Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

PROLOGUE


  Expect minor errors.

*****************

  "HERE'S your new mission, Arrow." Inilapag ng boss ko ang isang envelope sa lamesa.

Kinuha ko naman ito at tiningnan ang laman nito. Napasipol ako nang bumungad sa akin ang litrato ni Governor Vasquez.

"Nanganganib ang buhay niya at nang pamilya niya," dagdag pa nito. "I want you to be one of his guard. At the same time, gusto kong alamin mo ang dahilan kung bakit siya gustong patayin. Gusto ko ring hulihin mo ang mga taong iyon, lalo na ang boss nila."

Napatango ako.

"Magkano 'to?" nakangising tanong ko sa kaniya. "Pagkatapos ba nito matatanggap kona ang vacation ko?"

"One hundred thousand," sabi nito. "Just make sure na hindi nila malalaman ang identity mo, specially ang tungkol sa organization."

Umusli ng bahagya ang nguso ko. "Mababa, pero game."

"Wag kang mag easy easy sa trabahong ito, Arrow." Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi biro ang mga gustong pumatay sa kaniya."

"Yeah." Tumayo ako. "Una na ako."

Lumabas ako ng opisina niya. Napahinto ako nang makita sa labas ang mga kaibigan ko.

"Mga tulok!" Natatawang nilapitan ko sila. "Ano bagong mission niyo?"

"Confidential ang bagay na yan," sabi ni Alpha. "Ikaw?"

"Bobo, amp! Kasasabi mo lang na Confidential eh." Napahalakhak ang iba dahil sa sinabi ko. "Diyan na nga kayo! Kasing pangit ng mga mukha niyo, kayo kausap."

Umalis ako doon. Dumiretso ako sa parking lot at sumakay sa black sports car ko.

Agad akong nagmaneho ng mabilis. Sinuot ko yung shades ko para mas maganda ang datingan.

Wala naman akong girlfriend at wala akong babae ngayong linggo, kaya dumiretso ako sa bahay nila Mama.

Bumaba ako ng kotse at dumiretso sa loob.

"NONG NONG!" Sigaw ni Zeus–Pamangkin ko. Tumayo ito at tumakbo palapit sa akin. "Nong nong!"

"Miriam!" Binuhat ko siya. "Punong puno na ang pampers mo ah? Tae laman 'no? Ang baho mo eh."

"Mamajong, Mama eh." Ngumuso ito. "Hugas mo'ko."

"Tuwing uuwi ako lagi akong naghuhugas ng tae mo." Nagtungo kami sa banyo.

Halos maisuka ko ang bituka ko dahil sa baho ng tae niya. Sinimulan ko itong hugasan.

"Three years old kana, dapat marunong ka nang maghugad ng puwet." Hinila ko yung tuwalya at pinunas sa kaniya.

Binuhat ko ito at lumabas ng CR. Nakita ko yung Mama niya sa likod ng hagdan na nagmamajong, kalaro niya si Mama at Papa.

"Ate, yung Anak mo hindi mo man lang mahugasan!" Sita ko dito.

"Nandiyan ka pala," sabi lang nito.

Ibinaba ko si Zeus at nilapitan si Mama. Napangisi ako bago tulungan si Mama, para sa ititira niya.

"Panalo ako!" Masayang sabi ni Mama. "500, 500."

"Epal ka talaga!" Sinamaan ako ng tingin ni Ate.

Nginisihan ko lang siya.

"Dala mo ang kotse mo?" tanong ni Papa.

"Opo," sagot ko. "Gamitin mo ulit?"

Tumango lang ito.

Inabot ko ang susi sa kaniya. Agad niya itong hinablot at tumakbo palabas, sumunod sa kaniya si Zeus kaya agad ko itong hinabol.

"SAMA!" sigaw ni Zeus. "Lolo!"

"Tayo ang gagala mamaya," sabi ko dito. "Pabayaan mo muna si Lolo mo."

"Ayaw!" Pumalahaw ito ng iyak. "LOLO!"

Napakamot naman ako ng ulo ko bago ilabas ang wallet ko. Kumuha ako ng 100 at ibinigay sa kaniya.

Tumahan naman ito at agad tumakbo sa tindahan sa tabi namin.

Naknampucha, manang mana sa Nanay eh.

"Day off mo?" tanong ni Mama.

"Bukas pa po start ng work ko," sagot ko.

Ang alam nila Mama ay isa lang akong simpleng trabahador sa isang kumpanya. Hindi nila alam na isa akong secret agent, bawal nilang malaman dahil matatanggal ako at mapaparusahan.

Gulat pa nga sila noong first time kong iuwi yung sports car ko eh, ninakaw ko daw.

"May magandang career kana sa buhay, sana naman sa susunod may asawa kana at may apo na ako sa'yo," sabi ni Mama. "Napag iiwanan kana ng panahon. Mawawala kana sa kalendaryo, hanggang ngayon binata kapa rin."

"Ma, wala pa si the one eh." Nginisihan ko siya.

"Mama, ini-enjoyan niyan ang pagiging single," singit ni Ate. "Wag kag magulat kung lahat ng apo mo ay panganay."

"Grabe ka! May proteksiyon ako lagi!" Singhal ko dito.

Nakatanggap ako ng kurot kay Mama na ikinatawa ko lang.

I need to enjoy this happy side of mine, dahil bukas ay magiging ibang tao na ako. Isang taong walang emosyon at delikado.

Ako si Waylen ngayon at bukas, si Arrow na ako ulit. I had two personalities. The joyful one and the dangerous one.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro