2 - The Mysterious Case Of Monalisa Sebastian
"Sigurado ka bang credible yung nakausap mo? Alalahanin mo, muntik ka nang maging hostage noon dahil sa false tip na natanggap mo," nagpatuloy sa pagsasalita ang boss kong si Mr. Douglas Freeman habang inaasikaso ko ang mga gamit sa desk ko.
Inilagay ko sa isang maleta ang mga kailangan kong dalhin para sa isang mabilisang biyahe sa bayan ng Wichita. Siguradong kahit na magtagal ako ro'n ay may maisusulat naman akong article na malaman-laman ang contents at siguradong magugustuhan ng mga readers.
Tungkol naman sa false tip na nabanggit ni sir. Nangyari 'yon nang may isang whistleblower ang nagsabi sa akin na may alam siyang sikreto galing sa isang politiko na mainit sa mata ng publiko noong kasagsagan ng eleksiyon. Siyempre tungkol ito sa pulitika kaya agad akong kumagat para makuha ang scoop.
Nagkita kami ng whistleblower sa isang fastfood chain and it turns out that he's an obsessed psycho na gusto lang akong makita. I admit I have the looks, the brain, but I don't have the cunning mind. That's why I was not hardly surprised of his reasons. Mabuti na lang at kasama ko sina Marco at Samantha kaya hindi ako naging hostage ng lalaking 'yon.
I didn't bother asking for his name that's why I tried forgetting about him. Isa lang siyang failure sa career ko at isa na ring lesson para hindi na ako tumanggap nang tumanggap ng tips basta-basta. That was a nightmare, but an unforgettable lesson in my career..
And here I go again, going for a trip to taste the tip. Smooth.
"Angel," tinawag ni sir ang pangalan ko kaya napalingon na ako sa kaniya. "Sigurado ka na ba talaga sa plano mo? Tandaan mo, isa ka sa mga nakalinya para maging featured journalist sa ating news channel. If something bad happens to you, all of your hardships will be in vain. Malapit mo nang marating ang narating ng mama mo, sayang naman kung dahil lang dito, mawala lang ang lahat?"
I sighed upon hearing what he said. Ayun na nga e, nakalinya ako sa mga susunod na mafi-feature na mga journalist. I need something to write for a good entrance. Kapag kasi nakilala ako sa media, siguradong tataas ang credibility ko sa mga viewers.
At kung sakaling buhay lang si mama ngayon, siguradong sasabihan niya pa ako na gawin ko 'to para sa kinabukasan ng career ko. She's a very supportive mother. She would let me do what she would think is the best for me.
"Salamat sa concern sir. Pero ito na yung big break ko. Nararamdaman kong kapag naisulat ko ang article na 'to, siguradong mas maraming makakakilala sa akin bilang mahusay na manunulat sa larangan ng pagbabalita," sambit ko sa pinakamagalang na paraan na mayroon ako.
Kahit na magkaibigan ang turingan namin ni Sir Freeman dahil sa tagal na naming magkakilala, propesyonal naming itinuturing ang isa't-isa sa loob ng trabaho. What we have inside is different from the world we have outside. We're friends but he's my boss at this moment.
Napabuntong-hininga rin si sir Freeman. "Wala naman akong planong pigilan ka sa gusto mong mangyari. I am just here to tell you what you are putting at stake. Malapit ka nang makatapak sa tuktok. Ayaw ko lang na masayang ang lahat ng pinaghirapan mo nang dahil lang sa isang tip mula sa isang lalaking nakatira sa Wichita. That's it."
I smiled. "Again, thanks for your concern. Naiintindihan ko naman ang ipinupunto mo sir, pero pa'no ako aangat nito kung hindi ko ihahakbang ang mga paa ko? I need to step up," I continued packing. "Walang mangyayari kung hindi ko susubukan."
"Okay, kung hindi ka talaga magdadalawang-isip na ipagpaliban ang plano mo, sabihin mo na lang kung anong mga kailangan mo at ibibigay ko sa'yo," sambit ni sir Freeman.
Umiling ako. "All set na ang mga kakailanganin ko. I have my cameras, my memory cards, my laptop, voice recorder, at hawak naman nina Samantha yung iba. Pero kung sa pera, baka kailanganin namin ng allowance. Balak ko kasing mag-stay do'n para isulat ang lahat ng makukuha kong impormasyon."
Sir Freeman smiled. "Good. I'll transfer enough money in your bank account. Kung sakaling kailangan ninyo ng tulong, tawagan ni'yo lang ako."
I beamed my greatest smile. "Salamat."
"You're always welcome. As your boss, I need to ensure my employees' safety before everything else. Kaya mag-iingat kayo. Lalong-lalo na ikaw," he said in his sincerest smile.
"Mag-iingat ako," ani ko bago ko tuluyang isara ang bag na pinaglagyan ko ng mga gamit ko.
~~~
Sa parking lot ay naabutan kong nagkukuwentuhan sina Marco at Samantha. Sila ang mga kasama ko sa field. Marco is the camera man while Samantha edits the whole footages Marco has recorded.
"I'm back," sambit ko nang makalapit na ako sa itim na mini van na pagmamay-ari ng news broadcasting company kung saan kami nagtatrabaho.
Lumingon sa akin ang nakatalikod na si Marco. Abala siya sa pagnguya ng kinakain niyang hamburger dahilan para hindi siya makatugon sa sinabi ko at napakaway na lang sa akin.
As of Samantha, she gave me a hot cup of coffee straight from the vending machine. "Coffee. Mukhang napuyat ka na naman kagabi a?"
"Thanks," tinanggap ko ang alok niyang kape. "Lagi naman akong puyat. Even if I'm not busy, nandiyan ang mga kaibigan ko. Sina migraine at insomnia," I laughed with my own joke.
Napangiti lang si Samantha. "Hanga naman ako sa sense of humor mo Angel. Pero hindi maganda sa katawan mo 'yan. Magpahinga ka."
Nakita kong uminom ng tubig si Marco. "Tama si Sam. Kapag nagkasakit ka, kami rin ang lagot. Wala kaming tatrabahuin."
"'Wag kayong mag-alala, hindi naman malala yung migraine ko. Nawawala rin naman 'yon kaagad once na uminom ako ng kape."
"Coffee plus insomnia? Iba ka talaga Angel," sambit pa ni Samantha.
"Well, without coffee, my life is incomplete," ani ko naman.
Sumakay ako sa loob ng van at sumunod na rin si Marco sa loob. He went to the driver seat while me and Samantha stayed at the backseat. Sa likod ng van naman nakalagay ang lahat ng equipments namin at doon ko na rin itinabi nang maayos ang dala kong bag.
Isinara ni Samantha ang pintuan at inilabas niya ang kaniyang sariling laptop. "Tungkol sa next project" tanong niya sa akin. "Wichita ang next location natin right?"
Inayos niya ang kaniyang mahabang buhok at inikot-ikot ito hanggang sa maghugis 'bun' ang kabuuan nito. She's doing it while looking at me.
I nodded at her. "Yes, sa Wichita tayo pupunta."
Matapos mag-ayos ng buhok ay agad namang inasikaso ni Sam ang laptop niya. "About that, I think you should know about this. I did some research about the small town of Wichita at heto ang mga nakalap kong impormasyon."
Iniharap sa akin ni Sam ang laptop niya. There's a website, more of a blog, showing a lot of information about the town of Wichita.
"Akalain mo yun, pupunta tayo sa isang town na puno ng mga mangkukulam?" tanong sa akin ni Marco. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin mula sa driver seat.
"Mangkukulam?" Nagtataka kong tanong sa kanila.
Tumango si Samantha. "Oo, mangkukulam. Habang wala ka rito, ito ang pinag-uusapan namin ni Marco."
"Ibig sabihin ba nito gagawa ka na rin ng paranormal documentary? Siguradong masaya 'to. Nakakasawa na rin ang mga political shits," napailing si Marco.
Hindi na ako nagsalita bagkus ay binasa ko muna ang nakasaad na mga impormasyon na nakasulat sa blog. I looked for the writer of this entry and I found out a single name under the blog's title 'Wichita: The Modern Witch Town", saying 'Margot'.
I noted it for future sources.
I skimmed on the blog and I have found lots of information. It tells more on the demographic data of its area and how it became a witch town. Ayon dito, marami raw naganap na witch-hunt sa Wichita ilang taon na ang nakalilipas noong kasagsagan pa ng malawakang giyera sa gitna ng simbahan at ng mga taong tumutuligsa rito.
Ilang kababaihan ang sinunog nang buhay sa plaza sa gitna ng Wichita at ilan sa mga kababaihang ito ay mga anak pa mismo ng mga namumuno sa lugar na iyon. Sa kasalukuyan, ang anak ng isa sa mga babaeng sinunog ay nasa edad na 56, habang ang anak naman nito ang kasalukuyang namumuno sa Wichita sa posisyon bilang ang bagong Mayor.
Ang pangalan nito ay Lara Sullivan.
Ngunit bago natapos ang lahat ng bangungot para sa mga taong naninirahan sa Wichita, nagkaroon muna ng isang diskusyon kung ano ang dapat na gawin sa mga natitira pang mga taong inakusahan bilang mga mangkukulam, na nakatakda rin sanang sunugin gaya ng mga naunang naakusahan sa parehas na lokasyon.
Doon naganap ang isang matinding himagsikan mula sa mga mamamayan ng Wichita. Sinunog nila ang simbahan at pinalayas ang mga paring nagdikta sa kanilang mga sariling buhay. Dahil sa dami ng mga nakiisa sa himagsikan, walang nagawa ang mga taong nasa panig ng simbahan kung 'di ang lumayas bago pa sila mapugutan ng ulo ng mga tinagurian nilang mangkukulam.
Magmula noon, nagbago ang takbo ng pamumuhay sa Wichita. Walang anumang simbahan ang matatagpuan dito, at ang bawat mamamayan ng Wichita ay nagsimulang mag-aral tungkol sa salamangka. Inakusahan sila, pinangatawanan na rin nila.
Hanggang ngayon ay patuloy ang nagaganap na pag-aaral sa itim na salamangka. Kahit na modernisado na ang Wichita, nananatili pa rin sa kanilang kasalukuyang pamumuhay ang mapait na sinapit ng kanilang mga ninuno sa nakaraan.
Matapos basahin ang nakasulat sa blog ay ibinalik ko na ang laptop kay Samantha. Hindi ako nagsalita dahil tumatakbo pa sa isipan ko ang lahat ng nabasa ko.
I let my thoughts sink inside my brain. I want my brain to absorb what I have read. Sigurado akong may koneksiyon ito sa nangyari kay Monalisa. I'm sure that the reason of her 'mysterious' death came from this unusual past of the town.
"So anong masasabi mo?" tanong ni Samantha sa akin.
"We can use this."
Pumalakpak si Marco. "Yown! Buti na lang at sa wakas ay magkakaroon tayo ng paranormal scoops. Pupunta ba tayo sa mga crypt? Sa sementeryo? Sa mga simbahang may altar-"
"Walang simbahan sa Wichita," sabi ko.
Tumango si Sam. "She's right. Walang simbahan sa Wichita."
"Hala? E pa'no sila gumagawa ng ritwal kung wala silang altar? 'Di ba sa simbahan ginagawa 'yon?" inosenteng tanong ni Marco sa amin.
"Hindi naman usually ginagawa ang lahat ng ritual sa simbahan. Sa pagkakaalam ko, ang altar lang ang kinakailangan nila para sa anumang ritual na gagawin nila. Walang sinabing lugar kung saan nila dapat isagawa 'yon, so it's safe to assume that we can find an altar somewhere aside from churches," ani ko.
"So what's the theme? Anong article ang isusulat mo at ido-document natin?" tanong ni Samantha sa akin.
I smiled at her. "The mysterious death of Monalisa Sebastian."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro