17 - A Dose From The Past
The next happenings had stirred the peaceful night of Wichita.
Mabilis akong nagmaneho sa kalsada kung saan ay maingat kong iniiwasan ang lahat ng sasakyang makasasalubong ko.
I was following the map the receptionist has given me and I think I am driving on the right direction. Pero hindi magiging madali ang biyahe na ito. Ang kalsada patungo sa ospital ay maraming pakurba, at mas lalong wala akong ka-ide-ideya sa mga kalsada nila rito.
Sa bawat sasakyang nalalagpasan ko ay siya naman ang pagbulahaw ng mga malalakas na tunog na busina ng kanilang sasakyan. Minsan ay may naririnig pa akong nagmumura habang hinahampas ang pintuan ng kotse nila.
Despite our crucial situation, I held on the wheels as tight as I can, halos mamula na nga ang aking mga palad sa higpit ng kapit ko rito.
I looked to my eyes through the reflection of my face in the rearview mirror and all I can see is desperation. I am now desperate to save Manuel's life.
And a desperate woman knows nothing to be afraid of. Even death.
A few moments later and a few more blocks away from the hospital, couples of sirens had started blaring behind us. Napatingin ako sa sideview mirror kung sino ang mga sumusunod sa amin.
Mga pulis. They're here to catch up with us.
But there's no way for me to stop, kailangan kong madala sa ospital si Manuel. Hinding-hindi ako papayag na pigilan nila ako sa gusto kong mangyari.
I heard a voice coming from a loudspeaker from the police force. They want me to stop the van. I know they do, but I couldn't hear what they were saying. My mind only focuses on what's on stake here.
When I'm desperate, distraction is temporarily absent in my vocabulary.
That's when the hospital came into view. It's tall white colored walls greeted us in a very hopeful welcoming. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, for the love of God, we are going to be saved.
Agad kong ipinihit sa direksiyon ng ospital ang van at ipinarada ito sa tapat mismo ng entrance nito. "Nandito na tayo," sambit ko kay Verm, nakita kong may suot na siyang damit, mukhang sakto lang sa kaniya ang mga spare clothes ni Marco na naiwan sa sasakyan.
Tumango si Verm at agad niyang binuksan ang pintuan sa kaniyang tabi. Lumabas na rin ako ng sasakyan at nakita kong pumarada rin sa aming likuran ang sasakyan ng pulis na sumusunod sa amin kanina.
Two uniformed police came out of their cab and they walked into my direction. May sasabihin sana sila sa akin nang makita nilang may naglabasang mga nurse sa labas ng ospital at nakita ng kanilang mga mata ang duguang katawan ni Manuel na inalalayan ni Verm palabas ng van.
They realized we are in a hurry. We're in an emergency situation and now they're thinking about Manuel's sake.
"Anong nangyari sa kasama ninyo?" tanong ng pulis na may badge sa kaniyang uniporme. Malalim ang kaniyang mga mata, at posibleng beterano na siya sa kaniyang propesyon.
Nanginginig pa rin ang aking mga kamay dulot ng mabilis na pagtibok ng aking puso. The adrenaline rush, the fear of having someone's life on the line, hindi ko mapigilan ang sarili kong mautal sa mga salitang sasabihin ko.
"Ma-may umatake sa aming halimaw sa madilim na kalsada papunta rito. Hi-hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng nilalang iyon pero may sungay siya, ta-tapos ang kulay ng balat niya ay itim na itim, pero ang mga mata niya ay pulang-pula naman ho." I sound like a crazy woman as I speak.
I can see the doubt in the police's eyes. Kumunot pa ang kaniyang noo na tila sinusubukan niyang bigyan ng kahulugan ang mga salitang sinambit ko.
"Base sa deskripsiyon mo iha, tila nakakita kayo ng isang halimaw?"
Mabilis akong tumango. "O-opo. Halimaw nga y-yung umatake sa amin."
The police gave his colleague a look and they nodded in unison like they're agreeing into something I don't know.
"Pasensiya na iha pero mukhang inatake kayo ng isang mabangis na oso," sambit niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa dahilan niya. I wasn't so sure how did they settled with that conclusion. Bears do not possess any horns and their fur is not black as nothing, and their eyes were not color red.
For damn sake, kailan pa sila nakakita ng oso na nagngangalit at nag-aapoy ang mga mata? I don't even know if bears existed in this place at all!
"H-hindi. Hindi oso o anumang hayop ang umatake sa amin," I demanded for him to believe me.
But the police had clearly shown me an unbelieving look. "Pasensiya na iha, pero hindi ito ang unang beses na may nangyaring ganito sa bayan ng Wichita. Maraming mga mababangis na hayop na gumagala sa kagubatan, kaya maaaring isa sa mga hayop na iyon ang umatake sa inyo."
Did I just saw him smile?
"Gaya ng isang oso, o ng isang asong lobo." He added before I could even try to reprimand against their judgement.
"Pero..." napabulong na lang ako. Wala akong mapapala sa pakikipag-usap sa kanila, if they think it's just a wild animal, then so be it.
I will still write everything that had happened here, and I won't lie for every words I would write on my papers.
Yung nangyari sa amin ni Manuel, I know it wasn't normal. That owl, I know that owl wasn't normal too. There's something wrong with it. Pero hindi ko alam kung paano ito bibigyan ng kahulugan.
Humakbang nang isang beses ang kasama ng pulis na kausap ko. He was shorter and much younger than him, looks like a rookie in their ranks.
"Considering your situation, we will let this action be forgiven. Pero sa susunod na magkaroon ng emergency miss, mabuting tumawag ka na lang ng tulong. Driving a car in full speed in this area won't look good for you," sambit nito na tila sanay na siyang magpakalma ng taong kagaya ko.
I decided to let this conversation slip. Kung wala silang maitutulong sa kaso namin ni Manuel, I would better shut up my mouth about that creature. Baka isipin pa nilang nababaliw ako at ayaw kong gano'n ang maging unang impresyon nila sa akin.
"Pero kung gusto ni'yo pa ring makasiguro, puwede ninyong ituro sa amin ang pinangyarihan ng insidente. Nang sa gayon ay mas lalo nating maintindihan kung ano ngang nilalang ang umatake sa inyo," dagdag pa ng beteranong pulis na nasa harapan ko.
Tumango na lang ako. I'm done with them anyway, and I don't have any choice, they're not helping. "S-sige po."
Nagkatinginan silang dalawa ng kasama niyang nakababatang pulis at sabay silang tumalikod upang magtungo na sa kanilang sasakyan.
But before they could enter the car, I immediately went to stop them to ask them about something. "Sandali lang po."
The older police gave me a look. "Ano iyon, iha?"
"M-may alam po ba kayo tungkol sa babaeng natagpuang walang buhay dito sa Wichita? Monalisa Sebastian po ang pangalan niya?" tanong ko sa kanilang dalawa.
The two of them gave me a confused expression. "Monalisa Sebastian?" tanong ng beteranong pulis sa akin.
Agad akong tumango. "Oho."
Dahan-dahan siyang umiling. "Pasensiya na iha pero walang Monalisa Sebastian sa bayan na ito at mas lalong walang natagpuang babaeng namatay dito."
"P-pero-"
"She's just confused," sabi ng nakababatang pulis sa kasama niya.
"I'm not confused! Kaya kami nandito dahil may nag-tip sa akin tungkol kay Monalisa. Yung kapatid niya, siya yung nasa loob ng ospital ngayon at ang sabi niya sa akin ay dito sa bayan na ito ang huling lugar kung saan nagpunta ang kapatid niyang si Monalisa!" I failed to control my emotions.
Napuno na ako sa lahat ng mga sinasabi nila. It's really hard to make people believe with my words. Lalo na kung mahirap ipaliwanag ang mga bagay na gusto kong iparating sa kanila.
Hindi na nga sila naniwala tungkol sa misteryosong halimaw na umatake sa amin, magsisinungaling pa sila? I know for a fact that Monalisa was found dead here, hindi to puwedeng mangyari na hindi totoong natagpuan siyang patay dito.
"She'd lost it," umiling-iling ang nakababatang pulis at agad na siyang sumakay sa loob ng sasakyan nila.
But before the veteran could enter the police, I held his shoulders. "Please, maniwala kayo sa mga sinasabi ko."
Sandaling natigilan ang pulis sa sinabi ko. "Miss, ito lang ang masasabi ko sa'yo. Hindi halimaw ang nakita mo at mas lalong walang natagpuang patay na babae sa bayan na ito," his eyes focused to another thing.
Napatingin ako sa direksiyon na kaniyang tinitignan at doon ko nakitang tinititigan kami ng isang kuwago na kasalukuyang nakadapo sa isang sanga ng mataas na puno malapit sa amin.
Its eyes are staring back at us, menacingly.
"Mag-ingat ka iha, hindi biro ang bayan na napasok mo." The policeman said before entering their cab again.
Pinaandar na nila ang kanilang sasakyan at kaagad na nilisan ang ospital na tila walang nangyaring habulan kanina.
Samantala, naiwan naman akong nakatulala habang nakatitig sa mata ng kuwagong nakadapo sa sanga ng mataas na puno sa tapat ng ospital.
What the hell is that thing doing here? Why is it following us?
Kung anuman ang nasa likod ng ibon na iyon, hindi ko ito hahayaang pigilan kami sa mga gagawin namin. Now that Verm is here, I feel much safer than before.
I showed the owl a dirty finger before I decided to go inside the hospital.
Fuck that owl.
~~~
Pagpasok ko sa ospital, napag-alaman ko na mula sa emergency room ay kaagad raw na inilipat sa operating room si Manuel para agad na maagapan ang mga malalalim na sugat na kaniyang natamo.
Because of what I've heard, I almost panicked as I tried my best to run as fast as I can until I reach the operating room. I was gasping when I reached it, with my face drenched with cold sweat.
I've seen Verm standing outside the operating room. Nakatayo siya roon habang nakatitig sa sahig. I could sense that he's afraid too, the look on his eyes, and the way he stayed silent. Alam kong lubos siyang nag-aalala sa kalagayan ni Manuel.
"Verm," sambit ko nang malapitan ko siya.
His eyes looked at me, it's tainted with fright. "Angel."
"K-kamusta ang lagay niya?"
"Sinabihan ako ng doktor na maghintay lang daw dito," maging sa boses ni Verm ay mababakas pa rin ang matindi niyang pag-aalala.
Hinawakan ko ang magkabilang kamay ni Verm. Wala akong masabi sa kondisyon ni Manuel kung di ang magtiwalang kakayanin niya ito. Considering that he is a werewolf, I have put my trust in his hands that their kind has a fast regeneration.
"Mabilis din siyang makaka-recover hindi ba? I mean, as a werewolf," bulong ko kay Verm.
He gave me an astounded look and he immediately shook his head. "H-hindi, hindi gano'n kabilis ang paggaling ng sugat namin. Hindi kami kagaya ng mga taong-lobo na napapanuod ninyo sa telebisyon. May kakaiba sa amin na hindi ko malaman kung pa'no ko ipapaliwanag nang maayos sa iyo," napahilot ng sintido si Verm, he's trying to control his thoughts. "Mga ordinaryong tao lang din kami na may kakayahang maging asong-lobo."
I found myself lost. Kung ordinaryong mga tao lang din sila, then Manuel is really in grave danger. Mas lalo akong biglang kinabahan sa kalagayan niya. Those bites, those bleeding wounds he had received, and specially that fatal blow he got from that thing...
There's a fifty-fifty chance of survival.
Napatakip ako ng bibig. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga nangyayari. I don't want that moment to happen again...
Biglang bumalik sa aking isipan ang mga nangyari noon. Nang buksan ko ang pintuan ng aming bahay pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, natagpuan ko sa kusina si mama na nakadapa sa sahig, may puting likidong bumubula sa kaniyang nakabukas na bibig habang may mga tabletas ng gamot na hindi na nagkalat sa kaniyang tabihan.
I immediately went to her side and I lay her faceup. Tinapik-tapik ko ang kaniyang mukha at doon ko nakita ang kaniyang mga matang nakadilat. "Ma! Ma!" Sunod-sunod kong pagsigaw habang nakatitig ako sa tila wala nang buhay na mga mata ni mama.
Niyugyog ko ang mga balikat ni mama ngunit hindi siya gumagalaw. She didn't give any signs of life. Not even a twitch or a blink of an eye.
Ramdam ko nang anumang oras ay bigla na lang tutulo ang mga luha ko at mawawalan na ako ng kontrol dahilan para agad akong tumayo at magtungo sa salas ng bahay namin.
I found our landline phone sitting on top of a table. Agad ko itong dinampot at nag-dial ng emergency number. Hindi ko na alam kung ano ang mga sinabi ko sa officer na sumagot sa tawag ko bukod sa natagpuan kong wala nang malay ang aking ina dulot ng overdose.
They asked me where do I live and I answered it in a hurry. Ibinaba ko ang telepono nang marinig ko ang sagot nila na sila ay parating na anumang oras.
Habang naghihintay, hindi ko maiwasang umiyak habang sinusubukan kong gisingin si mama sa tila mahimbing at malalim na pagkakatulog. Ano ba ang ininom niyang mga tabletas, is it sleeping pills? Why would she take something like this?
Ilang minuto lang ang lumipas at naririnig ko na ang sirena ng ambulansiyang paparating. Then the door opened and I saw three paramedics entering our house, and into the dining area.
They immediately taken care of my mother. One of them looked on the tablets my mother took. Dahan-dahan siyang umiling ngunit hindi ko na siya natanong kung anong gamot ang ininom ni mama.
I don't even have a voice while they're doing there job. I was just there, too dumbfounded as I watch my mother being carried away.
Mabuti na lang at pinayagan nila akong sumama sa loob ng ambulansiya. Then they sped off the road in full speed. Naging background music ang sirena ng pulis at tila sumasabay rito ang aking puso sa mabilis nitong pagpintig.
Habang nasa biyahe, tinanong ko ang paramedic na nasa loob ng ambulansiya kung magiging ayos lang ba ang kalagayan ni mama.
That's when the paramedic replied that my mother has a fifty-fifty chance of survival.
Hindi ko na tuloy alam ang aking gagawin. My mind was running in full circle, I couldn't manage to control my emotions way back then, resulting for me to just lean on my mother's chest and cried my heart out.
Hindi ko na lang namalayan na basang-basa na pala ng luha ko ang damit na suot ni mama.
Then the ambulance stopped moving. The door opened in a fastened way. More nurses continued to assist us. May inihanda silang stretcher at dito nila inihiga si mama.
Everything happened so fast that I couldn't pay attention on what's happening around me. The next moment I found myself in is when I'm standing outside the ER, waiting.
My hands were shaking as I started walking back and forth outside the door. I am panicking silently, my head is aching. Napasapo ako sa aking ulo bago ako dahan-dahan na napasandal sa pader.
Then I slowly slid down the floor as I hugged my knees tightly. Magiging maayos lang ang lagay ni mama, magiging ayos lang ang lagay niya...
But that's when the door of the emergency room opened widely. A man in doctor's uniform went outside and he told me that my mother didn't make it.
She has passed away, dead on arrival. They had failed on keeping her alive, there were too many drugs she had taken. I found her when the drugs was completely destroying most of her internal organs.
I was too late to save her life. Kung maaga lang akong dumating, maaaring buhay pa sana siya ngayon.
That's when I realized, my mother is dead.
She's not going back anymore...
"Angel?"
I heard someone's voice calling my name.
"Angel?! Angel!" But I decided to close my eyes, and I slowly feel the feeling of falling down, down, down...
Down to the depths of nothingness.
~~~
The moment I opened my eyes, all I can see is the white ceiling above me. Then the smell of the common essence of the hospital greeted my nose as I feel my hands touching the smooth plastic-like texture of the blanket covering half of my body.
"Gising ka na rin sa wakas," narinig ko ang boses ni Verm, kalmado ito at panatag.
Dahan-dahan akong bumangon at natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga lang sa isang kama sa loob ng isang kuwarto rito sa ospital. Mabuti na lang at walang nakakabit sa akin na anumang aparato, mukhang nahimatay na naman ako dahil sa ala-alang iyon.
"Nawalan na naman ako ng malay, ano?" tanong ko kay Verm at inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.
Dahan-dahang tumango si Verm. "At may binubulong ka habang natutulog ka," aniya.
"Anong binubulong ko?"
"Mama."
I can't answer immediately with that response. Did I just really whispered my mother under my breath? Napatitig ako sa kumot na nakabalot sa aking mga binti.
"May naalala lang kasi ako noon," bulong ko.
Verm didn't say anything as if he's just there, waiting for me to continue my story. But I'm not interested of telling him anything about it yet, it's just that, I'm not comfortable of facing the past. It was tragic, and I'm not fascinated of recalling every seconds of it. Even the happy flashbacks.
Umiling ako. "But don't worry, I'll be fine," sinubukan kong ngumiti. "Kamusta si Manuel?"
Napasandal si Verm sa kaniyang kinauupuan. "Matapos siyang maoperahan ay kaagad siyang dinala ng mga nurse sa surgical ward. Stable na raw ang lagay niya pero kailangan niya pa ring mag-recover kaya baka ilang araw siyang mananatili rito pansamantala." He smiled.
Tumango ako. "Puwede ba natin siyang bisitahin?"
Verm nodded. "Puwede naman."
Agad akong bumaba ng kama at inayos ang kamang hinigaan ko. I just have this habit of arranging the bedsheets after using them.
Palabas na sana kami nang may nurse na biglang pumasok sa loob ng kuwarto. He looked at me, "maayos na ho ba ang lagay ni'yo ma'am?"
Napatingin ako kay Verm at saka ako dahan-dahan na tumango. "Opo, medyo napagod lang ako." I smiled a little.
Tumango ang nurse at agad din siyang lumabas ng silid.
Then Verm looked at me. "Nang mahimatay ka, agad ka nilang dinala dito sa emergency room. Wala naman silang nakitang kakaiba sa iyo kaya sinabihan na lang ako ng mga nurse na tumulong sa akin na bantayan ka na lang hanggang sa magising ka."
"Salamat," ani ko.
Tumango lang si Verm bago muli na naman naming ipinagpatuloy ang paglalakad palabas ng emergency room na maiiwan namang bakante paglabas namin dito.
Gabi na ngunit abala pa rin ang mga nurse na nagkalat sa hallway. They looked so busy as they go inside room by room checking out there patients.
Then Verm led me inside a room where we found Manuel lying on a bed wearing a fresh set of hospital clothes. May mga bendang nakabalot sa mga sugat na naka-exposed, at sa palagay ko ay may benda ring nakabalot sa kaniyang katawan na natatakpan ng suot niyang damit.
There's a faint hint of blood on his bandages, giving me a little tinge of shock. Mukhang malaki ang sugat na iyon at nagagawa pa rin nitong mag-iwan ng bakas ng dugo sa kaniyang benda.
May bakanteng monobloc chair sa tabi ng kama at doon ako umupo. Samantalang si Verm naman ay napagdesisyunan na maupo sa couch na nasa tabi naman ng pintuan.
Wala akong sinambit na anumang salita habang tahimik kong tinitigan ang walang malay na katawan ni Manuel. Kumpara sa sitwasyon namin kanina, he looked far much calmer here than before. He's getting better, and he's definitely going to recover.
Dalawang araw ko pa lang siyang nakikilala pero pakiramdam ko ay masyado nang marami ang nangyari. I have known too many secrets about their kind as well as the story behind their past.
At ngayon, nandito na rin kami sa wakas sa bayan ng Wichita. And I guess, this is not the first time we are going to face some trouble.
Ano pa kayang masamang pangyayari ang hatid ng bayang ito sa amin?
I'm sure someone is watching us. That owl, whoever owns that creature, sigurado akong hindi niya kami gustong manatili sa bayang ito.
But that doesn't mean I will stop doing my work here. I'll still write about Monalisa's case. Of her mysterious death in this wickedly calm town of Wichita.
And nobody can stop me.
Even the strongest witch living in this churchless town.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro