19 - Bygone
Sa isang iglap, ang kaninang kalmado at walang kabuhay-buhay na lobby ay biglang napuno ng maraming tao. Karamihan sa mga dumating ay mga nakikiusyoso lamang habang kinukuhanan ang pangyayari sa gamit nilang mga smartphone, at ang natitira naman na alisto ang bawat pagkilos ay ang mga nurse na pilit pa ring nilulunasan si Mr. Calicdan.
Sa dami ng mga gustong makita ang pangyayari, maging si Verm ay nahuli kong nakiusyoso rin para malaman kung ano ang nangyari. Hindi ako nahirapang makita siya dahil na rin sa tangkad niya kumpara sa mga taong nasa kaniyang harapan.
Agad akong naglakad palayo sa mga nurse na nilulunasan si Mr. Calicdan, patungo sa kinapaparoonan ni Verm.
"Verm," sinambit ko ang pangalan niya nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kinatatayuan niya.
Bahagyang nagulat si Verm nang bigla kong isinubsob sa kaniyang dibdib ang aking mukha. Ngunit agad din itong napalitan ng pag-aalala at tinitigan niya ako sa aking mga mata. "A-anong nangyari? Ba't ka nanginginig?"
I looked over my body. I'm shivering through the fear of what I'd seen. This is not the first time that I've seem someone dying in front of me.
"What's happening here-oh my gosh, Angel. You look so terrified. What happened to you?" Biglang sumulpot si Soledad mula sa hallway sa likuran ni Verm, napatakip siya ng bibig nang madatnan niya ako sa ganitong kalagayan. "And what's happening over there?"
Hindi agad ako nakasagot.
Agad akong isinama ni Verm pabalik sa kuwarto ni Manuel. Sumunod sa amin si Soledad ngunit napansin kong palingon-lingon pa rin siya sa direksiyon ng tumpok ng mga taong nasa lobby ngayon.
Pagkarating namin sa loob ng kuwarto ni Manuel ay inalalayan ako ni Verm na maupo sa couch kung saan siya nakaupo kanina. Samantala, nang makapasok naman si Soledad sa loob ay iniwan niya lang itong nakabukas habang nakatingin sa direksiyon ng lobby.
Nilingon ako ni Soledad. "Did something wrong happen, Angel?" Malumanay na tanong niya sa akin. This time, she's genuinely concerned of my situation, or maybe it was me or she's really concerned of what's happening out there.
Lumuhod si Verm sa aking harapan hanggang sa magkalebel na ang aming mga mata. "Anong nangyari? Sabihin mo sa akin," ramdam ko ang medyo magaspang na mga kamay ni Verm na nakahawak sa magkabilang balikat ko.
Dahan-dahan akong huminga nang malalim. Gusto ko mang sabihin kay Verm ang lahat, natatakot ako na baka mangialam si Soledad kung sakaling malaman niya ang tungkol sa isusulat ko.
I don't want her to do something that could sabotage my plans and possibly destroy every one of our lives. I just couldn't trust her yet, and I'm not even sure if I can trust someone who has backstabbed me before.
I gave Soledad an obvious look of distrust.
Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. "Sabi ko na nga ba. You're not going to say anything as long as I'm here. Ok, fine. I'll leave," she raised both of her hands in defeat. "Magtatanong na lang ako sa iba kung anong nangyari."
Naglakad palabas ng kuwarto si Soledad at iniwan na niyang nakasara ang pintuan. Nagtungo siya sa direksiyon patungo ng lobby. I can feel the hate out of her actions, she doesn't like me as much as how I don't like her.
When I was sure Soledad is out of earshot. Muli ko nang hinarap si Verm. "Verm, nagkita kami ng lalaking nagbigay sa akin ng tip tungkol kay Monalisa," I looked at the door again, just making sure that nobody is eavesdropping in our conversation. "May mga bagay siyang sinabi sa akin tungkol kay Monalisa."
"Anong sinabi niya?"
"Someone's trying to cover up her death. Pinapalabas ng mga pulis dito na walang nangyari at wala silang natagpuang bangkay ng babae sa bayan na ito," ani ko.
Nagulat si Verm sa narinig. He tried his best not to flinch, but he still did. "Pe-pero bakit naman? Nagbibiro ba sila?" There's a hint of surprised in his voice.
Hinawakan ko naman ang magkabila niyang mga braso. I don't want him to feel hopeless, I need him to help me with this.
"No, Verm. Hindi sila ang may kasalanan... someone is trying to stop us from doing things that may concern Monalisa's death," I slowly nodded my head. "At sa tingin ko ay kalaban natin ang mismong mayor ng bayan na ito."
"Bakit?"
"Sinabi sa akin ni Mr. Calicdan, yung lalaking nagbigay sa akin ng tip. Sabi niya, Lara is a witch and she's threatening them to do what she wants them to do. Kaya sa tingin ko napipilitan lang din ang mga pulis na yon na pagtakpan ang nangyari kay Monalisa, dahil hawak ni Lara ang leeg nila. She's pulling their strings," ani ko.
Natuon ang atensiyon ni Verm sa sahig. "Pero bakit si Monalisa pa? Bakit kailangan nilang pagtakpan ang pagkamatay niya?" sunod na tanong ni Verm sa akin.
Dahan-dahan akong umiling. "Hindi ko alam. Hindi na nasabi sa akin ni Mr. Calicdan ang dahilan ni Lara bukod sa pagiging witch nito," I slowly looked outside the door and I saw no one but the white walls, a lone male nurse passes by. "Bigla na lang kasi siyang kinumbulsiyon sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. At sa tingin ko, may kinalaman si Lara sa nangyari sa kaniya."
Tumayo si Verm at nagsimula siyang maglakad paroo't-parito. He looked so problematic. Kahit ako nagulantang din sa mga nangyari. Everything is trying to stop us from doing what we should have to be done.
Lalo na si Mayor Lara Sullivan. If I was right about her being the cause of Mr. Calicdan's seizure, I will be so confused on where we should go to ask for help. Hindi ko lubos maisip na sa dami na rin nang mamamayan nila rito sa bayan ng Wichita, there might be some people like the others who are afraid of doing what's good for them.
Because if they break free from Lara's rules for them... they'll be punished. Like what just happened with Mr. Noah Calicdan.
Pero sana hindi ito gawa ng kapangyarihan ni Mayor Lara. I'm still trying to find a silver lining that we are not fighting against a strong witch. For Pete's sake, I'm just here to write about the case of Monalisa's mysterious death.
I'm not into witch hunting story.
Verm continued pacing back and forth. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa loob ng kaniyang isipan. Ngunit base sa tingin ng kaniyang mga mata at mga ikinikilos ng kaniyang katawan, alam kong may bumabalisa sa kaniyang isipan.
"Napag-isip-isip ko lang. Posible bang konektado sa mga witch ang halimaw na umatake sa inyo?" tumigil si Verm sa paglalakad at saka siya tumingin sa direksiyon ni Manuel. "Sa tingin mo ba, may kinalaman sila sa nangyari?" Then he looked at me.
Nabaling ang atensiyon ko kay Manuel. Nakikita ko ang mga benda sa kaniyang katawan na may bahid pa ng dugo. That creature, it's pure evil for it to cause this casualty to him.
Dahan-dahan akong tumango. "Oo, may kinalaman sila rito. Hindi maipapaliwanag ng siyensiya ang halimaw na yun. There's only one way for that thing to exist..." I slowly trailed to look on Verm's curious face. "Sorcery. And Mr. Calicdan told me what that creature is. It's a familiar."
Nagkatinginan kami ni Verm nang mapagtanto naming dalawa kung ano ang panganib na naghihintay sa amin.
Noong una, hindi ko pa lubos-maisip kung gaano kalakas ang isang witch. I was too distracted by the fact that they are not existing anymore, that like myths and other gods and goddesses, witches and warlocks had faded as time passes by.
Pero sa ngayon, lahat ng mga pinaniniwalaan ko ay tuluyang nabago. Witches are real and one of them is watching us. Taunting us.
Mayor Lara Sullivan. The wicked witch of Wichita. The churchless town's devil's incarnate.
Ano bang pinaplano niya sa aming lahat? Kay Monalisa at sa katawan nito? Anuman ang masama niyang balakin, kailangan namin siyang mapigilan. But we need someone who would openly help us with clarity in their minds.
They changed the entire history, twisted it. At sa palagay namin ay karamihan sa kanila ay hindi na naniniwala sa mga witch. Unfortunately, like Mr. Calicdan, some are still trapped under Lara's dark spell.
Tumayo ako at agad kong nilapitan si Manuel. "Kailangan na nating mahanap si Monalisa. We need to find her body. Alam kong pinagtatakpan to ng mga pulis dito sa Wichita pero hindi pa rin magbabago na nandito ang bangkay niya," napatingin ako sa mukha ni Manuel na tila mahimbing na natutulog. "Sa ngayon wala tayong magagawa para kay Manuel kung di ang maghintay na gumaling siya-"
Natigilan ako.
While thinking about it, I realized something that I have forgotten completely due to the surprising events that had happened lately.
Napatitig ako sa mga mata ni Verm. "Verm, dalawang araw na lang at kabilugan na ng buwan. Sinabi sa akin ni Manuel na umaatake sa Camp Tirso ang asong lobo na iyon kapag full moon na."
Tila nabuhusan nang malamig na tubig si Verm. Namutla ang kaniyang mukha at napansin ko ang kaniyang pagtiim-bagang. "Kailangan nating asikasuhin ang lahat ng ito sa lalo't madaling panahon. Angel, hanapin natin si Margot. Kung may tao tayong dapat lapitan, ang taong nagdala kay Monalisa rito ang dapat nating puntahan. Baka may maitulong siya sa atin."
Hinawi ko ang aking buhok na humarang sa aking mga mata. "Sige," I nodded in response as I looked back to Manuel's unconscious body. "Babalik ako sa hotel, nandoon yung itim na bag na pinaglagyan natin ng mga gamit ni Monalisa."
Biglang bumukas ang pintuan. We've seen Soledad looked so frightened and shaken. "Anong nangyari sa lalaking 'yon, Angel? My goodness. He's dead," aniya bago dahan-dahang umiling. "Nightmare overload."
Mabilis na hinilot niya ang kaniyang noo na parang nasiraan na siya ng bait. "Hindi ko makakalimutan ang itsura niya kahit kailan. Those eyes! His eyes turned black. What the hell is happening?"
Isinara ni Soledad ang pintuan at sumandal siya rito. Mabilis ang kaniyang paghinga, nagsisimula namang tumulo ang butil-butil ng pawis mula sa kaniyang noo.
Tahimik na nakatingin si Verm sa kaniya. Alam kong naiintindihan niya kung ano ang nararamdaman ni Soledad sa ngayon.
Whatever the reason behind Mr. Noah Calicdan's death... I'm now a hundred percent sure it was created by Mayor Lara Sullivan's black magic. Her spell or whatever her power is capable of, she could easily kill us in no time.
"Kumalma ka muna." Mahinang bulong ni Verm kay Soledad.
Soledad continued breathing heavily. Para siyang tumakbo nang ilang kilometro sa paghingal niya. She even put her hands on her chest.
When Verm initiated to ease her senses down, Soledad had immediately stopped him by raising her left hand in front of her. "I can't calm down," she looked at him with a fierce looking eyes. "Tingin mo gano'n lang kadali kumalma? I've seen things that wasn't normal in any angle. That guy died with his eyes turning black! Okay?"
Napapansin kong baka maging histerikal si Soledad kaya ako na ang gumawa ng dapat kong gawin. Nilapitan ko siya at hindi niya ako pinigilan, she didn't looked at me as she stared down at the floor.
Hinagod ko ang kaniyang likuran. "Kalma lang, Sol. I know it's hard for you to see it too. Pero kailangan mong mag-ingat," ani ko.
That's the time when she turned at me. "Mag-ingat? Ba't ko kailangang mag-ingat?" Her voice sounded so pissed off.
"Soledad, hindi ito isang normal na bayan. May kakaiba rito, hindi ko alam kung paano to sasabihin sa'yo pero-"
"Just spit it, Angel. Just tell it to me face to face." Seryosong sambit ni Soledad.
I hesitated to tell her anything. I decided before not to talk to her about my plans. But given the fact of our situation at the moment, the truth is the only key of setting her mind free of burden.
"Sol. May witch sa bayan na to," I said to her seriously. "And she's the reason behind everything that is happening here."
There's no tinge of joke nor humor in my voice. My tone said everything must be considered real. Hindi ako nagsisinungaling at sana paniwalaan niya ako.
But all she had done afterwards is to tilt her head a little bit. "Witches? Sabi mo walang werewolves, pero witches? So ano 'to, naglolokohan na lang ba tayo rito?"
"You're asking and I've just given you the answer. Ano pa bang inaasahan mong isasagot ko?" I asked her back.
Natigilan si Soledad at dahan-dahan siyang lumingon sa direksiyon ni Verm. "Sabihin mo sa aking nagbibiro lang kayo."
But Verm didn't say anything. Dahan-dahan lang siyang umiling.
"My goodness," napaupo sa sahig si Soledad. "We need to call the police-"
"Wag! H-hindi ka nila matutulungan," pagpigil ko sa kaniya. "You can't trust anybody here. Kontrolado ang ilan sa kanila ng kapangyarihan ng witch na iyon. And I'm telling you, pati ang mga pulis, nasa ilalim ng mga kamay niya."
"How can you be so sure, Angel? Misa maligno ka ba at alam mo ang mga bagay na 'to?"
I'm starting to get irritated of her. "Wala ka nang pakialam sa kung ano ang dahilan kung bakit alam ko ang mga bagay na 'to. Nasagot ko na ang tanong mo, puwede bang manahimik ka na? Kasi kung hindi ka tatahimik, puwede ka nang umalis," napakuyom ang aking mga kamay. "Walang may kailangan sa iyo rito."
Soledad wants to speak something but she choses not to push her luck too far. Masyado na siyang sumusobra kung sakaling magpumilit pa siya.
Tumahimik na lang si Soledad sa kaniyang kinauupuan. She didn't say anything after that.
Nilapitan ko na lang si Verm para kausapin siya tungkol kay Mr. Calicdan. We need to move now, specially when Lara has started moving now. Kailangan din naming gumawa ng plano, maghanda sa kung anuman ang aming kahaharapin.
"Verm, kailangan na nating kumilos ngayon," ani ko.
Tumango si Verm at kaagad siyang naglakad palapit sa pintuan. When he was about to open the door, he carefully placed his hand on Soledad's shaking shoulder. "Bantayan mo si Manuel habang wala kami ni Angel dito. Maliwanag?"
Dahan-dahan siyang nilingon ni Soledad. Wala itong sinabi sa kaniya pero nakita ko ang mabagal nitong pagtango.
Nilapitan ko rin si Soledad at umupo ako sa kaniyang tabihan. "Sol, you need to trust us. Hindi ako nandito para lang sa isang simpleng kuwento na gusto kong itampok. We are looking for something here, and there's something far more dangerous waiting for us," ipinatong ko ang aking kanang kamay sa kaliwa niyang balikat. "Dito ka lang, mas ligtas ka rito. And please, don't trust anyone who'll come for you and Manuel."
I waited for her to respond. Ilang segundo rin ang lumipas at tumango na lang din siya sa mga sinabi ko.
With that settled then, I decided that Soledad has finally got the grip of reality. Now, she's also a part of this.
Agad kaming lumabas ni Verm. Tahimik na ang hallway ng ospital ngunit may mga pailan-ilan pa ring mga nurse ang palakad-lakad sa gitna. Some are holding clipboards, while the rest hold trays with small bottle of medicines and plastic filled with tablets.
Malapit na maghating-gabi. Pero hanggang ngayon ay gising pa rin ang aking diwa. I can feel the surge of adrenaline flowing in my veins, the terror, the fear, and the approaching danger. Kahit na subukan kong umidlip ay siguradong mananatili pa ring nakadilat ang aking mga mata.
I looked around me, there's no signs of other onlookers everywhere. Sa isang iglap, ang kaninang masikip na lobby ay nawalan na naman ng laman. Ang bilis talaga ng takbo ng isipan ng mga tao.
Kapag walang makikitang maganda, walang mga mata ang tutunghay. Ngunit kapag nagkaroon na ng maaaring makita nang malapitan, doon na sila magkukumpulan na tila mga langaw sa isang tipak ng dumi ng aso.
Pero sigurado akong laman ng bawat usapan sa loob ng ospital na ito ang pagkamatay ni Mr. Calicdan.
And even as much as I want to know what had happened, I'd rather stay away from Mr. Calicdan's dead body. Sapat na ang malaman kong nangitim ang kaniyang mga mata, base sa kung ano ang natunghayan ni Soledad kanina.
"Sa tingin mo, paano nagawa ni Lara ang pagpatay sa lalaking nagbigay ng tip sa'yo?" tanong sa akin ni Verm habang abala siya sa kakatingin sa mga nurse na nalalagpasan namin.
"Hindi ko alam, pero ang masasabi ko ay kontrolado niya si Mr. Calicdan," I shrugged. "Hindi na ako magugulat kung pati ang katawan niya ay hawak ni Mayor Sullivan."
Umiling-iling si Verm. "Kung sakaling gano'n nga ang sitwasyon. Wala tayong laban. Hindi ko yata kayang makipaglaban sa isang taong marunong gumamit ng salamangka," he looked at me. "Isa lang akong hamak na taong-lobo."
Saka ako natigilan nang banggitin niya iyon. "No, Verm." I shook my head. "Nasa iyo ang katangian ng isang mahusay na taong-lobo. You saved us from that creature remember? Kung hindi dahil sa'yo, baka wala na kami rito."
"Pero..." nagdadalawang-isip si Verm sa susunod niyang sasabihin.
But I tried to ease his mind by holding both of his hands. "Magtiwala ka sa akin. You can do anything. Para to kay Monalisa, kay Manuel, at para sa kinabukasan ng Camp Tirso," I smiled. "You can't afford to lose another one of your kind."
"Pero wala na si Monalisa."
I could certainly see the sudden change of his emotion. Hindi ko siya masisisi kung bigla na lang siyang magdalawang-isip sa mga bagay na kaniyang gagawin.
Wala akong nasabi para pagaanin ang loob niya. Monalisa is gone already, we are only trying our odds to find out where we could find her body.
I kept my mouth shut and let him recompose himself. He needs space as bad as we want rest. But it looks like we still have a long night ahead.
A few seconds of silence and Verm finally made a move. "Kailangan nating mahanap ang bangkay ni Monalisa. Ayokong kahit ang katawang lupa niya ay tuluyang mawala," aniya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. "Walang sinuman ang may karapatang angkinin ang katawan niya at sinuman ay walang karapatang umangkin ng katawan ng iba."
Sa bilis ng kaniyang paghakbang ay bahagya akong nahuli ng ilang metro ang layo sa kaniya. I didn't say anything, and I think my silence had helped him.
As we reached the entrance of the hospital, we've seen an owl sitting on top of a taxi just waiting in front of the open sliding door.
Hindi ko maiwasang mapamura nang pabulong. Agad na tumibok nang mabilis ang puso ko. I looked over Verm's hands and I only see it clenched tightly.
We've been invited.
Unfortunately, hell is the venue of this rendezvous.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro