Realization
Chapter 7
DISASTER!
Ganyan ko ilalarawan ang nangyari ngayon.
Gulat ako at nahihiya habang nakikita ang babaeng naliligo na ngayon sa sabaw. I heard the customers around me gasp and murmur endlessly.
"What the hell?" sigaw ng babae at pinunasan ang mukha nito.
Oh no! It looks like someone will resign soon.
Out of embarrassment, I smiled and grabbed my towel. When I tried to wipe the vegetables off her head, she slapped my hand harshly.
"How dare you throw soup at me?" She shouted; her voice echoed inside the restaurant.
Tinablan naman ako ng hiya at akmang pupunasan na sana ulit ang kanyang ulo nang umatras ito ng bahagya. Napatingin naman ako sa kanyang likuran at napansin ang dalawang babae na sa tingin ko ay kasamahan niya.
"I apologize ma'am. I know it's my clumsiness."
"Well, I don't care! This is so ridiculous! Really ridiculous! You just ruined my day, Mr. Waiter—oh, isusumbong kita sa boyfriend ko!" she screamed.
Nauna itong naglakad palabas ng restaurant. At bago pa man lumabas ang kanyang mga kasamahan, ay sinipat muna ako nito at maarteng iwinagayway sa ere ang kanilang mga daliri.
"Gosh! Nasira na talaga araw ko! As in sirang sira na!" Pahabol pa neto.
"Good thing you're handsome!" the girl wearing a green tube commented and began walking.
"Oo nga! Buti na lang at g'wapo ka kundi baka—bye, poging waiter!" sunod namang wika ng babaeng nakasuot ng shades at sumunod sa kanyang mga kasamahan.
I hate to say this, but I've been getting more attention from people around me. At dahil pa sa katangahan ko. Nakayuko akong binalik sa bowl ang natapong sahog ng sabaw at pinunasan ang sahig gamit ang towel na pinunas ko kanina sa babae.
Hindi ko alam kung nagiging emosyonal lang ba ako, pero ramdam kong nag-iinit ang gilid ng aking mata. Impit kong kinagat ang aking labi habang dahan-dahang pinunasan ang sahig.
It's odd, because the last time I heard that kind of shout, it was coming from my father. Parang bumalik sa alaala ko ang nangyaring pag-konpronta sa akin ng papa bago ko sinalag ang kanyang mga suntok.
Natigil ako sa pag-iisip nang sandaling isang kamay ang aking nakita na tumulong sa akin sa pagpunas sa sahig. It's Renna...
"Punta ka muna sa kitchen. Punasan mo muna mga luha mo.
Napahawak ako sa aking pisnge at nagulat nang naramdaman ang mainit na likdo sa aking pisnge. Agad ko itong pinunasan at nilagay sa tray ang bowl.
"Thank you, Ate Renna." Nahihiya kong tugon at nakayukong nagtungo sa kitchen.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa akin si Kawoo. Walang pasabi na niyakap ako nito.
"It's alright, Steel. It's alright to commit mistakes. Walang masama ro'n, okay?" He gently tapped my shoulder and released me from his embrace.
"Kaw, s-sorry..."
"Shhh... sabi ko 'di ba, it's okay." Nakayuko pa rin ulo ko dahil sa pangyayaringyon. "Hey, it's not your fault, okay? Madami lang talagang factors kaya nangyari 'yon. Huwag mong dibdibin---"
"Steel? Parang 'yon lang umiyak ka na. Ang hina mo pala, eh?"
"TT! Stop it! Hindi ka nakakatulong!" Kawoo defended me.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga at hinarap si TT nang kalmado.
"Hindi, eh! Parang 'yon lang umiyak---"
"TT, ano ba!"
"Yes, Mr. Tyler, hindi ako sing tibay ng loob mo. 'Cause the last time someone shouted at me, it was our father who wanted us to disappear from his life." May diin kong tugon dito.
Kita ko ang magkahalong emosyon sa kanyang mukha. Nariyan ang pagkalito at pagkunot ng kanyang noo dahil sa aking sinabi.
Gustuhin ko mang ilabas 'tong nararamdaman ko pero alam kong wala silang magagawa dahil hindi nila alam ang pinagdadaanan ko. Hindi nila mararamdaman na ang sakit masigawan.
"S-Sorry." tanging nausal niya lamang at walang pasabing umalis sa aming harapan si TT.
Kawoo patted my shoulder.
"Ako na hihingi ng tawad kay TT. Minsan talaga nauuna bibig no'n bago niya maisip ang salita na kanyang binibitawan. I'll leave you here, if that's alright with you. Lumabas ka lang. Take your time, okay?" Kawoo hugged me again before continuing his task.
Napatingin naman ako sa orasan na sa aking taas, hindi pa man nagsisimula ang bakbakan ko sa trabahong 'to pero parang susuko na ang loob ko.
Imagine: I just made a single mistake a while ago, and her scream pierced my heart like my father's. It just hurts me that whenever people shout at me, my ego hurts.
However, pinili ko 'to at kailangan ko iyon panindigan. Hindi 'yong ganito na iiyak na lang ako tuwing nagkakasala. Panghihinaan ng loob sa simpleng problema lang. Learning from our mistakes makes us better. And that's what I should do right now.
Hindi gagalaw ang mga tray, baso at plato kung iiyak ko lang 'to. I should move on, but I'll learn from that horrible experience.
Aja! Fighting! Kaya ko 'to, independent Steel.
Ipinikit ko ang aking mga mata at ilang beses na nag-inhale-exhale habang nagbibilang mula one to fifty.
Matapos ang matinding pagpapakalma ko sa aking sarili ay doon ko pa lang naramdaman ang kaginhawaan sa aking dibdib.
I need to get my arse out of here and do my job as a waiter!
Lalaban ako hangga't kaya ko.
Lumabas na ako ng kitchen.
Napatingin ang lahat ng mga katrabaho ko sa akin nang sandaling magtungo ako sa counter.
Okay, ka lang ba?
I raised my chin and smiled at them.
"I'm beyond okay. Thank you for everything, guys." I answered, then headed to the counter.
I guess I should learn from my mistakes.
Tama lang ang ginawa ko. A single mistake will not ruin me. I will face consequences if I make a mistake.
◦•●◉✿✿◉●•◦
Kalabas lang namin ng restaurant at nagkanya-kanya nang nagtungo sa iba-ibang direksyon.
Matapos ang nakakapagod na pagtata-trabaho as a waiter. Sa wakas! Natapos din ang araw. Bandang alas otso na kami nagsara since alas siyete pa lang ay wala na ring customer na pumasok.
Kasama ko ngayon si Pan-Pan pauwi since sa sakayan din naman siya tutungo.
"Grabe, 'no? Ang lala ng nangyari kanina. Nanigaw ba naman ang bruhildang 'yon." Panimula nito.
Ipinasok ko na lang ang aking kamay sa loob ng bulsa ng aking pantalon at mahinang napatawa sa kanyang sinabi.
"Sabihin mo, ang clumsy ko talaga kanina. I didn't expect my first day to be a mess. Buti na lang at andiyan kayo para alalayan ako."
"To tell you the truth, you created a mess. A mess that surely ruined your life." Panpan said.
Gulat ko siyang binalingan ng tingin. Does he mean something with his words?
"May gusto ka bang sabihin, Pan?"
He sighed, "I'm honest with you, Steel. Sa katagalan ko sa resto'ng 'yon. Medyo kilala ko na ang mga taong naging customer namin. And kanina, you just bumped into the queen bee, Margaux, one of the 4M."
Mas lalong nagsakubong ang kilay ko sa kanyang paliwanag.
"You mean, kapatid niya si Jollibee, kasi queen bee siya?" Pan-Pan just looked disappointed at me.
"Buang! Gets mo na 'yon. Si Margaux ay kilalang personalidad dito sa lugar na 'to. 'Yong tipong suplada, mayaman at may nakakatakot na boyfriend," Pan-pan said seriously.
"Bakit naman nakakatakot? Ano ba boyfriend niya? Maligno? Parte ng kulto? O something like an alien? Gano'n?"
"Alam mo, dinadaan mo lang ata ako sa biro, kasi quotang-quota ka ngayong araw. Pero ang sagot sa tanong mo ay miyembro ng kinatatakutang gangster ang boyfriend ni Margaux."
My brows ceased at halos masamid pa ako sa sinabi niya. "Seriously? Gangster still exists nowadays? Ang jeje naman no'n."
Napatingin si Pan-Pan sa akin at binigyan ako nito ng 'hindi ako nakikipagbiruan look.'
"Jeje na kung jeje. Hindi na ako magtataka kung isang araw ay sugurin ka ng boyfriend niya at bubugbugin. Steel, seryoso ako. Nakakatakot kalabanin si Margaux at ang boyfriend niya."
"Bakit kayo matatakot do'n? Eh, hindi naman dapat katakutan ang isang tao."
"Wow! Seryoso ka ba talaga sa pinagsasabi mo? Hindi mo pa kasi alam ang nagawa na nila sa siyudad na, 'to kaya hindi ka pa natatakot. Jusko! 'Pag nakaharap mo sila, hihilingin mo na lang na ilibing ka kaysa makipag-away ka sa kanila. Gano'n sila kalala, Steel."
"Tsk! Sa dami kong laban sa buhay ngayon pa ba ako matatakot? 'Tsaka wala naman akong inaatrasan. Kahit ako pa 'yong magulpi." Sagot ko rito ngunit tanging iling laman ang naging tugon ni Pan-Pan habang naglalakad kami papuntang sakayan.
We bid our goodbyes before parting ways. Nakasakay na si Pan-Pan ng motorsiklo, habang ako naman ay patuloy lamang sa paglalakad since gusto ko munang makapag-isip-isip.
Malapit na ang simula ng klase. Nakakuha ako ng scholarship at nag-enroll sa isang sikat na unibersidad na malapit lang dito.
The first day of class ang pinakanakakaba sa lahat. Sana nga lang ay maganda ang simula ng araw ng pasukan.
Dahil alam kong magiging challenging ang mangyari. Second semester is coming, and I can't wait to get my diploma and find a stable job.
Ekis muna sa akin ang love life dahil mukhang sasagabal lang siya sa buhay ko.
Habang naglalakad ay napatigil ako nang sandaling mapagawi ako sa isang madilim na eskinita.
I tried to narrow my sight and saw something strange from afar. May mga gumagalaw na pigura at hindi ko mahitsura kung ano ang ginagawa nila.
Napabuntong hininga ako nang umandar na naman ang pagiging pakialamero ko sa buhay.
Gosh! This might put me in danger, but I'm taking a risk here. Baka may buhay na posibleng mawala kung wala akong ginawa.
Dahan-dahan akong naglakad papasok sa madilim na eskinita at hinanda ang aking sarili sa posibleng pag-atake o'di kaya ay panganib na nag-aabang.
Habang papalapit ako ay unti-unti nang naging malinaw sa akin ang lahat.
May tatlong malalaking katawan ng lalake akong nakikita at gumagalaw ang mga katawan nila. Dito ko na lang din napansin na may isang lalake silang pinagtutulungang bugbugin.
Nanlaki ang mga mata ko at dali-daling tumakbo papunta sa kanilang direksyon.
"Hoy! Anong ginagawa niyo? Physical assault 'yan!" sigaw ko rito at napatigil naman sila sa kanilang ginagawa.
Hindi ko masyadong maaninag ang kanilang mga mukha pero nakakasiguro akong malalaking mama ang mga 'to dahil sa silhouette na nakikita ko.
Rinig kong dumura ang isang lalaki at mahinang napatawa.
"Bata, umalis ka na rito kung ayaw mong magulpi ka rin namin." Malalim at nakakatakot ang boses ng lalaki ang aking narinig.
"Hindi! Hindi tama ang ginagawa niyo!"
The three chuckled, "Wala ka na ro'n. At kung hindi ka aalis dito. Mapipilitan kaming gulpihin ka."
Bakit ba kasi ang bayolente ng mga lalaki? Simpleng asaran minsan nauuwi na lang suntukan. Parang mga tanga lang na p'wede namang idaan sa mabuting usapan ang lahat.
"Ang sabi ng mama ko, 'Ang pinakamalaking kasalanan ay kapag may kakayahan kang tumulong, pero wala kang ginawa.'" Sambit ko pero tinawanan lamang nila ako.
"Dong, lulong ka na ata sa Darna." Then they all laughed hard.
Sa Darna pala 'yon? Akala ko kay mama ko narinig. Bahala na nga!
"'Yan! Kakadada niyo sa akin, hindi niyo namalayan na nakatakbo na pala ang ginugulpi niyo."
Napatingin silang tatlo sa kanilang baba at wala na nga roon ang lalaking ginugulpi nila.
"Gago! Hanapin niyo si Zero! Ako na ang bahala sa isang 'to!"
Napaatras ako ng isang hakbang nang sandaling lumapit sa akin ang malaking mama'ng 'yon.
Ramdam ko na ang panganagtog ng tuhod ko sa aking nakikita. Tayo pa lang ng kaharap ko ay halos mawawalan ka talaga ng lakas sa sobrang laki niyang tao.
Pero hindi! Lalaban ako!
As the big guy approached me, I escaped his punch as he got to my place.
I smirked as I noticed something—our image is like David and Goliath.
Mabilis ang reflexes ko, kaya mabilis kong naiilagan ang mga suntok nito. Advantage rin ang liit ko sa kanya dahil madali akong nakakagalaw.
With all my weight in my hand, I quickly threw an intense punch in the guy's face, knocking him off the floor. Mabilis din itong muling tumayo at umatake na naman itong muli.
Gano'n pa rin ang kanyang ginagawa. Panay bigay ito ng suntok sa akin na naiilagan ko naman nang walang kahirap-hirap.
Habang tumatagal ay basa ko na ang galaw ng kalaban, at dito na ako bumeb'welo ng suntok na hindi naman pumapalya.
As I got tired of his punching, I finished off our fight with a strong kick at his head.
Nag-resulta ito ng kanyang pagdaing, kasunod nito ay gumulong ito sa sahig habang hawak ang kanyang itlog na malakas kong tinamaan.
He groaned in pain as I glared at him.
"That's for messing with gays!"
After whispering to him, I left the place feeling like I needed a bath after this long and tiring day.
Nang makauwi ako ng bahay at pagbukas ko ng pinto, hindi ko inasahan ang sasambulat sa akin.
What the hell?
Si Condom Boy!
◦•●◉✿7✿◉●•◦
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro