11 - Confidential
Tahimik akong naghintay sa labas ng Camp Tirso habang pinagmamasdan ang hulma ng Mt. Tirso mula sa paanan nito. Sa taas ng bundok na iyon ay talagang malulula ka kung nakatayo ka sa pinakaibaba nito, na kasalukuyan kong ginagawa.
Hindi pa rin nakakalabas ng bahay sina Manuel at Verm, at mukhang hindi pa rin natatapos ang anumang diskusyon na meron sila sa mga oras na to.
Ito naman kasing si Manuel, he always keep secrets from us. Ayaw niyang sabihin lahat ng mahahalagang bagay na dapat ay alam na ng bawat isa. Halimbawa na lang ang nangyari, he didn't tell Verm that Monalisa was found dead.
Umasa tuloy si Verm na buhay pa ito...
Malapit na ring mag-umaga. Unti-unti nang lumiliwanag ang kalangitan. Maging ang hangin ay nagsisimula na ring umihip dala ang mabangong samyo ng kagubatan malapit sa Camp Tirso.
Muling natuon ang pansin ko sa pinakatuktok ng Mt. Tirso. Kapag natapos ko ang article ko tungkol kay Monalisa at sa bayan ng Wichita, sisiguraduhin kong aakyat ako sa Mt. Tirso, I don't want to miss this opportunity.
I smiled from having that goal. Kailangan ko ring magpahinga, kailangan ko rin ng oras para sa sarili ko. Hindi gaya noong nabubuhay pa si mama, the way she's dedicated on her work kept her free time lesser and lesser for me as I grow up.
Unti-unti akong lumalaki na hindi kami halos nagkakasama ni mama sa pamamasyal na wala siyang dalang trabaho. Naalala ko noong isang beses kaming nagpunta sa picnic grove malapit sa bahay namin, maraming inihanda si mama na pagkain.
Sa paghahanda niya ng pagkain, akala ko masosolo namin ni mama ang buong araw nang kami lang. Pero doon ako nagkamali; nang dumating kami sa picnic grove, inihanda niya na ang lahat.
Naglatag siya ng kumot sa kulay berdeng damo sa lupa at isa-isa niyang ipinatong dito ang mga pagkaing inihanda niya kinaumagahan. I was really happy while watching her do that. To the point that I couldn't even speak how much I love what she's doing for us.
Pero nang handa na ang lahat, bumalik si mama sa sasakyan namin. Then she came back with a laptop bag on her left hand.
She sat down beside me and told me to enjoy the view. Then she put out her laptop and began doing some work, again.
Napapapikit na lang ako sa tuwing naalala ko ang mga pagkakataong iyon. Kung sakaling magkaroon ako ng sarili kong anak, ipapangako kong bibigyan ko siya ng sapat na panahon na magkasama kami.
No works, no other business in mind. Just the free time along with the love ones that I have.
My thoughts was disturbed by a loud ringing of my phone. Mukhang tumatawag na sina Marco at Samantha. They're probably awake right now, thinking about my whereabouts.
I immediately answered their call. "Hello?"
'Jusko Angel, I was really nervous about your condition. Nasaan ka na ba? Kanina ka pa namin hinahanap? Nilibot na namin ni Marco lahat ng sulok ng hotel makita ka lang.'
"Ba't kasi hindi ni'yo na lang ako tinawagan? Nagsayang lang kayo ng oras."
'E ano kasi.. nag-panic agad kami. Kumatok kasi si Marco kanina, e lutang pa ko no'n. Binuksan ko yung pinto, then tinanong niya ko kung ayos na ba ang lagay ko, sinagot ko naman siya ng oo. Tapos sabihan ba naman ako na nawawala raw yung van natin?'
Natatawa ako sa paraan ng pagsasalita niya. They really panicked. Mukhang nagawa nitong makalimutan nila ang mga maliliit na bagay gaya ng cellphone.
"Tapos?"
'Edi bumalik ako sa loob, tatanungin kita kaso wala ka sa kama! Then nag-panic na talaga kami ni Marco. Tanong ako nang tanong sa kaniya kung nasaan ka na. Tapos siya naman, halatang nagulat din, kaniya kaniya kaming hanap sa'yo e,' I heard her shallow breathing, mukhang hingal na hingal pa rin siya ngayon.
I sighed. "Sorry for what happened. Promise, magpapaalam na ako kung aalis ako sa susunod. Tell Marco na nasa akin yung van. Nandito ako sa Camp Tirso ngayon-"
'Camp Tirso? Nang ikaw lang mag-isa? Why? Pa'no kung may mangyari sa'yo?'
"Relax. Hindi kasi ako makatulog kagabi, there's something inside me na nagsasabing humingi ako ng paumanhin kay Manuel. And I just did it. Napatawad niya na ako, he's coming with us again and..." I looked on the sky.
'And what?' tanong ni Sam.
"And we're having someone tagging along with us. Ipapakilala ko siya sa inyo mamaya. Sa ngayon, just stay put there. Hintayin mo kami sa diner. Hinihintay ko pa kasi silang lumabas e, tsaka may kukunin pa kong files. I forgot to keep some documents about Monalisa last night," napakamot ako ng ulo nang maalala ko ang mga impormasyon na nasa loob ng kuwarto ni Monalisa.
I should have some of her collection about the Wichita missing reporters cases. Besides, may tao na rin akong makakausap na posibleng may nalalaman din sa lahat ng koneksiyon ni Monalisa sa syudad ng Wichita.
Verm must have known some things that could help us solve Monalisa's mysterious death.
'Okay okay, thanks God you're fine. Sa susunod Angel ha? Kung may sakit lang ako sa puso, baka inatake na talaga ako. Hindi pa naman ako nakaka-move on sa nangyari kagabi,' bahagyang lumungkot ang boses ni Samantha.
"Again, sorry talaga. Promise, kung aalis ako para may kailangang asikasuhin, sasabihan ko kayo agad. Umalis lang din kasi ako kagabi nang hindi na nagpapaalam kasi ayaw ko na rin kayong istorbohin. Besides, you really need to get some sleep. Alam kong medyo na-trauma ka sa mga nakita mo," sambit ko kay Samantha.
'Thanks. Ingat ka riyan. Sasabihan ko na lang si Marco. Bye.'
I smiled. "Bye."
Then she immediately ended our conversation. I looked on the screen of my phone and I realized, traumatized nga pala si Samantha sa nakita niya kagabi. Why did I act like nothing had happened last night?
Napasapo na lang ako sa noo ko. "Hindi rin niya alam ang tungkol sa katauhan ng mga tao rito sa Camp Tirso," singhay ko bago ako napasabunot nang mahina sa aking buhok.
Huminga ako nang malalim at napagdesisyunan kong balikan sina Manuel sa loob.
~~~
Sunod-sunod na katok ang ibinungad ko sa pintuan ng bahay ni Manuel. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa loob pero pakiramdam ko ay tapos na silang mag-usap. I even eavesdropped by the window but I couldn't find any signs of those two men inside.
Sa ikalimang beses na pagkatok ay napagdesisyunan kong buksan na lang ang pinto. And to my surprise, hindi ito naka-lock.
Walang tao sa ibaba, tahimik ang paligid pero ramdam ko ang presensiya nilang dalawa. Hindi maaaring wala sila rito sapagkat nararamdaman ko pa rin ang mabigat na pakiramdam sa aking dibdib nang kasama ko pa silang dalawa sa labas kanina.
I went pass their kitchen and into the wooden staircase. Tumingala ako sa ikalawang palapag ngunit wala sila roon, hindi na ako nagdalawang-isip pang umakyat sa itaas at alamin kung nasaan na sina Manuel at Verm.
While walking upstairs as slowly as I can, I could finally hear some mumblings from one of the rooms up there. Doon ko napagtanto na ang mga boses na naririnig ko ay nagmumula sa loob ng kuwarto ni Monalisa.
I saw its door open and there's Verm and Manuel having some serious conversation, face to face. Kulang na lang at magdikit na ang mga mukha nila dahil sa lapit ng kanilang kinatatayuan mula sa isa't-isa.
Naglakad ako patungo sa kuwarto ni Monalisa at doon nila ako napansin. In an instant, the two of them stopped talking and looked at me with a concerned look.
"Angel, labag man sa kalooban ko pero kailangan nating isama si Verm," sambit ni Manuel. Pero sa sitwasyon ngayon ay tila napipilitan lang siya sa binabalak niya.
I smiled. "That's good. Mabuti naman at nagbago na ang isip mo?"
"Hindi magbabago ang isip ko kung hindi ko lang nalaman ang sikretong itinatago ng hinayupak na to!" Hinarap ni Manuel si Verm at saka niya ito sinakal.
Lumaban naman si Verm sa puwersang ibinibigay ng magkabilang kamao ni Manuel sa kaniyang leeg. Dahil sa nangyari ay agad na rin akong umaksiyon, dagli akong humakbang papasok sa silid ni Monalisa at pilit na pinigilan si Manuel sa ginagawa niya.
"Tumigil na nga kayo!" sigaw ko ngunit hindi ko magawang tanggalin ang pagkakasakal ni Manuel kay Verm. He is so strong!
Nakatitig ang mga nagngangalit nitong mga mata sa mukha ni Verm. Parang may kumukulong dugo sa loob ng kaniyang katawan dahil nakikita kong pumipintig nang mabilis ang mga ugat sa kaniyang nagtitigasang braso.
If he won't stop choking Verm, he might kill him!
"Ano ba?! Manuel!" I shouted even louder than before.
Tumingin si Manuel sa akin bago niya binitiwan si Verm, dahilan para mapaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang kaniyang namumulang leeg dulot ng higpit ng pagkakasakal sa kaniya ni Manuel kanina.
He even gasped for breath while his face had started looking paler after what Manuel did to him. Why isn't he doing anything?!
"Alam mo ba Angel kung anong ginawa nitong lalaking to? Isinikreto niya sa akin ang pinaplano ni Monalisa! Kung sinabihan niya ako tungkol sa mga impormasyong ibinabahagi ng kapatid ko sa kaniya, hindi sana to mangyayari!" Sa lakas ng sigaw ni Manuel ay tila nayanig ang kabuuan ng kuwarto ni Monalisa. I even thought Iza might hear or even sense what's happening here.
For a moment, it seemed like I am staring back with a beast who's ready to kill me in no time!
Natakot ako sa matalim na tinging kaniyang itinuon sa akin. I can feel his trembling heart beating faster than normal as it synchronized itself with the motion his veins were doing in his arms.
Hindi ko akalaing dito ako makakaramdam ng kaba na naramdaman ko noong bata pa ako. This is the same feeling I had when I witnessed one of my mother and father's quarrel.
They're shouting with each other. And I can see my father's reflection on Manuel's eyes...
"Tumigil ka na Manuel, tinatakot mo si Angel," tumayo si Verm at agad siyang lumapit sa akin. "Bakit mo ba siya sinisigawan? Wala siyang ginagawang masama. Gusto lang niyang tumulong."
Hindi nakasagot si Manuel. He's breathing harder than before. Hanggang sa maya-maya ay padabog siyang lumabas ng kuwarto. He went downstairs, leaving Verm and I alone inside Monalisa's room.
Humarap sa akin si Verm. "A-ayos ka lang ba, Angel?" He looked so concern of me, nanginginig-nginig pa ang kaniyang labi habang nagsasalita siya.
His eyes told me that he's feeling so sorry of what Manuel had done to me. Napansin kong nangangatal din ang kaniyang mga kamay habang nakadampi ito sa aking mga braso. Ang boses niya ay paputol-putol na inuusal ang mga salitang kaniyang sinasambit.
"Hi-hindi ko alam na pati ikaw mapagbubuntunan ng galit niya sa akin. Sinabi ko kasi sa kaniya ang tungkol sa mga nalalaman ko-pasensiya na talaga." His voice quivered as he tried his best to console me.
Huminga ako nang malalim at saka dahan-dahang umupo sa gilid ng kama ni Monalisa. "A-ayos lang ako, Verm. This is not the first time Manuel shouted in my face," I looked to him. "He's quite short-tempered?"
Naglakad paroo't-parito si Verm habang sapo niya ang kaniyang noo. "Nasigawan ka na niya noon? Ka-kailan?"
"Kagabi. Hindi ko kasi sinunod ang bilin niya sa akin. He told me not to call the police, pero tumawag pa rin ako ng pulis," I can feel my hands slowly shaking. "Nag-panic na kasi ako nang makita kong may dalawang asong lobo na nag-aaway sa labas."
Kinakabahan ako dahil sa parehas na sitwasyong naganap sa pagitan namin ni Manuel, he's slowly turning into a complete stranger for me. Like I'm facing someone who's ready to kill, to just be done with the world at all.
Those piercing dagger stare he had, as well as those raging madness inside his heart... he's really feeling the anger inside his chest. Kung hindi siya makakapagpigil, malamang ay may nagawa na siya sa aming hindi maganda.
Maaaring masaktan niya kami dahil sa umaatikabong galit na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang lakas na hindi madaling kontrolin kung sakaling kainin siya nito.
Tumigil sa paglalakad si Verm. "Tumawag ka ng pulis," he stopped to ponder about what I said. "Mabuti't hindi ka niya sinaktan? Angel, isa sa mga bagay na ayaw mangyari ni Manuel ay ang may mangyaring masama sa pack namin. Kaya niyang manakit... mabuti at hindi ka niya sinaktan."
Tumango-tango ako. "M-mabuti na nga lang."
Nasundan nang panandaliang katahimikan ang maikling pag-uusap namin ni Verm. He's just there, standing in front of the spiderweb of leads Monalisa has created, staring on it like it's a memorabilia.
"Pasensiya na talaga, Angel. H-hindi ko talaga inaasahang magagawa ka niyang sigawan lalo na at nandito ako. H-hindi kasi iyon ang pagkatao ni Manuel na nakilala ko," humarap siyang muli sa akin, at gaya kanina, may namumuong pagtataka sa kaniyang mukha. "Hindi siya namamahiya nang tao."
Ang kaniyang noo ay nakakunot habang ang kaniyang bibig ay taimtim na nakasara. He's thinking carefully of what he should react next. Talagang nagsisisi siya sa ginawa ni Manuel sa paghingi ng tawad sa akin nang paulit-ulit sa kasalanang hindi naman niya ginawa.
Manuel just reacted without considering what his reaction would do to me. Nagalit siya dahil sa nalaman niyang impormasyon, o sikreto na itinago sa kaniya ni Verm, at naiintindihan ko na may rason siya para magalit. He's just the kind of person who couldn't control his anger.
"Don't worry. Naiintindihan ko naman kung bakit nagagalit si Manuel. He had lost his sister," I made a sorry face. "He's just... mourning her death."
Dahan-dahang lumingon sa direksiyon ko si Verm. "Wait... Nabanggit mo sa akin kanina na misteryoso ang pagkamatay ni Monalisa hindi ba? Walang galos, walang pasa, o kahit ni isang bakas ng sugat man lang sa katawan niya?"
Tumango ako.
"Kung gano'n, maaaring hindi pa siya patay! Maaaring nasa ilalim lang siya ng salamangka ng mga mangkukulam na nakatira sa Wichita," Isang malapad na ngiti ang aking natunghayan sa kaniyang mukha.
Tila may natagpuan siyang pag-asa at ito na ang pagkakataong hinihintay niya.
Nagkibit-balikat ako. "Possibly. Kung tama ang hinala mo, we need to go now," I stood up and I walk beside him to look at the spiderweb of leads by myself. "Pero bago tayo umalis, tulungan mo naman akong dalhin ang lahat ng mga bagay rito na makakatulong sa atin sa pagresolba ng kaso ni Monalisa."
Tumingin si Verm sa mga litratong naka-pin sa pader. "S-sige," out of the blue, he started plucking the pictures one by one.
Tumango ako at napagdesisyunan kong asikasuhin naman ang mga papeles na nasa lamesa ni Monalisa. She might have written something that could help us.
Now we're rummaging Monalisa's thing like a bulglar. Habang abala ako sa paghahanap ng mga papeles na nagbabanggit ng anumang katagang maidudugtong sa pangalang Wichita, may mga napapansin akong pattern sa mga research paper ni Monalisa.
She's been investigating many hospital facilities. Ano naman kayang dahilan ang meron siya? Because the files she left here is partially modified. May mga salita siyang iniwang naka-mark gamit ng isang black marker dahilan para hindi ito mabasa ninuman. She censored some words.
"Verm," I called Verm's name and he looked at me, abruptly stopping with his actions.
"Bakit?"
"Minsan na bang may nabanggit sa'yo si Monalisa tungkol sa mga ospital?" I showed him some of the paperworks I had found here. "She censored some words here kaya hindi ko tuloy mabasa kung ano bang laman ng mga to."
Lumapit si Verm sa akin at siya na rin mismo ang tumingin sa mga papeles na hawak ko. He looked at it with an intense curiousness as his forehead curls like he's struggling in understanding something.
Mukhang wala siyang ideya tungkol sa mga bagay na to. Looks like among the things Monalisa has been telling him, may mga sikreto rin siyang itinago mula sa kaniya. Pero ano bang sikreto ang meron si Monalisa tungkol dito?
"May articles na bang naisulat si Monalisa na nakatuon sa mga ospital?" sunod kong tanong, nagbabakasakaling may maisagot sa akin si Verm.
But all he can do is to shake his head as he returned the papers back to me. "W-wala, hindi ko alam kung ano tong mga to. Sa tingin mo ba konektado kaya to sa Wichita?"
"H-hindi ko alam. But my wild guess is, they're not connected. Looks like this is an another ongoing case she's been looking forward to expose," I looked again on the paperworks I am now holding.
Pero ano ba ang nais na i-expose ni Monalisa? Aside from this Wichita case, what must be her different agendas?
There's only one way to find out the answer.
"May isang tao lang na makakasagot sa mga tanong mo, Angel. Si Monalisa lang."
"Pero... patay na siya."
"Hindi pa tayo sigurado. Kailangan na nating kumilos. Pagkatapos natin dito, babalik ako sa bayan namin para dalhin ang motorsiklo ko. Dadalhin ko na rin pati ang mga armas na meron kami," tumingin si Verm sa litratong nasa gitna ng spiderweb of leads.
At ang litratong hindi pa niya natatanggal ay walang iba kung di ang mapa ng Wichita...
Naglakad patungo sa tapat ng spiderweb of lead si Verm at bigla niyang tinanggal ang mapa na naka-pin sa gitna nito. "Kailangan nating puntahan ang lugar na to sa lalo't madaling panahon. Bago pa mahuli ang lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro