? Bakit nandun siya?

Pero mukhang nabasa niya lahat ng nasa isip ko na ikinatawa niya. "Well normally he doesn't sleep here, actually para ngang hindi siya nakatira dito eh." ano daw?! Bakit ayaw niya dito? Ang ganda-ganda kaya dito... "Pero don't worry, siguro once na nagsimula ka na sa trabaho baka pilitin ko siyang tumira ulit dito."

"Bakit po?" hindi ko mapigilang itanong. Wala kasi akong makitang dahilan kung bakit magkahiwalay sila, well unless kung may kaaway yung Taehyung na yun dito sa bahay.

Sasagot na sana siya nang biglang nag-ring nanaman ang phone niya. "I'm sorry Shayne but I have to go, kanina pa to tawag ng tawag baka umiyak na to." biro niya na ikinatawa ko.

Nang umalis na siya, binalik ko ang paningin ko sa kwarto at pinagmasdan ito.

Tiningnan ko ang bawat detalye ng buong kwarto, may malaking closet, may desk at laptop at may vanity mirror pa.

Lumapit ako sa malaking king-sized bed at tumalon ako dito. Ang lambot! Sakto lang yung lambot niya kaya nakakaantok, parang inaantok tuloy ako.

Pero bago pa man ako makatulog, tumayo agad ako at dumiretso upang silipin ang banyo.

Pag bukas ko ng pinto, ang laki ng banyo! Parang apat na beses ang laki niya sa banyo nila tita.

Tapos kumpleto na ang gamit sa buong banyo. May toothbrush na, toothpaste, shampoo, sabon at iba pa.

Dahil feel na feel ko ang banyo ng kwarto ko, naisipan kong maligo. Tutal naulanan rin naman ako at nalagyan na ako kanina ng pintura.

"Takte ang lamiiiiig!" pagkabukas na pagkabukas ko ng shower, napaka-lamig na tubig agad ang sumalubong sakin. "Piste!"

Para akong kite-kite habang naliligo pero unti-unti akong nasanay sa lamig hanggang sa mawala na ang ginaw na nararamdaman ko.

Matapos kong maligo, naghanap ako ng towel sa loob ng banyo pero napansin kong wala.

Ay takte! Walang tuwalya!

Ano ba naman, Kumpleto ng toothbrush, sabon at mga shampoo pero walang tuwalya!

Medyo nataranta ako. Pano ako makakalabas sa banyo neto? Hindi naman pwede na tawagin ko papasok sina manager Sejin dito. Naku.

Maya-maya may narinig akong nagbukas ng pinto ng kwarto ko. Putakte! Sino yun?

Wala akong nagawa kundi gumawa ng paraan. Kinuha ko ang shower curtain at ipinulupot ito sa katawan ko, matatakpan naman siguro ako nito. Tapos kinuha ko naman yung plunger sa sabi ng kubeta.

Hinawakan ko yung stick sa kubeta na para bang handa akong ipanghampas ito. Baka kung sinong manyak ang nandito, mahirap na.

Dahan-dahan kong hinawakan yung doorknob ng banyo at bumilang ng isa hanggang tatlo ng pabulong.

"Isa..."

"Dalawa..."

"Ta-" hindi ko pa natatapos ang pagbibilang ko ay nagulat ako nang biglang bumukas ang pintok ng banyo. "Ahhh!" tili ko. Dahil sa nataranta ako, pinaghahampas ko siya ng hawak-hawak ko kanina kahit hindi ko pa nakikita kung sino siya.

"Manyak! Manyakis ka!" pinaghahahampas ko parin siya hanggang ngayon. Kung titingnan mo ako ngayon, napaka-higpit ng hawak ko sa shower curtain na pantakip ko ngayon.

"Aray ko! Sh*t!" napatigil ako sa paghahampas nang marinig ko ang napaka-pamilyar na boses ng hinahampas ko.

"Jungkook?!"

Nanlaki mata ko. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko sa paghampas ko sa kanya, matutuwa ba ako o magso-sorry sa kanya?

Hinihimas-himas niya ang mga parte ng katawan niya na nahampas ko at sinamaan ako ng tingin. "Yah! Why did you do that?!" sigaw niya sakin. Kung makikita mo siya ngayon ay matatakot ka dahil galit na galit siya.

Muntik na akong masindak sa kanya pero nilakasan ko ang loob ko. "E-eh sino ba namang matinong tao ang bigla-bigla nalang na papasok sa kwarto ko nang walang paalam?!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Tumawa siya ng mahina, yung tawang sarcastic. "Una't sa lahat hindi mo kwarto to, nakisiksik ka lang dito dahil pinalayas ka ng tita mo sa tinitirhan niyo. Pangalawa, papasok ako sa kwarto na ito kahit kailan na gusto ko. At pangatlo, sinong matinong tao ang naliligo nang hindi nagla-lock ng pinto?"

Hindi ko alam pero biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Parang sinasabi niya na sabit lang ako dito, Akala niya naman gusto ko ring manirahan dito eh si Taehyung nga tong gumagawa-gawa ng storya kaya ako napasok dito.

"At saka..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya mas lalo kong hinigpitan ang shower curtain na tumatakip sa katawan ko. "Manyakis!" sigaw ko sa kanya.

Ngumisi siya. "Akala mo naman may makikita ako sayo." kumunot ang noo ko. Aba! Meron parin naman akong boobs ah! Flat-chested lang ako pero meron parin ako!

Napansin niyang nairita ako sa sinabi niya na ikinatawa niya. "By the way bakit ganyan ang suot mo? Taong-bundok ka ba at hindi uso sa inyo ang tuwalya?" pang-aasar niya na mas lalong ikinakulo ng dugo ko.

Pero kahit na gustong-gusto ko na siyang hambalusin, nginitian ko nalang siya dahilan ng pagkakunot ng noo niya. Hindi ako pwedeng magmaldita ngayon. Siya nalang ang natitira kong pag-asa para makaalis sa banyo na to. "What's with that scary smile?"

"Jungkook..." kalmado kong sabi, nagpapa-cute padin sa kanya. "Pwedeng bang dalhan moko ng damit at tuwalya?" maamo kong sabi sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "What?!"

"Please? Ngayon ko lang naalala na wala pa pala akong damit at tuwalya." napayuko ako. Nakakahiya tong nire-request ko. Sa kanya pa ako nagre-request ng ganito, sa mismong kaaway ko pa!

Jusko Shayne, ano tong pinasok mo?

"No! It's not my fault na masyado kang tanga at nakalimutan mong magdala ng mga damit mo. And in fact..." unti-unti siyang lumapit sakin kaya unti-unti din akong umatras. Anong gagawin nito sakin?

Patuloy padin siya sa paglapit hanggang sa hindi ko na namalayan na nakasandal na pala ako sa pader. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko na halos maramdaman ko na ang hininga niya sa mukha ko. Napapikit ako. "Akala ko ba magkaaway tayo?"

Naidilat ko ang mga mata ko pero nagsisi din ako sa huli dahil nakakatunaw yung titig na binibigay niya sakin! "S-sinabi ko ba y-yun?" Piste ka Shayne wag kang mautal ngayon! Kaaway mo yan tandaan mo!

Nang mapansin niyang naaapektuhan ako, ngumisi siya. "Wala ka ngang sinabi pero yun ang tingin ko sayo, kaaway." pa-cool niyang sabi at inilayo na ang mukha sakin. Nang mapansin kong lalabas na siya ay hinabol ko agad siya. "Jungkook saglit lang!" tumakbo ako papalapit sa kanya.

Pero mukhang katangahan ang ginawa ko dahil sa nadulas na nga ako, lumanding pa ako sa kanya!

"Urgh..." inda naming dalawa. Nasa ibabaw na niya ako ngayon at gusto ko mang makaalis, hindi ko kaya dahil na rin sa sakit ng pagbagsak ko.

Sakto naman at may narinig akong bukas ng pinto. "Shayne yung-" napatigil sa pagsasalita yung taong narinig ko. Kaya nang lingunin ko ito, nanlaki ang mata ko.

"Am I... interrupting something?" tanong ni Taehyung habang dala ang damit ko sa supot na hawak niya.

__________
New Update! 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro