Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7 - Officer

Bakas sa pader ng hiking equipment shack ang mga gasgas na dulot ng paghampas ng asong lobo kanina rito. May naiwan pang mga patak ng dugo sa sahig na posibleng nanggaling naman sa sugat na gawa ng matalas na pangil na kumagat sa lobong iyon.

Nagsimula nang mag-imbestiga ang mga pulis sa nangyari. Kinuhanan nila ng iba't-ibang litrato ang mga bakas ng dugo na nakikita nila. Most of them are found on the ground.

May mga nakita rin silang hibla ng balahibo ng asong lobo. Isang kulay abo at isang kulay kayumanggi, tama nga ang nakita ng aking mga mata kahit madilim ang paligid noong naglaban ang dalawang nilalang na iyon.

One of the police acquired those furs as evidence.

Meanwhile, Marco was found unconscious behind the shack. May bukol siya sa ulo at mukhang tumama siya sa mababang sanga ng kahoy mula sa puno na nakatayo sa likuran ng shack. He was found with his arms sprawled all over, with the axe a few meters away away from him.

Nakahinga kaming dalawa ni Samantha nang maluwag matapos naming makita na nasa maayos namang kalagayan si Marco. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa isa sa kanila.

Kasalukuyang nagpapahinga si Marco sa loob ng shack. Binigyan siya ng first aid ng mga rescuer na kasama ng mga pulis.

Ang kaninang tahimik na camp Tirso ay tuluyang nabuhay habang patuloy na lumalalim ang gabi. Nagkalat na sa paligid ang mga sasakyan ng pulis kasama ang mga abala nitong tauhan na hindi pa rin tapos sa pagkalap ng ebidensiya na kanilang natatagpuan sa tabi-tabi.

Nagsimulang magtanong ang pulis na nagsisilbing lider sa squad nila. He's wearing the common uniform of a chief of police while he's holding a piece of paper on his right hand, probably a notepad.

Lumapit siya sa aming dalawa ni Samantha habang mahinahon kaming nakaupo at nananahimik sa loob ng hiking equipment shack.

Nakabalot pa si Sam ng jacket dahil nanginginig siya na posibleng hindi dulot ng ginaw kung 'di ng takot at kaba sa kaniyang nakita.

Malapitan niyang natunghayan ang buong pangyayari. At kahit kanino man mangyari yon, siguradong maninindig ang mga balahibo nilang pagmamasdan ang lahat ng kaganapan.

Nabasa ko sa nameplate na naka-pin sa uniporme ng pulis ang pangalan niya. Thurman. His name is Thurman P.

"Anong mga nangyari rito base sa inyong natunghayan?" tanong nito sa aming dalawa ni Samantha, bakas sa kaniyang pananalita ang awtoridad na mayroon siya.

Nagkatinginan kami ni Sam pero wala sa aming dalawa ang nakahanap ng lakas ng loob na sumagot. For Sam, she must be traumatized of what happened. Pero para sa akin, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sinabi ni Manuel sa akin kanina.

Did he really say that he is a werewolf in front of me? O baka dahil tensiyonado na ang isipan ko ay gumagawa na lang ito ng imahinasyon sa aking ala-ala? Like false memories.

Hindi pa rin lumalabas si Manuel sa bahay niya, kanina ko pa siya hinihintay para siya rin mismo ang sumagot sa mga katanungan ng mga pulis.

I'm afraid I might say he's a werewolf and nobody would believe what I'll say.

"M-may mga asong lobo... malalaki sila, malalakas. Dalawa lang sila, isang kulay brown at isang kulay grey. Habang nag-aaway yung dalawang aso, mas malakas yung kulay grey at nagawa niyang ihagis yung brown sa pader nitong cabin. Tapos kinagat niya yung brown sa likod. Tapos nung parating na kayo, bigla silang nagsipulasan..." I summarized what had happened.

The police scribbled something on his notepad. Then he looked at me again, "Maaari mo bang ilarawan kung ano ang mismong itsura ng mga asong lobo na nakita ninyo?"

Napatingin ako kay Samantha pero hindi siya handang magsalita. Hinayaan niya na ako ang sumagot sa tanong ni police officer Thurman.

Napalunok ako ng laway bago ko muling inalala ang lahat ng detalye tungkol sa dalawang asong lobo na nagbuno rito kanina. "Yung kulay brown, medyo malaki siya, hanggang balikat ko yung taas niya. Medyo may kapayatan yung mga binti pero matatalas ang kaniyang mga kuko."

Tumango-tango si officer Thurman. "Yung kulay grey na asong lobo? Kahalintulad din ba nung kulay brown?"

Umiling ako. "Kung pagkukumparahin ko silang dalawa, mas malaki yung kulay grey. Mas matatalas ang kuko niya at yung mga pangil niya, kitang-kita ko kung gaano kabagsik. Mas malakas yung asong yun sa kulay brown kaya nagawa nitong ihagis yung isa sa pader nitong cabin bago nito kagatin ito sa likod."

Napangiti si officer Thurman. "Salamat sa detalye. Ayon sa mga nasabi mo, parehas ito ng insidenteng nangyari rito ilang linggo lang ang nakararaan," lumingon si Officer Thurman sa direksiyon kung saan matatagpuan ang bahay nina Manuel at Monalisa. "Ano na naman kayang palusot ang sasabihin sa akin ng lalaking iyon."

Nakita ko mula sa hindi kalayuan ang pigura ni Manuel na naglalakad patungo sa direksiyon namin. Nang madaanan niya ang isang nakasinding sulo ay doon ko nakita ang bagong bihis niyang katawan na ternong kulay grey na jogging pants at isang white sando.

He looked at me with a certain gaze that made my skin crawl. Pakiramdam ko ay galit siya at nagpipigil lang.

Ilang hakbang na lang ang layo ni Manuel sa amin ay biglang ngumiti si officer Thurman. "Wala pang dalawang linggo may report na naman tungkol sa mga asong lobo rito na singlaki halos ng isang adulto? Talagang pinapahanga na ako nitong kampo mo, Mr. Sebastian?"

May nakasukbit na tuwalya sa balikat ni Manuel at ginamit niya ito upang tuyuin ang basa niyang buhok. Mukhang kagagaling lang niya sa pagligo bago siya nagtungo rito.

He shot me a piercing gaze for a second before turning his attention back to officer Thurman. "Kontrolado ko ang Camp Tirso, officer. Walang nasaktan sa mga bisita ko," he looked at me.

"Walang nasaktan? Isa sa kanila ang natagpuang walang malay sa likod nitong maliit na bodegang ito, may bukol siya sa ulo at posibleng malakas ang tama niya para mawalan siya ng ulirat," sambit ni officer Thurman.

Pasimpleng ngumiti si Manuel. "Pero hindi yon resulta ng pag-atake sa kaniya ng asong lobo. Kasalanan niya yon kung tutuusin. Isa pa, binalaan ko sila na wag lumabas dahil may mga asong lobong pagala-gala rito tuwing gabi," tumingin si Manuel kay Marco na kasalukuyan pa ring nahihimbing sa aming likuran. "Pero hindi pa rin siya nakinig."

Bahagyang naputol ang atensiyon ni officer Thurman sa kaniyang mga sasabihin. Nawalan siyang bigla ng salitang maaaring sambitin para kay Manuel.

"Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng ganitong pangyayari sa camp ninyo. Mabuti na siguro kung pag-iisipan ninyong isara pansamantala ang camp Tirso bago pa may mangyaring hindi maganda sa mga turistang pumupunta rito." Naging seryoso ang reaksiyon ng mukha ni officer Thurman.

"Hindi naman puwede yon, maayos kong pinapatakbo ang kampo na to at hindi ako makapapayag na basta ni'yo na lang itong ipasara dahil sa mga lobong natural na pagala-gala rito sa kagubatan?" Tumaas ang boses ni Manuel.

"Wala akong magagawa kung maayos mo itong pinapatakbo. Pero hindi ko hahayaang mangyari na sa susunod na punta namin dito ay may matagpuan na kaming duguan at wala nang buhay na bisita ng kampo ninyo," ibinulsa ni officer Thurman ang hawak niyang notepad. "Mas mahalaga ang buhay ng mga tao kumpara sa mga hayop na pinapangalagaan ninyo."

Pansin kong nagtitimpi lang si Manuel sa naiipong galit sa kaniyang kalooban. I sense the enraging anger inside his mind. Maging ang mga kamao niya ay nakakuyom na at handang dumampi sa pisngi ng sinumang magnanais na tumanggap nito.

"Pangangalagaan ko ang Camp Tirso. Hindi na to mauulit," sambit ni Manuel kahit na ramdam kong pilit lang siyang nagsalita para matapos na ito.

He lowered down his pride for the sake of his camp.

Ngumiti si Officer Thurman. "Mabuti. Dahil wala ng susunod. Pasalamat ka at mabait akong pulis, ito na ang huling pagkakatong ibibigay ko sa iyo dahil sa susunod, magsasama na kami ng mga taong may awtoridad para ipasara ang kampo na ito."

Officer Thurman stared on Manuel's eyes for a good ten seconds before turning his back away from him.

Naiwang tulala si Manuel habang nakatitig sa kinatatayuan ni Officer Thurman kanina. His teeth were clenched while his eyes says anger.

Nakita kong tinatawag na ni officer Thurman ang mga pulis na kasama niya. Agad na nagsibalikan sa kani-kanilang mga sasakyan ang iba pang mga pulis. Ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unti na ring nagsialisan ang mga sasakyan nila palabas ng kampo, pabalik kung saan man sila nanggaling.

Muling tumahimik ang camp Tirso. Ang hangin ay umihip muli na nagbigay ng malamig na simoy sa aming mga balat. Kahit ang mga dahon sa puno ay nakisabay na rin sa pagsasayaw sa saliw ng mga mahihinang tunog na nagmumula sa mga insektong nasa kakahuyan.

Naiwan na naman kaming apat dito, pero sa sitwasyon ngayon ay tuluyang nagbago ang daloy ng mga bagay.

"Umalis na kayo rito ngayon din," seryosong sambit ni Manuel bago niya kami talikuran.

Nagulat si Samantha sa inasta ni Manuel. Hindi niya kasi alam ang sanhi ng galit na nararamdaman nito sa akin. Manuel told me not to call the police but I didn't listen.

"Pero—" tumayo ako para sundan si Manuel.

Ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya nang bigla niya akong harapin, dahilan para matigilan ako sa aking kinatatayuan. "Mahirap bang intindihin ang salitang wag kang tatawag ng mga pulis?"

"G-ginawa ko lang naman kung anong kailangan kong gawin—"

"Ginawa mo ang kailangan mong gawin? Ano? May napala ka ba sa pagtawag sa kanila? Wala di ba?! Hindi mo kasi ako maintindihan. Hindi mo ako pinagkatiwalaan," napalingon si Manuel sa paligid. "Ilang taon ko nang inaalagaan ang kampo na to. At mula noon, ni isang bisita ng camp na to ay hindi pa nasasaktan dahil iniingatan ko sila."

"Yung asong lobo na yon? Kilala ko ang hayop na yon. At sa bawat pagkakataon na umaaatake siya, lagi akong nakabantay, nakahanda para protektahan ang mga taong gusto niyang biktimahin. Hindi maiiwasang may tumatawag ng pulis dahil sa kaba na nararamdaman nila pero ikaw! Binalaan na kita, sinabihan na kita pero hindi mo ako pinakinggan!" He's fuming.

"Kaya habang wala pa akong ginagawa sa inyo, mabuti pang umalis na kayo ngayon bago pa magbago ang isip ko. Maliwanag ba?" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Manuel.

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil ramdam ko na galit na galit si Manuel ngayon sa akin.

Tinalikuran niya na ako at agad na siyang naglakad patungo sa bahay niya. Hindi na niya ako nagawang lingunin man lang bago niya isinara ang pinto.

I was left no choice but we have to leave...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro