
6
Chylee POV
"Sinabi ni Skyler lahat yun?" Di makapaniwalang tanong ni Shanice nung i-kwento ko 'yung naging pag-uusap namin ni Sky sa bahay.
Inaayos ko na ang gamit ko. Breaktime na. Wala pa rin akong gaanong gana na kumain. Hindi pa din kase ako maka-move-on kay Miko. Pero tiwala lang, makaka-move-on din ako. Babalik rin ang Chylee na jolly at maingay.
"Hi Chylee. Tara na sa cafeteria. It's my treat." Sabi ni Phoenix.
Hinahayaan ko na syang lumapit sa'ken. Hindi ko na siya ini-snob tulad ng dati. Tandang tanda ko yung sinabi ni Mom. Mas pansinin ko yung mga taong nasa paligid ko na pinapahalagahan ako. And of course, it's not Miko. So there's nothing wrong if I give chance to others like Phoenix. He's good naman eh. And he really cares for me.
"Sure." Sagot ko na ikinalaki ng mata ng bestfriend ko.
"Is it real?"
"Kendra, it's that you?" Sabi naman ni Phoenix.
"Ay bet ko 'to! Palabiro din. Naku Chylee, mas bagay talaga kayo. Ayeee!"
=_=
Si Shanice talaga harap-harapan eh. "Lika na nga." Sabi ko.
Lumabas na kami ng room. Si Phoenix ang katabi ko habang naglalakad. Binitbit nya kase ang shoulder bag ko. Sweet 'no? Gentlemen pa.
"Hello? Tao po ako? Ano, anino nalang ako ngayon? Asus. Porke pumapag-ibig. Lalalalala.." Sabi ni Shanice. Nakasunod lang kase siya samen ni Phoenix.
Tumingin ako sa likod namin habang naglalakad. "Shanice.." Nakapoker-face na sabi ko.
"Why? Pumapag-ibig naman talaga kayo ni Phoenix eh!"
*boogsh*
O___O
Napatingin ako sa pinanggalingan ng tunog na yun. At..
"Uh-oh.." Si Shanice napatigil din kasabay ng pagtigil namin ni Phoenix.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako pumupunta sa lugar kung saan siya tumatambay. Pero bakit ganito ang fate? Bakit kelangang makita ko pa siya ngayon? Nagmo-move-on na ako eh. Nahihirapan na nga ako ibalik ang dating ako dahil nasaktan ako tapos eto pa rin?
"Kailangan talaga ibalibag nya yung bench? Highschool student lang yan pero akala mo hari eh." Bulong ni Shanice.
Nakatambay si Miko sa may hallway malapit sa cafeteria kasama ang ilan niyang friends. Nabaliktad yung bench at si Miko ang may gawa non.
"May problema ka bata?" Si Phoenix. Hala. Tinawag nyang bata si Miko?
Dahan dahang lumapit sa'men si Miko. Ang cool ng lakad niya. Oo, highschool student palang siya pero sa isip, matured na siya.
"Ako ba ang tinatawag mong bata?" Seryosong tanong ni Miko. Yung tingin niya parang mangangain ng buhay na tao.
Hinawakan ko sa braso si Phoenix kung saan napatingin si Miko. Lalo akong kinabahan.
"Sino pa bang bata dito? Cafeteria ito ng college department pero dito kayo nakatambay?"
Kung nakakatakot si Miko pag galit, nakakatakot din naman si Phoenix 'pag seryoso.
"May rule ba na nalagay na bawal tumambay ang highschool student dito?" Sagot ni Miko.
Jusko. Nagkakainitan na. Napatingin ako kay Shanice. Nanonood lang siya sa dalawa. Ako? Di maka-react. Ayoko kasing kausapin si Miko. Iniiwasan ko na siya eh.
"Tch. Hanep na bata 'to. Matapang." Napapailing na sabi ni Phoenix. Lalong napahigpit ang hawak ko sa braso niya. Kase ayokong mag-away sila.
"Hera."
O___O
A-ako? Tinawag ni Miko? Saken siya nakatingin ngayon. Di ako nagsalita.
"Hera let's talk."
Bahagya akong napa-atras. Ano bang problema nya? Anong pag-uusapan namin? Kase sa pagkakaalam ko sukang-suka sya saken eh. Kaya nga umiiwas ako. Pati dila ko parang napaurong. Di ako makapagsalita.
"Okay. Alam kong wala akong karapatang makialam--no, may karapatan pala ako dahil bestfriend ako ni Chylee. At saksi ako sa mga pangyayari sa buhay niya. Magpapaka-pranka na'ko. Tutal totoo naman. Si Chy, oo naghahabol siya sayo Miko at saksi ako don. Nagpapakatanga siya sa isang tulad mo. Kaya nga eto oh. Nagmo-move-on na siya. Nasaktan na kase siya. Tapos ano, Miko? Anong ginagawa mo ngayon? Nagpapapansin? Umeepal? Look oh. Chylee is trying to be happy. Can't you at least let her live withour Miko on her mind, on her heart? Ang daldal ko na, shems! At nakakaagaw na ako ng atensyon ng mga students but I'm just stating the fact. Wala kang karapatang magsabi ng, chylee let's talk. Talk your ass, Prince Miko Abellano!" Sigaw ni Shanice. Napanganga ako sa sinabi niya.
Walang anu-ano'y hinila niya ako. Papuntang parking. At isinakay niya ako dito sa kotse niya. Marunong naman ng mag-drive si Shanice.
"Shan.." I'm starting to cry for same reason--Miko again.
"Sorry Chy. Hindi ko na napigilan. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking yun."
Naiintindihan ko naman na protective bestfriend si Shanice. Minsan nga, she makes me feel that she's like a sister to me. Lagi siyang andyan at siya ang klase ng kaibigan na hindi plastik. She's a true friend.
"Get out of the car, Hera!"
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Si Miko kumakatok dito sa kotse.
"Aba't tinamaan nga naman ng kakapalan ng mukha ang Abellano na'to!" Sabi ni Shanice saka akmang bababa ng kotse pero pinigilan ko siya.
"Shan.."
"What now, Chy? Miko is making a scene! Jusko naman. Buti nalang tayo tayo lang ang nandito sa parking. Paano kung makarating 'to sa Mommy mo?"
"I'll talk to him." Lakas-loob kong sabi.
Bakas sa mukha ni Shan ang pagkagulat. I think I need to do this. Wala akong ideya kung bakit gusto akong makausap ni Miko pero sige pagbibigyan ko siya. Sa huling pagkakataon.
"Are you sure?"
Tumango ako. Si Miko nasa may labas pa din ng kotse pati si Phoenix.
Bumaba na ako at hinarap si Miko. "Let's talk in private." Sabi ko kay Miko.
"Chylee." Sambit ni Phoenix.
"I'm okay, Phoenix. Hayaan nyo muna kaming mag-usap."
Bumuntong-hininga lang si Phoenix. Si Shanice din na bumaba na din ng kotse.
"Let's go." Hinawakan ako ni Miko sa braso. Nagpadala ako sa kanya hanggang makarating kami dito sa rooftop. Walang tayo dito. Sa oras na'to, for sure tapos na ang breaktime kaya wala ng students na pakalat-kalat.
Sinara ni Miko yung pinto ng entrance papunta dito sa rooftop. So now, kaming dalawa lang ang nandito.
"A-anong gusto mong pag-usapan." Nauutal na tanong ko. Diko naman 'to napaghandaan.
"Hera, look. I'm sorry kung nasaktan kita pero naging honest lang ako. I don't like you. I don't love you. I can't give you the love you're asking for."
</3
Alam ko naman eh. Tinatanggap ko na nga eh. Bat kelangan pa nyang sabihin ngayon?
"Kinausap ako ng ka-kambal mo. Nagkasigawan kami. Nagkasuntukan.."
O___O
"Ano?"
"But its okay. I know how protective Skyler was when it comes to you. Alam ko yun. Dahil mula pagkabata, magkakakilala na tayo. Pero Hera, gusto kong ipa-intindi sayo na kahit baliktarin mo pa ang mundo, hindi kita magugustuhan."
</3
Tama na, Miko. Alam na alam ko na yun. Nauulit lang yung sakit na nararamdaman ko eh.
"I know.."
"Don't cry. Wag mo akong iyakan. Ayokong magmukha kang kawawa. Ayokong isipin nila na ako ang palaging kontrabida. Naging honest lang ako sa nararamdaman ko. I don't want you to expect."
Hindi na naman ako nag-e-expect eh.
T___T
"Now, wag kang makipagmabutihan sa Phoenix na yun dahil lang na-reject kita. He's not a good man. He will hurt you. Barumbado ang gagong yun."
Wow. Just wow. "Who are you to tell me that, Miko? Hindi ako nakikipagmabutihan kay Phoenix dahil sayo. Binibigyan ko lang ng chance yung mga tao sa paligid ko na pinapahalagahan ako."
T__T
"Tch. Fine! Do what you want, Hera. I don't care!"
"Yeah. As if you care? Kelan kapa nagkaroon ng pakialam saken? Never, Miko. Never."
Tapos na kami sa ganitong usapan diba? Bat kelangan pang ibalik? I'm moving on. Ang pagkakaiba nga lang siguro is kalmado si Miko ngayon. Unlik nung huli kaming nag-usap na galit na galit siya.
"This is the last time I want to talk to you." Sabi nya.
Last? Fine.
"At hangga't maaari, ayokong lalapit kapa saken. Kahit family occassions, ayokong lalapit ka saken. Naiintindihan mo ba?"
So ito yun? Umiiwas na nga ako eh. Di naman na ako nalapit sa kanya.
"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko.
Kung eto lang pala ang gusto nyang pag-usapan, sana di nako sumama sa kanya. Alam na alam ko na 'to. Dinagdagan nya lang yung sakit eh.
"No more. Paglabas mo dito, kalimutan mo na ang nararamdaman mo saken." Sabi niya saka nag-walk-out.
Yun na yun? Letse siya! Yun ba! Kinausap nya ako para don lang? Pinaglalaruan ba niya ang damdamin ko? Alam ko na lahat yon. Di na kelangang ipaalala pa. Ang sakit na talaga eh.
I'm trying to be happy pero anong ginagawa niya? Umeepal siya! Nakakainis eh. Nakaka-shit lang.
Pinahid ko na ang luha ko. Huminga ako ng malalim at umalis na rin dito sa rooftop. I need air. Air withour Miko's scent.
--
"Twins, sumunod kayo saken sa library."
O___O
Yung dibdib ko. Kinakabahan ako sa sinabi ni Mom. She's serious at kapag ganyan, may seryosong bagay na pag-uusapan.
Yung nangyari sa SWU kanina, nakita man ng mga students, I'm sure naman na 'di nakarating kay Mom 'yun. Si Skyler nga, di alam eh.
Nandito kami sa salas. Movie marathon. Galing kaming school. After ng rooftop scene namin ni Miko kanina, tinatagan ko ang loob ko at kinaya ko pa namang um-attend ng class ko.
"Hera. Let's go." Yaya ni Skyler.
Tumayo na ako at sumunod kay Miko. "What's going on?" Tanong ko habang paakyat kami.
"I have no idea. But knowing Mom? Kapag ganon siya ka-seryoso, seryosong bagay ang pag-uusapan natin."
Alam ko yon. Lalo tuloy akong kinabahan. Nalaman kaya ni Mom yung nangyari samen ni Miko? Pero bat kasama si Skyler sa pag-uusap?
Napahawak ako sa braso ni Sky nang makarating kami dito sa labas ng library. "Kinakabahan ako, Sky."
He sighed. "Me too." Sabi nya saka binuksan na ang pinto.
Sabay kaming pumasok. Ang tahimik. Pero hindi ko inaasahan ang makikita ko.
Si Dad, andito din. At si Mom nakaupo katabi ni Dad sa couch. They looked serious. Geez! What's happening. Natatakot na talaga ako.
"Sit down." Utos ni Dad.
Naupo kami ni Sky dito sa couch na tapat ng couch na inuupuan nina Mom and Dad. Sa gitna ay may center table.
"What's going on, Dad? Mom?" Tanong ni Sky.
Hindi ako tulad ni Sky na malakas ang loob. Ako, takot talaga ako kina Mom. Lalo na kay Dad. Mababait sila but when they get mad, nakakatakot talaga.
Tumikhim si Dad. "Baby ko, show them." Sabi ni Dad.
Ilang taon na silang kasal. They are not teens anymore but they still calling each other their original endearment. The 'baby ko' and 'gummy bear'.
May nilabas sa folder si Mom. Dalawang..
O_____O
Nilapag niya sa mesa. "You two, are flying to US on friday. So be ready."
O____O
Napatayo si Sky. Ako naman, parang 'di makapaniwala. Kami? Pupuntang US? Kaming dalawa? Bakit?
"Why Mom? Look, I'm graduating! Bakit ako pupunta don? Kami?"
"Calm down, son. Itutuloy nyo ang pag-aaral nyo sa US. And son, naayos ko na ang mga credentials mo. Pagdating mo dun, same year pa din. So don't worry." Paliwanag ni Dad.
Hindi ako maka-kibo? Lilipat? Dun na kami mag-aaral sa US? No. It can't be.
"But Dad, Mom? Why?" Tanong pa din ni Sky.
"We have reasons, son."
"What reasons, Dad? I need to know because I don't want to go abroad!"
"No one can change my mind, son. This is final. Tomorrow is your last day to SWU. Say your goodbye to your friends and classmates. And there, your Mom will help you pack your things."
"This is impossible! Dad."
"I'm sorry, son." Tumayo na si Dad then he tapped Sky's shoulder bago lumabas ng library.
Napansin ko nalang na tumutulo 'yung luha ko. Wala akong masabi eh. Speechless. Aalis kami? Agad-agad? At ta-transfer ng school? I can't believe this.
"What can you say, baby?" Tanong saken ni Mom. Malambot na ang ekspresyon ng mukha niya unlike kanina. Iba yung authority ng boses nila Dad and Mom pag seryoso sila.
Napailing ako habang umiiyak. "Why Mom? I can't understand why.."
"I can't tell you the exact reasons but remember, this is for your own sake. You too, Skyler. This is for your own sake, babies."
Lalo akong naiyak. Sa tono ng pananalita ni Mom, may reason talaga siya. Pero ano 'yon? Bat di nalang sabihin samen ni Sky pero di kami naguguluhan?
"I don't know Mom if I can understand you this time. I don't get it. I'm sorry." Nag-walk-out si Skyler.
Ako. Wala. Steady lang.
"Mom..gusto nyo bang malayo kami ni Sky sa inyo?"
"Not like that, baby. Malalaki na kayo. Hindi na kayo bata. Act matured now. Pupunta-puntahan namin kayo don. Okay?"
Napailing na naman ako. "No Mom. I don't want to go.."
"Sorry baby. Kilala mo ang Daddy mo. Kapag sinabi nya, kelangang masunod."
T_T
I can't go. Bakit..
Paano na si Shanice, bestfriend ko. Si..si Miko...shit.
Niyakap ako ni Mom. "I love you baby. Remember that, always."
I burst out crying.
--
Miko POV
"Nagkausap na kayo?"
"Yeah. And he decided na sa US na mag-aral ang kambal."
Nakuha ang atensyon ko ng usapan nina Dad and Mom nang marining ko ang kambal. Sino pa bang kambal?
"Mom?"
"Yes, Miko?"
"Sinong mag-aaral sa US?" Tanong ko.
"Shin-Woo twins." Sagot ni Dad.
Shin-Woo twins...sina Hera at Sky? Bakit biglaan? Sa US na sila mag-aaral? Ang alam ko graduating pa si Sky sa SWU.
"Kelan po?"
"Sa friday na ang flight nila. At ngayon ang last day nila sa SWU." Sabi ni Mom.
Magtatanong pa sana ako ng sumingit na si Dad. "Wife, let's go upstairs. Iinom ka pa ng vitamins mo."
"Okay hubby."
Naiwan ako dito sa salas. Ngayon ang last day nila sa SWU? Bakit parang..
Bakit ganito ang nararamdaman ko? I can't believe this. Aalis talaga sila? Gaano katagal? At..
FVCK! Wala dapat akong pakialam pero, bakit may mabigat sa loob ko? No...no! It's fine. Mas mabuti na 'yun. Para malayo saken si Hera. Pero...ah, shit.
--
Chylee POV
"Nakakainis ka Chy. Biglaan naman 'to!" Umiiyak na sabi ni Shanice.
Oo biglaan talaga. Kahapon, nagpaalam na kami sa SWU. Sa classmates, even Phoenix pero sabi nya, keep in touch pa din sa communication. Di ko naman pinagdamot yun.
Nagpaalam na ako sa lahat maliban sa isang tao. At sa tingin ko, 'di naman na kailangan.
Iniyakan ko 'to kase diko matanggap. Mapapalayo ako sa pamilya at kaibigan ko pero alam kong para sa ikakabuti din namin ni Sky 'to.
Naisip ko rin na, tama nga. Nasa stage of moving on ako at tingin ko mas makakabuti saken na lumayo ako. Pero si Sky, alam kong mabigat sa loob nya ang pag-alis.
Kahapon, tinulungan ako ni Mom na mag-impake. Tandang-tanda ko kung gaano rin umiyak si Mom sa pag-alis namin ni Sky. Si Dad, kinausap na din ako ng masinsinan kagabi. He told me that he loves us, Skyler. Um-oo nalang ako sa kanila. I know naman na wala na akong choice pa at wala akong magagawa para mabago ang kung anumang desisyon nila.
"Babalik naman ako, Shan. Wag ka ngang ma-drama!" Biro ko kahit tumutulo ang luha ko.
"Ay nako! Aabangan ko talaga ang pag-uwi. Baka pag-uwi mo, mas ma-nosebleed ako sa pagiging englisera mo ha! Saka yung facebook mo, twitter, skype, instagram, dapat sumagot ka pag kinontak kita ha! Nako, kung hindi susugurin kita dun sa US!"
Bestfriend ko talaga. "Oo na. Hindi ko puputulin ang communication natin, don't worry."
"Ingat ka dun, Chylee. Mami-miss ka namin." Sabi naman ni Phoenix. Andito din siya sa airport.
"Thanks, Phoenix."
"I will miss you, Sky! Nakakainis ka talaga. Wala ng bibili ng ice cream for me." Si Riana.
Kausap siya ni Sky. At si Sky, he looked sad. At alam na alam ko na ayaw nyang umalis. I think, dahil din kay Riana. Ramdam ko naman na inlove ang ka-kambal ko kay Riana. Same as Miko.
Huminga ako ng malalim. At tumingin sa mga tao sa harap ko.
"Ate, ingat ka don. Always post your selfie so that we'll be updated kung nagbabago ang itsura mo." Sabi ni Renzo.
Natawa naman ako.
"Ate, take care. I will miss you." Sabi naman ni Enzo.
"Yes, Ate. Take care. Call us when you're not busy." Sabi naman ni Kenzo.
Umiyak ang triplets nung nalaman nilang aalis kami pero naintindihan din naman nila kahit papaano.
Niyakap ko ang triplets. Mami-miss ko ang mga poging kapatid kong 'to. Then napatingin ako kay Dad and Mom na nakamasid lang sa'men.
"Mom, Dad..I know you're doing this for us. I understand. I will miss you. I promise to be independent, and I promise na pagbalik ko, I'm not the childish Chylee anymore. I love you both." Nag-kiss ako sa cheeks nila at yumakap sa kanila.
"Take care our princess." Teary-eyed na sabi ni Mom.
"Take care, baby." Sabi naman ni Dad.
Alam ko namang ayaw din talaga nilang umalis kami but they have to. Because of their reasons na hindi ko alam.
"Mom, Dad..we need to go inside." Sabi ni Sky.
"Bye Chy!"
"Chylee and Skyler! Ingat!"
"Ate, Kuya! Bye!"
"Twins, we love you."
Naiyak na naman ako. Inakbayan ako ni Skyler.
"Let's go."
Tumalikod na kami sa kanina at pumasok na sa departure area. Nakakaiyak. Aalis na kami ng bansa..
Sa lugar kung saan naroon ang minamahal ko. But is this a good sign? Well, I think yes.
Sa pagbabalik ko, sisiguraduhin kong wala na akong nararamdaman pa para kay Miko. Peksman!
*
A/N : Paalala lang. Mas advance lang 'to ng mga dalawang chapters sa Dream Love pero sabay ang timeline nila. Next chapter will be fastforwarded na. Yung pagbabalik na nila sa Pilipinas so...the reasons ng KYSEA? Malalaman nyo, soon pero babanggitin ko na siya sa Dream Love. So wag kayo malilito.
Hashtag #MPMMNCL
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro