Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Eduardo

Lahat ng mababasa niyo ay kathang isip ko lamang. Ito ay fiction; hindi totoo, o nangyari sa tunay na buhay.

Song > Pangarap Lang Kita by Parokya ni Edgar ft. Happy Sy

Maraming salamat sa pagbasa, at sana magustuhan niyo! =)

******

Hindi ako mahilig manood ng TV, pero simula nung pinalabas ang Trip Na Trip sa Eat Bulaga, sinubaybayan ko na ‘to. Nakakatawa kasi yung mga contestants, kung makayakap sa Los Viajeros parang wala ng bukas.

Yung game e parang Trip to Jerusalem. Pero instead na uupo ka lang sa chair, kailangan mong gawin kung anong naka-point sa roleta na papaikutin ng isa sa mga Dabarkads. Take note, naka-blindfold ang mga contestants kaya mas lalong mahirap ang paghahanap nila sa Los Viajeros.

Sino nga ba ang Los Viajeros?

Actually, hindi ko rin sila kilala. Ang alam ko lang e ang mga pangalan nila: Donovan, Pedro, at Eduardo.

Nabigla nalang ako may bagong segment ang Eat Bulaga. Foreigners sila, the usual na guwapo, maganda ang katawan, at malakas ang appeal.

Nung una ko silang nakita sa TV, natulala ako. Pinigilan kong ngumiti, paano ba naman nasa harap ko ang nanay ko. Ang hirap kayang mag fangirl pag ganun. So ayun, kunware hindi ako affected.

Kinikilig ako sa loob pero sa labas mukha akong bored. Magaling akong umarte, pangarap ko kasing mag artista kaya nagpa-practice akong gamitin yung facial expressions ng mukha ko.

Sa kanilang tatlo, si Donovan ang type ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nung nakita ko siya that first time, sa kanya ako pinaka-kinilig. Siya lang ang may blonde na buhok; medyo mukhang magulo, pero nag-aapear na sexy sa pag-aayos niya nito. Ang ganda rin ng mga mata niya; mapupungay. Tapos perfect white teeth. Iniisip ko palang siya, natutuwa na ko. Ang sarap mag imagine na siya yung boyfriend ko. Para kasi siyang the typical prince.

Simula nung araw na nakita ko ang Los Viajeros, nahumaling na ‘ko sa kanila. Lagi kong hinihintay ang segment nilang Trip Na Trip. Pag hindi ko sila napanood, mag hahanap ako ng video sa internet.

Basically, yun lang ang sinusubaybayan ko, wala ng iba.

Pinanood ko rin yung show ni Ryzza nung nag guest sila. Tinanong sila kung may girlfriend ba sila, ang sagot nila wala raw, single silang lahat.

I shouldn’t have believed them. Of course kailangan nilang sabihin yun dahil public figure sila. Mababawasan ang mga fans nila pag nalaman nilang they’re not available anymore.

Who am I kidding?

Nagpapaniwala sa media.

After ng interview nila, sinearch ko social sites ni Donovan. Tiningnan ko yung Instagram account niya at may nakita akong photo ng babaeng kahalikan niya. Single pala ah. Kung makapalupot yung kamay nung babae parang ahas e.

Napaka-bitter ko.

Alam kong wala akong pag-asa sa kanya. Pero nakakainis kasi hindi ko pa rin mapigilan ang umasa. Yun kasi ang hobby ko, ang umasa sa wala. Ang ayaw ko pa naman sa lahat e yung sinungaling.

Sinayang ko yung effort ko sa lalaking hindi kayang sabihin ang totoo sa harap ng camera. Nagmukha pa tuloy na hindi siya proud sa girlfriend niya.

Bahala siya. Magsama sila ng babae niya.

Makalipas ang ilang linggo, umalis si Donovan. Bumalik na siya sa pinanggalingan niya.

Nabigla ako nung nalaman ko yun. Hindi sinabi kung anong dahilan nang pag-alis niya. Siguro dahil nalaman ng iba na nagsinungaling siya?

Pinalitan siya ni Diego. Ayun, gwapo rin.

Ngayon na wala na si Donovan, nabaling ang atensyon ko kay Eduardo. Nakakatuwa kasi, model siya dito sa Pilipinas pero sa totoo lawyer talaga siya. Matalino na, gwapo pa. Yung ngiti pa niya, nakakagigil. Hindi lang yun, katawan palang, ulam na.

Oops, teka, hindi na maganda ang nasa isip ko. Pinag papantasyahan ko na siya.

Ayun sa source ko (take note, marami sila), single daw talaga si Eduardo. Not that I have a chance, pero masayang nagkakagusto sa lalaking single. Pag kasi may girlfriend na, wala ng kilig factor. Kagaya nalang nung kay Donovan. Nung nalaman kong may girlfriend na siya, nawala yung feelings ko for him. Good thing na rin yung umalis siya, ang bilis tuloy mag move on. Napansin ko pa si Eduardo.

Napangiti na naman ako.

Updated ako sa networking sites ni Eduardo; bawat tweet niya alam ko. Bawat post niya sa Facebook binabasa ko. Marunong akong mang-stalk e.

Creepy as it may sound, kahit sa TV ko lang siya nakikita, masaya na ‘ko. Parang meron kaming long distance relationship. Yun nga lang, hindi siya informed.

Mahirap magkagusto sa isang sikat na tao. Kahit gaano karaming messages ang i-send mo, kahit ma-tweet limit ka pa, hindi ka niya mapapansin. You’re just one of his fans.

Naiinggit ako sa mga contestants, todo hawak sila kay Eduardo, tapos ginawang unlimited kiss. Ang sarap nilang sabunutan. Nakakairita, nagseselos ako. Gusto ko rin kasing gawin ang ginagawa nila kay Eduardo.

Nakakalungkot, pero ganun talaga ang buhay. Hindi naman lahat ng gusto mo makukuha mo.

*

Isang araw, niyaya ako ng mga kaibigan kong manood ng live sa broadway ng Eat Bulaga. Dapat Show Time ang papanoorin namin, kaya lang kailangan muna raw mag pa-schedule. Ayaw naming mag hintay kaya sa Eat Bulaga nalang. Bonus din kasi makikita ko na finally si Eduardo my loves.

Sana ako yung mapili sa Trip Na Trip.

Nung araw na yun, nagbihis ako ng maganda. Tank top yung suot ko, with my black jacket. Sinuot ko yung knee boots ko and my skinny jeans. Para akong rarampa. I need to look good kasi makikita ako sa TV.

Sino ba naman ang gustong mag mukhang pangit sa harap ng mga tao?

Hindi ako marunong mag make-up kaya iniwan ko nalang yung mukha ko as is. Maganda na yung simple, bongga naman ang outfit ko.

Kwentuhan lang kami ng mga kaibigan ko habang nagba-byahe. Sinubukan kong sumali sa conversation kaso masyadong akong kinakabahan. Para akong naiihi na ewan.

Pagdating namin, nagpila kami, tapos binigyan ng slip at sinabing mag hintay muna. Pagkatapos ng ilang minuto, pinapasok na rin kami.

Ang daming tao. Paano naman kaya ako mapapansin nito?

Nasa Red team kami ng mga kaibigan ko. Dapat manalo kami, sayang yung prize, kailangan ko ng pera. Ang mahal kaya ng bili ko sa mga suot ko ngayon.

Unang segment ng Eat Bulaga ang Trip Na Trip. Sobra akong excited, hindi ako mapakali. Hindi ko man nga napansin na nag-umpisa na ang show at namimili na sila ng contestant sa ibang Teams.

Nung sa Team na namin sila pipili, ginawa ko yung best ko para magpapansin; big smile, kaway-kaway, act bubbly. Ganito na ba kalala ang attraction ko kay Eduardo para gawin ang mga bagay na ‘to?

Voila!

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Para akong aatakihin sa puso. Kahit nagdasal ako na ako ang piliin sa game, hindi ko inakala na ako nga ang mapipili. Ang saya na nadarama ko walang kapantay lalo na nung nakita ko yung mukha ko sa screen. O di ba, ayos lang na todo effort ako sa pagbibihis dahil contestant ako.

“Anong pangalan mo?” tanong ni Ruby.

“Girlie,” sabi ko na hinihingal pa kahit hindi naman ako pagod.

“Taga saan ka?”

“Sa puso ni Eduardo?”

Tumawa si Ruby, at ang mga audience.

Nanlaki ang mga mata ko. Did I just say that aloud? I bite my lip. Ano ba yan, nakakahiya.

“Panalo ‘tong manok ko,” sabi ni Ruby sa mga kalaban naming Teams.

Kelan pa ko naging manok, aber? Pero siya ang leader ko kaya hindi nalang ako nagsalita.

“Ready ka na bang manalo?” tanong niya.

“Oo naman!” sigaw ko. Hindi ako papayag na matalo.

Nagpalakapakan ang mga teammates ko, tapos tumakbo ako papuntang stage. Binigyan ako ng nametag ng isa sa mga staff tapos dinikit ko sa jacket ko.

Kinakabahan ako. Medyo nanginginig pa rin ang mga kamay ko. Hanggang ngayon hindi pa nag sink-in na kasama ako sa laro.

This is it. Ito yung gusto ko, kailangan kong manalo.

Kinausap kami ng mga hosts, they even said na maganda raw ang porma ko. Siyempre, hindi ako baduy.

“Kumpleto na ang ating mga contestants,” sabi ni Allan. “Now, let’s meet the Los Viajeros.”

Biglang bumukas yung pinto sa gitna ng stage, tapos lumabas ang Los Viajeros.

Para akong obsessed. Tatakbo na dapat ako papalapit sa kanila, pero buti nalang pinigilan ako ni Ryan. Nakakahiya. I forgot na dapat huwag masyadong pahalata. Ang hirap kasi, I can’t just ignore the fact na nasa harapan ko na sila.

Did I mention na naka-vest lang sila? Oh my golly. Napanganga ako, literally. Ang ganda ng view. Feeling ko tumutulo yung laway ko sa kakatitig sa abs niya.

Naka-focus lang ako kay Eduardo. Pag kasi tumingin ako kina Pedro at Diego para akong nag cheat e.

Bakit ang hot niya masyado? Sa TV nga hindi ko na ma-take, tapos ngayon pa in person? Para akong hihimatayin.

He’s just a few feet away from me. Gusto ko na siyang yakapin.

The TV didn’t give him justice. Ang gwapo niya sa personal. Wala akong masabi, na-speechless na ‘ko sa presensiya niya.

After sumayaw ng Los Viajeros, nagbigay ng sign yung isa sa mga staff, at ayun, tumakbo agad ako kay Eduardo. Ang tangkad niya, hanggang balikat lang niya ‘ko.

May lumapit rin sa kanya, pero tinulak ko siya palayo. Hindi naman yung OA na nasubsob siya, pero ayaw ko lang ng may ka-agaw.

Ang bango ni Eduardo. Ang sarap niyang amoy-amoyin. Hindi ko alam kung cologne niya yun, pero mixed ng sweat, amoy ng lalaki, tska something aromatic. Siyempre niyakap ko rin siya; super tight. Grabe, yung biceps niya, ang defined. Yung muscles niya, feel na feel ko. Swerte ko, vest lang ang suot niya; kitang-kita yung six pack abs niya. Nanlambot bigla ang mga tuhod ko. Ayaw ko na siyang i-let go. Pwede ko na ba siyang i-uwi?

“Hi,” sabi niya.

Now he’s talking to me.

Breathe.

Hindi ka pwedeng mamatay at ma-miss yung chance na ‘to.

Nakatingin si Eduardo sa’kin at nakangiti. Si Eduardo, the man of my wildest dreams. Ang gwapo at ang hot niya. How can I resist him? It doesn’t matter kung mag mukha akong fangirl. Bakit pa ‘ko aarte? Once in a lifetime opportunity lang ‘to. Lulubus-lubusin ko na.

I stand on my tip toe and plant a kiss on the side of his lips.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro