Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

was it a sauvignon blanc?

a week before isay's wedding

"meng hindi si marchesi frescobaldi o si peter lehmann ang sasagot jan sa mga tanong mo kaya tumigil ka na sa pag-inom" wika ni gelo

fyi si puligny-montrachet ang nasa baso ko!!! at fyi ulit hindi ako naghahanap ng sagot sa mga ubas na prinoseso gago!

"kung hindi mo kaya just tell isay your annual leave was not approved or better yet sabihin mo ang totoo i'm sure maiintindihan yun ng kaibigan mo"

alam mo mas maayos pa siguro kausapin ang bote ng bacardi kesa sayo

"meng sa pagkakaalala ko sous chef ka hindi mixologist"

excuse me lang gelo pero hindi mo ba alam kung ilang litro ng baileys ang inuubos ni chef seli para maachieve ang famous tiramisu sa aurora? or hindi mo pa ba na-try kumain ng stake na may red wine reduction? anyway, what do i expect, hindi mo nga malalaman ang relationship ng mga chef sa mga wine at spirits kasi puro ka lang naman hi at hello sa front desk kaya pwde ba wag mong husgahan ang propesyon ko

"unang-una kalaban natin ang aurora why are you patronizing their tiramisu? at wala akong balak pag-usapan ang resto na natanggalan ng michelin star noh."

ang sama mo sa paborito kong tiramisu - alam mo bang mission in life ko mahanap ang pinaka-masarap na tiramisu? minsan dinner tyo dun para matikman mo. promise makakamilutan mo kung sino ka!

"aahhh.... yun ba ang kinakain mo para makalimutan mo si ----"

ano pala ang gusto mong pag-usapan?

"bilis natin mag-change topic ah.... well bakit di natin pagusapan yung rason kung bakit kahit kasama sa pribilehiyo mo ang round trip ticket na pilipinas ang byahe every six months eh hindi mo magawang gamitin"

anong punto mo?

"na sa nakalipas na halos dalawang taon hindi mo alam ang exchange rate ng macau patacas vs philippine peso....."

gelo baka nakakalimutan mo, wala akong pinadadalhan ng remittance sa pilipinas para maging interesado kung magkano ang exchange rate ng pera ng maca---

"o sige didiretsuhin ko na... c richard. c rj. c tisoy sige sya ang gusto kong pag-usapan natin"

o sige anong tungkol kay richard na hindi mo pa alam ang gusto mong pag-usapan natin? na mahal ko sya? na hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin sya? na kahit lumipas na yung halos dalawang taon mahal ko pa rin sya? at yung sa mga dadating na araw mamahalin ko pa rin sya? na kahit anong oras mo ako tanungin kung mahal ko sya yun at yun pa rin ang isasagot ko? pero kahit gaano ako kasigurado sa nararamdaman ko hindi ko naman yun masasabi sa kanya? ano gelo? ok na ba? matagal mo ng alam yun di ba? so ano? hindi pa ba ok sayo yung bawat gabi bago ako matulog nasasaktan ako at sa araw-araw akong gumigising nandun pa rin yung sakit at sa pagitan ng oras ng paggising at pagtulog ko nasasaktan pa rin ako? yun ba gelo? yun ba ang gusto mong pag-usapan? sige game ako dyan!

"mahal kita.... maine mahal na mahal kita.... sinasabi ko di ba? kahit ang sakit sakit kasi hindi ako si richard - na kahit alam ko na hindi ko yun maririnig sayo hindi ko pipigilan ang sarili ko na sabihin yun sayo habang nararamdaman ko pa - para wala akong pagsisihan sa huli.... kasi ayokong bigyan yung sarili ko ng rason na magsisi kasi hindi ko sinabi because as stupid as it may sound you deserve to know how i feel because you deserve that love na nararamdaman ko.... kasi para sayo yun eh"

hindi ako kasing tapang mo gelo....

"he deserved to know maine.... he deserved to know bakit di ka nakarating nung gabing yun.... he deserved to know what kind of pain you went through that night.... he deserved to know kasi minahal ka nung tao ng buong-buo and if my instinct serves me right mahal ka pa rin nya hanggang ngayon"

exactly gelo.... minahal nya ko ng buong buo.... hindi na ako buo nun eh... dinurog ako ng gabing yun gelo.... wala ng natira sa akin pagkatapos ng gabing yun... so no! he doesn't deserve that pain gelo.... hindi nya kailangang masaktan sa maling nagawa ko... i can't put him thru that... i can die everyday knowing he'll live.... ako ang may kasalanan bakit nangyari yun kaya ako lang ang dapat makaramdam ng sakit....

"hindi mo kasalanan yun maine.... hindi mo ginustong mangyari yun.... you deserve to have him maine as much as he deserve to have you.... forgive yourself..."

i can't.... not when i know hindi sya nagkulang.... not when i know na kung sana nakinig ako sa kanya....

"ok sige na. hindi naman ako mananalo syo eh... wag ka ng umiyak.... pero sana hindi dumating yung araw na sasabihin mo rin yan sa kin..."

sabihin ang ano?

"na kung sana nakinig ako kay gelo...."


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro