
27
Chylee POV
Dahil binigyan ko ng chance ang dalawang 'yon na patunayan ang sarili nila sa'kin, inihanda ko na ang sarili sa mga bagay na maaari nilang gawin. Ang lakas pa naman mag-asaran ng dalawang iyon.
Phoenix.
Miko.
They are both competitive. Halata naman sa kanilang dalawa kung paano sila mag-angilan kapag kaharap ko silang pareho. Pero kung si Miko, seloso. Si Phoenix, hindi. Kung sabagay, mas matured si Phoenix compare to Miko.
"Ateeeeee!"
Nag-angat ako ng tingin dahil sa malakas na sigaw ni Enzo. Parang babae, makasigaw eh.
"Yes?" Tanong ko sa kaniya habang papalapit siya sa'kin dito sa sofa. Narito ako sa living room. Nagche-check ng mga papeles ng Jollibee branch ko. Hindi ako pumasok ngayong araw dahil naroon naman si Phoenix.
Tumigil siya sa harap ko habang nakatayo. Nakasimangot siya at masama ang tingin sa'kin. Anong problema ng kapatid kong 'to?
"What's with that look, Enzo? Hindi mo 'yan ikina-gwapo." Pagtataray ko. Bilang Ate.
Nawala ang pagkakabaluktot ng mukha niya at sumeryoso siya. Nakapamewang pa siya sa'kin. Seriously? What's his problem with me?
"Bakit ganyan ka, Ate?"
"What?"
"Hindi mo kino-consider ang mararamdaman ko."
Kumunot lalo ang noo ko. I have no idea what he's talking about. "What?"
"Hindi mo inisip na baka masaktan ako."
Nahihilo ako sa sinasabi ni Enzo. "What are you talking about?"
"Ate kita. Dapat mas iniisip mo ang mararamdaman ko."
What the? "Enzo? I can't understand you."
"Ganyan ka naman, Ate eh. Hindi mo ako naiintindihan. Mahirap bang intindihin na masakit dito?" Tinuro niya ang bandang dibdib niya--sa may puso.
Isinara ko ang folder na hawak ko saka ipinatong sa tabi ko. "Seriously, Enzo? I don't have freaking idea why are you like that? What did I do?"
Nanlaki ang mata ko nang mapansin kong teary eyes na siya. What's happening to Enzo?
"Hindi mo alam, Ate? Hindi mo alam ang ginawa mo? Kasi hindi mo iniisip ang nararamdaman ko!"
Oh my God. Mababaliw ako kay Enzo. "Enzo Shin-woo, what the hell is your problem with me? Hindi ako manghuhula. And what's with that..tears?" Kunot na kunot na ang noo ko.
Anong drama 'to?
Tumingala siya na parang pinipigilan ang luha niyang tumulo. Muli siyang tumingin sa'kin. "Ate.."
"Ano?" Gulong-gulo na ako. May nagawa ba akong hindi maganda sa kapatid ko?
"Ki.."
"Ki?"
Muli siyang tumingala para pigilan ang luha niya. May pahawak-hawak pa siya sa sentido niya. Then he looks at me again. Para siyang batang paiyak na.
"Kinain mo ang pakwan ko, Ate."
What..the..? "What did you sayo?"
"I saw you with my two eyes, Ate. You ate my watermelon. You ate my life!"
Okay. I was frustrated because I thought I did something wrong to Enzo. I didn't realize it's because of his pakwan.
"Seriously, Enzo?"
"Seriously, Ate? You know how much I love my pakwan. But still, you ate my pakwan! It's been two days thinking if I'll eat it or not. Because it's hard for me. Then, you just..ugh! Just imagining my pakwan slowly disappearing on your mouth, it feels like hell, Ate!"
Okay. Napa-nganga ako sa mga litanya ng kapatid ko. Paano 'to na-adik ng ganito sa pakwan? Naka-shabu ba 'tong kapatid ko? May pa-drama-drama pang nalalaman.
I calmed myself. Gusto ko kaseng matawa na 'di ko maintindihan. He's acting like this because of his one slice pakwan that I ate a while ago. Naghahanap kase ako ng makakain sa refrigerator then I don't know, naagaw nung pakwan 'yung pansin ko. And there, kinain ko-iwithout thinking na kay Enzo nga pala yun.
"Okay, sorry Enzo.."
"Hindi nadadaan sa sorry lahat ng kasalanan, Ate!"
Kru, kru..
I cleared my throat. May future sa drama si Enzo. Pwede 'tong mag-artista. "Enzo.."
"Ganyan naman kayo, Ate eh. Madali lang sa inyo ang humingi ng sorry pagkatapos n'yong wakasan ang buhay ng pakwan ko. Pero hindi niyo alam, mahirap sa'ken! Mahirap tanggapin!"
"Hey Enzo, 'diba kinakain mo din ang pakwan? Anong pinagkaiba no'n sa pag-kain ko?"
"Kinakain ko sila ng buong puso, Ate! Ikaw, kinain mo sila ng buong gutom!"
Okay. Para akong mano-nosebleed sa kapatid kong ito. I'm seriously having a conversation with him just because of pakwan.
"Hey what's happening here?" Tanong ni Kenzo na naka-jersey pa. Kararating lang galing school.
Tumingin ako kay Enzo na..okay, seryosong nakatingin pa din siya sa'kin. Hindi ko na pinansin ang tanong ni Kenzo.
"Look, sorry okay? Papalitan ko nalang 'yung nakain ko." Sabi ko.
"Hindi lahat ng bagay, basta basta lang mapapalitan, Ate."
"Hugot, Enzo?" Singit ni Renzo na kararating lang din.
"Ate?" Si Kenzo na kabababa lang ng dalang bag at bola ng basketball sa single sofa.
I smiled awkwardly. "Si Enzo galit sa'ken."
"Hoy Enzo. Ba't nagagalit ka kay Ate?" Tanong ni Renzo.
"Kinain ni Ate ang pakwan ko!" Sigaw niya.
"What the hell?"
"What the fvck?"
Reaksyon ng dalawa. Hindi ko na rin alam kung ano pa ang pwede kong sabihin kay Enzo. Laging may sagot.
Huminga ako ng malalim. "Okay, ano bang dapat kong gawin, Enzo? Para mawala na 'yang sama ng loob mo sa'kin?" Mahinahon kong tanong.
"Wala, Ate. Hindi mo kasi alam ang nararamdaman ko. Kapag ba kinain ko si Jollibee, anong mararamdaman mo?"
Napa-pokerface ako sa tanong niya. Enzo is freaking serious.
"What's the commotion here?"
OMG. Dad is here. I looked at him, and there, kasunod niya si Mom.
"Si Enzo nagagalit kay Ate." Sagot ni Renzo.
"And why?" Tanong ni Dad.
"Enzo, what's your problem with your Ate?" Malambing na tanong ni Mom habang palapit kay Enzo.
"Tss." Kenzo rolled his eyes and looked at his phone. Parang bading. Talagang sungit ng isang 'to.
Biglang yumakap si Enzo kay Mom. "Kinain niya ang pakwan ko, Mom. Hindi iniisip ni Ate ang mararamdaman ko." Sumbong niya.
Okay, triplets sila Enzo, Kenzo at Renzo pero sa'ming lima na magkakapatid, parang si Enzo kasi ang pinaka-bunso.
Mom smiled at me. Sa gawi ko kasi siya nakaharap habang nakayakap sa kaniya si Enzo.
I bit my lower lip and smiled a little. Sarap gawan ng blog 'tong si Enzo. Title niya, Nang Dahil Sa Pakwan.
"Enzo, forgive your Ate. I know she didn't mean to do that, right Chylee?" Singit ni Dad habang nagluluwag ng necktie sa leeg niya.
Tumango ako kay Enzo. Nakatingin na ulit siya sa'ken pagka-kalas niya ng yakap kay Mom.
"I'm sorry, Enzo. Hindi ko talaga sinasadyang kainin 'yun. I'm so hungry kanina and I can't understand myself kung anong gusto kong kainin. Nakuha ng pakwan mo ang atensyon ko. Sa sobrang pagkatakam ko, hindi ko naisip na magagalit ka. Sorry na, Enzo." I pouted my lip.
I'm really apologizing because of pakwan.
Enzo pouted his lip too. Para talagang bata. "Oo na. Tch. Sa susunod, 'wag mo na ulit gagawin 'yun Ate. Para kasi akong na-broken-hearted."
"Damn it!"
"Tss!"
"RENZO. KENZO. WHO TOLD YOU TO CUSS WHEN YOUR MOM IS AROUND?" Ma-awtoridad na tanong ni Dad. Lagot.
Ayaw kasi ni Dad na nagmumura sila kapag andito si Mom.
Napakamot ang dalawa sa ulo. And I can't believe, Renzo is now taking a selfie habang nagkakamot ng ulo. Then what? Iu-upload niya sa instagram niya with caption, 'napagalitan ni Dad'
Natawa naman ako sa naisip ko. We-weird ng mga kapatid ko eh.
"Okay, enough for this. Magpahinga na kayo. Sabay sabay tayong magdi-dinner mamaya. Enzo, no hard feelings for your Ate ha?"
"Yes mom." Sagot ni Enzo. "Sorry, Ate. If I acted that way. I just.."
"I understand. It's okay, Enzo. We're okay, right?" Tanong ko.
Tumango siya. "Yes, Ate."
"Baby ko, let's go upstairs. You need to take a rest." Sabi ni Dad kay Mom bago tumingin sa'men. "Pagod ang Mommy niyo kaya niyo na siyang i-stress. Malalaki na kayo." Seryoso niyang sabi.
Dad really loves Mom. Hanggang ngayong tumatanda na sila, hindi nawawala 'yung love, care at sweetness niya kay Mom. My relationship goals.
"Sorry, Mom." Sabi ni Enzo kasunod nila Renzo at Kenzo.
Tumingin ako kay Mom na mukha ngang pagod but still, she's the most beautiful Mom ever. "Sorry, Mom."
Ngumiti si Mom sa'min. "Okay lang mga anak. Ayoko lang na mag-aaway kayong magkakapatid. Maliwanag ba 'yon?"
Tumango kaming lahat.
Hinawakan ni Dad si Mom sa waist at niyaya nang umakyat sa taas. Ah, so sweet.
"Pero, Ate.."
Napatingin ako kay Enzo na nakatayo pa din sa harap ko.
"Ano?"
"Gaganti ako. Kakain ako ng madaming-madami sa Jollibee. Tch." Sabi niya saka tumakbo paakyat sa hagdan. Baliw talaga.
"Such a childish act. Tch." Masungit na komento ni Kenzo habang nakatingin sa phone niya. Naglalaro yata.
Then I looked at Renzo. Halos mapa-nganga ako. Nakahiga sa sofa at nagse-selfie na nakapout. Pabebe!
Napailing nalang ako at ngumiti. I can't believe I had a conversation like that with Enzo. He's so serious. Ayaw talaga niyang may hahawak sa pakwan niya. Adik talaga.
Naalala ko tuloy nung bata ko. On how I am addicted to Jollibee. I even remember when I had a dream about Jollibee marrying Mcdo. I cried a lot because of that. At ngayon kapag naaalala ko, natatawa nalang ako. Lahat naman tayo, may mga funny childhood memories.
Huminga ako ng malalim saka kinuha ang iPad ko na nakapatong sa center table. I'll check my facebook first. Na-stress ako sa conversation namin ni Enzo eh. But the, wala naman akong hard feelings. Natatawa nalang ako. Lahat naman ng tao, may childish side eh.
When I opened my facebook account, ang dami kong notification. Medyo sanay na ako sa ganito. I am Shinwoo. My Dad is popular, that's why.
I clicked the notification icon. Then looked for it. One notification caught my attention.
Prince Miko Abellano invited you to like his page Team Chyko.
What the? Chyko? What's that?
Nakatitig ako sa notification na iyon nang mag-pop-out sa chatbox si Miko.
Prince Miko: Like our page, Hera.
Me: Our page?
Page daw namin? Kelan pa natutong gumawa ng mga ganitong eklavu si Miko?
Prince Miko: Tch. I sent you an invitation. Team Chyko. Like it.
Me: Ila-like ko? Famewhore ka pala, Miko.
Prince Miko: Damn it. Matagal na'kong famous, Hera. I just want you to like that page because that's our page.
Me: Page natin? And why?
Prince Miko: ChyKo. Stands for Chylee and Miko. Naka-like dyan ang mga supporters ko.
Me: Ewan ko sa'yo.
Prince Miko: What the fvck?
Seen 05:52 pm
Akala mo ha. Icha-chat ako para magpa-like ng page. Namin daw? Seriously? Bakit kelangan ng page namin at naka-like daw ang mga supporters niya doon? Eh paki ko naman sa mga supporters niya. Baka fangirls! Psh.
Nag-log-out na ako. Panira ng araw 'tong si Miko eh. Sumandal ako sa sofa saka napahawak sa sentido ako. I need to go to work tomorrow. Ayoko kayang mapabayaan ang branch ko ng Jollibee tho, alam kong hindi naman 'yon pababayaan ni Phoenix.
Di pa man ako nakakatagal sa pagsandal sa sofa ay tumunog ang phone ko. I looked at the screen and it's Phoenix.
I answered it. "Hello?"
"Hi baby. You okay?"
"I was about to rest and relax when you called me." Pranka kong sabi.
"I'm sorry. Just want to tell you that we have a facebook page named Chynix. You can check it on facebook and like it."
"Ha?"
"Take a rest now. I'll hang-up!"
Kasunod niyon ay end tone. Page? I-like daw? Chynix? Kanino Chyko? What's their problem? Puro sila pa-like! Aish. Mga famewhore.
"Ate, what's with your pretzel knots forehead?"
"Pretzel knots?" I asked.
"Hahaha! Heard it from Tita Fancy noong anniversary nila Mom and Dad. Pretzel knots tawag niya kapag nakakunot ang noo eh." Sabi ni Renzo.
Sumimangot ako. "Sakit sa ulo nila Phoenix and Miko eh. Puro pa-like ng facebook pages nila. Mga famewhore yata." Sabi ko.
"Anong page? Nag-send sila pareho ng invitation to like sa'ken eh. 'Yung Chynix and Chyko?"
Tumango ako. "Oo! 'Yun nga. Pa-like sila ng pa-like. Aanhin ko ba 'yung page nila. Psh."
Biglang tumawa si Renzo ng malakas.
"You really inherit Mom's lack of common sense sometimes." Komento ni Kenzo na prente lang na nakaupo sa single sofa.
"Oo nga! Damn. Hahaha!" Tawa pa rin ni Renzo. Pinagtatawanan ako ng loko.
"What's funny?" I asked.
"Funny? Hahahaha! Kasi hindi naman sila famewhore, Ate!"
"What?"
"Pinapa-like nila 'yung page nila. Niyo! Loveteams 'yun! Chyko for Chylee and Miko then Chynix for Chylee and Phoenix. Yung mga nagla-like ng page na 'yon, mga supporters ng loveteam. Halimbawa ako, wala akong ni-like kase ayoko sa kanilang dalawa para sa'yo. Tapos si Reiko naka-like sa Chynix, ibig sabihin kay Phoenix siya boto para sa'yo. Gano'n, Ate!"
Hanudaw? May mga gano'n pa silang nalalaman. "At paano naman napasok sa halimbawa si Reiko at alam na alam mo kung anong page ni-like niya?"
Napansin ko ang pamumula ng mukha ni Renzo. "S-si Ate talaga! S-syempre nakita ko sa facebook status niya. Tch." Aniya at biglang sumeryoso. "Makapag-selfie na nga lang sa loob ng ref. Whoo! Init!"
Bigla siyang tumakbo papuntang kusina. Seriously? Ang lamig lamig dito sa loob ng mansyon. I smell something horsey.
"Indenial. Tch."
Napatingin ako kay Kenzo. Kanina pa 'to nagsa-side comment eh. "Kenzo."
Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "Oh, Ate?"
"Salita ka ng salita d'yan."
"Baka may bibig ako, Ate."
I showed him my pokerface. Isa ring pilosopo eh. "I mean, dami mong side comments."
"Nasa batas ba na bawal mag-react sa mga naririnig ko sa paligid?"
Jusko! Oo na, siya na ang nagmana kay Skyler! "Wala. Pero 'di ko ma-gets mga side-comments mo eh."
"Then, that's not my problem anymore, Ate. Hindi ko obligasyon na ipaliwanag sa lahat ang bawat sasabihin ko." Aniya saka muling tinutok ang pansin niya sa phone niya. He's playing Clash Of Clan yata.
Pero..arrghh! Ang we-weird talaga ng mga kapatid ko! Nakakaloka talaga kapag iba-ibang personality ang kasama mo sa bahay.
Dinampot ko ang folder, iPad at phone ko saka tumayo na. Makapagkulong na nga lang sa kwarto ko nang tumahimik naman ang buhay ko kahit sandali.
-
Miko POV
Putek. Na-seen ako ni Hera. Nasabihan pa'kong famewhore. Sikat na'ko. Bakit pa ako magpapa-like sa kanya kung para sa sarili ko lang. Para sa'min 'yun! Tch.
H'wag niya lang talaga ila-like ang page ni tanda. Rereport ko 'yun sa facebook. I'm typing a message na ise-send to all ko sa lahat ng nasa phonebook ko.
To: All contacts
ATTENTION!
Like the page, Team ChyKo or else tapos na ang maliligayang araw niyo.
Sa lahat ng magla-like ng page ko, palo-loadan ko ng tig-isang libo. Deal.
Spread.
GM/25
Tangina. Thousand na ang likes. Dapat mas dumami pa. Para mas makita ni Hera na mas marami ang sumusuporta sa'kin para sa kaniya--na ibig sabihin, mas bagay kami. Kesa sa tanda na 'yun. Magmumukha silang mag-ninong. Tch.
"PRINCE MIKO ABELLANO!"
Nanlaki ang mata ko sa boses ni Mom. Puta, makasigaw, like a boss. Sabagay, takot din sa kaniya sa Dad.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko kung saan nakatayo si Mom. Buhat pa niya si Yuan.
"Yes, Mom?"
"Ano 'tong text mo na'to? Scam ba 'to? Nangto-torture ka ng estudyante para i-like ang page mo? Famewhore ka, anak? Kelan pa? Ang daddy mo, hindi na nagganyan para maging sikat sa SWU."
Napakamot ako sa ulo ko. Pati ba naman si Mom, sinabihan akong famewhore. Fvck. Na-send to all ko nga pala 'yung GM ko kaya pati sina Mom naka-recieve.
"Mom it's not what you think."
"Whatever, Prince Miko. Ayusin mo ugali mo ha? Ang daddy mo nagpauso ng sawa ka na ba sa buhay mo line tapos ikaw magpapauso ng tapos na ang maliligayang araw niyo line? What the hell?"
"Hey wife. I told you not to cuss in front of Yuan. Tch." Lumitaw si Dad mula sa likod ni Mom at binack-hug si Mom. Puta, sila na sweet.
"Sorry hubby. Si Miko pagsabihan mo ha. Tumatanda ng paurong." Sermon ni Mom saka nag-walk-out.
Napakamot ulit ako sa ulo ko. Si Mom hilig manermon sa'kin. Tch.
"What did you do?" Tanong ni Dad. Patay usapang lalaki sa lalaki 'to.
"Si Mom kasi, na-recieve 'yung GM ko Dad."
"What the fuck is GM? Green minded?"
I showed him my pokerface. CEO 'yang daddy ko ha? Tapos 'yan ng college pero 'di alam ang GM. Sabagay, 'di uso sa kanila 'yan. Lalo ka kay Dad. Eh si Mom lang naman tinetext at tinatawagan niyan.
"Group message, dad. Pfffttt."
"Tinatawanan mo ako, Prince Miko?"
Patay na. "Hindi, Dad."
"Then what?"
"Kasi nananakot ako sa mga tinext ko na tapos na ang maliligayang araw nila 'pag hindi nila ni-like ang page ko."
"Facebook page?"
"Yes, Dad."
"Are you kind of a famewhore? Ikauunlad ba ng Pilipinas kung dadami ang likes ng page mo?"
Fvck! Nasabihan na naman ng famewhore. Tungunu! "No, Dad. I made a page. For those who wants to support me for Hera."
Tumang-tango si Dad. "I see. Then you told them to like your page. And if not, lagot sila sa'yo?"
I nodded. Patay na.
"Good job, son. Always tell them kung sawa na sila sa buhay nila whenever they don't follow you. Okay?" Sabi ni Dad saka umalis na.
What the fvck? Is he serious? Natuwa pa siya. Aba, good job daw. Oh, sawa na ba sila sa buhay nila? Damn it.
Natatawa na napapailing ako kay Dad. Sabi nga ni Tita Fancy, satan si Dad, twin satan ni Tito Kyle. Pfffft. Sabihin ko kaya kay Hera na satan ang daddy niya? Fvck, baka ma-basted ako ng wala sa oras.
Tiningnan ko ang phone ko. May mga reply. Isa na roon ang kapatid ko.
From: Reiko Abellano
Ire-report ko ang page ng chyko! Chynix for the win!
-end-
Panira talaga 'tong kapatid ko. Tch.
Hinagis ko ang phone ko sa kama ko saka ako nahiga. Damn, I want to see Hera. Makapag-isip nga ng magandang surprise para sa kaniya para malamangan ko si tanda.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro