Mystery Guy
Chapter 3
KALALAPAG lang ng eroplano at sa hindi ko malamang dahilan ay parang umikot ang aking lamang loob. May naramdaman akong kaunting hilo na siyang dahilan kung bakit ako napapahinto habang nagpapatianod sa alon ng mga pasahero.
Wala pa mang ilang minuto at nang bumuti na ang aking pakiramdam ay tumakbo ako papasok ng isang building.
Nasa may labasan na ako at nag-aantay ng masasakyan ngunit napatigil ang aking tingin nang may nakita akong pamilyar na pangalan sa may kalayuan.
Steel Zander!
Basa ko rito. Agad naman akong nagtungo sa direksyon ng lalakeng may hawak no'n.
"Kayo po si Steel Zander?" tanong ng taxi driver. "Hi po, ako nga pala si Banjo. Isa ako sa nag-re-renta sa apartment ni Aling Cassandra," he extended his hand which I gladly accept.
Behind my mask, I smiled at him.
Pinasundo pala ako ni Tita Cass baka kasunod nito ay may kapalit.
Tinulungan ako ni Kuya Banjo na isakay ang mga bagahe ko sa loob ng taxi. Pumuwesto naman ako sa back seat at ramdam kong para akong lantang gulay.
"Kuya Banjo, p'wede po bang matulog na lang ako rito sa likod?"
"Sure, S-Steel! Gisisingin na lang kita 'pag nakarating na tayo sa apartment ni Aling Cassandra."
Nagpasalamat na lang ako at nahiga. Binaluktot ko pa ang aking katawan para magkasya. Hindi naman masyadong malamig kaya mabilis akong nakatulog.
NANG imulat ko ang aking mata ay bumungad agad sa akin ang likuran ng upuan, nasa taxi pa rin ako. My eyes blinked many times, even feeling like I had a headache.
Bumangon ako sa pagkakahiga at gano'n pa rin ang aking paligid. Puro street lights ang nakikita ko labas.
Malakas ang tugtog ng speaker habang umaawit naman si Kuya Banjo.
Hindi pa pala kami nakakarating sa Bulacan? Halos isang oras na, ah. Gano'n pala katagal ang biyahe.
"Naiisip kita...Lagi, la---"
"Kuya Banjo---"
"Jusmiyo Marimar!" saglit napatigil sa pagmamaneho si Kuya Banjo nang sandaling nagulat sa biglaang pagtawag ko sa kanya. "Steel naman! Papatayin mo ba ako sa nerbiyos!" Pinatay niya ang speaker at binuksan ulit ang makina.
"Sorry po. Akala ko kasi napansin niyo ang paggising ko."
"Hinay-hinay... ano ba kasi ang concern mo?"
"Matagal pa po ba tayo?" I asked curiously.
"'Eto, malapit na. And just like that! Nandito na tayo! Halos apat na oras din ang biyahe kasi traffic!" he explained. Medyo nagulat naman ako sa kanyang sinabi dahil parang isang oras lang ang tulog ko.
Through the window, I noticed civilians passing by. This place is crowded.
"Dito po?"
"Dito na nga. Ganito na lang, lakad ka pa 'onti hanggang sa makita mo ang isang kulay berdeng paupahan do'n. Huwag kang mag-alala, mababait ang mga tao rito. Pasensya ka na, ah. Hindi na kita masasamahan. Kailangan ko na kasing magtrabaho."
Tumango na lang ako sa kanyang sinabi. Agad siyang bumaba ng sasakyan at sumunod na lang ako. Matapos niyang maibaba ang mga bagaheng dala ko ay agad din itong umalis.
Naiwan naman akong nakatingin sa isang court na may naglalaro.
At sa muling pagkakataon ay naagaw ko na naman ang atensyon ng mga tambay sa may gilid.
"Sino na naman kaya 'to?"
"Baka bagong uupa kay Aling Cassandra?"
"Ang pogi,'no? Parang Koryano? O baka may lahi talaga 'yan?"
Hanep mag-usap, ah. Parang wala ako malapit sa kanila.
I ignored them and went for a walk beside the court. And yes, napapatingin ang ilan sa akin lalo na't may bagong mukha ang nadagdag sa kanilang barangay.
Ilang lakad pa lang ang nagawa ko nang mapansin ko na sa kalayuan ang sinasabing kulay berdeng paupahan ni Kuya Banjo.
The moment I got on the porch, a woman in her purple robe with a towel hanged around her neck greeted me.
Basa pa ang buhok nito na halatang galing lang sa pagligo.
Sobrang strikta ng mukha nito at kilay niyang gusto kang takutin sa sobrang tulis ng gawing dulo nito.
"Ikaw na 'yan, Steel?!" nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ang matinis na boses ni Tita Cass.
Walang pasabing lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Grabe, Steel, ang laki mo na!" nahirapan pa si Tita Cass na yakapin ako dahil sa aking tangkad. "Ikaw talagang bata ka! Sinurprise mo naman si tita!" kumalas ito.
"Good evening po, tita." Nagmano ako sa kanya.
"Halika, pasok ka muna sa amin. Kain ka muna ng hapunan bago kita ihatid sa tutulugan mo..." wika nito at tinulungan na nga niya ako sa aking bagahe.
Hindi ko inasahan ang bubungad sa akin sa loob ng bahay.
Nagkalat ang mga laruan habang naghahabulan ang dalawang batang babae na sa tingin ko ay kambal. May isang lalake naman na nakaupo lang sa sofa at naglalaro sa kanyang telepono. At isang babae naman sa may hagdan na halatang may ka-video call.
Nang sandaling dumaan ako sa kanilang harapan ay natigil ang mga ito.
"Hey, Carrie! Stop playing! May visitor si mommy!" pagsaway ni tita sa kanyang kambal.
"Mommy, siya na ba si Kuya Steel?" rinig kong tanong ng bata sa may sofa, nang makarating kami sa kusina.
"Siya na nga!"
"Dito po ba siya matutulog?" muling tanong nito.
"Hindi!" she yelled. Hinarap ako ni tita habang nagsasalin ng tubig sa hawak niyang baso. "Sorry, Steel, ah. Hindi muna kita mapapatulog dito sa amin. Alam mo naman, 'di ba? Pati asawa ko parvvang si Kuya Simon."
"Ah, okay lang po, tita."
"Kain ka na. Huwag kang mahiya. Tapos na kaming maghapunan, hinintay rin talaga kita. At habang kumakain ka, sasabihin ko na sa'yo ang dapat mong malaman sa pagtira mo rito." Inilapag niya sa lamesa ang baso na may tubig at ibinigay sa akin.
"Una, wala ka ng problema sa magiging renta mo rito. Kumbaga i-li-libre ko na siya para sa'yo..." napatigil naman ako sa pagsubo ng ulam nilang adobong manok. "Ikalawa, pasensya ka na dahil ang iba mong expenses tulad ng tubig at kuryente ay paghahatian niyo ng roommate mo. May ilang equipment na sa titirhan mo. Stove, washing machine, rice cooker, drawer, kama, water dispenser at isang maliit na fridge, libre mo siyang magagamit pero ang konsumo sa kuryente ang magiging problema niyo. As she said, "Pangatlo...," she leaned closer to me as if this was a controversial conversation. "Be careful sa roommate mo..."
"Bakit p-po?" kinakabahan kong tanong dito.
"'Yong roommate mo kasi ay isang lalake. Kaso nga lang, basag ulo siyang tipo ng tao. Gets mo 'yon? May time kasi no'n na umuwi siyang duguan o 'di kaya ay may pasa. Sobrang tahimik din niya at madalang makipag-usap sa akin." Pabulong na sagot ni tita.
Nangunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi.
"It's alright po, tita. Kaya ko po ang sarili ko..." I assured her.
"Kaya? Eh, ano 'yang band aid sa ilong at pisnge mo?"
"Ahh, suntok po 'yan ni papa. Hindi ko na po inilagan... para mailabas niya lahat ng hinanakit niya sa akin..." naiilang kong sagot.
"Sayang naman ang gwapo mong mukha. Pero okay lang kasi mas cool ka naman tingnan."
Gusto kong tumawa sa sinabi nito. Nagkasugat-sugat na ay cool pa rin tingnan? That's hilarious!
Matapos ang aming pag-uusap ay hindi na ako kinulit pa ni tita at naghapunan na nga ako ng matiwasay.
Ilang beses ko pang narinig ang sigaw ni tita dahil sa kulit ng kanyang mga anak. Nilapitan pa ako ng isang kambal at gusto sanang makipaglaro sa akin pero pinigilan ito ni tita at nirason na lamang na pagod ako sa biyahe.
Right after my dinner, Tita Cass handed me the key to my room. Inutusan niya si Cess na samahan ako. Ang awkward pa ng atmosphere sa amin dahil hindi kami nagkikibuan. Itinuro niya lang ang k'warto sa akin at nagmamadaling umalis.
Nasa third floor ang room ko at pinakadulong parte pa.
I was in the front and noticed that the room was dark. Wala kayang tao sa loob?
After knocking slowly on the door, I waited for a response. Ngunit wala akong nakuhang sagot sa kabilang pintuan kaya minabuti ko na lang na gamitin ang susing ibinigay sa akin.
Nang pinihit ko ang pintuan ay laking gulat ko nang bigla na lang akong makarinig ng ungol sa isang k'warto. Naka-off ang buong ilaw kaya minabuti ko na lang na gamitin ang flash light ng aking telepono.
Unang bumungad sa akin ang nagkalat na chichirya at ilang bote ng beer.
Ang kalat ng buong silid. Napansin ko pa sa kusina ang tambak na hugasin na parang hindi na ginalaw ng ilang araw.
May nakita rin akong panty at bra rito sa may couch.
Grabe, 'di ko alam na ganito pala ka-wild ang kasama ko sa silid na 'to.
Kanina ko pa gustong takpan ang tenga ko dahil sa kung ano-anong pinagsisigaw ng babae sa kabilang k'warto.
"Ang sakit, babe! Ahhh!" makailang beses na umungol ito't rinig ko rin ang ingay ng kanilang katawan.
Hindi ko kinaya ang lampungan ng dalawa. Ganito nangyayari 'pag galing ka sa conservative family. Nagugulat ka na lang na may milagro nang nagaganap at hindi mo alam kung anong gagawin.
Kasi kung ako lang, kanina ko pa gustong umalis pero sa ngalan na gusto kong makapagpahinga ay agad na akong pumasok sa kabilang k'warto.
Nang buksan ko ang pinto ay napansin ko agad ang linis nito. Hindi man lang nagalaw at halatang pinaghandaan ang pagdating ko.
Napangiti na lang ako dahil sa halatang pinag-effort-tan ang design sa loob.
Agad kong nilapag sa gilid ang mga bagahe ko at hinayaan ang aking sarili na mahiga sa malambot na kama.
Grabe! Sa sobrang lambot ng hihigaan ko, mabilis akong makakatulog nito. Bukas na ako magbibihis.
I stretched my arms and hugged a huge bolster beside me. Singlaki ko lang din ito kaya mas lalo akong naging komportable.
Ilang segundo lang ang nakalipas, namalayan ko na lang na tinamaan na ako ng antok dahilan para makatulog ako.
◦•●◉✿✿◉●•◦
NAGISING ako nang sandaling may naramdaman akong gumalaw. Kinakapa kapa ko ang nahawakan ko. And to my surprise, ang unan na yakap-yakap ko kagabi ay hindi na malambot.
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at napapikit muli dahil sa tumatamang liwanag mula sa labas ng bintana.
Ilang segundo lang nang tuluyan ko nang naaninag ang loob ng k'warto. Pero hindi ko inasahan ang sunod kong nakita.
Am I still dreaming?
Is this real?
What's the name of the guy sleeping beside me?
Dito na ako natauhan nang humarap ang katawan nito sa akin nang nakapikit ang kanyang mata.
"Waaah!" I shouted and panicked.
Nahulog ang lalaki sa kama habang ako naman ay napatalon palayo sa kama. Nakuha ko pa ang isang unan at handa na itong ihampas kung sakaling aatake ito.
"Sino ka?! Bakit katabi kita sa kama?! You pervert!" gulat kong tanong.
Nakarinig naman ako ng ungol mula rito.
Wait, siya kaya 'yong lalakeng may ka-milagrohan kagabi? Kung siya nga 'yon... like yucks! After nilang mag-make out ay tatabi siya sa akin.
Baka hindi pa siya nakakapaglinis ng katawan. Like nakakadiri!
"That hurts!" napantig ang tenga ko sa boses nito.
A deep voice. Ang unusual makarinig ng ganitong boses na bubungad agad sa paggising mo.
"Sino ka?! 'Tsaka bakit nandito ka sa kama ko----I mean sa k'warto ko?"
Kita ko ang kamay nito na pinatong niya sa kama.
Shemay! Medyo maugat kamay niya! Nakakainis!
"Are you done?"
Dito na siyang tuluyang tumayo at hindi ko inasahan ang kabuoan ng kanyang hitsura. Mas matangkad ito sa akin at una ko talagang napansin ang katawan nitong sobrang puti.
I hate to say this but he has six-pack abs. And ang pinkish din ng utong niya... same with his lips.
Ayoko na!
Puring-puri na siya sa isip ko!
"H-Hindi ako si Dan! May pangalan ako, 'no?!"
"Idiot!" he hissed.
Napa-arko ang kilay ko sa kanyang sinabi. He bent his body while flexing his Calvin Klein brief. Pinupulot pala nito ang kanyang damit sa sahig.
How come I didn't notice his presence last night
Pumasok ba siya ng bintana? O baka tulog mantika talaga ako kaya hindi ko siya napansin? Pero still, nakakagulat talaga na siya agad ang bubungad sa umaga ko.
"Paano ka nakapasok dito? K'warto ko 'to! 'Tsaka sino ka?" sunod-sunod kong tanong pero ni isa ata no'n ay wala siyang planong sagutin ako.
"Stop whining, young one. Did you enjoy last night?"
Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
Huh? Eh, diretsong natulog naman ako kagabi.
"Anong last night?" napahawak tuloy ako sa aking damit at pantalon.
Doon na nanlaki ang mga mata ko nang makapa na wala sa aking pangbabang damit ang sinturon.
Bukas din ito at ang aking zipper.
Nanlaking mata ko siyang tiningnan at inis itong pinukol ng tingin.
He grinned.
"Anong ginawa mo?!" inis kong tanong sabay tapon ng unan sa kanyang direksyon.
Wala lang sa kanya ang pagtapon ko habang sinusuot nito ang kanyang damit. And damn! I find him sexy while doing it!
Dito na ako tuluyan nanlamig nang mapansin ang puting mantsa sa kanyang itim na damit.
Hindi ako lasing kagabi pero bakit ganito ang nangyayari?
First time ko 'tong sasabihin sa isip ko.
Pautang ina!
◦•●◉✿3✿◉●•◦
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro