36 - Womb
VERM
Magkahalong init at lamig ang nararamdaman ko ngayon dahilan para unti-unti akong mahimasmasan. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko sa aking harapan ang isang lumang kuwarto na may mga dekorasyong bago sa aking paningin.
I saw an open window beside me. Binalak ko sanang tumayo at sumilip nang bigla kong maramdaman ang mahigpit na pagkakatali sa aking katawan.
Armando has tied me up in a chair. Sinubukan ko rin sanang magkatawang-lobo pero napansin kong may suot na akong bago, kahit na luma itong damit.
Binihisan niya ba ako habang wala akong malay?
Isa talaga ito sa mga hindi ko kailanman makakasanayan. I can't have myself naked in front of other people whenever I go back to my normal body.
Even Angel had seen me completely naked. Nakakahiya sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon.
That's when I heard some teacups being prepared outside the room. Malikot ang mata kong nilibot ng titig ang paligid. I felt like everything is in a hazy dream, may mga bagay sa loob ng kuwartong ito na hindi ko maipaliwanag nang maayos.
Mga litrato ng bagay na ngayon ko pa lang nakita. Mga iginuhit at ipinintang larawan ng mga taong hindi ko pa nakikilala. Not until my eyes saw one of the clearest portrait that was drawn by hands.
Kahawig nito si Margot.
Beside the portrait, may isa pang portrait ulit pero kamukha na ito ng mas matandang itsura ni Margot. Whoever painted it depicted as well that Margot is sitting alone inside her room, watching the sky from afar.
Yung design ng buong kuwarto ni Margot sa loob ng asylum, kuhang-kuha mismo ayon sa pagkakapinta nito. It looked so farfetched but I guess Armando knows Margot is in total danger.
Biglang bumukas ang pintuan, dahilan para mapalingon ako sa kung sino man ang pumasok sa loob. "May malay ka na pala," sambit ni Armando pagpasok nito. "Pasensiya na at uminom lang ako ng tsaa."
He has caught me looking over his paintings. Hindi ako nakapagsalita tungkol doon, I know he will tell something about it.
"Mukhang manghang-mangha ka sa mga ipininta kong larawan," he smiled at me before walking to one of his paintings. "Kamusta si Margot?"
He picked up the portrait of Margot looking at the sky from the window of her corner room. "Ang ganda pa rin talaga niyang pagmasdan mula sa malayo. Kung alam mo lang kung gaano ako katagal naghintay na makita siyang muli."
"Bakit hindi mo siya tinulungang makatakas kung gayon?" ang tanong ko sa kaniya.
He didn't look at me. "Masama bang hayaan ang isang tao sa lugar kung saan walang sinuman ang mananakit sa kaniya?" he said with a hint of regret. "Matagal ko na siyang pinagmamasdan at kung makikita mo lang kung ilang beses ko siyang sinubukang iligtas, baka magbago ang pananaw mo tungkol sa akin."
"Matagal na siyang nakakulong sa asylum na 'yon, kung gusto mo siyang iligtas, marami namang paraan—"
He looked at me and my mouth automatically stopped moving. Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin sa kaniya.
"Sabihin mo sa akin 'yan kung alam mong nasa peligro ang taong mahal mo," aniya.
He then started painting on a blank canvas by using an old brush. "Matagal na mula noong huli kaming magkita. Matagal na panahon na rin akong nagtiis na wala siya sa piling ko."
I can't speak. Hindi ko maibuka ang bibig ko at pakiramdam ko ay kinokontrol niya ang galaw ko gamit ang kaniyang salamangka.
"Ang dahilan kung bakit hindi ko siya nililigtas ay dahil sigurado akong hindi nila maaaring saktan si Margot sa loob ng Asylum na iyon. Oras na umalis siya sa sagradong lugar na iyon, doon manganganib ang kaniyang buhay laban sa kamay ng mga mangkukulam na namumuno sa lugar na ito," he stopped painting.
In just a few minutes, may mga itsura siyang naipinta sa canvas sa kaniyang harapan.
"Ang coven ni Lara ay binubuo ng mga kababaihang may katayuan dito sa bayan na ito. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang pinamumunuan," tumikhim si Armando bago niya itinuro ang unang mukha ng babae na kaniyang ipininta.
"Ang ospital ng Wichita, ang head doctor ng ospital na iyon ay pinamumunuan ni Sela Alvares. Isa siyang mahusay at mabait na doktor na walang nagawa kung hindi ang umanib sa coven ni Lara dulot ng pagbabanta nito sa kaniyang pamilya. Kung alam mo lang ang kayang gawin ni Sela, tiyak na ikamamangha mo. Kaya niya lang namang patibukin ang puso ng isang taong kamamatay lamang, kaya niya ring paralisahin ang isang tao sa isang dampi lamang ng kaniyang kamay.
"Pero sigurado akong hindi naman niya magagawang manakit ninuman, pero alam kong kaanib pa rin siya ng coven ni Lara. Ibinibalita niya pa rin dito kung ano ang mga kaganapan sa ospital, kung sino ang mga nabiktima ng mga familiar nila na nagbabantay sa kagubatan, at kung sakaling malaman nilang may nalalaman ang mga taong naipapada sa ospital, alam mo na ang maaaring mangyari," he slowly shook his head. "Hindi ka na makalalabas pang muli doon. Malalaman na lang nilang dead on arrival ka, o kaya'y namatay sa natural na pamamaraan."
Hearing that makes me feel worried about Manuel. Paano kung patayin siya ng Sela na iyon? What if Sela would paralyze Manuel or worse kill him because he knew something?
Nagulat ako nang maramdaman kong naigagalaw ko na ang aking bibig. It seems like he wanted me to say something about this.
"Kung totoo nga ang sinasabi mo, kailangan na nating umalis. Kailangan namin ang tulong ni Margot, kaya niyang pagalingin ang kasama naming nasa ospital ngayon," ang sabi ko sa kaniya.
"Gaano na ba kayo katagal dito?" ang tanong niya sa akin.
"I-isang gabi pa lang," bulong ko.
Sandaling natahimik si Armando. "Maipapangako mo ba sa aking hindi ka isa sa mga alagad ni Lara?"
I can't help but laugh. "Ako magiging alagad ng sinumang nandito sa bayan na ito? Hindi. Isang tao lang ang susundin ko at yun ay si Manuel."
He slowly nodded his head. He then pointed his hands at me and sway his fingers pointing downwards. "Sumunod ka sa akin."
Lumuwag ang pagkakatali ni Armando sa akin dahilan para maramdaman ko ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko. I feel so suppressed and finally got freed.
Naunang lumabas si Armando at iniwan niya akong mag-isa sa loob ng kuwartong ito. While he's outside, I decided to admire some of his works a bit. Minabuti kong alalahanin ang mga mukha ng babaeng ipininta niya.
There are five of them in total and he have introduced one of them to me yet. Sino kaya ang apat na babaeng natitira na hindi ko pa nakikilala. And among those three unknown women, ano kaya ang katayuan nila rito sa bayan na ito.
With this information in mind, I know it will come handy later on. They might bring bad luck, but I hope Armando and Margot will do something to change everything.
Kahit pag-asa man lang na makaalis kami rito sa bayang ito nang buhay kasama si Monalisa. Iyon lang naman talaga ang plano namin. To find her body and get out of this town.
Pero bakit naging ganito kakomplikado?
I just shook my head as I tore the canvas where the painting of those women has been created with, and decided to fold them and put into my new shorts pocket.
Nang maitupi ko ang canvas ay agad na rin akong sumunod kay Armando. And to my surprise, upon stepping outside the door, nasa labas na agad ako ng mismong bahay ni Armando.
At sa paligid namin ay purong kagubatan lamang ang makikita. He's totally living in the heart of Wichita's wilderness.
"Nagulat ka ba?" ang tanong sa akin ni Armando habang nakatayo siya ilang metro ang layo sa akin. "Ang kuwartong iyon lang ang puwedeng pasukin ng mga bisita ko. At oras na lumabas sila ng kuwartong iyon e dadalhin ka agad nito sa labas. Wala akong hinahayaang makapasok sa mismong bahay ko, masyado akong maingat pagdating sa bagay na iyon."
"K-kaya mo bang gawin yun, yung dadalhin tayo sa kung saanmang pinto na puwede nating labasan?" ang tanong ko kay Armando.
Armando just silently shaken his head. "Hindi. Hindi ko kayang gawin iyon. Ngunit ang kaya kong gawin e ang palayain ang sinuman sa isang sumpa. Gaya ng ginawa ni Lara kay Margot. Isinumpa niya si Margot na kailanman e hindi siya makalalabas doon, at alam ko ang tungkol doon."
"Hindi mo man nga lang siya tinulungan," bulong ko.
"Anong tulong ang magagawa ko kung kumpleto ang coven ni Lara noong dinala nila si Margot sa asylum na 'yon? Hindi ka rin ba nagtataka, ako lang ang tanging nag-iisang mangkukulam na lalaki dito sa bayan ng Wichita. Hindi mo man lang ba naisip iyon?" may halong galit nang sambitin iyon ni Armando sa akin.
I can't help but keep my mouth shut.
"Lahat ng mga lalaking mangkukulam ay umalis na rito. At kung sakaling may natira man," umiling-iling siya. "Na alam kong wala! Edi sana lumaban kami. Madali lang sabihin ang lahat na kaya naming pabagsakin ni Margot ang coven ni Lara. Dalawa lang kaming umaaklas sa mga plano niya, anong magagawa namin kung lahat sila ay kaya kaming patayin nang walang kahirap-hirap?" he was venting out as if nobody has listened to him for a very long time.
"Kung iniisip mong gusto ko kayong tulungan, nagkakamali ka. Nandito lang ako dahil kay Margot. Iniisip ko na ito na ang tamang oras na itakas siya sa lalong madaling panahon bago pa mahuli ang lahat," dagdag pa niya.
I raised both of my hands in defeat. "Sorry, sorry. Pasensiya na sa mga nasabi ko. A-alam kong mahirap yung mga napagdaanan ninyo ni Margot. Hindi ko naman kayo masisisi, pasensya na talaga."
He stared at me for a few seconds. It feels like he's burrowing holes into my eyes as I feel the emanating anger from him.
He then looked away and started shaking his hands, pinakakalma niya yata ang kaniyang sarili. And after a few seconds of doing that, he put his hands on top of his head as if he is pondering about what to do next.
I now totally understand how hard he is hurting right now. He's been longing to see and meet Margot again. Sa tinagal na hindi sila nagkita, lubos kong iniisip na sana ay maging maayos na ang lahat para sa kanilang dalawa.
"Tutulungan ko kayo, namin. Si Manuel, yung kasama ko, isa rin siyang taong-lobo na kagaya ko. Puwede namin kayong tulungan na labanan si Lara kahit na yung iba pang mga witch, gagawin namin ang lahat para pigilan sila," ang sabi ko pa sa kaniya.
"Kaya mo bang pumatay?" he glanced at me all of a sudden.
Hindi ko siya agad na sinagot. Where is he getting that question? Of course I can kill, but why?
"Ang tanging tulong na magagawa ninyo sa amin ay ang patayin ang mga nangungunang miyembro ng coven ni Lara. Isa-isahin niyo sila sa mga tahanan nila at ituturo ko sila sa inyo. Magagawa mo bang gawin ang bagay na 'yon?" ang tanong niya pa sa akin.
"Gusto mong patayin namin sila? Pero—"
"Hindi matatapos ang gulong 'to hangga't buo ang coven ni Lara. Kung hindi niyo kayang paslangin si Lara, alam kong kaya niyo akong tulungan na patayin ang mga kasamahan niya" dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at hinawakan niya ang magkabilang-braso ko. "Kapag nabuwag na ang coven ni Lara, magiging malaya na kaming lahat. Wala na kaming dapat na katakutan, mapapalaya natin ang Wichita mula sa kamay nila."
His eyes did not lie. He really wants to kill those witches. There's no hint of hesitation from it. Gusto ko mang sumagot ng hindi ay hindi ko rin ito magawa. I just feel like I don't need to kill someone that doesn't do anything with me.
But the way he touches my arms, yung unti-unting paghigpit ng kapit niya sa akin, it makes me feel weak. Like my willingness to remain calm and silent feels so invalidated.
"Siguro ay kailangan mong makita ang nangyari noon," sambit ni Armando sa akin hanggang sa bigla na lamang niya akong itinulak, ngunit kitang-kita ng dalawang mata ko ang katawan kong nakatayo pa rin sa aking harapan.
I feel like my soul has been snatched out of my body as I dropped on the ground, down into the endless depth of it. Hanggang sa hindi ko maiwasang mapasigaw nang malakas dahil nabalot ako ng purong kadiliman.
Up until I dropped on the ground, I felt how hard it is on my back. And I was staring at the dark sky above me.
Nasaan ako? Why does it feel like I am inside of someone's dream? Why does it feel so surreal? Saan na naman ba ako dinala ng kapangyarihan ni Armando?
"Kailangan na nating umalis, Margot," nakarinig ako ng isang tinig ng lalaki sa di-kalayuan.
Dagli akong bumangon at tumingin kung saan nanggaling ang boses na iyon. The voice felt so familiar. Am I inside Armando's past? Is he giving me a glimpse of what happened so that I would agree to his own plans?
Nakita ko ang medyo bata-batang itsura nilang dalawa ni Margot. Margot totally looked the same as what Armando has painted inside that room.
Hawak-hawak ni Armando ang isang maliit na lampara na may kandila sa loob. Samantala, hawak naman ni Margot ang isang maliit na bag habang sapo ang kaniyang sinapupunan.
"Hindi ko na kaya, mauna ka na, Armando. Kung kailangan kong manatili dito, gagawin ko. Hindi ko hahayaang mawala sa tamang landas si Lara," sambit ni Margot.
"Nahihibang ka na ba? Walang pakialam si Lara sa kapakanan mo. Naging guro ka niya pero hindi mo siya responsibilidad, Margot. Kailangan nating umalis hindi lang para sa atin 'tong dalawa. Paano na ang magiging anak natin?"
Tama ba ang narinig ko? May anak silang dalawa? Pero wala namang nabanggit na ganito si Margot noon. Hindi ko alam kung totoo itong nakikita ko pero ramdam ko na takot na takot si Armando hindi dahil sa nakaambang panganib kung 'di sa kapakanan nilang dalawa.
"Kaya ko ang sarili ko, Armando. Kung kailangan kong magsakripisyo, gagawin ko," pasubali ni Margot.
This time, she stepped backwards away from Armando. Sinubukang lumapit ni Armando ngunit pinigilan siya nito.
"Margot," mahinang bulong ni Armando. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong ito? Wala ka na bang ibang hinangad kung 'di ang bantayan si Lara? Wala na tayo sa dating Wichita. Unti-unti nang binabago ng pamilya nila ang nakaraan ng bayan na ito, wala tayong kinabukasan kung mananatili tayong dalawa rito."
"Nasasabi mo lang yan dahil wala ka sa katayuan ko. Nasasabi mo lang yan dahil nagbunga ang gabi na minsan tayong nagsama. Kung hindi dahil sa sanggol na ipinagdadalantao ko, sigurado akong lumayas ka na rin kasama ng mga duwag na mga lalaking mangkukulam na kagaya mo!" sigaw ni Margot kay Armando.
I felt the tension rising up. Kahit sinong lalaki ay masasaktan mula sa mga salitang nasambit ni Margot. If I were be in his situation, I would feel completely shattered. No one deserved this.
Why did it happen between them?
Hindi makapagsalita si Armando. Manginig-nginig ang kaniyang bibig na tila gusto niyang magsalita pero binabagabag siya ng kaniyang damdamin.
Kitang-kita ko ang pagkasawi ng kaniyang puso kahit na alam kong nangyari na ang pagkakataong ito sa nakaraan. I felt so sad for Armando, it is indeed heartbreaking to see the woman you love blame you for staying with her.
"Kung talagang mahal mo ako, Armando. Hahayaan mo ako sa gusto kong mangyari. Gagawin ko ang trabahong ito. Gagampanan ko kung ano ang sinumpaan kong gawin habambuhay," ang sambit ni Margot bago siya unti-unting tumalikod at naglakad palayo.
Samantala, nakatitig lang sa kaniya si Armando, tahimik lang itong nakamasid sa kaniya.
I looked at Margot who's now walking away from him. Until she stopped walking and looked back at Armando. She touched something on her neck, doon ko napansin na suot niya pala ang kuwintas na ipinadala niya sa akin para mahanap ko si Armando.
She gave Armando a somber look before closing her eyes and started running away into the foggy sidewalk of Wichita.
Then the place went dark for the second time, but this time, I can hear loud cries of a woman as if she's being dragged with chains on her arms.
I looked around me again, hanggang sa nakita ko sa di-kalayuan si Margot, medyo may katandaan na siya sa pagkakataong ito, habang nagpupumiglas siya laban sa mga lalaking doktor na nakahawak sa kaniyang mga braso.
Samantala ay nakatayo naman si Lara ilang metro ang layo kay Margot. Sa tabi nito ay may limang kababaihan na nakatayo sa gilid niya habang pinagmamasdan kung paano magpumiglas si Margot.
"Para ito sa ikabubuti mo, Margot. Ayokong tuluyan kang mawala sa katinuan mo, walang mga mangkukulam sa bayan na ito, hindi mo dapat ipinagkakalat ang mga bagay na hindi totoo," Lara said to Margot, without even flinching.
"Hindi ako baliw! Hindi ako nasisiraan ng bait. Pakawalan ninyo ako, nasa peligro ang mga buhay ninyo! Kailangan ninyong umalis sa bayan na ito—"
I saw one of the woman flicked her finger and Margot started having spasm. The woman who probably caused it looked like Sela, the head doctor that Armando has introduced to me.
Did she try stopping Margot's heart?
Dahil sa ginawa ni Sela ay agad na naipasok ng mga doktor sa loob ng asylum si Margot. Nang tuluyan nang maipasok ng mga doktor si Margot sa loob ay agad na naglakad palayo sina Lara.
"Patibukin mo na ulit ang puso niya," bulong niya kay Sela.
Sela flicked her finger once again and loud scream and cries once erupted from the halls of Wichita Central Asylum...
Umalis si Lara kasama ang mga babaeng nakasunod sa kaniya lulan ng isang itim na kotse. Nang tuluyan na silang makaalis ay doon ko napansin na sa di-kalayuan, nakamasid lamang si Armando habang nakatitig sa kabuuan ng Wichita Central Asylum.
He was as vigilant as he seemed to be, he didn't leave Margot alone. Tama nga ang sinabi niya, hindi niya nga ginusto ang nangyari, he has nothing to do against those women.
It's five against one. Anong laban niya sa mga iyon?
But there's one thing that I was really concerned about...
Nasaan na ang sanggol sa sinapupunan ni Margot?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro