8 - Alpha
Wala kaming nagawa kung di ang umalis ng camp Tirso.
Nahirapan pa kaming dalawa ni Samantha na gisingin si Marco. At nung magising namin siya, lutang naman ang isipan nitong pinagmasdan ang buong paligid.
Napagdesisyunan namin na sa pinakamalapit na hotel kami manatili at sa kabutihang-palad ay may nadaanan naman kaming maliit na hotel sa tabi ng main road.
Hindi pa kami nakakakain mula pa kanina kaya matapos naming makahanap ng hotel na tutuluyan ngayong gabi ay minabuti muna naming daanan ang local diner na ilang bloke lang ang layo mula sa hotel na napuntahan namin.
Tahimik sa loob ng diner at iilang lamesa na lang ang okupado. Naaamoy ko na rin ang amoy ng bleach na senyales na nagsisimula nang maglinis ang mga tauhan nila rito. Samantala, isang mahina at nakakakalmang tugtugin mula sa isang radyo ang siyang nagsilbing himig sa kalaliman ng gabi.
Um-order kami ng makakain ngunit sa aming tatlo, si Marco pa lang ang nagsimulang kumain sapagkat parehas kami ni Samantha na tila nawalan ng ganang kumain matapos ang lahat ng nangyari.
I just witnessed two werewolves fighting to dead and I was lucky enough not to see any guts being pulled out of their furry body.
I can sense Samantha's fear as well about the blood that she had seen with her close encounter with those rabid wolves. Habang ako naman, hindi ko magawang kumain dahil na rin sa nararamdaman kong guilt sa nagawa ko kay Manuel.
Why didn't I trust him? I should have trusted him.
Pero anong magagawa ko? Wala akong ideya sa nangyari. It was not enough that my mind didn't conclude that he was a werewolf just because he went outside and suddenly there's chaos ongoing that includes werewolves fighting.
"Wala ba kayong balak kainin yung mga pagkain ni'yo? Palamig na rin yung kape," sambit ni Marco habang ngumunguya ng kanin.
Umiling ako. "W-wala akong ganang kumain."
"Ano bang nangyari kanina? Wala kasi talaga akong maalala," sumimsim ng kape si Marco at hinintay niya munang may sumagot sa amin ni Sam bago siya muling sumubo ng kanin.
"May mga asong lobo na nag-away sa tapat ng cabin. Malalaking asong lobo," ako na ang sumagot. "Wala ka bang naalala sa mga nangyari?"
Umiling si Marco. "Wala talaga e, pero ang naalala ko lang, nakaramdam kami ni Sam na parang may nakatingin sa amin. E dahil naiwan naman ni Manuel yung palakol niya ro'n, ginawa ko lumabas ako ng cabin para i-check yung paligid. Tapos nagpunta ako sa likod, maya-maya may kumaluskos sa damuhan kaya napatakbo ako pabalik pero hindi ko nakita yung sanga ng puno, tumama yung ulo ko ro'n tapos ayun na, nag-blackout na ako," nagkibit-balikat si Marco bago siya muling sumubo ng pagkain. "Napalakas kasi pagkakauntog ko kaya knockout ako ora mismo."
I felt a bit disappointed of what Marco had said. Pero mabuti na rin na wala siyang nakita dahil baka hindi rin siya makakain ngayon kung sakaling nakita niya ang nangyari. Everything's gonna end up messy if it happens.
"Parang nakakita ng multo si Sam? Tsaka ba't tayo pinaalis ni Manuel?" Sunod na tanong ni Marco.
"Mahabang kuwento. Mabuti pa, ubusin mo na rin pati tong mga pagkain namin. Baka masayang lang," sambit ni Samantha na walang kabuhay-buhay sa kaniyang pananalita habang inuusog ang plato niya sa direksyon ni Marco.
Tumayo siya at humarap sa akin. "Angel, pahinga na ako sa hotel. I need to rest," ngumiti si Sam sa akin.
"Sige, susunod na lang kami ni Marco," sabi ko naman.
Samantha left the diner in one peace. Naiwan naman kami ni Marco sa loob at nananatili pa rin ang malungkot na pakiramdam sa paligid.
"Puwede ko bang malaman ang nangyari kanina? Pasensiya na talaga, wala kasi talaga akong maalala," sumimsim ng kape si Marco.
I sighed as I decided to tell him what had happened. Mabuti na rin siguro na ikuwento ko na sa kaniya ang nangyari para wala ng tanong kinabukasan.
"Sige, pero sana seryosohin mo," sabi ko bago ko inayos ang aking pag-upo at magsimulang magkuwento tungkol sa nangyari.
But for this time, there would be no cameras.
~~~
Hindi ako makatulog. Ilang beses na akong nagpapalit-palit ng posisyon ng higa sa kama pero kahit saan ako mapadpad, wala pa ring talab ang kumportableng pakiramdam sa naguguluhan kong isipan.
Kanina pa ako nakatingin sa kisame at maya't maya kong sinusulyapan ang digital clock na nakapatong sa bedside table sa aking gawing kanan.
Magkasama kami ni Samantha sa iisang kuwarto na may dalawang kama habang nasa kabilang kuwarto naman si Marco. Sa ngayon ay nahihimbing nang natutulog si Samantha ngunit hindi ko naman alam kung anong ginagawa ni Marco ngayon.
Matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari, hindi naman siya nagbiro tungkol dito. He just nodded for everything that I am saying, and I saw screws working on inside his mind.
But there's one thing I left unsaid. The fact na nagsabi sa akin si Manuel tungkol sa pagiging taong lobo niya, I crossed that out and kept it a secret.
Hindi ko kasi talaga lubos maisip kung may posibilidad ngang nagsasabi siya ng totoo.
Kaya siguro hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog dahil binabagabag ako ng katotohanang may kailangan akong malaman tungkol kay Manuel.
Na kulang ang paghingi lang ng tawad sa kaniya dahil hindi ko siya pinagkatiwalaan kanina.
Isa pa, si Manuel din ang makakatulong sa akin para maresolba ang kaso ng sarili niyang kapatid na si Monalisa. Kung hindi ko maaayos ang gusot na ito, siguradong hindi ko matatapos ang article ko.
That's it. I need to go back to Camp Tirso.
If this is what I need to do for me to have a good night sleep, I'll spare everything just to fix what was broken.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at agad akong naglakad palabas ng kuwarto namin ni Samantha. I walked passed Marco's room and I went downstairs without alerting anybody.
Tahimik na rin ang gabi pero hindi pa huli ang lahat para sa gusto kong mangyari.
Lumabas ako ng hotel at agad akong nagtungo sa sasakyan namin. Bawat isa sa amin ay may kaniya-kaniyang spare key ng van kaya nang marating ko ang parking lot nitong hotel ay hindi na ako nahirapang pasukin ang sasakyan at paandarin ito.
Marunong naman akong magmaneho ng sasakyan kaya hindi na ako nahirapang maniobrahin ito.
A few minutes more and I found myself driving alone the empty road. Back on my way to Camp Tirso. Habang nagmamaneho, pinatugtog ko ang radyo na siyang nagbigay ng kalmadong pakiramdam sa aking pag-iisip...
Habang nagmamanehong mag-isa, pumasok sa isipan ko ang mga bagay na nangyari sa akin noong bata pa ako. Minsan isinasama ako ni mama sa biyahe niya sa tuwing may article siyang isusulat at kailangan niyang puntahan ang mismong lokasyon ng topic niya para maisagawa niya ito nang maayos.
She's driving alone by herself while I'm sitting on the shotgun seat. I'm busy watching the scenery outside, missing my father before he left the two of us alone.
Sa tuwing tatanungin ko si mama tungkol kay papa, hindi niya ako sinasagot ng diretso. She keeps telling me an answer filled with vague hints about my father's disappearance.
May mga bagay raw na hindi maiiwasang mawala at iwan ka sa oras na kailangan nito ng espasyo. Gaya raw ng isang balde na may tabo, kapag napuno ng tubig, siguradong aapaw ito at ang tabo ay mahuhulog sa sahig.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga sagot ni mama noon sa mga katanungan ko tungkol kay papa. Pero ngayon, naiintindihan ko na siya.
My parents had a rough relationship resulting for the two of them to have a divorce. Napuno na si mama sa mga bagay na ginagawa ni papa kaya niya hinayaang umalis ito sa buhay namin.
Iba talaga ang takbo ng buhay ng bawat isa. Yung akala ko ay maayos at masayang pamilya na meron kami noon...
Hindi pala gano'n katotoo. Bakit ba kasi nauso ang third party? Bakit kailangang humanap ni papa ng bagong babaeng mamahalin?
Hindi ba naging sapat sa kaniya ang pagmamahal na ibinuhos ni mama para sa kaniya?
Tumulo ang mga luha sa aking pisngi. Pansamantala ko munang itinigil ang sasakyan sa isang tabi at doon ko ibinuhos ang mga luha ko.
Nami-miss ko na si mama...
Ilang minuto muna akong nagmuni-muni sa loob ng sasakyan. The silence around me is quite deafening. To the point na pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere at kalmadong pinakikiramdaman ang simoy ng hangin.
"Hindi ko sasayangin ang article na to, Ma. Isusulat ko to para sa'yo," bulong ko sa sarili ko bago ko itinuloy ang pagmamaneho.
Naging maayos at payapa naman ang panahong lumipas hanggang sa marating kong muli ang sa ngayon ay tahimik na muling Camp Tirso.
Ipinarada ko sa ibaba ang sasakyan at agad akong lumabas at ang tangi kong dala ay ang cellphone ko.
As I closed the door of the van, I felt the soft breeze of air brushing along my skin. Ang lamig ng hangin at madilim na rin ang paligid.
I looked up to the archway of Camp Tirso and the torches surrounding the perimeter of the camp are still burning at the moment. Kahit papaano ay nagawa naman nitong bigyan ng liwanag ang daan na aking tatahakin.
Naglakad ako mag-isa papasok sa Camp Tirso. Tahimik, walang katao-tao. Pero sa hindi kalayuan ay may naririnig akong tunog na agad kong sinundan.
Fortunately, there's no hostile vibes around the area where I am walking alone by myself. I reached the point where I had found Manuel splitting slabs of woods with the help of his axe, a few meters away from his house.
Wala siyang suot na pang-itaas habang abala siya sa pagsisibak ng kahoy. Hindi ko tuloy maiwasang tanungin ang sarili kung paano niya nagagawang magsibak ng kahoy ng ganitong oras na walang suot na pang-itaas.
Hindi ba siya giniginaw man lang? At this point of time, baka sipunin na ang isang tao kung sakaling ma-expose siya sa ganito kalamig na klima nang walang suot na pang-itaas sa loob ng mahabang oras.
Dahan-dahan na lang akong naglakad palapit sa kinatatayuan niya. I tried my best to keep myself silent as much as possible. I want to see what would his reaction would look like if he finds out that I came back for him.
Pero ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya, agad siyang nagsalita na siyang ikinagulat ko naman.
"Bakit ka pa bumalik? Di ba ang sabi ko umalis ka na?" Ibinaba ni Manuel ang hawak niyang palakol at saka niya ako nilingon.
Nakita ko ang pawisan niyang pangangatawan. Pero sa kabutihang-palad ay wala na sa kaniyang mga mata ang bakas ng naipong galit na siyang naging dahilan ng kaba na aking naramdaman kanina.
Napalunok ako ng laway. "B-bumalik ako para pormal na humingi ng tawad sa nangyari, h-hindi ko naman alam na gano'n ang magiging resulta kapag tumawag ako ng pulis. N-natakot lang talaga ako na baka may mangyaring masama sa mga kasama ko," I felt my muscle tensioning.
"Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad sa akin. Wala naman akong pakialam kung anong mangyari sa inyo, total nangyari na ang nangyari. Mabuti sana kung may magagawa yang paghingi mo ng tawad para hindi maipasara ang camp Tirso," umupo si Manuel sa pinagpapatungan niya ng mga kahoy bago ito sibakin. "Para sa akin, walang kuwenta ang salitang sorry o patawad. Dahil kahit isang milyong beses mo pang sabihin yan, hindi mo na mababawi kung ano ang nangyari."
Sumakit ang dibdib ko sa tindi ng mga salitang binitiwan niya. He's still mad of me, hindi pa rin pala siya nakakahinga nang maluwag matapos ang nangyari kanina.
Hindi ko na tuloy alam kung ano ang sunod kong sasabihin. Tama naman kasi siya, walang magagawa ang sorry ko, kahit ilang beses akong humingi ng tawad, kahit lumuhod pa ko sa harapan niya... nasa peligro pa rin ang Camp Tirso.
Umupo na lang ako sa isang tabi at pinagmasdan ko ang mukha ni Manuel. There's no anger in his eyes but there's anger with his words.
"Sorry," hindi ko pinigilan ang sarili kong sabihin ang salitang walang kuwenta para sa kaniya. "Alam kong walang magagawa ang sorry pero ibig sabihin nito, nagsisisi ako at tinatanggap ko na ako ang nagkamali. Alam kong hindi nito mababago na nasa mahirap na kalagayan ang Camp Tirso pero... walang masama kung tatanggapin mo ang paghingi ko ng paumanhin."
Binigyan lang niya ako ng tingin na nagpapahiwatig ng kawalan ng pagpipilian. Hanggang sa maya-maya lang ay napabuntong-hininga na lang siya.
"Malamig na rito, doon tayo sa bahay mag-usap," tumayo si Manuel at inilibot muna niya ang tingin sa paligid. "Siguradong nagbabantay lang siya sa tabi-tabi."
Nanginig ako sa takot dahil sa kaniyang sinabi. Nang maglakad siya ay dali-dali na akong tumayo para sumunod. Ayokong maiwang mag-isa rito sa labas, dahil baka bumalik yung asong-lobo na ayon sa salita ni Manuel: hayok sa laman ng tao at uhaw sa dugo nito.
Nang makarating kami sa bahay niya ay kaagad niyang isinara ang pintuan. Hindi siya nagmamadali pero maingat niyang binantayan ang paligid. Sinigurado niyang nakasara na ang lahat ng bintana at tsineck na rin niya ang pintuan patungo sa likod-bahay.
Nakatayo lang ako sa sala habang abala siya sa pagsasara ng mga puwedeng pasukan ng halimaw na iyon.
"Sarado na ang lahat ng puwede niyang pasukan. Kumain ka na ba?" tumigil si Manuel sa ibaba ng hagdanan at napatingin siya sa akin.
Umiling-iling ako. "H-hindi pa."
Tumango siya. "Sumunod ka sa akin sa kusina. Sabay na tayong kumain," nanguna siyang maglakad patungo sa kusina at sumunod naman ako sa kaniya.
Medyo malaki ang kusina nila. May refrigerator, may mga cabinet sa itaas ng lababo, at base sa istilo nitong kusina nila, hugis letrang L ito.
May dining table na matatagpuan sa gitna at doon niya ako inanyayahang umupo. I felt good on his gentle ways, mukhang natanggap niya na ang sorry ko...
Pagkaupo ko ay agad na nagtungo si Manuel sa refrigerator at binuksan niya iyon. Kumuha siya ng dalawang tupperware mula sa loob at dinala niya ito sa lamesa.
"Kumakain ka ba ng salad?" tanong niya sa akin.
Tumango ako. "Kumakain ako."
"O heto, kumain ka. Iyan lang ang naka-stock sa ref ko sa ngayon," umalis na naman si Manuel para kumuha ng dalawang kutsara.
When he came back, he also had two bottles of mineral water on his hands. "Pasensiya na kung nagalit ako sa inyo kanina. Talagang pinoprotektahan ko lang ang camp Tirso dahil ito ang ipinamana sa akin ng aking ama bago siya pumanaw."
Iniabot ni Manuel sa akin ang isang kutsara na dala niya pati na rin ang isang plastic bottle ng mineral water. "Thanks," pasasalamat ko.
Wala man lang reaksiyon si Manuel sa sinabi ko. Nagpatuloy lang siya sa paghahanda ng pagkain at inumpisahan niyang lantakan ang sa kaniya.
"Ipinamana sa'yo to ng ama mo? A-anong nangyari sa kaniya?" tanong ko kay Manuel, nagbabakasakaling makilala ko siya nang mas mabuti.
Tiningnan ako ni Manuel at tumango-tango lang siya. "Ako ang panganay sa tatlong magkakapatid. Pangalawa si Monalisa at sumunod naman si Ricardo. Si papa ang dating namumuno, ang dating Alpha ng aming pack, o sa madaling salita, ang komunidad naming mga taong lobo dito sa Camp Tirso," inilapag niya sa tabi ng pagkain niya ang hawak niyang kutsara. "Naiintindihan mo naman yata ang sinasabi ko di ba? Kung nagtataka ka kung ba't ko sa'yo sinasabi to, pinagkakatiwalaan kita. Dahil kailangan kita para maresolba ang kaso ng kapatid kong si Monalisa."
We have the same motives Manuel. I need you too that's why I'm here. And I trusts you too because I can.
I smiled back at him. "Mapagkakatiwalaan mo ako. Pero marami akong tanong na kailangang masagot. H-hindi ko kasi gaanong maintindihan kung paanong naging taong-lobo kayo. I mean, sa modernong panahon ngayon, this kind of supernatural vibes," napailing ako. "Parang masyadong imposible ang mga uri ninyo."
And for the first time in forever, I saw him smile. The smile with his teeth showing from his lips. Sumandal siya sa kaniyang upuan at pinagkrus ang kaniyang mga braso, suot pa rin ang ngiting ikinatuwa ko.
"Hindi kapani-paniwala hindi ba? Ganiyan naman ang lahat ng tao. Maniniwala lang kapag nakakita sila mismo ng bagay na imposible. Kulang sa kakayahang magtiwala sa kung ano ang posible at hindi posibleng magkatotoo," napalinga si Manuel sa palibot ng kaniyang kusina. "Pero pasalamat na rin kami sa mga taong hindi naniniwala sa mga uri namin. Dahil sa kanila, tahimik kaming nabubuhay. Payapa, walang problemang hinaharap."
I can't help but nod. May punto naman kasi talaga siya.
"Nasaan yung pack na sinasabi mo? Malapit lang ba sila rito?"
Tumango si Manuel. "Matatagpuan ang maliit naming komunidad sa likuran ng Mt. Tirso. May malaking ilog na matatagpuan do'n. Tahimik lang ang buhay namin. At mula nang mawala si papa, bilang ako ang panganay sa aming pamilya at ang pinakanakatatandang lalaki sa aming tatlong magkakapatid, ako ang sunod na naging alpha, ang lider ng pack."
"Kung pinoprotektahan mo ang pack mo, mula saan mo sila pinoprotektahan? Y-yung nakalaban mo kanina, a-anong klase siyang uri ng taong-lobo?" I asked him.
Manuel's facial expression has turned seriously. Then he looked at me with a grim expression.
"Pamilyar ka naman sa salitang serial killer hindi ba?" tanong niya sa akin.
Agad naman akong tumango.
"Isang mamamatay tao ang asong lobo na 'yon. Mabagsik, mabangis at handang pumatay anumang oras. Lalo na at papalapit na naman ang kabilugan ng buwan..." Tumingin si Manuel sa isang kalendaryong nakasabit sa tabi ng refrigerator.
Doon ko lang napansin na may marka ang araw kung kailan magkakaroon ng full moon.
"Tatlong araw... tatlong araw na lang at maghahasik na siyang muli ng lagim," Manuel's eyes shot me a piercing gaze. "Pero hindi ko hahayaang may malagas sa lahi ko..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro