Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Married 7





* * * * *



~Park Baekhyun~




Alam kong medyo nainis si Chanyeol ko kanina dahil dun sa binatang nagtitinda ng burger. Pero hindi ko naman kasi siya ipagpapalit eh. Saka kelan pa naging seloso ang asawa ko?  Parang hindi ata ako na-inform.



Kaya eto ako ngayon, hinihila siyang sumakay na sa mga rides para mawala na yung bad aura na nakapalibot sakanya. Pero mukhang okay naman na siya. 



"San mo gustong magsimula, hubby?" tanong ko sakanya. Pero namula ako agad at napa-mental facepalm nang mapansin ang tinawag ko sakanya. Ititigil ko na talaga ang pagbabasa sa Wattpad! Kung anu-anong mga endearment and nalalaman ko.



Napa-smirk siya bigla. "What did you call me, Baek?" tanong niya. 



Umiwas ako ng tingin at kunwaring tumitingin-tingin sa paligid. 



Bwiset. Bwiset talaga! Kelan ko pa ginamit yung petname na yun?! Waaaah! Kadiri! *shivers* Kadiri talaga! HUHUHU.



"Hey." malambing na tawag niya at tinapik yung braso ko. 



Tinignan ko naman siya at tinaas ang dalawa kong kilay. "B-bakit?" inosenteng tanong ko. 



Natawa siya. "Why do you always act all innocent when you say something sweet?" tanong niya habang nakangisi parin. 



Inirapan ko nalang siya. "I'm not being sweet, Hub--Chanyeol." namumulang sagot ko.



Natawa nalang ulit siya at niyakap ako. 



"Hoy! Pwede bang break muna diyan?" 



Sabay kaming napatingin sa isang Kyungsoo na sobrang sama ang tingin sa amin. Napa-iling nalang si Chanyeol habang natatawa at hinawakan ang kamay ko. 



"Sorry, Kyungsoo ah!" sarcastic na sabi ko kay Dyo. "Nakakahiya naman sayo~" 



Inirapan lang niya ako. "Aba! Oo naman. Kami nga--" 



"Oh, tama na. Tama na." natatawang sita sa amin ni Luhan.



Binigyan ko nalang ng nakamamatay na tingin si Kyungsoo saka ko pinulupot ang braso ko sa bewang ni Chanyeol. Natawa naman ang asawa ko at hinalikan ang ulo ko. Ewan ko ba. Pero paborito niya ang paghalik sa buhok o noo ko. Pero sabi nila, sign of respect daw yun. Hihi.



"Okay guys." masayang sabat ni Jongin. "San tayo mag-start?" 



Napatingin kami sa paligid. Ang hirap mamili kung saan pupunta muna! Ang daming rides at pakiramdam ko, masusuka ako sa lahat pagkatapos. 



"Isa-isahin nalang natin." suggest ni Sehun habang nakahawak sa baba niya. "Ikutin natin."



Tumango naman kaming lahat at nagsimulang pumunta sa pinakamalapit na ride. Bump cars!




















"Basta sa blue kami ni Chanyeol ah!" mariin kong sabi habang nakapila kami. 



Napatawa nalang si Chanyeol. "Bat naman namili ka pa ng kulay?" tanong niya sakin. 



Napa-shrug nalang ako. "Favorite color ko eh." nakangiting sagot ko. 



Maya-maya pa, paliit na nang paliit ang pila hanggang sa kami na ang pupunta. By pairs kami na sumakay at syempre, couple-couple. He he he. Si Chanyeol ang pinilit kong mag-drive kasi mas magaling siya kesa sakin. 



Panay ang sigaw nina Kyungsoo kapag bumabangga sila sa kahit na sino. Pero napapansin ko ang grupo ng mga babae na parang nagpapapansin sa amin. Ang akala ata nila, magkaka-ibigan lang kaming anim. Hindi naman kasi halata sa amin na mag-aasawa kami. 



Matapos ng ride ay hilong-hilo na ako. Hindi ko naman inexpect na ganun kagulo si Chanyeol mag-drive. Doon niya ata binuhos lahat ng gusto niyang gawin sa daan eh. 



"Hey babe, ayos ka lang?" tanong ni Chanyeol at hinawakan ang magkabila kong balikat. 



Tumango-tango ako kahit pakiramdam ko, namumuti na yung  mukha ko. "O-oo, Yeol." mahinang sagot ko. 



Pinunta niya ako sa isang bench at umalis. Pagkabalik niya, may dala na siyang isang bottle ng tubig at paper bags. Napakunot noo ako. "Para saan yung paper bags?" tanong ko saka uminom ng tubig. 



"In case na masuka ka. At least, ready ako." nakangiting sabi niya at tinupi yung mga paper bags at binulsa. 



Napangiti ako. Oo, caring si Chanyeol. Sobra. 



"Yeol! Subukan natin yun oh!" sigaw ni Kai sabay turo dun sa drop tower. Napalunok naman ako. SERYOSO?! MAMAMATAY AKO DIYAN EH! 



Napangiti si Chanyeol. "Sige ba." sabi niya at tumingin sakin. "Kaya mo ba, Baek?" nag-aalalang tanong niya. 



Umiling ako agad. "Hindi ko na kaya yan, Yeol." sagot ko. "Kayo nalang. Mamamatay na ako diyan." 



Natawa siya at tinulungan akong tumayo. "Okay then." 



Sina Kai, Sehun, at Chanyeol lang ang sumakay. Naiwan kaming tatlo dahil ayaw ding sumama ni Kyungsoo at Luhan kaya naman andito kami sa may railings at hinihintay na mag-start yung ride. Sobrang nahihilo talaga ako at ginamit ko yung railings bilang sandalan.



Maya-maya pa, may narinig akong biglang sumigaw sa likod ko. 



"Kyaaah! Andun yung mga gwapo kanina sa bump cars oh!" 



Napalingon ako at nakita ang limang babaeng mukhang prostitute dahil sobrang revealing ng mga damit nila. Micro-mini shorts at hanging blouses. Samahan mo pa ng killer heels. Isang tingin ko palang sakanila, kumukulo na ang dugo ko. 



"OMG! Sila ba yan? Eh bat tatlo lang sila? Asan yung ibang tatlo?" 



"Ayan oh! Oh gosh!" sabay turo sa amin nina Luhan. 



"Sakay din tayo tapos tabihan natin." 



Agad namang pumunta yung tatlo at naiwan ang dalawa sa baba. Binigyan ko naman ng masamang tingin yung tatlong sumakay dahil tumabi pa yung isa sa Channie ko! Habang inaayos ni Chanyeol yung relo niya ay kinakausap siya nung babae. Hindi ko marinig yung usapan nila kasi ang layo eh. 



Nagsimula nang tumaas yung ride pero kina Chanyeol parin ang tingin ko. Putapepeng babae yun! Argh! Sisigawan ko na sana sila nang may kumalabit sa akin.



"Hi." malanding sabi sakin nung isang babaeng kasama nung tatlo. 



Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Yes?" malamig na tanong ko. 



"I'm Ashley and you are?" tanong niya habang iniikot-ikot yung buhok niya sa isa niyang daliri. 



Tinignan ko siya ng masama. "Sorry. I'm not interested." sagot ko at binalik ang tingin ko kina Chanyeol na super taas na. Kung hindi lang talaga ako hilong-hilo ngayon!



"Oh come on!" malanding sabi nung babae at hinawakan ang braso ko. "Lalake na pala ang pa-hard to get ngayon ah." sabi niya at nag-wink. 



Muntik na akong masuka kaya tinignan ko siya ng mas masama. "Excuse me? Hindi ako pa-hard to get. Sadyang you're not my type." 



Napa-frown yung babae at tinignan ako ng masama. "Bakla ka ata eh?" naiinis na sabi niya. 



"Ha! Now you're thinking." I smirked at nanlaki ang mga mata niya. 



"But---" 



Pero napatigil kaming dalawa sa biglang pag-baba nung ride. Hiyawan lahat ng andun sabay nakataas pa ang kamay. 



Pagka-alis nina Chanyeol sa ride ay sumunod agad yung tatlong babae. "WTF?" narinig kong bulong ni Kyungsoo sa tabi ko. 



"Ah ganun?" naiinis din na bulong ni Luhan nang ipulupot nung tatlong babae ang mga kamay nila sa braso ng mga ASAWA namin!



Napatingin sakin si Chanyeol at bakas sa mukha niya ang takot. Binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin at agad siyang kumalas sa hawak nung babae. May sinabi siya dun sa babae at napatingin naman sakin yung girl sabay taas ng kilay. 



I crossed my arms at hinintay na pumunta si Chanyeol sa harap ko. Kasunod niya sina Sehun at Kai na mukhang takot na din sa mga asawa nila. 



"Baek, you know I--"



I raised my palm. 



"I know." I sighed. Alam ko naman kasi na hindi niya gusto yun. Sadyang may mga haliparot lang sa paligid. 



Napa-sigh siya at hinawakan yung dalawa kong kamay. "Mahal kita. I'll always be loyal to you, Baekhyun." 



Tumango ako at ngumiti. 



After nun ay sumakay pa kami ng kung ano-anong rides hanggang sa naisipan naming magpahinga nalang sa ferris wheel. At least, umiikot lang yun at hindi nakakapagod. Kahit mahaba yung pila, naghintay kami hanggang sa nakasakay na kami sa tatlong cabins. 



Nang nasa itaas na kami, nilabas ni Chanyeol ang cellphone niya at nagsimulang mag-take ng pictures. Sobrang taas kasi at ang ganda ng view. 



"Come here, babe, let's take a picture together." tawag niya at inakbayan niya ako. Sabay kaming ngumiti at nag-take ng sobrang daming pics. 



Napatingin ako sa ibaba at agad akong namula. 



"C-channie--" I whimpered, clasping a hand on my lips.



Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ilabas agad ni Chanyeol ang paper bags sa bulsa niya at ibigay sakin. 



Sumuka ako ng sobrang dami habang hinahagod ni Chanyeol yung likod ko. Halata sa mukha niya ang pag-aalala pero hindi parin matanggal yung sakit sa tiyan ko. Napapikit ako at napahinga ng malalim. Puro tubig lang yung sinuka ko. At matapos sumuka ay sumakit naman yung ulo ko. Sobrang umiikot yung paligid.



"Babe," nag-aalalang tawag ni Chanyeol at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Umuwi na tayo. You're getting paler and paler." 



Tumango ako. Hindi ko na kayang magsalita. 























Nagpaalam na kami sa KaiSoo at HunHan kaya naiwan na sila sa park. Bahala na sila sa mga buhay nila. Tutal, may sasakyan din naman sila. 



Nang nasa kotse na kami ay pinikit ko nalang yung dalawa kong mata. Hanggang sa maamoy ko ang air freshener sa loob ng kotse. Napangiwi ako. 



"Chanyeol," tawag ko sakanya habang nakatakip ang ilong. "Bat ang baho nitong kotse?" 



Napakunot noo si Chanyeol. "Huh? I used your favorite air freshener. Baka sakaling mawala sakit ng ulo mo." 



Kinuha ko yung air freshener at binalik sa box niya. "Ambaho eh. Nasusuka ako sa amoy." daing ko. 



Mas lalong nagtaka yung mukha ni Chanyeol at tumingin sakin. Maya-maya pa, napalitan ito ng gulat at pag-aalala.



"Babe?" bulong niya. 



Napatingin ako sakanya habang nakatakip palang ang ilong. "Hmm?" 



"Are you pregnant?" 



Oh shoot. 




* * * * *








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro