Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26 - Scents

But all of the curse has a way to be broken.

"Paano po namin kayo matutulungan? Di ba kaya naman pong alisin ang isang sumpa?" tanong ko kay Margot.

Mabagal siyang tumango. "Maaari, pero mahina na ako para sirain pa ito, matagal ko nang sinubukan ngunit hindi na sapat ang aking kakayahan."

Lagot na, kung hindi makakalabas dito si Margot, paano niya kami matutulungan? Hindi naman namin puwedeng dalhin si Manuel dito dahil masyado pang malubha ang kaniyang kalagayan. He definitely needs rest than most of us here.

"May iba pa po bang paraan?" ang sunod kong tanong sa kaniya, nagbabakasakaling may natitira pang pag-asa para sa aming lahat.

Isang ngiti ang aking nasilayan sa kaniyang labi. "May kakilala akong maaari ninyong hingian ng tulong. Si Armando, isa siyang warlock at matagal na kong walang balita sa kaniya. Hindi ko rin siya makausap sa pamamagitan ng mahika dahil gaya ninyo ay protektado na ang kaniyang kaisipan laban sa puwersang nagmumula sa iba," aniya sa mahinahong paraan.

"Sinubukan ko na rin siyang hanapin pero hindi ko siya mahagilap. Wala siya sa records ng municipal hall at kahit ilang beses na akong magtanong sa mga kakilala ko rito sa bayan na 'to ay walang nakaaalam kung nasaan siya," dagdag pa ni Ricardo.

Pare-parehas kaming natahimik. Iniisip ko kung pa'no namin matutulungan si Margot sa pamamagitan ng taong kaniyang nabanggit. If they couldn't find him, then how would we do the same thing successfully?

Margot used her powers but it didn't made anything but confirm that Armando was protected by their own magic spells. On the other hand, Ricardo haven't got any findings after doing what a normal citizen will do.

"May alam akong paraan," ang sabi ni Verm.

Lahat kami ay napatingin sa kaniyang direksiyon. He looked so alarmed but he's quite confident of what he's currently thinking about.

"Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.

"May gamit ba kayo na pagmamay-ari niya na maaari kong amuyin? Susubukan ko siyang hanapin sa pamamagitan nito," ang tanong ni Verm kay Margot.

Doon ko lang na-realize na tama si Verm. He can use his ability to trace Armando! Kung magagawa niyang hanapin si Armando sa pamamagitan nito, maaari rin kaya niyang hanapin si Monalisa gamit ang matalas na pang-amoy niya?

Ngumiti si Margot sa paraang tila nabuhayan siya ng loob. "Magagawan ko ng paraan iyan. May mga pag-aari akong nanggaling kay Armando, baka makatulong iyon. Sumunod kayo sa akin."

Tumayo si Margot at saka siya nagsimulang maglakad patungo sa malaking gusali ng Wichita Central Asylum.

Samantala, tahimik lang na sumunod si Ricardo sa kaniya, inaalalayan ang bawat paghakbang nito.

Bago kami sumunod sa kanila, napagdesisyunan kong tanungin si Verm kung maaari niya bang hanapin si Monalisa sa pamamagitan ng kaniyang samyo.

Ngunit umiling lang si Verm. "Hindi ko siya maamoy, may paraan kaming alisin ang anumang bakas na maaari naming iwan para protektahan ang sarili naming pack. Sa ngayon, si Margot lang ang makatutulong sa atin para matagpuan siya."

Tumango ako nang makuha ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Samantala, naguguluhan naman si Abby sa mga nangyari.

"Hindi ko kayo maintindihan," bulong pa niya sa akin nang magsimula kaming maglakad para sumunod kay Margot.

I smiled as I looked at her eyes. "Abby, just wait and see. Malalaman mo rin ang lahat."

And I gave Verm a reassuring look that his secret won't be revealed immediately. That he is a werewolf, so is Manuel.

...and also the woman who have mysteriously died in this godforsaken town of Wichita.

~~~

Dinala kami ni Margot sa loob ng asylum. Sa tulong ni Mr. Ricardo ay hindi na kami sinuway pa ng mga facility doctor na aming nakasalubong dahil siya na mismo ang kumausap sa kanila.

Ilan sa kanila ay abala sa pag-asikaso ng mga gamot habang ang iba ay nagpapahinga sa isang sulok. Masyadong busy ang bawat staff nila rito at nakikita ko iyon sa kanilang mga mata.

Even the hospital's main lobby. I didn't expect na kahit dito ay nagkalat ang mga pasyente. They're not doing anything wrong but I could sense the negative vibes of having a crowd of them in one place.

Nararamdaman ko kasi na anumang oras ay maaaari silang magbago ng pag-uugali. And I probably need to stop thinking wrong about them just like this. I hate this, but I couldn't make my mind stop looking at them with that kind of perspective.

Umakyat kami sa hagdan patungo sa second floor. Sinubukan kong ilabas ang cellphone ko pero sinabihan ako ni Mr. Ricardo na maaaring 'wag muna akong maglabas ng anumang device sa loob ng ospital.

Lalo na kapag camera. He warned me that camera flashes may stir the calmness of any patients. It irritates them and it could make them act feral.

The nurses would probably confiscate our devices too if they have caught us using them inside. Minabuti ko na lang na sundin ang bilin niya.

The second floor contains a hallway surrounded by different closed doors. At sa bawat pintong aming nadaraanan, doon ko napag-alaman na karamihan sa mga pasyenteng nasa loob ng mga saradong pintong ito ay hindi pa maayos ang lagay ng kalusugan.

Sinubukan kong sumilip sa isa sa mga pinto. Sa salaming nasa pintuan, at nakita ko sa loob ng silid na iyon ang isang lalaking pasyenteng tahimik na nakaupo sa kaniyang higaan habang nakatulala sa kawalan. The only noticeable oddness with his action is the way he grin. Para siyang naghahandang makapanakit.

In just a quick second, the patient looked into my direction, resulting for me to take a quick step back away from the door. Nasapo ko ang aking dibdib at naramdaman ko ang biglang pagbilis ng pagtibok ng aking puso dulot ng kaba sa nangyari.

Tumingin ako sa paligid at may iilang nurse na nakakita sa nangyari pero minabuti lang nilang umiling at bumalik sa kani-kanilang mga gawain.

Iniwasan kong sumilip sa iba pang mga kuwarto at minabuting sumunod na lang kina Margot. This is one of the reason why I am afraid of asylums.

Everyone is just like us, humans. But nobody knows for sure who is sane, or insane.

Among us.

~~~

Matapos ang ilang minutong paglalakad ay huminto si Margot sa tapat ng isang pintuan na matatagpuan sa mismong dulo nitong hallway.

She opened the door and went inside, letting everyone else follow her. At sa pagpasok ko sa loob ay agad ko ring isinara ang pintuan.

Ricardo stayed along with us, but I can clearly see that he's not gonna stay for too long. He kept looking at his wristwatch from time to time, hinting the urge to come back on his outpost.

To describe the insides of Margot's room, I want to use the word 'eccentric'. Everything is just too strange and unconventional. To the point that everyone who would see Margot's things will feel that something is really not right inside her head.

May mga litrato kasi si Margot na nakadikit sa paligid. The walls are filled by some posters, drawings, and even some sort of news clippings that she had collected from several local newspapers.

It's almost just the same as Monalisa's room.

"Dito nila ako inilagay, at dahil matagal na akong nandito sa ospital na ito, hinayaan nila akong gawin ang anumang gustuhin ko kapalit ng pagsunod ko sa kanilang mga nais ipagawa sa akin," Margot gestured us to look at the nearest table.

May mga nakapatong doon na mga gamot na sa tingin ko ay regular na ipinapainom sa kaniya. Napaisip ako kung sakaling may malaki itong epekto sa kalusugan ni Margot gayong wala naman siyang problema sa kaniyang mental na kapasidad gaya ng karamihan sa mga naka-confine sa ospital na ito.

"Wag kayong mag-alala, hindi ko iniinom ang mga gamot na ibinibigay nila sa akin. Sa pamamagitan ng ilusyon ay nagagawa kong ipakita sa kanila na iniinom ko ang mga gamot na ibinibigay nila sa akin kahit na ang totoo e, gumagamit lang ako ng mahika," Margot smiled at us. "Malaking pasasalamat ko sa tulong ni Ricardo dahil siya ang bahala sa mga gamot na hindi ko iniinom.

Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong maayos naman ang kalagayan niya. I wasn't so sure if she's gonna be fine if she took those pills.

Lumapit si Margot sa pinakamalapit na cabinet na meron sa loob ng kaniyang silid. Binuksan niya ang isa sa mga drawer sa ilalim nito at doon ay may inilabas siyang isang kuwintas.

"Ito ang tanging ala-ala na mayroon ako kay Armando. Ibinigay niya ito sa akin noong malaya pa akong nakapagsusulat ng mga artikulo sa aking maliit na opisina na sa ngayon ay tinayuan na ng kilalang Scarlet Inn," aniya bago niya ito ipinakita sa aming lahat.

I saw Abby flinched as she heard what Margot had told us. Alam kong matagal siyang napaniwala ng mga kasinungalingang kumakalat dito sa bayan nila. Maging ang may-ari ng Scarlet Inn ay walang kaalam-alam sa kung ano nga ba talaga ang nangyari sa dating naninirahan sa lugar na iyon.

At kung susumahin, matagal na panahon na nga ang nagdaan. Dito na tumanda si Margot, dito na siya nanirahan habang ang Scarlet Inn ay tuluyan lamang sa paglago.

And until now, I still wonder how did she manage to save me from Lara. I will ask her about it soon enough.

Dahil kung nandito siya, paano niya nalamang inaatake na pala ako ni Lara sa pamamagitan ng pangmamanipula sa aking isipan?

Bago pa lalong dumami ang tanong na mabilis na tumatakbo sa aking utak ay kaagad na nabaling ang atensiyon ko kay Margot.

She's not saying anything. Pinagmamasdan niyang mabuti ang hawak niyang kuwintas, may bakas ng pag-aalala sa kaniyang mga mata. Lungkot, at pangungulila. As if Armando is a man she's waiting to see again.

Then Margot come towards Verm. She carefully held his hand upward and gave the necklace to him. She then closed his hands with the necklace firmly stuck between his hands.

Dahan-dahan na pumikit si Margot at bumulong ng mga salitang sa tingin ko ay isang magic spell. I could not see anything that is happening.

Ngunit base sa reaksiyon ni Verm, sa pagkunot ng kaniyang ilong. Mukhang pinatataas ni Margot ang amoy ni Armando na naiwan sa hawak nilang kuwintas. And Verm is totally getting it.

Humigpit ang kapit ni Verm sa kuwintas at unti-unti kong nakikita sa kaniyang mga mata ang pagbabago nito. Unti-unting lumiit ang itim sa kaniyang mga mata, to the point na halos puti na lang ang makikita rito.

Napansin kong nagulat sina Abby at Ricardo sa kanilang nakita. Hindi nila alam kung anong klase ng nilalang si Verm at sigurado akong magugulat din sila oras na makita nila ang tunay niyang anyo.

Makalipas ang ilang segundo ay bumitaw na rin si Margot. Tumingin siya sa mga mata ni Verm na ngayon ay unti-unti na ring bumabalik sa dati nitong anyo. He looked totally normal again.

"Nakita mo ba kung saan siya matatagpuan?" tanong ni Margot kay Verm.

Tumugon si Verm sa kaniya sa pamamagitan ng isang tango. "Nababakas ko na kung saan siya makikita, nakikita ko nang malinaw ang kaniyang samyo."

Ibinuka ni Verm ang kaniyang palad at saka tinitigan nang mabuti ang hawak niyang kuwintas. Matapos no'n ay bumaling ang kaniyang atensiyon patungo sa pintuan.

"Maaari mo na siyang hanapin. Ibigay mo lang ang kuwintas na iyan sa kaniya at alam niya na ang kaniyang gagawin," dagdag pa ni Margot.

Verm listened to what she's saying. He looked hypnotised. Pero hindi ako nakaramdam na may mali sa mga nangyayari. Everything is just fine. I can feel it.

Lumapit ako kay Verm at hinawakan ko siya sa kaniyang braso. "Verm, kaya mo 'yan. May tiwala kami sa iyo."

Ngumiti si Verm sa akin bago niya ako niyakap. I can smell the same manly essence that I have smelled from Manuel. Verm had made me remember that Manuel is also waiting to be rescued.

Now that Margot told us that she can cure him.

Sa pagbitaw ni Verm mula sa pagyakap niya sa akin ay agad siyang nagtungo sa pintuan. Sumunod sa kaniya si Ricardo at sabay silang lumabas ng silid ni Margot.

Hindi na kami sumunod sa kaniya at isinara na lang namin ang pintuan. Matapos no'n ay sumilip kaming dalawa ni Abby sa labas ng bintana at kalauna'y nahagip ng aming paningin sina Ricardo at Verm.

Sabay silang naglalakad patungo sa gatehouse.

Hanggang sa ilang saglit pa ay nakita na lamang naming nakalabas na si Verm bago muling isinara ni Ricardo ang gate ng asylum.

"Pa'no niya hahanapin si Armando?" Inosenteng tanong ni Abby sa akin.

I just smiled and answered her question. Mukhang ito na ang tamang oras upang malaman nila ang katotohanan.

"Simply because he's a werewolf."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro