Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

2

Chylee POV

"Uyyy kinikilig ang bruha."

Kanina pa ako naaasar kay Shan. Iniisip niya kasi, kinikilig ako kay Phoenix. Eh hindi naman. Porke ba binigyan ako ng stemmed rose, kikiligin na ako? Psh. 

"Sinong bruha?" Sarcastic kong tanong. 

"Sino pa ba? E'di ikaw. Hahaha!"

=_=

"Mas bruha ka naman saken. Psh. Saka ba't ako kikiligin kay Phoenix? Wala naman akong gusto dyan. Mukhang kwago nga yan eh."

Tumawa 'yung iba kong classmate na nakarinig ng sinabi ko. I just rolled my eyes. 

"Grabe ka, Chy. Kwago talaga? Hm, the more you hate, the more you love. Uyyy.."

*o*

The more you hate, the more you love..

So it means..

"ARAY!" Leshe. Binatukan ako ni Shan out of nowhere. Masasabunutan ko na talaga 'to mamaya eh. "Bat ka nambabatok?"

"Nangingislap na naman ang mata mo. Alam ko na 'yan, Chy. Psh. The more you hate, the more you love. Totoo naman 'yan pero hindi 'yan applicable kay Miko. Kaya 'wag kang assumera dyan. Alam mo at alam ko na walang gusto sayo si Miko. Kahit katiting lang."

</3

Aray. Tagos sa puso. Pero tanggap ko naman na yun. "Alam kong walang gusto saken si Miko. Psh! Pero matututunan naman niya akong mahalin kahit konti lang. Kahit kasinglaki lang ng blackheads mo sa ilong." Sabi ko. 

"Ohmy! May blackheads ako? Waaa! Pahiram ng salamin. Kelangan kong tanggalin 'to!"

OA ng bestfriend ko. Ayun nga, basta nalang kinuha ang salamin ko sa bag ko. Nandito lang naman kasi sa room. Breaktime namin eh. Kaya nagdadaldalan lang kami. 

Pagkatapos ng operation, tanggal blackheads niya, tumingin na ulit siya sa'ken at nag-sermon. 

"Dapat kasi, Chy. Ganito, tigilan mo na siya. Wag kang masyadong maghabol sa kanya. Hindi ka puppy!"

=_=

I know I'm not that perfect girl. I'm a living megaphone dahil malakas talaga ang boses ko. Minsan lang ako magsalita ng normal pero once na sumigaw ako, mabibingi ka talaga. And I know, Miko's irritated with my voice kaya nga minsan pinipigilan kong sumigaw eh. 

"Ayoko. Hindi ako titigil. One of these days, magugustuhan din niya ako Shan. Itaga mo pa sa ABS ng Tito James ko."

"Waaaaa! May ABS ang Tito James mo?" Tanong ni Shan. 

Si Tito James, asawa siya ng Tita ko, si Tita Mandy Aguilar, half sister siya ni Mommy. Magkapatid sila sa father. Si Tito James ang pinaka-jolly sa lahat ng Tito ko. Syempre yung Tito Tigers ko na mga tanders na pero mga gwapo pa din. Mga playboy pa din syempre. Si Daddy lang ang goodboy sa kanila. He-he. 

"Oo. Meron. Ikaw Shan ha! May asawa na 'yun. Wag kang malandi." Suway ko. 

Sinimangutan niya ako. "Hoy Chy. Nagtanong lang ng ABS, malandi na agad? Psh. Ikaw nga dyan naghahabol kay Miko kahit di ka naman mahal."

Paulit-ulit? Alam ko naman 'yun. Psh. Aware ako don. Kaya nga parang normal nalang sa'ken.

"Bat di mo nalang siya tigilan? Madami ka namang suitors dyan. Sama mo na si Phoenix. Head over heels sayo yun."

Huminga ako ng malalim. Bakit nga ba mahal na mahal ko si Miko? Bakit sa kabila ng ilang rejections from me since we were kids, andito pa rin ako, nagpapakatanga sa kaniya? 

"Shan.."

"Oh Chy?"

"Si Miko..there's something about him that just won't let me give up." Makahulugan kong sabi. 

Di ko kasi ma-pinpoint. Basta ayokong tumigil. Sabi naman 'diba sa kasabihan. Kapag may tiyaga, may nilaga. So therefore I conclude that someday, Miko will love me the way I loved him. 

"Martir forever." Komento ni Shan. 

Middlename ko na nga yata ang word na "martir" but I don't care. 

"Ano ba kasing nagustuhan mo sa Miko na 'yun. Alam ng lahat kung gaano siya ka-cold-hearted-guy pero minahal mo pa rin siya. Psh. I don't get you, Chy."

Tumingin ako sa mga mata ni Shan. "Love isn't when you can name a million things about the person. Love is when you can't even find the words to describe how you feel about them."

Napailing si Shan. "Wala na. Tinamaan ka talaga ni Kupido. Goodluck nalang sa puso mo, Chy."

Nag-poker-face lang ako sa kanya. And then, napatingin ako sa phone ko. Si Miko ang wallpaper ko. Kasama niya ako sa picture. Ang totoo niyan..

Apat kami dito sa picture na'to. Birthday niya 'to eh nung seven years old siya. I scann this picture from our photo album. Buti nga katabi ko si Miko kasi na-crop ko siya at ginawang wallpaper. Para tuloy kaming dalawa lang talaga ang magkasama sa picture. 

Bigla akong nalungkot. Ewan, ganito ako minsan. Masayahin at kalog akong babae but sometimes, kahit hindi ko gustuhin bigla nalang akong nalulungkot sa 'di ko malamang dahilan. 

"Ayan na si Ma'am." Sabi ni Shan na nagpabalik sa huwisyo ko. Itinago ko na ang phone ko sa bag ko then humarap na ako sa professor sa harap. 

I know you will love me...my PRINCE. 

--

Tumatakbo ako sa hallway. Kailangan kong bilisan para maabutan ko si Miko. Aish!

"Chy ang bilis mo! Marathon lang? Hintay naman." Sigaw ni Shan na humahabol saken. 

Bahala ka dyan. Bagal mo. Kelangan kong maabutan si Miko eh. 

Pagbaba ko, diretso na ako sa highschool department. Gawain na ni Miko na maghintay sa may quadrangle. Hinihintay niya don ang driver nila. Lagi kasi siyang may sundo. 

Humihingal na napatigil ako. Ayun na nga siya. Nakaupo sa isang bench. Naka-headset pa siya. 

"Grabe, Chy. Bilis mo. Bat di ka sumali sa olympics? For sure makakakuha ka ng gold medal. Ipagmamalaki ka pa ng Pili---"

"Shut up." Daldal talaga nitong si Shan eh. "Lalapitan ko lang siya." Paalam ko. 

Dahan dahan akong lumapit kay Miko. Sa may gilid niya ako kaya di pa niya ako napapansin. 

"HI MIKOOO!" Malakas na sigaw ko. 

"Fvck! Tch." 

Ang sama ng tingin saken ni Miko. Waaa! Pero at least tumingin siya saken. Nagmumura pa. Aish. 

"Sabay na tayo umuwi." Sabi ko saka umupo sa tabi niya. Tinanggal na niya ang headset sa tainga niya. 

"No. May sundo ka diba?" Cold na sabi nya. 

Tumango ako. "Pero pwede naman akong sumabay sa car nyo 'diba?"

"No."

Ang sungit talaga. "Eh, Miko.."

"What?" Iritadong tanong niya. Ang sunguit sungit talaga kahit kelan. 

"I, ah, I love you Miko." Sa wakas nasabi ko ulit. He-he. 

Napatayo siya. "Fvck! Stop it, Hera! Pwede bang tigilan mo na ako? Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na itigil mo na ang kahibangan mong yan?"

"Hindi ito kahibangan Miko." Sabi ko. Hindi ako iiyak. No. Never. 

"Tch. Sinisira mo an--"

"MIKO!"

Napatingin ako sa boses na 'yun. She's running towards us. Napansin ko ang pag-iba ng facial expression ni Miko. 

Si Riana..nakangiting lumapit sa'men. Highschool student din siya. Freshmen yata. Hindi kami close kaya wala akong masyadong alam sa kanya. Bata palang kami, naiinis na ako sa kanya. Basta! Inaagaw niya ang atensyon ng twin brother ko tapos ngayon..

"Hi Chylee!" Bati ni Riana pero bahagya lang akong ngumit. 

Tapos tumingin na siya kay Miko. 

</3

Bakit ganon. Parang may na-pilas sa bandang dibdib ko na mahapdi?

"Kanina ka pa naghihintay? Tara na! Andyan na ang sundo mo. Diba sabi mo sasakay ako sa car nyo?" Nakangiting sabi ni Riana. 

So ganon pala. Ako bawal sumakay sa car nila pero si Riana, siya pa ang nagyaya. 

"Yeah. Let's go."

I saw it. Si Miko..ngumiti siya kay Riana. Tumalikod na siya. 

"Bye Chylee!" Paalam ni Riana. Ang ganda pa ng ngiti niya. Samantalang ako..

Eto, unti-unting nadudurog ang puso. 

"Chy.."

Pinilit kong ngumiti. "Shan! Let's go?" 

"Chy, you're not okay."

"I am." Sagot ko habang pilit na ngumingiti. 

Iba pa rin yung tingin ni Shan sa'ken. She looked worried. "Pwede ka naman kasing umiyak."

And there, kusang tumulo ang luha ko. 

Niyakap niya ako. "Martir ka talaga. Pinamumukha na nga niya sa'yo na ayaw niya sayo, sumisige ka pa rin. Tibay mo ha.."

Lalo akong naiyak. "M-Masakit.." 

"Aba, masakit talaga! Ngayon mo lang naramdaman? Ang tagal tagal ka na nyang sinasaktan, Chy."

Oo. Matagal na. Pero ngayon lang ako umiyak. Ito ang unang pagkakataon na naiyak ako kasi harap-harapan, ang lalaking mahal ko, at ang babaeng kinaiinisan ko..

Ang babaeng umaagaw ng atensyon sa twin brother ko, tapos ngayon pati atensyon ni Miko nakuha na niya din? Bakit siya? Bakit siya nalang lagi?

Ano bang meron sa kanya na wala ako?

"Chy.."

Pinahid ko na ang luha ko. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Shan. "Okay na ako! Tara shopping tayo!" Yaya ko. 

"Silly girl. Ikaw talaga. Pag ako nainis, iuuntog ko ang ulo mo ng matauhan ka eh."

Ang hard ng bestfriend ko. "Psh."

"O siya, tara na. Shopping time!" Sigaw niya. 

Napangiti nalang ako. Kahit paaano, na-cheer-up niya ako. 

Magiging ayos din ang lahat. Kahit nasaktan ako, hindi ako susuko. Alam kong darating ang araw na magiging worth it lahat ng ginagawa kong paghahabol sa kanya. 

*

A/N : Hashtag natin? #MPMMNCL

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro