Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Diego

“Walang hiya siya! Tinapon lang niya yung limang taon na pinagsamahan namin!”

“What happened?”

“Niyaya niya kong magpakasal, kaso hindi ako um-oo!”

“Hindi siya makapag hintay?”

“Hindi!”

“Why didn’t you say yes ba?”

“Ang bata ko palang!” sigaw ko. Mabuti nalang nasa bahay kami, kung hindi baka isipin ng iba nababaliw na ko. “Hindi pa ko ready! Ang dami ko pang pangarap sa buhay. I’m only twenty five!”

“I forgot, how old is he na kasi?” tanong ni Mika.

“Twenty three!”

“He’s younger than you!”

“Yun na nga e,” sabi ko. “Dapat ako yung mangulit sa kanya sa pagpapakasal. Pero siya ang mapilit! Kakagraduate lang niya, gusto na niyang bumukod.”

“Is he working na ba?”

“Hindi!”

“Wow! Ang lakas ng loob mag propose, he’s not working pa pala! Anong ipapakain niya sa’yo, fishball?”

“Sabi ko naman sa kanya, maghintay siya. Masyado pa kaming bata. Bwisit, hindi marunong maghintay! Sinabi mag break nalang kami, pagkatapos nun iniwan na niya ko.”

“Did you run after him?”

“Hindi.”

“Why not?”

“Natulala ako,” sabi ko.

Hanggang ngayon naaalala ko pa rin yung gabing nangyari yun. Fifth anniversary namin, ang saya saya ko. Nabigla ako nung yayain niya kong magpakasal kasi hindi pa naman namin napag-uusapan yun. Alam niya na priority ko yung career ko. Ako kasi ang breadwinner sa pamilya namin. Wala na si Papa, kaya ako ang tumutulong kay Mama na pag aralin ang mga kapatid ko.

Bago naman siya nanligaw sinabi ko sa kanya yun. Naiintindihan daw niya.

Pero bakit ganun?

Sinayang niya yung limang taon!

Sinungaling! Ang sabi niya mahal niya ko. Bakit nagawa niya kong iwanan?

“When did you break up?” tanong ni Mika.

“Last year,” sagot ko.

Umalis kasi si Mika, pumunta sa Dubai para magtrabaho kaya ngayon lang niya nalaman na wala na kami ng antipatiko kong ex. Nag deactivate kasi ako lahat ng social accounts ko.

“Ang tagal na pala!” sabi niya. “Until now hindi ka pa rin nakaka move on?”

“Sa tingin mo ganun lang kadali itapon yung limang taon naming pinagsamahan?”

Hindi naman sa mahal ko pa siya. Pero alam mo yun, limang taon e. As if bigla bigla lang mawawala yung feelings mo para sa isang tao. I still care about him. Pero hindi na kagaya ng dati.

“Alam ko na!” sabi ni Mika. “Sumama ka sa’kin mamaya. You need a new man in your life!”

Tinaas ko ang kilay ko. “What makes you think na kailangan ko ng lalaki?”

“Duh. You need a rebound.”

Umiling ako.

Ngumisi siya. “What happened na ba to your ex? May balita ka ba?”

“May bago na siyang girl friend.”

“Anong itsura?”

Ngumisi ako. “Pinagpalit na nga lang niya ako, di pa siya namili ng maganda!”

Tumawa si Mika. “You go, Honey!” sabi niya. “Yan ang gusto ko sa’yo, ang taas ng self-esteem mo.”

“Totoo kaya,” sabi ko. “Hindi naman sa jina-judge ko siya based sa physical appearance niya, pero sana naman di ba? Yung mas maganda sana sa’kin. Kaso kumuha siya yung mukhang katulong!”

Ang lakas ng tawa ni Mika. “Pangit din naman kasi yung ex mo! No wonder walang pumatol sa kanya.”

“Alam ko,” sabi ko. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko kung bakit ko siya sinagot, e mukha naman siyang unggoy.

“Nabola ka lang niya, that’s why you said yes.”

“Tama ka,” sabi ko. Ngayon, hindi na ko magpapaka-tanga. Masyado nang maraming tanga sa mundo, ayaw ko ng dumagdag pa.

May natutunan din naman ako sa relationship namin. Huwag dapat ibigay ang lahat pag nagmahal ka, dapat magtira ka ng love sa sarili mo. Huwag maniniwala sa mabubulaklak na salita. Words without action are meaningless.

“So, you’re coming with me tonight, okay?”

“Saan?”

“Sa isang club sa BGC.”

“Alam mong hindi ako umiinom.”

“Fine!” nagkibit balikat siya. “Maraming gwapong lalaki dun!”

“Paano mo nalaman?”

“It’s for Elite people!”

“Paano tayo makakapasok?”

May kinuha siya sa purse niya. “I have VIP access,” sabi niya, sabay bigay sa’kin ng isang ID.

“Saan mo ‘to galing?”

“One of my friends works there,” sabi niya. “He invited me to come. Of course I need to visit the place bago ako bumalik sa Dubai.”

“Bakit kasama ako?”

“It’s a must!” sabi niya. “Para tuluyan mo ng makalimutan yung ex mong mukhang lizard!”

Natawa ako sa sinabi niya. “Sige na nga,” sabi ko. “May dress code ba dun?”

“Tonight, it’s sexy and sparkly,” sagot niya, sabay kindat.

*

Sabi ko na nga ba dapat hindi na ko sumama kay Mika. Hindi ako sanay sa social gatherings. Ayaw ko sa maraming tao, hindi naman sa hindi ako marunong makihalubilo, hindi lang ako sanay.

Ang lakas din ng music, parang sasabog ang eardrums ko.

Yung suot ko, ang iksi pa.

Dapat mag skinny jeans lang ako at tank top, pero pinapalit ni Mika yung suot ko. Hindi raw ako papapasukin sa loob ng club.

Hinayaan ko siyang pakialaman ang closet ko. Makalipas ang isang oras ng paghahanap, binigay niya sa’kin ang isang little sparkly black dress, at isang pares ng black stiletto. Hindi ko nga matandaan kung saan galing yung dress. Baka ni-regalo, tapos nailagay sa dulo ng closet kaya ngayon palang naisuot. Buti nalang kasya ko pa.

Dalawang oras na kami dito sa club. Ang sakit na ng paa ko, hindi kasi ako sanay magsuot ng heels. Iniwan ko muna si Mika sa gitna ng dance floor. Magpapahinga muna ko.

Sa sobrang swerte ko, natapilok ako.

“Miss, are you okay?”

“Oo,” sabi ko. Medyo nahilo lang ako sa dami ng ilaw tsaka sa halo halong amoy ng mga tao; pawis, pabango, alak, at sigarilyo.

“Gusto mo bang umupo?”

Tumango ako.

Sana hindi nasira yung takong ng heels ko. Ang mahal pa naman ng bili ko dito.

Inalalayan ako nung babae papunta sa may bar section, at tinulungan niya kong umupo sa isang stool.

“Sure ka bang okay ka lang?” tanong niya, halata sa ekspresyon ng mukha niya na worried siya. Ang bait naman niya para tulungan ang isang taong hindi naman niya kilala. “Mag isa ka lang ba?”

Umiling ako. “Kasama ko yung kaibigan ko.” Hindi naman siguro ako iiwan ni Mika, di ba? Siya ang nag aya sa’kin dito.

“If you need anything, sabihin mo lang sa’kin,” sabi nung babae. “Isa yung boyfriend ko sa may ari ng club na ‘to.

Wow, mayaman.

Itinaas nung babae yung kamay niya. “I’m Girlie.”

Nakipag handshake ako sa kanya. “Hi, I’m Honey,” sabi ko.

“Nice meeting you,” sabi niya, sabay ngiti. Biglang nag ring yung phone na hawak niya. “Si Eduardo, boyfriend ko,” sabi niya. Halatang kinikilig. “Puntahan ko lang siya. If kailangan mo ng tulong, lapitan mo ang isa sa mga staff at sabihin mo na kilala mo ‘ko.”

“Okay,” sabi ko.

Ang weirdo nung babae, parang hindi siya nahihiyang mag kwento kahit hindi naman kami magkakilala.

Naramdaman ko na nag vibrate yung phone ko, kaya kinuha ko ito sa aking bag.

From: HUWAG MONG TATAWAGAN AT ITETEXT

Kumunot ang noo ko.

Ex ko ‘to ah. Anong meron at bigla siyang nag text?

Pag open ko ng message, gusto kong itapon yung phone ko.

Honey, punta ka sa kasal namin ng fiancé ko. . .

Binura ko na yung message bago ko pa man binasa yung lugar at petsa nung kasal niya.

Ang laking sampal sa mukha ko yung ginawa niya. Pinakita niya sa’kin na ikakasal na siya. Dahil hindi ako um-oo sa kanya, humanap siya ng iba.

Ang bilis ah, ilang buwan palang sila nagkakilala nung babae, ikakasal na sila agad? Ano yun, nabuntis niya?

At ang kapal ng mukha, anong karapatan niya para imbitahin ako? Sa tingin niya pupunta ako? In his ugly face!

Psh, hindi ako nasasaktan. Hindi ako nag seselos. They can get married for all I care.

“Excuse me,” tawag ko sa bartender.

“Yes, miss?”

“Anong pinakamatapang niyong alak dito?”

Pinagmasdan ako nung lalaki. Nagtataka siguro siya kung bakit nandito ako sa club, ni walang ideya tungkol sa mga sine-serve nilang inumin.

Iniisip ba niyang minor ako? Kailangan ko bang ilabas ang ID ko para malaman niyang hindi na ‘ko bata?

“I know the perfect drink for you,” sabi niya.

Mabuti nalang hindi gaanong malakas ang speaker dito sa bar section, hindi kagaya dun sa dance floor. Para akong mabibingi kanina.

Makalipas ang ilang minuto, naglagay ng isang basong puno ng yelo ang bartender sa harapan ko. Kumunot ang noo ko. Bakit parang familiar ‘tong kulay ng liquid na nasa baso?

“Ano ‘yan?” tanong ko.

“Long Island Iced Tea.”

“Sabi ko, liquor, hindi iced tea!” Lumalabas na ang katarayan ko. Kasalanan ‘to ng haliparot kong ex!

Isa pa ‘tong bartender, nakakainis, hindi ako sinagot! Tinalikuran niya ‘ko at inasikaso yung ibang tao sa bar.

Tinikman ko nalang yung binigay niya. Lasang iced tea din! Paano ako malalasing dito? Juice lang ‘to e.

Dahil familiar sa’kin ang lasa, at masarap naman, hindi ko alam kung anong ingredients pa ang hinalo dito, mabilis kong naubos yung isang baso.

Natawa yung bartender nung umorder ulit ako.

Di ko napansin, may nakaupo na palang lalaki sa tabi ko.

Itinaas niya ang kamay niya, nagpapakilala. “Diego.”

Hindi ko inabot ang kamay ko. “I’m not interested,” pagsusungit ko. Nakakainis. Bigla bigla lang nagsasalita.

Ganito ba talaga dito sa bar? Bigla nalang nagsasalita ang mga tao?

“Is this your first time here?”

Narinig ba niya ang naisip ko?

Hindi ko nalang siya papansinin. Wala ako sa mood makipag-usap.

Tumalikod ako sa kanya at umorder pa ng Long Island Iced Tea.

“I’ve been here a few nights, but it’s my first time to see you.”

Huwag mo lang magamit sa’kin yang love at first sight na yan, baka masapak kita.

“Are you alone?”

“I don’t talk to strangers.”

Ngumiti siya. “You just spoke to me.”

Inarapan ko siya. Masyadong madaldal. Hindi ko na nga sinasagot, ayaw pa rin akong tantanan.

Type niya siguro ako.

Well, di ko siya masisisi. Maganda ako. Sexy pa. Nakatulong din ang black dress para maipakita ang mapuputi at makikinis kong legs.

Pinagmasdan ko yung lalaki.

May itsura. Siya yung tipo ng lalaking mababasa mo sa romance novels. Matangos ang ilong, walang bakas ng pimple ang mukha, at maganda ang shape ng labi. Kahit nakaupo siya, mapapansin pa rin na matangkad siya. Maganda rin ang katawan. Araw araw sigurong nagpupunta sa gym.

Ngumisi siya. “Like what you see?”

Nahuli niya kong nakatitig sa kanya.

Imbes na mahiya ako, nagkaroon pa ko ng lakas ng loob na tignan siya sa mata.

Nakita ko na ba siya noon? Bakit habang tumatagal, nagiging familiar siya?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Side effect ba ‘to ng pag inom ko? Biglang nag init ang pakiramdam ko, nakadagdag pa yung titig niya na nakakauhaw.

Kukunin ko sana yung baso, kaso wala na palang laman. Ang bilis naman maubos ng inumin ko. Umorder ulit ako. Nakaka addict e. Ngayong pang apat ko nang baso, narealize ko na medyo iba nga ang lasa niya sa normal na iced tea.

“Miss, you’re drunk,” sabi ni. . .

Ano nga kasi ulit ang pangalan niya? Diego?

“Bakit alam mo pa sa’kin?” Nakakairita na. Kaibigan ko nga hindi ako pinipigilan, sino ba ‘tong lalaking ‘to?

“How many drinks have you had?” tanong niya. “LIST is hard liquor.”

Hard liquor?

Paano? E parang iced tea lang naman.

Nasaan na ba si Mika? Gusto ko ng umuwi. Nakakabagot dito. Nakakabwisit din itong lalaking katabi ko. Ayaw akong lubayan. Medyo sumasakit na rin ang ulo ko, parang umiikot ang paningin ko.

Kailangan kong hanapin si Mika. Walang kwenta kung tatawagan ko siya, hindi rin naman niya maririnig sa ingay ng club.

Tatayo na sana ako, kaso bigla akong na out of balance.

Bago pa man ako mahulog sa stool na kinakaupuan ko, sinalo na ko ni Diego sa makikisig niyang braso.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro