4M
Chapter 8
"LUCIUS!"
Napasigaw ako sa gulat nang makita ang roommate ko na kasalukuyang nakasandal sa sofa habang hawak-hawak nito ang kanyang brasong nagdurugo.
Gago! Ano bang nangyari sa kanya? Bakit may dugo? Napaaway kaya ang gagong 'to?
Sinipat ko ang kanyang braso at napansin ang malaking hiwa rito. Hindi ko alam kung ano ang nakasugat sa kanya pero sa nakikita ko ay kutsilyo ata? Since malinis ang pagkakahiwa rito.
"Makakatayo ka ba? Isusugod kita sa hospital?"
"Please, huwag! Ayoko kong ma-ospital. Ngayon lang, Steel. Please, huwag mo akong isugod sa ospital." I was taken aback by what he said. He sounds calm and serious about pleasing me. More like he sounds serious.
Did I just see Lucius' other side?
Napasabunot ako sa aking buhok nang makita kung gaano siya ka-desperado na huwag muna siyang isugod sa ospital.
Jusko! Magiging rason ata 'to ng highblood ko! Ang laki ng sugat tapos ayaw man lang na isugod sa hospital. 'Pag ito talaga nahimatay rito, ako na mismo magbibitbit sa kanya.
"Just wait here, okay?"
Hindi ko na siya inantay pang sumagot. Mabilis akong nagtungo sa lababo at kumuha ng palanggana sabay bukas ng gripo. Tumakbo rin ako sa k'warto ko para kunin ang bandage, betadine at malinis na towel.
Wala akong alam sa first aid pero sure akong hindi naman ata mag-ko-cause ng infection 'tong gagawin ko?
Binalikan ko siya dala ang mga gamit at hinayaan na sumandal sa sofa.
"Okay, wala akong alam sa first aid kaya pasensyahan na lang tayo, Condom Boy."
Sa nanginginig kong kamay, binasa ko muna ang towel sabay piga nito matapos mabasa. As I wiped the blood from the cut on his shoulder, I slowly damped the towel over the spot where the cut was now visible.
"Aw! Dahan-dahan lang naman, Steel! Ang sakit niyan." Daing nito kahit hindi ko naman diniinan ang pagkakalapat ng tuwalya.
Muli kong binabad sa palanggana ang tuwalya at pinigaang muli. Sa ikalawang pagkakataon ay muli kong dinampian ang kanyang balikat at dito na ako tuluyang hindi makapag-focus nang makita ang malaking hiwa sa kanyang braso.
"Huwag mong masyadong basain, nakakapanghina ang sakit ng basa."
I find him amazing kasi hindi siya sumisigaw kahit alam kong nasasaktan ko na siya sa pagpupunas ko.
"Sorry na. 'Eto na, patapos na." Wika ko at marahang hinipan ang kanyang sugat.
Nilapit ko pa ang aking mukha rito since hindi masakit kung mainit ang hininga na lalapat sa kanyang sugat. Hindi naman siya umangal nang makailang beses kong hinipan ang kanyang sugat.
Nang sandaling iangat ko ang aking tingin ay gano'n na lang ang gulat ko nang mapansin na sobrang lapit lang ng kanyang mukha sa akin.
Halos three inches na lang ang pagitan sa aming dalawa.
At sa hindi malamang dahilan, bigla na lang may kung anong kumalabog sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Halos mag-init ang mukha ko sa aking nakikita. My eyes traveled to his neck and saw his Adam's apple flip upside down, and I honestly gulped when I saw it.
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya. Isama mo pa ang kanyang matang kulay hazel brown na nanghihipnotismo sa ganda.
I was taken aback when I heard a click on the door. Nang lingunin ko ito ay gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Vleex na kapapasok lang.
Agad niyang nabitawan ang hawak niyang supot na hindi ko alam kung anong laman.
It looked like he was disappointed with what he just saw by the way his shoulder dropped.
"Vleex? Anong ginagawa mo rito?" I asked.
"I'm here to visit you. Hindi mo man lang ba natanggap text ko?"
"S-Sorry, hindi ko na na-check ang phone ko pagdating ko rito."
Muling pinulot ni Vleex ang kanyang dalang supot at diretso itong nagtungo sa kusina nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Lucius.
What the hell? Tama ba ang nakikita ko? Wala man lang siyang pakialam sa kaibigan niya?
He disappoints me so much. Mabigat akong napabuntong hininga at muling binalikan ang trabaho ko kay Lucius na kasalukuyang nakapikit.
Hindi ko pa rin maalis sa isip ko na ang manly ng features ng gagong 'to. Hmmm!
Binuhusan ko ng betadine ang kanyang sugat nang dahan-dahan. Hindi naman ito umangal kaya at pinipilit nitong hindi makagawa ng ingay.
Grabe, nagawa niyang indain ang gano'ng sakit? Siguro kung ako nasa p'westo niya ay halos maglulupasay ako sa sakit ng katawan ko.
"Ganyan ba kayong magkakaibigan?"
"W-what do you mean?" he asked with his eyes half-closed.
I sighed, "Look at Vleeex. Hindi man lang nagulat at tinulungan tayo sa sugat mo. Diretsong kusina ang isang 'yon. Nakaka-disappoint naman friendship niyo."
"Vleex knows how to respect a relationship with others."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi.
"What do you mean?"
He scoffed and a beautiful smile formed on his lips.
"He knows how to respect a couple's privacy---ahh! Ang sakit, babe!" Dito na siya napahiyaw sa sakit nang hinigpitan ko ang pagkakabalot ng bandage sa kanyang braso.
"Babe mo mukha mo!" Tumayo na ako at mabilis na niligpit ang mga ginamit ko sa aking panggagamot. "Bihisan mo 'yang sarili mo nang mag-isa!"
Inis kong sambit at umalis sa kanyang harapan. Binalik ko na sa mga p'westo ang mga ginamit ko sa first aid ko kanina at nagbihis agad sa k'warto. Suot ko ang grey na sando at black shorts. Litaw tuloy ang kaputian ng binti ko.
Naiiling akong lumabas ng k'warto dahil hindi ko pa rin matanggap na hindi man lang aligagang tinulungan ako ni Vleex kanina.
'Yong tipong kinakabahan ka na at halos manginig ka na sa takot dahil sa malaking sugat ng kasama mo ta's 'yong kaibigan niya ay hindi man lang nagawang tulungan ka. Ni pagkataranta ay hindi ko makikitaan sa mukha ni Vleex.
"Ano 'yan, Vleex?" tanong ko nang sandaling makarating ako sa kanyang p'westo. Nagulat ako sa aking nakita lalo na't gutom na rin ako. "Wow! Street foods. Para kanino 'yan?"
"Para sa atin."
"Talaga?" Ayos! May libreng street foods ako sa hapunan! Tama, gutom na ako.
Binalingan ko ng tingin si Lucius na hindi man lang natinag sa kanyang p'westo. "Uy, condom boy! May street food tayo. Libre ni Vleex."
"Ahh, sa atin lang 'to, Steel. Huwag mo nang imbitahan 'yang isang 'yan." Agad ko siyang tinapunan ng masamang tingin.
I sighed, "Ganyan ba talaga bonding niyong magbabarkada? Parang wala man lang kayong pakialam sa isa't-isa."
Vleex turned his head on me and flashed a cute smile, "'Tsaka na ako matataranta kapag hindi na humihinga ang gagong 'yan."
Hinampas ko siya sa kanyang braso, "Ang sama mong kaibigan. Ekis ka sa akin."
"Wait, ekis means na-turn off ka sa akin?"
Ekis means turn off? Sabagay, nakaka-turn off naman talaga kapag hindi mo magawang tulungan ang kaibigan mong naghihingalo.
I nod, "Yes. Ayaw ko kasi sa mga gano'ng tao. Ni hindi mo nga siya papakainin ng dala mong street---"
"Lu! I'm coming for you, papakainin ka ni Vleex the beloved friend!"
I stared at Vleex when he quickly walked towards Lucius holding a bowl of tokneneng.
Hindi ko alam kung sincere ba si Vleex sa ginagawa niya o dala lang ng sinabi ko na gusto ko siyang maging mabuting kaibigan kay condom boy. Parang napipilitan lang ata ang mokong na 'yon. Lol!
Hinarap ko ang dalang street foods ni Vleex at nilantakan ang kikiam na una kong nakita.
I smiled when I smelled its aroma, but my smile grew bigger when I remembered that smile.
Gago! Nakakakilig pala ang ngiting 'yon.
Ang malaking tanong ko na lang talaga rito ay kung paano ko maiiaalis sa aking isipan ang ngiti ng hinayupak na 'yon.
◦•●◉✿✿◉●•◦
TIME flies fast.
In my new university, it's already the beginning of our second semester. Literal din na bago ang lahat kaya mangangapa na naman ako neto sa aking paligid.
Another thing na poproblemahin ko ay kung sasabihin ko ba sa lahat na bakla ako o itatago na lang?
I live in a generation where people judge us by our appearance. Big deal na sa panahon ngayon kung bakla ang taong may lawit tapos hindi nila ito titigilan sa kakakutya.
I don't get why people hate those people especially if you are part of LGBTQt.
Tao lang din naman kami and we always wanted love and acceptance from others.
Kaya minsan ang hirap i-express ng sarili mo dahil takot ka sa panghuhusga ng mga tao. Sana lang isang araw matanggap kami... ako... lalo na ni papa.
Napatigil ako sa pag-iisip nang sandaling makarating ako sa harap ng eskwelahan.
Students have been rushing to enter the premises before eight in the morning.
May nakikita akong walking alone or in a group. Now that I am in a new school, siguro need ko munang itago kung sino talaga ako para iwas gulo na rin. Kailangan kong makapagtapos at kung sakaling darating ang araw na mabubuking ako ng lahat, sana lang ay handa ako sa araw na 'yon.
I hate to say this, but I literally got everyone's attention as soon as I entered the gate. And I find it irritating kasi hindi pa rin ako sanay sa mga ganito.
"Beh, new crush unlocks!" saad ng isang babae na tumigil pa sa paglalakad para lang tingnan ako.
"Sana maging kaklase natin siya!" the girl next to her giggled.
Napakamot tuloy ako sa aking batok. This is really awkward.
Nagpatuloy ang ganoong scenario hanggang sa pagpasok ko sa building at kahit sa pagdating ko sa classroom ay gano'n pa rin.
I hate people's stares!
Mukhang hindi naman ata ako naligaw at mukhang tama naman ang napasukan kong classroom kaya umupo na ako isang bakanteng upuan malapit sa may bintana.
Grabe! Kinakabahan ako sa first day ng class.
In case I forgot, I left Lucius with a ready meal for him when I left the apartment. Buti na lang at gumaling na ang gagong 'yon. Nakakaalis na siya ng apartment at buti na lang ulit ay wala namang nangyaring masama sa kanya matapos ko siyang gamutin.
At hindi ko rin masyadong gusto ang trip ng magkakaibigan na 'yon. Puro babe at baby ang tawag sa akin. Ginawa pa akong bata at pinangalan pa sa akin 'yong baboy sa palabas. They are really jerks!
Nanatili akong tahimik habang inoobserbahan ang loob ng klase. Kakaunti pa lang kaming estudyante at tsansa ko ay halos 25 lang kaming mga estudyante.
The bell rang and a teacher entered the room.
He smiles at us as he holds a book and paper.
He introduced himself as Teacher Yton Bolleros, our Technical Drafting instructor. Hindi na rin siya nagpa-introduce yourself dahil kikilalanin niya na lang kami isa-isa sa paglipas ng araw.
Sinimulan niya rin ang klase sa pamamagitan ng pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Halos i-k'wento niya na rin ang buong buhay niya during the whole period. Kumbaga inubos niya ang oras sa pagpapakilala.
He left after the bell rang.
I was waiting for our next teacher when three familiar faces entered the room.
When I say familiar...literal na sobrang pamilyar talaga.
Nagulat ako nang maalala kung saan ko sila huling nakita.
That one M from 4M gaya ng sabi ni Pap-Pan. Margaux with her goons.
It seems like she's acting cute, twirling her bottom, but it looks so cringeworthy.
Halos hindi ko siya kayang tingnan dahil hindi talaga bagay sa kanya ang ginagawa niya.
Kaya minabuti ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa ibang bagay.
I can't forget her screaming at me when I accidentally poured soup on her. And she even said na isusumbong niya ako sa boyfriend niya. Days had passed pero hindi naman niya ako sinugod kasama ang boyfriend niya pero ngayon na nalaman kong kaklase ko siya ay sigurado akong maalala na niya ako.
Makikita ko siya lagi sa apat na sulok ng k'wartong 'to at higit sa lahat, baka hindi na kami matigil kakabangayan. Weird pero ramdam kong hindi kami magkakasundo ng babaeng 'yan.
"This is ridiculous!"
Nagitla ako nang may biglang paghampas sa lamesa dahilan para mapatigil ako sa aking pag-iisip. It's Margaux.
"Tama, Margaux, sobrang panget na tuloy ng araw natin... pero ang g'wapo niya talaga..." the girl with a lollipop whispered her last statement.
"Nalimutan na sana kaso nakita natin siya ulit. You should call your boyfriend then..."
"Hey, Mr. Waiter! Today is not your lucky day dahil hindi ka na makakatakas sa akin. I'm calling my boyfriend to beat the hell out of you. It's payback time."
Mas lalo akong nawindang sa boses ni Margaux, halos ipitin na niya ang vocal chords niya para lang magtunog mean and at the same ay ginagaya niya 'yon nasa pelikula na mga Mean Girls.
I just looked boring at them. Hindi talaga ako tatantatanan ng tatlong 'to. Hindi pa rin sila nakakaganti sa akin kaya hindi rin sila titigil hangga't sa makita nilang satisfied na sila sa paghihiganti sa akin.
As our fightstarted, I didn't expect to live in hell.
...the 4M...
◦•●◉✿8✿◉●•◦
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro