28 - Haywire
I was totally shocked of what Margot had told us about her real connection with Lara.
That she was Lara's mentor when she was younger. That she's the reason why Lara became what she had become.
A very talented witch.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya sinaktan ni Lara. She would never do harm to Margot because of the reason of how Margot made her the way how she is right now. May utang na loob siya sa kaniya kaya kahit na nalaman niyang labag sa kaniyang mga plano ang dati niyang guro ay minabuti ni Lara na dalhin siya sa lugar na ito.
Sa lugar kung saan ang mga taong naniniwala sa mga kakatwang bagay ay nararapat lamang na pagdalhan. An asylum for the brain confinement.
And Lara's always there to check up on her. See if Margot would change her perspective. If she'll go to the path Lara had created for them all.
To a new Wichita. To a much stronger coven.
To the new order of their society.
Hindi ko lubos-maisip kung ano ang susunod naming plano. Despite the information I have gotten from Margot, it doesn't make sense if I'll ask her to help us put Lara down.
Dahil sigurado akong sa dinami-rami ng mga naituro ni Margot kay Lara ay alam na nito ang bawat pasikot-sikot ng isipan nito. Lara knows Margot well.
And that's another reason why she's not doing anything right now. She's probably assured that we cannot do anything against her even if Margot is with us.
At the end, a mentor who teaches his student well will create a much better mentor than he is. And Lara is totally in another level way above Margot.
Margot created Lara. And Margot couldn't undone it anymore. The mentor can't stop the well taught student.
"Hindi ako makapaniwala na ganito pala ang nangyayari sa bayan namin," ang sabi sa akin ni Abby habang magkatabi kaming nakatayo sa harapan ng salamin sa public bathroom.
Sandali muna kaming umalis ng kuwarto ni Margot dahil may nurse na dumating para asikasuhin ang pag-inom niya ng gamot.
Nagkibit-balikat ako. "Most towns keep lies. Kahit na sanay na ako sa dami ko nang na-expose na mga sikreto, ito pa lang talaga ang natatanging kakaiba sa lahat, as in, sobrang kakaiba talaga."
I looked at my reflection. Mabuti na lang at nakaligo ako sa Scarlet Inn kagabi at nakapagpahinga ako nang ilang oras. It was a pleasure to experience a little heaven in this hell. Least to look like a normal person again.
Samantala, nakatulala naman si Abby habang nakatitig sa lababo. Hindi talaga siya makapaniwala, halos lahat ng mga hindi niya pinaniniwalaan noon ay lumalabas na katotohanan pala na matagal niyang hindi pinaniwalaan.
"Hindi ko lang kasi talaga makita na witch sila. Kasi, normal naman silang tingnan. Nakikita mo nang madalas. Like, normal na residente lang din ng bayang 'to." Abby is lost for words.
Tumingin ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang balikat. "Abby, masanay ka nang pinagdududahan ang lahat. Dahil kung mananatili kang kampante sa lahat ng pinaniwalaan mong totoo, malamang magkaroon ka ng sakit sa puso," biro ko pa sa kaniya.
Abby smiled and nodded. "Ngapala, matanong ko lang. Seryoso ka ba talaga tungkol kay Verm? Isa ba talaga siyang," she heaved a deep breath, looking around. "Werewolf?"
Tumango ako. "Oo, pero hindi ko alam kung paano siya naging werewolf. Gaya ng kung paano naging witch ang mga tao rito sa Wichita noon."
Muling napatingin sa lababo si Abby. "Pero kung titingnan mo kasi, ang amo ng mukha niya. Hindi ko talaga in-expect na gano'n pala siya."
"Trust me, ganiyan din ang reaksiyon ko nang malaman ko ang sikreto nila. And no one would expect anyone to be a werewolf the first time meeting somebody." I shrugged.
"Yeah, right," tumango si Abby bago siya muling humarap sa salamin. "Pero normal pa rin ba si Verm kahit na gano'n siya?" she looked at me once again.
I know where this conversation is leading. Mukhang habang kinakausap ko si Margot kanina ay isa rin ito sa bumabagabag sa isipan ni Abby. She looked pretty preoccupied.
"Bilang tao, oo. Nagiging wolf lang naman siya at iyon lang ang pinagkaiba niya sa atin. Aside sa matalas na pandinig, malakas na pang-amoy, at malinaw na paningin, he's still human."
She smiled. "Kaya ba niyang makaramdam? Like, magkagusto sa isang tao o, mas gusto ba nila ang isa pang werewolf na gaya nila?"
Sabi ko na nga ba at dito rin ito mauuwi. "Abby, sa tingin ko isa lang ang sagot sa tanong na iyan. At malalaman mo kung mararamdaman mo 'yon mula sa kaniya."
"Right, salamat," aniya habang mabagal na tumango-tango.
"Bumalik na tayo sa kuwarto ni Margot baka tapos na siyang painumin ng gamot nung nurse," aniko.
Paglabas namin ng female comfort room ay biglang may dumaang nagtatakbuhang mga nurse na halatang nagmamadali, patungo sa kanang direksiyon namin.
I can't help but be bothered. Hindi ko alam kung anong dahilan at nagmamadali sila na parang may emergency na nangyayari.
"Anong nangyari?" ang mahinang tanong ni Abby.
"Puwede mo bang i-check kung anong meron? Babalikan ko lang si Margot," ang sabi ko sa kaniya.
Tumango si Abby at dali-daling naglakad patungo sa direksiyon kung saan nagpunta ang mga nurse na dumaan.
Sa pag-alis niya ay agad din akong bumalik sa kuwarto ni Margot. And to my surprise, she's totally safe.
Mag-isa na lang siya sa loob, may isang tray na may nakapatong na plastic cup sa ibabaw ng mesa, na sa tingin ko ay iniwan ng nurse na pumasok sa kuwarto niya kanina.
They made her drink the medicine they thought could fix her. Na alam kong hindi niya naman ininom.
Isinara ko ang pinto at nilapitan ko si Margot na tahimik lang na nakaupo sa gilid ng kaniyang kama.
"Ayos lang ho ba kayo?" ang tanong ko sa kaniya.
Dahan-dahan siyang nagtaas ng tingin sa akin. "Alam ni Lara na nandito kayo. Gumagawa siya ng paraan para pigilan ang mga plano ninyo."
Hindi ako nakakibo sa aking narinig. Nagsitindigan ang mga balahibo ko, at pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na pumasan sa aking mga balikat.
Kinabahan akong bigla sa mga sinabi niya.
"Ho?"
"Kailangang makabalik ng kasama mo sa lalo't-madaling panahon, hindi ko alam kung anong gagawin ni Lara, pero nararamdaman kong may bagay siyang nakahanda para sa inyo."
I don't know what to say.
Umupo ako sa tabi niya. "A-ano hong puwede naming gawin?"
"Mag-ingat. Tanging pag-iingat lang ang maaari ninyong gawin. Protektado man kayo sa kaniyang manipulasyon ay hindi pa rin kayo ligtas sa kapangyarihan niya."
"Pero-"
Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa labas. Dagli akong napatayo para lumabas ngunit hinablot ni Margot ang aking braso.
She didn't let me go as I tried to set myself free from her tight grasp.
"Dito ka lang, masama ang pakiramdam ko sa nangyayari."
"Pero si Abby, nasa labas siya."
Binitawan ni Margot ang braso ko nang banggitin ko ang pangalan ni Abby.
"M-mag-iingat ka."
Tumango ako at agad na lumabas ng kaniyang silid. Sinigurado ko ring nakasara ang pintuan para walang pumasok na sinuman nang biglaan.
Sa hallway ay nagkalat ang mga nurse na nagsisitakbuhan paroot-parito. Hindi magkandaugaga ang bawat isa sa nangyayari.
Karamihan ay balot ng takot ang mga mukha, at halatang nawiwindang na sa anumang nangyayari na alam kong hindi magandang balita.
Para akong nakikipaglaro ng patintero para lang makadaan sa hallway. Maging ang ilan sa mga pasyente ay napabayaan na rin nilang nagkalat at palakad-lakad sa gitna ng daan.
Sinubukan ko ring magtanong sa ilang nurse pero masyado silang abala para huminto at sagutin ako.
I even asked where the scream came from but nobody bats an eye to pay attention.
Nawiwindang na rin ako sa nangyayari. Gaya ng mga nurse na kung saan-saan na nagpupunta ay maging ako'y nalilito na rin kung saan tutungo.
"Abby?!" isinigaw ko ang pangalan ni Abby, nagbabakasaling nasa malapit lang siya.
Pero walang Abby na nagpakita o nagparamdam sa tawag ko. The hallway stayed in complete chaos.
And that's when I decided to finally break the rule.
Huminto ako sa paglalakad at saka inilabas ang cellphone ko. I started dialling the emergency number but stop midway when I saw the empty bar of the signal reception.
"Shit."
Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang cellphone ko nang bigla na lang sumindi ang flashlight nito.
In just a quick second, the patients who are loitering in the hallway just stopped moving. Lahat sila ay napatingin sa direksiyon ko at may kung anong tingin sa kanilang mga mata na nakapagpanindig ng balahibo ko.
I was about to curse again under my breath when I realised that I fucked up when someone's hand had suddenly pulled me inside one of the rooms.
Isang lalaking nakasuot ng nurse uniform ang humablot sa akin at agad na nagsara ng pinto.
"Anong-"
Tinakpan niya ang bibig ko. "Shhhh, tumahimik ka, alam nilang nandito ka."
Hindi ko alam kung may kinalaman din siya sa nangyayari sa pagitan namin at ni Lara pero minabuti kong sundin ang sinabi niya.
I just stayed silent, waiting for what's going to happen next.
And to my horror, may mga aninong nagsilapitan sa pintuan at sunod-sunod na pinaghahampas ang pader gamit ang kanilang mga kamay.
Hindi man nagsisigawan ang mga pasyente sa labas ay walang tigil naman nilang sinusubukan na buksan ang pinto. They kept pushing and pushing but the guy who have saved me had kept them at bay.
Nakatayo at nakasandal siya sa pintuan, pilit na pinipigilan ang puwersang ibinibuhos ng mga pasyente mula sa labas.
"Anong nangyayari? Ba't sila nagkakagano'n?" I asked the male nurse in whisper.
He looked at me and mouthed, "Side effect ng mga iniinom nilang gamot. Sudden flashes of light will agitate them. At kapag nangyari 'yon, nagiging bayolente sila."
"I'm sorry kung gumamit ako ng cellphone, sadyang kailangan ko lang tawagan ang emergency hotline."
"Walang signal dito, it's properly maintained para siguradong walang gagamit ng cellphone."
I shook my head. I just broke the rule and now I'm making this nurse have a hard time protecting me.
"Makes sense. Pero anong nangyayari, ba't nagkakagulo ang mga tao rito?" ang sunod na tanong ko naman sa kaniya.
He looked at me, his face sweating, and whispered, "Nakatakas ang isa sa mga pasyente namin. Isa siya sa pinaka-bayolente sa lahat at may hawak siyang hostage. Inaalam ngayon ng mga staff kung pa'no nakatakas ang pasyenteng iyon gayong nasa secured confinement room naman siya."
"P-paano raw siya nakatakas?"
"Isa sa mga security officers na may kontrol sa mga pinto ang nagbukas nito sa main security server. At kaya naman nagkakagulo ang mga katrabaho ko ay dahil sa nagmamadali rin silang hagilapin ang iba pang pasyenteng nakatakas dahil bumukas nga ang mga pintuan ng confinement rooms nila."
Hindi na ako umimik pa. Now I know what is happening. This is Lara's move. She made this happen.
Have control in one of the staff and let the dangerous patients out to create chaos? Typical antagonistic move.
"A-anong gagawin nila kung makapasok sila rito?" ang sunod kong tanong sa kaniya.
The nurse looked at me with a frightened look on his face.
"Depends on how agitated they are, mga galos lang ang maaari mong matamo," ang sagot niya. "Pero base sa nakikita ko, gusto ka talaga nilang saktan."
"Then don't let them in, please, wag mo silang hayaang makapasok."
"Shhh, I'm doing my best to stop them, masyado silang madami."
Agad akong lumapit at tumabi sa kaniya para harangan ang pintuan. "Tutulungan na kita."
Under his raspy breathing, he whispered, "Thanks."
It's been a horrifying minute to hear the low moans outside the room together with the banging sound the patients were making as they try to break into the room that we're hiding.
Nakikita ko sa mukha ng lalaking nurse na kasama ko ang butil-butil na pawis na namumuo sa kaniyang noo. He's terrified but he doesn't want to show that he is totally frightened.
"Kailan sila titigil?" ang tanong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin. "Oras ang itatagal nito hangga't walang umaagaw ng atensiyon nila," aniya.
Napailing na lang ako dahil malabong may tumulong sa amin sa mga oras na to. Lalo na at puro pasyente ang nagkalat sa hallway, lahat ay may potensiyal na makapanakit.
Halos panghinaan na ako ng loob na makakalabas pa kami ng asylum na ito nang ligtas nang bigla na lang tumigil ang tunog ng mga dabog sa pintuan.
Nagkatinginan kami ng kasama kong nurse, parehas kaming nagulat, at nagtataka sa nangyari. We both slowly looked up, to see if there's still some shadows lurking outside.
But to our surprise, wala na sila. There's no more patients that were trying to break in.
"Umalis na ba sila?"
Dahan-dahang tumayo ang kasama ko para sumilip sa labas.
"Looks like someone had stunned them," tumingin siya sa akin. "Nasa sahig sila, nakahandusay. Mukhang ligtas na tayo-"
Biglang bumukas ang pinto at may isang kamay na may hawak na ballpen ang pumuslit sa loob. Bigla nitong idinikit ang ballpen na hawak niya sa leeg ng kasama ko at agad itong nangisay.
Napatakip ako ng bibig lalo nang makita ko ang pagtirik ng mata ng lalaking nagligtas sa akin bago ito humandusay sa aking harapan, nakadilat ang mga mata na unti-unti ring sumara makalipas ang ilang segundo.
Tuluyang bumukas ang pintuan at isang pamilyar na tao ang pumasok sa loob. Pero imposibleng mangyari 'to...
Nakita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano siya namatay! Papaanong nakarating siya rito?
"Mr. Calicdan?"
He looked at me with a dead serious expression in his face.
"Pasensiya na, Angel. Pero kailangan kong gawin' to," bigla siyang yumuko at saka idinikit sa aking leeg ang hawak niyang ballpen.
I felt a sharp sting, and the last thing that I felt is the hot searing sensation flowing all over my body...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro