25 - Sacra Resurrectionis
Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang naramdaman ko matapos marinig ang sinabi ni Margot sa amin.
She was expecting us to come?
Lahat ba ng nangyari ay umaayon sa isang plano na siya lamang ang nakakaalam?
"Inasahan ni'yo ho kaming makita?" Nagtataka kong tanong sa kaniya. "P-paano ho nangyari yun?"
Ngumiti si Margot. "Hindi ko na kailangan pang magpakilala, mukhang marami na kayong nalalaman tungkol sa akin sa kung gaano karami ang nalalaman ko sa inyo. Lalong-lalo na ang sikreto ko."
Pumikit si Margot at saka biglaang umihip ang malakas na hangin na nagpasayaw sa mga dahon ng halamang nakapaligid sa amin.
The wind didn't stop just after she opened her eyes again. "Maupo kayo," Margot gestured us to sit on a bench nearby.
Doon ko na-realize na inalis ni Margot ang mga tuyong dahon na nagkalat sa upuan sa pamamagitan ng kaniyang abilidad.
"Oh my god..." napatakip ng bibig si Abby nang makita niya ang ginawa ni Margot. "Totoo nga."
Muling ngumiti si Margot. "Tama kayo. Isa akong witch. At gusto kong isiwalat ang nakaraan ng Wichita. Ang buhay na mayroon kami noon na pilit binibura ngayon ng isa sa mga kagaya namin. Walang-iba kung 'di ang mayora ng bayang ito, si Lara Sullivan."
Umupo kami nina Verm sa bench na itinuro sa amin ni Margot. Samantala, nanatili lamang na nakatayo sa bukana ng hardin si Mr. Ricardo. Tahimik ding nakikinig sa anumang sasabihin ni Margot.
Margot sat down on one of the chairs reserved for her. It was surrounded by colorful flower that I couldn't name, they looked totally different and new to me.
"Hindi na nakuntento sa paninindak at ipinadala niya ako sa isang ospital para sa mga nasiraan ng bait," lumungkot ang mukha ni Margot at bahagya itong nagpunas ng luha. "Hindi ko ikinatuwa ang mga nangyari. Wala akong laban, mahina ako kumpara sa kapangyarihang mayroon siya."
"Inusig ako ng mga taong naninirahan sa bayan na ito. Mga residenteng hindi alam ang nakaraan ng mismong bayang kanilang tinitirhan. Ayaw nilang maniwala sa katotohanan, kaya ito ang kinahantungan ko," she placed her hands on her knees. "Dito sa mental hospital nila ako dinala. At dahil dito, lahat ng mga blog na isinulat ko noong kalakasan ko pa, lahat ng iyon ay ginawa na lang nilang materyales bilang pang-aliw."
Napansin kong dahan-dahan na umiling si Abby. There's a hint of regret in her eyes, like she's getting herself enlightened, and finally accepting the fact that Margot was telling the truth.
Margot looked into my eyes. "Sa ngayon. Isang problema ang kailangan niyong solusyunan. Kailangan niyong pigilan ang masamang balak ni Lara."
"Anong plano ho?" tanong ko sa kaniya.
"Balak niyang buhaying muli ang mga witch na sinunog nang buhay noong kasagsagan pa ng Wichita Witch Trials. At para maisagawa niya ito, nangangailangan siya ng katawan ng mga babaeng may matalas na pag-iisip. At sa sitwasyon ngayon, ang mga babaeng nabiktima niya ay mga reporter, journalist, na kagaya mo," napatitig sa akin si Margot.
"Oras na may magpunta ritong journalist ay kaagad na ipinapadakip ni Lara ang mga ito sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad. Ang mga pulis na kaniyang hawak, ang mga taong kaniyang sinindak para tulungan siya sa kaniyang mga balakin. At oras na mapasakamay na nila ang katawan nito, doon na nila isasagawa ang sacra resurrectionis," huminga nang malalim si Margot.
"Sacra resurrectionis," bulong ko.
"Ang sacra resurrectionis ay isang ritwal nang pagkuha ng buhay ng isang namayapa na sa kabilang-buhay kapalit ng isang kaluluwa mula sa mundong ito. Buhay para sa isang buhay. Ililipat nila ang kaluluwa ng mga babaeng nakuha nila para ipagpalit sa mga kaluluwa ng mga witch na pinatay noon. At oras na mailipat na ang kaluluwa nila sa kabilang mundo, ang witch ang siyang may kontrol sa katawan na kaniyang sinaniban. Mananatili sa isipan niya ang laman ng isipan ng orihinal na may-ari ng katawan nito, ang pangalan nito, ang mga taong kilala nito, at tanging ang ugali lang nila ang kaniyang mababago," napabuntong-hininga siya. "Samantala, ang mga kaawa-awang kaluluwa ng mga babaeng nabiktima nila ay naliligaw sa kabilang-mundo."
Napatakip ako ng aking bibig. Hindi maaari. Kung sakaling ganito nga ang nangyari sa mga reporter na iniimbestigahan ni Monalisa. Siguradong ang mga reporter na nagbago ang ugali matapos nilang bumisita rito ay hindi na ang mismong katauhan nila.
Sina Taylor, Katy, at marami pang iba... they're not the same person anymore.
"Paano po si Monalisa? Ano na po ang nangyari sa kaniya?" tanong ni Verm kay Margot.
Sa sandaling ito, nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Margot. She smiled widely like everything is working just fine.
"Wag kayong mabahala sa inyong kasama. Sa ngayon ay patuloy siyang lumalaban. Pero oras pa rin ang inyong katapat. Hawak siya ni Lara at sinusubukan na nilang ilipat ang kaluluwa nito sa kabilang-mundo pero dahil sa hindi nila maipaliwanag na dahilan ay nahihirapan silang isakatuparan ang ritwal sa kaniya," she put her hands on her chest. "Magagawa ninyo siyang iligtas pero kailangan ng isa sa inyong sumailalim sa sacra resurrectionis."
"Bakit? Hindi po ba delikado iyon?" tanong ni Abby sa kaniya.
"Delikado ang sacra resurrectionis. Pero hindi niyo siya maililigtas kung nasa kabilang-mundo ang kaniyang kaluluwa. Oras na matigil ang ritwal, maaaring hindi na siya makabalik sa mundong ito." Muli ay naging seryoso na naman ang ekspresyon ni Margot.
"Paano po ba siya maililigtas?" tanong ko sa kaniya, iniisip na ako lang ang maaaring makatulong para iligtas si Monalisa.
"Ang kabilang-mundo na tinutukoy ko, ay ang madilim na bersiyon ng bayang ito. Kung saan ginaganap ang ritwal, dito rin ipinapadala ang mga kaluluwang inihihiwalay sa katawan ng biktima. Sa ngayon, siguradong naliligaw si Monalisa sa madilim at magulong bersiyon ng bayan ng Wichita, naghahanap ng maaaring puntahan na ligtas na lugar. Lalo na at sa kabilang-mundo na iyon ay may mga bagay siyang kailangang iwasan," tumikhim si Margot. "Ang mga wraith."
"Wraiths?" tanong ni Abby sa kaniya.
"Ang mga wraith ay aparisyon ng mga taong namayapa na. At sa kabilang-mundo, sila ang nagsisilbing tagasundo ng mga kaluluwang naliligaw doon. Oras na sila ay mahuli ng mga ito, tiyak na dadalhin nila ang mga ligaw na kaluluwa sa kabilang-buhay," pagpapaliwanag ni Margot.
"Kung gano'n, nasa peligro ang buhay ni Monalisa," sambit pa ni Verm.
But Margot cut him up. "Ramdam kong malayo siya sa peligro," nakita ko ang simpleng pagngiti ni Margot sa kaniya. "Iba si Monalisa sa mga babaeng naging biktima ni Lara. Siya ay espesyal."
I know what she's implying about. That Monalisa is a werewolf, and being a werewolf gave her higher odds of survival at the darker version of this town.
A very dark place surrounded by wraiths who are hunting for lost souls, like Monalisa.
"Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi na siya nangangailangan ng inyong tulong. Ang masasabi ko lang ay mahaba pa ang oras para makapaghanda kayo, makapagplano kung paano ninyo gagawin ang pagliligtas kay Monalisa at ang pagpapatigil sa mga binabalak ni Lara. Mag-isip kayo kung pa'no ninyo siya tatalunin, at nandito ako para ibigay ang mga impormasyong kailangan ninyo para magtagumpay ang inyong mga plano," dagdag pa ni Margot.
Hindi nagsalita si Verm matapos marinig ang mga sinabi ni Margot sa kaniya. Sa tingin ko ay naintindihan niya ang ipinapahiwatig nito sa kaniya.
"Saan ho ba kami magsisimula?" tanong ko sa kaniya.
Margot looked at me for a few seconds. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero sinusubukan kong intindihin ang kaniyang nais sabihin.
"Bibigyan ko kayo ng proteksiyon," isa-isa niya kaming tiningnan. "Proteksiyon upang hindi mapasok ni Lara ang inyong kaisipan upang manipulahin kayo."
Tumayo si Margot at naglakad siya papunta sa gitna naming lahat. Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang mga kamay hanggang sa umabot ito sa kaniyang dibdib at saka niya ipinikit ang kaniyang mga mata.
Tila bumagal ang daloy ng oras nang magsimulang magsalita si Margot. Sa umpisa ay dinig pa namin ang kaniyang mga sinasabi pero habang tumatagal ay unti-unting humihina ang kaniyang boses.
Bumubulong siya ng isang ritwal. "Potestas in caelo et in terra. Benedicamus electum gregem ab usibus."
"Nagsasalita ba siya ng latin?" tanong ni Abby sa akin.
I nodded my head. "It looks like it."
Hanggang sa bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na sensasyong dumadaloy sa aking katawan. Napansin ko ring maging sina Verm ay nahiwagahan nang tignan nila ang kanilang mga kamay gaya ng kung ano ang aking ginagawa.
Anuman ang ginawa ni Margot, siguradong maayos niya itong naisagawa sa amin. Now it feels like we're much safer than before.
Guminhawa ang pakiramdam ko at tila handa na ako sa lahat ng bagay na aming kahaharapin. For an instant, the fear had left my body as the protection spell worked in my system.
The moment the unexplainable sensation has been gone, Margot stopped talking and opened her eyes.
"Protektado na kayo laban sa kaniyang pangmamanipula," ngumiti si Margot. "Ito lamang ang aking maitutulong sa inyo sa ngayon, pero kung sakaling magtamo kayo ng anumang malubhang sugat, kaya ko kayong pagalingin gamit ang natitira kong lakas."
Bahagyang humina ang boses ni Margot, posibleng nanghina siya sa ginawa niyang ritwal para sa amin.
Agad siyang nilapitan ni Ricardo at inalalayan siya nitong umupo sa kaniyang upuan bago niya kami muling tiningnan.
"Alam kong inatake ng familiar ni Lara ang isa sa inyo, ramdam ko ang bagsik nito. Gusto niya kayong paslangin noong una pa lang. Ngunit mabuti na lang at nailigtas kayo ng isang matapang na nilalang," nahuli kong pasimpleng sumulyap si Margot sa direksiyon ni Verm.
Verm didn't flinch and I know he's not surprised at all for what Margot had known about us. Alam na alam na nito kung sino kami, at kung bakit kami nandito.
Hindi pa namin naipapakilala ang aming sarili sa kaniya, pero hindi na ako magtataka kung alam na ni Margot ang pangalan ng bawat isa.
No wonder how far their powers could reach. But for the time being, I will put my trust in her care.
"Opo, may nangyari nga pong pag-atake sa amin," aniko.
"Maaari ko siyang pagalingin..." sambit ni Margot.
Napangiti ako sa kaniyang sinabi. "Talaga ho?"
Nabigyan ako ng pag-asang mabilis na makaka-recover si Manuel. At kapag mabilis siyang gumaling, mapapabilis na ang lahat ng kailangang mangyari para mailigtas namin si Monalisa.
Siguradong magiging ligtas din ang Camp Tirso oras na maaga kaming makabalik. Malapit na ang kabilugan ng buwan, ang pagkakataong lubos na ikinababahalang mangyari ni Manuel.
Ngunit biglang bumagsak ang lahat ng ekspektasyon ko sa mga sumunod na sinabi ni Margot.
"Pero may isang natatanging malaking problema na humahadlang sa akin, hindi ako makalalabas dito."
"Puwede ka naming itakas–"
"Sinubukan na namin," pinutol ni Ricardo ang mga sasabihin ni Verm. "Tinulungan ko nang makalabas si Margot ng lugar na ito nang palihim, pero hindi kami nagtagumpay."
Kinabahan ako sa aking narinig. How come did they fail to escape?
"Paanong nangyari iyon?"
Margot shook her head slowly. "Isinumpa ako ni Lara. Kailanman ay hindi ako makakaalis ng lugar na ito. Kahit makalabas ako ng gate ay bigla na lang akong magigising sa loob ng kuwarto ko, nakakulong lang dito hanggang ngayon. Binitag niya ang aking kaluluwa sa lugar na ito."
I covered my mouth with my hand. I was shocked from what she had told us. Hindi ko lubos akalaing sa likod ng kaniyang mga ngiti at matalas na pag-iisip ay may malaking problema rin siyang kinahaharap bukod sa kaniyang sinapit noon.
She's trapped here forever with a curse.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro