Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7

Five years later..

Chylee POV

After five long years, I'm here again. Makikita at makakasama ko na ulit ang pamilya ko. I missed them so much!

"Chylee, hindi halatang excited ka. Tch. You didn't notice your shoe lace." He said then umupo siya para itali yun. 

Napatingin ako sa shoes ko. Yeah. Nakalas pala ang shoelace ko. Hindi ko napansin kase masyado akong excited na makita ang sundo namin. Syempre ang family ko. 

We're here at NAIA. Kakababa lang namin from US. And I'm so, so, so excited!

Nang matapos siya isintas ang shoes ko, tumayo na ulit siya. "Thank you, Phoenix."

Yeah. Kasama ko si Phoenix and Sky. Si Phoenix, ilang months lang bago kami umalis, sumunod siya dun at doon na rin siya nag-aral. Nakasama pa namin siya sa bahay. Kaya masaya din ako. I have brother and I have friend. 

"Nasusuka ako 'pag nagngingitian kayo. Tch." Masungit na sabi ni Skyler. Lagi niya kami inaasar. 

We're graduates na nga pala. But I don't have job pa. Si Skyler, nag-train siya sa company namin sa US then now, alam ko dito sa Pilipinas, he will handle one of our company. 

Ang daming nangyari pero unti-unti ko nalang iku-kwento. Para hindi boring. 

"CHYLEE HERA! PHOENIX! Kayong dalawa! Aissssshhh! Talagang hindi nakapagpigil ang mokong at humabol!"

Wala talagang pagbabago si Shanice. My bestfriend. She's here! Nasa waiting area na sila with my family. Si Shanice, every occasion, pumupuntang US para dalawin kami. May times nga na mas nakakausap pa niya si Sky dun kesa samen kase dapat daw masolo kami ni Phoenix. Baliw talaga. 

"Mahiya ka nga, Shan. Umaalingawngaw ang boses mo dito." Suway ko saka siya bineso at niyakap. "I miss you, Shan. Graduate ka na din ba? O lumandi ka lang?"

"Grabe, Chy! Sarap mo sabunutan. Graduate na kaya ako!"

"Ate Chylee! Kuya Sky! We miss you!"

Jusko. Ang triplets ang tatangkad na! Ang ga-gwapo na tapos makikita mong sabay sabay na tumatakbo payakap samen ni Sky. Ang cutteee!

"Enzo, Renzo, Kenzo. Am I right?" Tanong ko. Tinuro ko sila isa isa. Kase naman magkakamukha talaga sila. 

"Yes Ate! You're right!" Sagot ni Enzo. "Pasalubong?"

Haha. My siblings are cute. After five years ngayon ko lang ulit sila nakita in person. Sina Mom and Dad dumadalaw dun pero ang triplets hindi, kase baka daw lalo lang kami ma-miss kapag once lang makikita. Mas okay ng pag-uwi nalang namin. 

Lumapit na ang triplets kay Sky. Tapos ako naman, eto. Kalalapit lang nina Mom and Dad. 

"My babies really grown up." Sabi ni Mom saka ako niyakap. 

"I miss you, Mom."

"I miss you too, baby. You're so pretty. Mana ka talaga sa'ken." Nakangiting sabi nya. 

"Tch. I have my genes there, baby ko. I miss you princess." Sabi naman ni Dad at hinalikan ako sa noo. 

"I miss you too, Dad."

Napatingin ako kay Shanice na nakatitig kay Sky habang nakangiti. 'Tong kaibigan ko, konti nalang iisipin kong may gusto siya kay Sky. 

"Phoenix, thanks for taking care of our princess." Sabi ni Dad kay Phoenix na nakamasid lang samen. 

"It's my pleasure, Tito."

"Naghanda kami ng welcome party. I hope you don't mind kung sa bahay ka na tumuloy." Sabi ni Mom. 

"Sure, Tita." Nakangiting sagot ni Phoenix. 

Syempre okay lang yan sa kanya. He's courting me for five years. Kaya syempre gusto nya nakadikit lang saken. Hanga nga ako sa tiyaga niya. Hanggang ngayon nililigawan pa rin niya ako. Ibig sabihin genuine yung nararamdaman niya para saken. He's really serious at ilang beses na niyang naparamdaman saken na mahal niya ako. 

Aminado ako, I like him. Dahil sa tagal naming nagkasama, mas lalo ko siyang nakilala. Nakita ko na ang bad side and good side nya. Five years ba naman. Hindi lang siya gwapo, gwapo din ang ugali niya kaya na-turn-on talaga ako sa kanya. But like what I've said to him, I'm still not ready. Pero naka-moved on na ako from my past. I've change. Hindi na ako yung childish Chylee before. 

"Ate, let's take a selfie."

Okay. Ang selfie king ng shin-woo walang pagbabago. Nagpose ako. Nagselfie kaming dalawa. Talaga naman. 

"Okay na?"

"Yeah. I'll post it to facebook. I bet, I will gain five hundred likes. Because my Ate is drop-dead gorgeous."

Asshuuu! Lakas na mambola! Jusko! Fifteen years old lang ang triplets, dami ng alam!

"San mo naman natutunan yang drop-dead chuva mo na yan, Renzo?"

"Tito Luke. He always said that whenever he saw chicks."

Si Tito Luke talaga. Walang pagbabago. Playboy pa din. Hmp. 

"Wag ka ngang masyadong didikit kay Tito Luke. Baka mahawaan ka ng pagka-playboy."

"Okay Ate."

"Let's go!" Sigaw ni Mom. 

Uuwi na kami. Tumingin ako kay Shan na kasabay ni Sky maglakad. Para silang may pinag-uusapan eh. Para silang may secret. 

"Ah, Chy, Tito, Tita, dun na po ako sasakay sa kotse ko." Paalam ni Shan. 

"Okay, Shan. Take care."

"Sa kotse na niya ako sasakay, Mom, Dad." Sabi ni Sky. 

Oh..I smell something..horsey. Aha! 

"Okay, son. Take care. See you at the mansion. Let's go." Sabi ni Dad. 

Iba ang tingin ko sa dalawa. May something kaya sila? O may balak lang silang gawin? Ano kaya yun?

"Nag-a-ala-detective-conan ka na naman, Chylee."

Panira 'tong si Phoenix. "Kasi eh.."

"You smell something horsey?" Natatawang tanong niya. Nakasakay na kami sa sasakyan at magkatabi kami. 

Alam na alam na nya. Kilalang-kilala na niya ako. "Oo eh. Muka kaseng kabayo si Sky."

"Ate! Don't you dare compare Kuya Sky to a horse! Kamukha namin siya. Do we look like a horse too? Tch."

Okay. "Sorry Kuya Kenzo." Pa-bata effect na sabi ko. Sungit talaga nitong little skyler namin. 

Teka...kung mukhang kabayo si Skyler..eh kakambal niya ako? Asdfghjkl! Hindi pala! Gwapo si Sky! Gwapo!

"Hahahahahahahah!" Tawa ni Phoenix. 

"Oh ba't ka tumatawa?"

"Na-realized mo na ba na mali ang sabihing mukhang kabayo si Skyler?"

Ang talino talaga ni Phoenix. Nababasa nya yata naiisip ko eh. "Tse!"

Tawa lang ang isinagot nya. Sarap pektusan sa lungs ng lalaking 'to. Hmp. 

--

Miko POV

"What did you say?!"

Fvck. She's totally nagger. And I hate it. "I said, it's over."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Miko? Kahapon lang naging tayo tapos break agad? Ano ako, laruan?"

Here we go again. Kaya ayokong mag-ffling ng mga nagger. Tch. "Walang tayo Jessie so stop it! You're just a barbie doll. We make out but it doesn't mean that I like you."

*slapped*

Fvck. Nasampal na naman ako. This is...hindi ko na mabilang. Everytime na sasabihin ko sa fling ko na its over, nakaka-recieve ako ng sampal. 

Nag-walk-out na si Jessie. Nilandi ko lang naman siya dahil nilandi nya ako kahapon. Tch. Girls..why do they always assume? Naging sweet lang kaming mga lalaki, akala mo mahal na namin sila. The fvck. Nanglalandi lang kami. 

Sumakay na ako sa kotse ko. Uuwi na ako. Out na kami. I have my own car. Regalo saken ni Dad last year. College na kase ako at malaki na ako. Di na ako bata para pagbawalang mag-kotse ng sarili. Ayoko na nung tulad dati na may sundo pa ako. Tch. That's gay. 

Pagdating ko sa mansyon, sumalubong agad saken ang mga kapatid ko. They are close to me. Unlike Reiko, masungit kase. Kala mo laging may period. Mana kay Mom. Wahaha. 

"Kuyaaaa!" Naunang tumakbo saken ang bunso namin. He's four years old, Yuan Reiyu Hayashi Abellano. Kamukha siya ni Mom. He looks like japanese. 

"How's my little boy?"

"Aympayn kuya! Hihi!" Kinarga ko siya. 

"Kuya, can you help me assemble my toy car?" Tanong ni Rance. Kaya pala ako sinalubong. Tch. 

Si Rance may collection ng cars. Mula pinakamaliit hanggang pinakamalaki. He's twenlve years old now pero mature na rin mag-isip. 

"Okay. Magpapalit lang ako ng damit. Paalam ko. Ibinaba ko si Yuan sa sofa. "Where's Reiko?" Tanong ko. 

"Telebabad." Sagot ni Rance. 

Tch. Si Reiko nadadalas yang laging may kausap sa phone. Tch. 

Binalewala ko nalang yun. Magpapalit na ako ng damit. Naka-uniform pa ako. Tch. Ang init sa katawan ng uniform. 

"PRINCE MIKO ABELLANO!"

Oh fvck. Galit na naman si Mom. Lagot na. Napatingala ako. Pababa si Mom sa hagdan. 

"Hi Mom."

"May tumawag na naman dito. Ilang beses ng may tumawag na babae dito at sinabing nabuntis mo sila. Jusko, anak. Eighteen years old kapa lang, playboy ka na!"

Fvck. Yeah. Laging ganyan. After I ended my relationship to my flings, tumatawag sila dito sa bahay. They always said na nabuntis ko sila. Fvcking hell! Hindi ko sila ginalaw! Nakikipag-make-out lang ako but I never had sex with them. Tch. 

"Mom, I told you, they are all liars. Don't stress yourself, Mom. And hindi ako playboy."

Namaywang pa si Mom. "You're playboy, anak. Saan mo ba nakuha 'yan? Hindi naman playboy ang Daddy mo! He's a one woman man. Psh!"

"Magtataka ka pa, wife. Kay Palermo mo pinaglihi yan. Tch."

"Dyadddddiiii!"

Na-corner ako. Kakadating lang ni Dad at sumalubong agad sa kanya si Yuan. He's sweet. Gusto nya lagi syang kinakarga. 

"So ako pa ang may kasalanan hubby? Pagsabihan mo 'yang anak natin. Kapag nakita ko si Luke, bubunutan ko talaga ng buhok sa ilong yun."

Mom is really funny when she's mad. Sa halip na matakot ako, napapangiti nalang ako. I have perfect family. I have perfect parents. I have perfect siblings. I could not ask for more. I'm contented. 

"Let's talk, son." Sabi ni Dad. He's serious. I'm dead. 

Fvck! My parents..how can they still managed to be that handsome and gorgeous despite of their age? Hell. 

"No, hubby. Bago na kayo mag-usap. We're going to a party." Sabi ni Mom. 

"Party?" Tanong ni Dad. 

Saang party naman kaya kami pupunta? One of their business partners? Tch. I hate parties. Lalo na kung di ko naman kakilala yung pupuntahan naming party. Mabo-bore lang ako.

"May welcome party ang Shin-Woo family. Dumating na sa bansa ang Shin-woo twins."

WHAT? Shin-woo twins..fvcking hell!

*

A/N : Excited? Hashtag #WelcomeBackTWINS

PS. Special thanks kina YUMIKO and LANCE for suggesting the name of their bunso, Yuan Reiyu Abellano. Si Lance daw nakaisip nun. At si Yumi ang nag-approve. Char!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro