Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

pause

**** samantala.... ****

"sino ba ang babaeng nanakit sayo mister?" tanong ng babae sa lalaking katabi nya sa bar sabay kalabit sa balikat nito

"huh? ahh sorry miss ako ba?" sagot ng binata

"ay hindi! yung katabi mo..... syempre ikaw.... yung buntong-hininga mo ramdam hanggang zimbabwe eh"

"pasensya ka na. hindi ko napansin na may katabi pala ako. sige lipat na lang ako ng upuan" akmang tatayo na sana ang binata ng magsalitang muli ang babae

"hindi lang ikaw ang nagmahal at nasaktan... hindi lang ikaw ang nagmahal at nawalan.... hindi lang ikaw ang nagmahal at iniwan... kaya sa dami ng taong nasaktan, nawalan at naiwan sigurado ako may isa sa kanila na para sayo nakalaan...."

napahinto ang binata at muling naupo sa dating kinalalagyan

"ganda ng tula mo ah.... so sino ka dun? ikaw ba yung nasaktan, nawalan, iniwan o nakalaan?" balik-tanong ng binata sa dalaga

"lahat...." sagot ng dalaga "naranasan ko ng masaktan nung mawala yung lalaking mahal ko iniwan na kasi nya ko nung pumunta sya sa langit eh... kaya palagay ko nakalaan ako sa iba...."

"im sorry...." anas ng binata

"don't be.... mas masaya na sya kung nasaan sya kasi doon alam ko hindi na sya mahihirapan...."

"ilang taon na?" tanong ng binata

"apat" maikling sagot ng dalaga

"paano mo kinaya?"

"yung pagkawala nya?"

"hindi. yung apat na taon?" muling tanong ng binata sabay inom ng serbesa

"kinaya ko kasi alam kong sinaktan nya ko para mas maging matibay ako.... iniwan nya ko kasi mas magiging masaya sya kung nasaan na sya ngayon.... at nawalan ako kasi mas may karapat-dapat na magmay-ari sa kanya.... di ba dapat yun naman ang pinakamahalaga pag nagmahal ka....yung sigurado ka na kung nasan yung mahal mo dun sya masaya?" sagot ng dalaga sabay ngiti ng bahagya

"tama ka.... pero alam mo may mali sa sinabi mo kanina...." tugon ng binata

lumingon ang dalaga sa katabi at marahang nagtanong "so, ibig mong sabihin sa lalim ng buntong-hininga mo kanina, hindi ka nagmahal, nasaktan, naiwan at nawalan?"

bumaling ng tingin ng binata sa dalaga at sumagot "nagmahal ako, oo pero.... hindi ako nasaktan, kasi wala naman akong karapatan.... hindi naman ako naiwan kasi wala naman dumating.... hindi ako nawalan, kasi hindi naman ako nagkaroon..."

"ahhhh... sa maling tao pala...."

"hindi naman sa maling tao...."

"eh ano?"

"hindi lang ako yung tama para sa kanya...." sagot ng binata sabay yuko ng muka

"kaya nga..."

kunot-nuong tumingin ang binatang nag-angat ng mukha, tila nagtataka sa narinig na kataga.

tumitig ang dalaga sa kawalan sabay wika ng marahan, "....mali ka nga siguro para sa kanya.... kasi ikaw naman ang tama para sa iba...."

sa unang pagkakataon nangiti ang binata....
sa unang pagkakataon nabuhayan ang dalaga....
isang pusong tumatangis ang tumahan....
at isa namang pusong nangungulila ang nasiyahan....

"dalawampu't pitong minuto." wika ng binata

"ano?"

"dalawampu't pitong minuto mula nung sinabi kong lilipat na lang ako ng pwesto pero hanggang ngayon nandito pa rin ako...."

"binilang mo?" tanong ng dalaga

"naalala ko lang yung pinapanood ko na series... kung may time of death na sinasabi ang doktor sa oras na mamatay ang isang tao... siguro may nagsabi rin na.... time of birth nung pinanganak tayo"

tumawa ng malakas ang dalaga

"bakit ka tumatawa? mali ba ang analyzation ko?" ngiti ng binata

"ano ka ba! BABY OUT kasi yun"

nilahad ng binata ang kanyang kamay at sila'y nagkatinginan ng sabay....

"ako nga pala si gelo"

"cesca.... nice to meet you, gelo...."

dalawang kamay na naging isa....
isang kamay na mali para sa iba....
isang kamay na binitawan upang lumaya...
saan kaya maaaring makarating....
kung sila'y magakahawak kamay na....

*************************************************

sa pagkakaton pong ito gusto ko lang po bigyan ng konting pansin si gelo i feel that i owe his character a chance to be happy 😇

MARAMING SALAMAT PO sa mga patuloy na naglalaan ng oras sa kwentong ito.... sobrang laking inspirasyon po ang binibigay nyo sa akin....❤️❤️❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro