Anthology | Weekend Getaway 04: The Mystery Safe
A/N: This entry is a collaboration of yours truly and SarcasticGrey. Be sure to check out his stories!
ALISTAIR
Sabay-sabay na kaming lumabas ng cabin at nilakad ang kahabaan ng paved walkway. Jamie kept on taking photos and videos while Lorelei and I roamed our eyes and appreciated the beauty of nature. Loki looked uninterested.
I could see from here the green mountain in the background. Mas close up na ngayon kumpara sa dati. Nang magawi sa harapan ang aking tingin, muli kong napansin ang mga halamang kinorte para magmukhang chesspieces. This time, a crowd gathered around the area. May mga narinig pa nga kaming palakpakan galing doon. Was there an event that we weren't aware of?
"May party yata roon?" Ngumuso si Jamie sa direksyon ng mga nakalupong na guest. Mabilis niyang inihanda ang kanyang phone. "Ang daming tao."
"Didn't you mention yesterday that today's the anniversary of this resort?" paalala sa akin ni Lorelei. "Baka may inihandang event ang resort management para sa mga guest?"
"Maybe someone got murdered," bulong ni Loki.
"And people cheered for it?" may pag-iling na tugon ni Lorelei. "Narinig mo naman ang palakpakan kanina, 'di ba? I doubt they'd be clapping if they saw a dead body there."
"I knew something would happen if we came here." Kunwari'y hindi narinig ni Loki ang sinabi sa kanya. "I warned you but you didn't listen to me. Is this the part where I say 'I told you so'?"
"Well, why don't we take a look?" sabi ko sa aking mga kasama.
Lumapit kami sa area kung saan parami nang parami ang mga taong nagtipon doon. We saw more topiaries shaped like chesspieces arranged in a strange pattern. Some of them had leaves with lighter green color. Some had dark green ones. When we got closer, I noticed that the landscape looked like a chess garden. Kung ang mga chesspiece ay mga halamang hinubog sa gano'ng hugis, ang mga nagsilbing black and white square ay dalawang klase ng damo na magkaiba ang kulay.
Sa harapan ng garden nagtipon ang mga katulad naming guest. Isang lalaking nakasuot ng checkered na sumbrero ang may hawak na microphone. Sa kanyang tabi, may ipinuwestong safe na mukhang pinaglumaan na.
"Nandito kami ngayon sa isang garden na may mga halatang naka-shape na chesspieces," hininaan ni Jamie ang kanyang boses habang inire-record ang sarili. "Talagang pinaninindigan ng resort ang pangalan nito. The Royal Chessmen, tapos may chesspiece designs kahit saan! Makiki-tsismis muna kami kung ano'ng ganap dito."
Pinatahimik siya ni Lorelei dahil magsasalita na ang lalaking nasa harapan namin. We turned our attention to him.
"Para sa mga kararating lang sa garden, nandito tayo para sa isang napaka-special na activity!" anunsyo ng host. "Every year, we display this very old safe, an heirloom passed down by the founders of this resort to their successors. Sa kasamaang palad, nawala ng kasalukuyang owner ang papel na naglalaman ng eight-digit passcode upang mabuksan ang safe na 'to."
"How stupid," bulong ni Loki. Lorelei silenced him, but he ignored it. "Didn't the owner memorize the sequence? How flawed was his memory?"
"Kung ako ang owner, isang tingin ko lang sa passcode, 'di ko na makalilimutan forever!" pagmamalaki ni Jamie, nakatutok ang camera niya sa lalaking host.
She wasn't exaggerating though. Matalas ang memory niya kaya hindi niya basta-basta makalilimutan ang isang bagay kapag nakita na niya. That's one of her best assets, aside from her larger-than-life personality.
"Gawa-gawa lang siguro ang kwento na nawala ang tanging papel na may passcode?" komento ni Lorelei sabay sulyap sa amin. "Palabas lang 'to, 'di ba? Pwede naman kasing i-note ang mga digit sa isang bagay na hindi basta-basta mawawala. They could have written it in a notebook or saved it on a phone or computer."
Tumango ako. I wouldn't be surprised if the lost passcode was only made up for dramatic effect. It must be part of their narrative to excite the guests.
"But hope is not lost yet!" May biglang inilabas na cards na kasing laki ng kanyang palad ang host. Parang magician na ipinapakita muna sa audience ang mga baraha bago magsagawa ng magic trick. "The owner still has a copy of the cryptic message that can lead us to the eight-digit passcode. Now we want to challenge the beautiful guests in our beautiful resort to open this old safe using the clues provided by the riddle."
Tumingin ako kay Loki na nasa aking kaliwa. This was exactly right up his street. "You interested in cracking the passcode?"
"We've got nothing better to do, have we?" Napakibit-balikat siya. "This might be a good way to kill time."
"Mas maganda nang mag-crack ng code kaysa mag-solve ng murder case, 'no?" Lumingon sa kanya si Lorelei. "At least we don't have to stress ourselves with finding out who killed who."
"This is really perfect!" sabi naman ni Jamie. Iginala niya ang kanyang camera sa mga mukha namin. I already got used to it kaya balewala na sa akin. "We shall witness the great QED Club's deduction skills! Siguradong matutuwa at mae-excite ang subscribers ko na panoorin tayong alamin kung ano ang nakalimutang passcode!"
"Mas magandang i-share ang experience na 'to kung sigurado tayong maka-crack natin ang code." Iniharang ni Lorelei ang kamay niya sa camera. "If we fail to figure out what those eight digits are, mapapahiya tayo sa subscribers mo. They might say we're not living up to their expectations."
"Ano ka ba, Lori? Wala ka bang tiwala kay Loki dear?" Nagpumilit pa rin si Jamie na makakuha ng shot niya. "Pagpasensyahan n'yo na siya. Minsan talaga may pagka-nega siya kung mag-isip. I'm a hundred percent confident na kami ang makabubukas sa safe na 'yon!"
"Let's hope that the riddle isn't too easy to solve," may pangmamaliit na sabi ni Loki. I see. He's starting to get competitive. Tiningnan niya ang mga guest sa tabi namin. "If it is, we've got to key in the correct digits there before anyone else does."
"Para sa mga gustong sumali sa aming anniversary activity, you can get a copy of the riddle from me," anunsyo ng host na iwinagayway ang mga hawak niyang card. "The riddle will give you hints, but the chess garden holds the key to unlocking the safe. Meron ba kayong tanong?"
Biglang nagtaas ng kamay si Jamie, ilang beses itong ikinaway sa ere. Hindi siya tumigil hangga't hindi siya napapansin. "Ano ho ang magiging prize kapag nabuksan namin ang vault? Maliban sa congratulations at kung meron mang kayong ibibigay na certificate?"
Ngumiti sa kanya ang host sabay tapik sa ibabaw ng lumang safe. "Kung anuman ang laman ng vault na 'to, mapasasakamay ng kung sinumang makapagbubukas nito."
Another mystery, huh? Mas mabuti ngang huwag munang sabihin ang laman nito. Hangga't nananatiling misteryo ang isang bagay, mas maraming naaakit dito. Kapag kasi nalaman na ng iba agad ang sagot, posibleng may ma-disappoint. Posibleng may mga mag-backout na. That aura of mystery could keep the guests interested in it.
Tumingin sa amin si Jamie na tila kumikislap ang mga mata. "Posible kayang may cash sa loob? I can imagine one-thousand peso bills in bundles... Sulit ang magiging effort natin! Kailangan nating maunahan ang iba, okay? Tayo ang mananalo rito. I'm claiming it na!"
"Hey, don't be so overconfident—"
Ngunit hindi siya nakinig kay Lorelei. Nilapitan niya ang host at humingi ng kopya ng riddle. When she returned to our spot, she showed us what's written on the card. Kunot-noo naming binasa ang mga nakasulat doon.
Major Charlie Octavian marches with a grand army
Hoping his ambitious conquest will bring the kingdom glory,
He brought the chariots to outmaneuver the enemy
Rushing to win the war before it gets bloody.
But the enemy's elephants crushed them easily
They retreated, but the famine claimed the hungry.
Back from home, the adviser sent a letter to the company.
But it's too late, death already embraced the weary.
The King is heartbroken, lamenting this disastrous misery.
Only time can tell when their enemies will invade the city.
Matapos basahin ang riddle, napagtanto kong magiging challenging para sa amin ang pag-crack nito. Even Loki had his eyebrows furrowed as he was reading every line with his eyes. He didn't have that expression when he had everything figured out instantly.
"I will leave the safe in front of the chess garden." The host slapped the safe again. He then made a face na dapat hindi niya ginawa 'yon. "You can try cracking the passcode as an individual or as a team, but you will only have one attempt each. Kaya pag-isipan n'yong mabuti kung ano ang walong digit na pipindutin n'yo sa vault. Good luck!"
The game was on. Naglupong kaming apat sa tabi. Palingon-lingon si Jamie sa aming paligid na tila pinagmamasdan kung may palihim na nag-e-espiya sa amin.
"So ano na ang plano natin, guys?" tanong niya. Sa sobrang hina ng kanyang boses, halos bumubulong na siya. "Magpapatalo ba tayo sa mga random guest dito sa resort? Kailangan nating itaas ang bandera ng QED Club!"
"We don't intend to lose to these simple-minded people," sagot ni Loki. May kislap na sa mga mata niya. It's rare to see him in that mood. He looked like he's gonna enjoy this game. That's good for him. "Let's show them they're only wasting their time by trying to participate in this activity—"
"Tama na muna ang pagmamayabang," singit ni Lorelei, parehong nakataas ang mga kamay. "Hangga't 'di pa natin nakukuha ang eight-digit passcode, wala pang dahilan para mag-celebrate o magyabang. Baka ma-jinx pa tayo."
"It's not pagmamayabang," mabilis na pagtatama sa kanya ni Loki. He raised his right index finger as he looked at her. "I prefer the term stating a fact."
"Whatever." Umirap ang mga mata ni Lorelei at tumingin sa aming dalawa ni Jamie. "So what's our plan again?"
"Kailangan muna nating i-check ang chess garden." Nagawi ang aking tingin sa mga topiary na hugis chesspiece. "The host said na nandoon ang susi para ma-decode natin ang riddle na ibinigay niya. We should definitely check them out."
"Great!" Napapalakpak ang mga palad ni Jamie. "Ipapakita ko sa aking subscribers ang itsura ng chess garden. Ire-record ko rin ang mga deduction natin para ma-amaze sila kapag pinanood na nila ang vlog ko. Just act natural kapag nakatutok ang camera sa inyo, okay? Lori, huwag ka nang camera-shy, ha? Kunwari walang nagre-record para mas genuine ang drama natin!"
Nilapitan na namin ang kamangha-manghang chess garden. Trimming the topiaries and maintaining the shape of the chesspieces must not have been that easy for whoever's in charge of maintaining this garden.
Kagaya sa tradisyonal na chessboard, may tigwa-walong squares pahaba at pahalang sa garden. From the side where we stood, may mga marker kung saan horizontally na naka-arrange ang mga letter mula A hanggang G habang vertically namang nakaayos sa gilid ang mga number mula 1 hanggang 8.
Kung ikukumpara ko 'to sa totoong chessboard, ang mga topiary na may light green leaves ay white pieces habang ang mga may dark green naman ay black pieces. I took note of that for an easy reference.
Isa-isa naming sinuri ang bawat row mula sa aming point of view. Jamie had her camera ready as we walked across the garden.
Sa unang row, white rook sa B2, white king sa E1, at white bishop sa F1.
Sa pangalawang row: white pawn sa B2 at white knight sa G2.
Sa pangatlong row: tatlong white pawn sa A3, D3 at F3, white knight sa C3, at white rook sa H3.
Sa pang-apat na row: white queen sa A4, black pawn sa D4, at white pawn sa G4.
Sa panglimang row: black pawn sa B5, white pawns sa C5, E5 at H5, black rook sa D5, at black queen sa G5.
Sa pang-anim na row: tatlong black pawn sa A6, E6 at G6, black knight sa B6, at black bishop sa H6.
Sa pampitong row: tatlong black pawn sa C7, F7 at H7, black rook sa A7, at black knight sa E7.
At sa pangwalo at pinakahuling row: black king sa C8.
Parang papparazzi na nakasunod sa amin si Jamie, kinukunan kami sa iba't ibang anggulo. Nilalapit pa niya minsan ang kanyang phone sa mga mukha namin para makuhanan kami ng reaction shot. Napansin niya sigurong nakakunot ang mga noo namin o kaya'y naningkit ang mga mata.
"What now?" Napakrus ang mga braso ni Lorelei, iginagala ang tingin sa bawat isa sa amin.
Narating na namin ang kabilang panig ng chess garden. Abala ang iba pang guest sa pag-iinspeksyon sa ilalim ng mga topiary. Loki couldn't help but snicker at them. Baka iniisip nilang nakalagay sa paanan ang mga numerong magsisilbing susi sa safe.
"I have an idea on where we can start—" Nagsimulang magsalita si Loki, pero mabilis na tinakpan ni Jamie ang kanyang bibig. That took me and Lorelei by surprise.
"You know, it's not a good idea to discuss our answers here." Inalis niya ang kanyang kamay sa bibig ni Loki at nag-sorry sa kanya. "May mga nakikitsismis sa atin at pasimpleng nakikinig. Baka unahan pa tayo sa pag-input ng eight-digit passcode mamaya."
Ngumuso si Lorelei sa aming kanan. "Baka pwedeng diyan na lang tayo sa tabi mag-usap?"
Umiling si Jamie. "Hindi pa rin safe. Pero we can go somewhere else kung saan mag-e-enjoy na tayo, wala pang makahahalatang pinag-uusapan natin ang code."
"And where exactly is that place?" tanong ni Lorelei.
q.e.d.
Liked this update? Don't forget to share your thoughts on Twitter using the hashtag #PLChronicles!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro