Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue




~Park Baekhyun~




Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang nakangiting mukha ni Chanyeol. Kung dati, natatakot ako dito, ngayon, hindi na. Para bang ito na ang bumubuo ng araw ko.



Andito kami ngayon sa master's bedroom kung saan nakahiga ako habang siya naman ay ito, aliw na aliw sa pakikinig sa nasa tiyan ko. 



Nine months na akong buntis. Anytime soon, manganganak na ako. Kinakabahan ako na ewan. Natatakot ako na baka sobrang sakit, hindi ko makaya. 



"Babe," tawag ni Chanyeol habang hinihimas ang tiyan ko. "Bat ba kasi ayaw mong malaman yung gender? I can tell you anytime, you know?" naka pout na sabi niya. 



I brushed his cheeks at ngumiti. "Para surprise, ano ka ba?" sagot ko. "Mahilig nga ako sa surprises diba?" natatawang dagdag ko.



Natawa din siya ng bahagya. "I'm so excited." bulong niya at hinalikan ang tiyan ko. Haaay. Sino bang mag-aakala na mabubuntis ako? Grabe. Ang saya sa pakiramdam. 



"Ako din naman eh." sagot ko. 



Bigla akong nakaramdam ng antok. "Yeollie~" tawag ko sakanya. Agad naman siyang bumangon para alalayan akong humiga ng maayos. 



"Rest now, Baek. I'll watch you sleep." bulong niya bago hinalikan ang noo ko. 



Pero hindi ako mabilis makatulog. "Babe, can you play a song?" tanong ko sakanya habang nakayakap siya sakin. 



Napakunot noo naman siya. "What song?" 



"Anything." sagot ko habang nakapikit na. 



Narinig ko naman ang pag-alis niya para kunin ang gitara niya sa closet namin. Umupo siya ulit sa tabi ko at nagsimula nang mag-strum. 



Kahit kelan, hindi parin nawawala ang galing niya sa pag-gitara. Isama mo pa ang humming niya na parang anghel. 



Pero maya-maya, napagitla ako nang may maramdamang parang napupunit o nasisira sa loob ng tiyan ko.  Nanlaki yung mga mata ko at mabilis akong napahawak sa bedsheet ng kama. Nagsisimula nang sumakit yung buo kong katawan.



"Chanyeol!" panicked na sigaw ko at hinawakan ang braso ni Chanyeol. 



Agad naman niyang nabitawan ang hawak niyang gitara at kinakabahang tumingin sakin. "Baek, why?" tanong niya. "What's wrong? Are you okay?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at humigpit lang yung kapit ko sa braso niya.



"I... I can't..." hingal ko. Napapikit ako sa sakit at inipon lahat ng lakas ko para sumigaw. "Manganganak na ata ako! Manganganak na ako!"



"Oh god." bulong ni Chanyeol bago tumakbo para kunin ang susi ng kotse.






* * * * *





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro