Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

19

Trigger Warning: mention of blood and death.

"I-lock ang pintuan, ah?" utos ko sa mga kapatid kong naka-tipon sa sala. Pinakita ko pa sa kanila ang kandado at susi. Paalis kasi ako para sa group project namin for Science Month. Daming alam, pa-exhibit-exhibit pa. 

"Opo, ate," sagot ni Luke habang nagsasagot ng assignment niya, may numbers numbers kaya Math ata 'yon. "I'll be the one who'll guard them."

Agad namang sumingit si Lukas, "Ha? Ako magbabantay sa inyo!"

"Shut up. Ate, give me that lock and keys." Luqmapit sa akin si Leah at biglang kinuha sa akin 'yung hawak-hawak ko. 

"Alam niyo? Kung mag-aaway-away lang din kayo, papalayasin ko kayo. Isa!" Pagbabanta ko pero nakangisi ako sa loob-looban.

Sa huli naman ay napaayos ko rin silang tatlo. Luke volunteered na siya raw ang magbabantay sa mga kapatid niya. Si Lukas naman daw ang magbabantay sa pintuan, at si Leah naman daw ay gagawa rin ng assignments niya. 

"Ate!" tinawag naman ako ni Lukas bago ako lumabas. "K-Kailangan ko po ng 1 whole sheet pad. Exam kasi namin bukas po."

"1 whole sheet. Ano pa?"

"Ayon lang. Salamat, Ate Che!"

"Sure ba kayo? Wala na kayong ipabibili?" tanong ko ulit at tumango rin naman sila. "Kapag nagugutom pala kayo, nagluto ako riyan ng ulam. Huwag kayong magbubukas ng gaas," huli kong paalala bago nagtungo sa bahay ng klasmeyt ko. Muntikan ko na ring makalimutan 'yung papel na pinaprint ko kahapon. Buti na lang at nakita ni Lukas sa may mesa. Sumakay ako ng tricycle papuntang Bayan at saka sumakay ulit ng tricycle papuntang Green Fields papasok ng T.S. Cruz.

Wala naman akong masyadong ginawa rito sa bahay ng kaklase ko. Kung anong inutos nila, gagawin ko. 

"May itatapon lang ako sa labas, mga bobo," sabi ko habang hawak-hawak ang crumbled papers na ginupit.

"Labas ka na, tanga!" banggit ng isang kaklase ko. Siguro sanay na rin naman kaming magmurahan kaya ganito palagi ang tawagan namin sa isa't isa. Sayang lang na hindi ko naging kagrupo ang niisa sa mga kaibigan kong babae. Napakamalas  kasi mag-group!

"Putangina mo ka ba?" tanong ko. 

"Oo! Putangina talaga ng buhay ko," tumawa pa siya.

"Gago!" sabi ko bago ako makarating sa labasan ng gate nila. 

"Huwag kang gagalaw. Holdap 'to!" dinig kong bulong sa kaliwa ko. Agad naman akong nagulat at muntikan ko na siyang mahampas.

Sa lahat ng mga kilala kong lalaki, siya ang hindi ko inexpect na magsabi no'n, "Putang, Chaste!" Nakaporma na ang aking kamay para hambalusin sana siya. 

"Ano, binibini? Huwag kang gumalaw," seryosong banggit niya sa akin. Naka-white shorts siya at light blue na polo collar. He was wearing his specs at kita ko na naman ang pang-aasar sa mukha niya. Tinitingnan niya 'yung mukha ko at nagulat ako nang dahan-dahan niyang nilapit ang kamay niya sa mukha ko, "Ang dumi mo gumawa."

Napatayo lang ako habang tinanggal niya ang papel sa mukha ko, "B-Bakit ka ba kasi nandito?!"

"Kasi iuuwi na kita," ani Chaste. "Tapos na ba kayong gumawa, binibini?"

"Kung tapusin ko kaya buhay mo ngayon?" biro ko habang nakakrus ang braso sa dibdib. 

Napatahimik siya at napatingin sa kalangitan, "Let me live longer, binibini. I have plans in my life."

"H-Ha?" utal kong tanong. Naguluhan ako sa sinabi niya. "Longer?"

Iniba niya naman kaagad 'yung topic, "Tara na. Umuwi ka na. You look tired."

"Nasa loob pa gamit ko."

Ngumisi siya sa akin, "Wala ka bang kamay para kunin 'yon at paa para makalakad ka?" 

"Hapon na hapon, Chaste Rliesse!" 

"Wala akong lahi. I'm pure Filipino," singit niya bago ko napagpasyahang kunin na lang gamit ko sa loob. Ayoko nang makipagaway sa kaniya at baka mamura ko lang siya. Iniiwasan ko pa naman na kapag siya ang kausap ko.

"Alis na 'ko," paalam ko sa mga kaklase ko. 

"Oh! Sa'n punta?" 

"Sa Mars. Sama ka?" Huli kong tanong bago ako bumalik kay Chaste. 

"Let's go, binibini," Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan pa ito dahil pumipiglas ako. Pagkatapos ay hinamasmasan niya ang ulo ko at ngumiti sa akin nang malawak. "Kumain ka na ba?"

"O-Oo," utal ko habang pinipigilan ang ngiti ko. "Bakit mo ba ako hinahawakan? Kaya kong maglakad mag-isa ano!"

"Diba nga ang sabi ko, holdap 'to?" tanong niya sa akin at nagpatuloy kaming maglakad. "Eh, kumain ka na ba para sa lunch? Pagod ka diba?"

"Hindi ako napapagod." 

"Walang tao ang hindi napapagod, binibini," pagpapaliwanag niya sa akin. "Let's eat for our lunch then let's go home na."

Go home? Pero wala akong nakitang bag manlang niya... or kahit ano...

"Paano mo nalaman kung nasa'n ako? Hindi ko naman sinabi sa'yo diba?" Pagtataka ko habang tumitingin sa dinaraanan namin. Nalagpasan na pala namin 'yung Lakandula Street at nakita kong kumaliwa si Chaste. "Saan tayo kakain?"

"Sa kainan," sagot niya sa dinarami kong tanong. 

"Tapos ano 'yung sagot sa naunang dalawa?" 

"Kakain tayo sa karinderya," matipid niyang tugon ulit. 

Tangina! 

Kahit gano'n siya, napakain pa rin niya ako. Kaharap ko siya at nakikita kong may binabasa siyang diyaryo. 

"Saan 'yan galing?" pagdududa ko. Imbis na makakuha ako ng sagot ay pinagtuunan niya na lang ng pansin 'yung pagbababasa niya. 

Bigla naman akong kinalabit ng nagbabantay ng karinderya, "Ay, ineng! Hayaan mo na! Hiram lang niya 'yan sa akin!" tumingin naman siya kay Chaste na nagpakunot ng ulo ko. "Sa'yo na 'yan, bata. Himala lang kasi na may mga katulad mong nawiwili pa sa lumang papel."

Nakita ko namang nginitian lang ni Chaste 'yung ateng nagbabantay. Dahan-dahan ko namang binasa ang nasa harapan ng diyaryo. "Politics?" tanong ko kay Chaste. "Mahilig ka riyan?"

"Masyadong malawak ang salitang mahilig," sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kaniya at napahinto sa pag-kain. "Siguro interesado lang ako."

"Si Luke ayaw niyan," itinago ko na lang sa tawa ang kirot na naramdam ko. Naalala ko na naman kasi 'yung gabi kung saan nag-usap-usap kami ng mga kapatid ko. 

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Babalik ba ako sa trabaho... o aalalahin ko naman mga kapatid ko? 

"With his young age, at least he's aware that politics is existing," ani Chaste. Ibinaling naman niya kaagad ang atensyon doon sa diyaryo.

"Aware rin naman ako pero hindi ko lang gustong mahawa," sabi ko at napatingin na lang sa kinakain ko.

"You didn't know that you've already been influenced by politics, binibini," sabi niya. "Kapag palagi kang uuwing ligtas, a miracle happened to you. Ang politika ay laging nakabantay sa atin," dugtong niya. May pinakita naman kaagad siya sa akin. "Look at this!"

"Isang batang estudyante patay nang manlaban sa pulis," dahan-dahan kong basa roon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot, pangamba, at galit. "P-Paano?" tanong ko kay Chaste habang nakatulala sa diyaryong papel. "Paano... nila nagagawa 'yon?"

"That's my question as well for the whole year of my existence. Paano nila nagagawang pumatay ng isang buhay? Lalo pa na isang bata!" Narinig kong bulong ni Chaste. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon. Para bang grabe ang epekto no'n sa kaniya. Agaran akong tumayo para himasmasan ang likod niya. "How can they be so cruel?"

Buti na lang at pinabasa sa akin ni Chaste ang nilalaman ng papel na 'yon. Pinabago niya ngayon ang  pananaw lalo na sa mga kapulisan. Kaya pala nakaramdam ako ng pagkabalisa noong pumunta kami ni Kuya Leandro sa Police Station. Napag-isipan kong dalawin sana ulit si tatay pero ngayon... na alam kong mapalilibutan ako ng mga walang hiyang pulis... Hindi ko alam kung makakaya ko pa. 

Binigyan ko rin siya ng tubig para kumalma. 

"Wala akong magawa, binibini," bulong niya sa akin. 

"Wala pa," sabi ko naman at pinisil ang kaniyang kamay para kumalma. "Kung gusto mo, maging pulis ka rin tapos ubusin mo 'yung mga masasamang pulis! O' 'di naman kaya... maging mayor ka. Magpatakbo ka ng mga tao gano'n."

"You know that'll not suit for me. Ayoko nang dumagdag sa mga salot," natatawa niyang sabi. Tatanggalin ko na sana 'yung pagka-grip ko sa mga kamay niya pero naramadam kong mas lalo pa niya itong hinawakan.

"Ako suits for you," natatawa kong sabi at napatingin sa dalawang kamay naming magkahawakan. "I mean... Salot pala, ah?"

"Suitalaga, binibini?" 

"Ang corny mo. Umuwi na tayo," suhestiyon ko at tumawa.

Ngumisi naman siya at dinilaan niya ang kaniyang ibabang labi, "Corny pala ako?

"Oo," sagot ko sa kaniya bago kami makabalik ng Nagkaisang Nayon. Naalala ko pala na may pinabibili 'yung kapatid ko sa akin. 

Nakita ko lang si Chaste na nasa tabi ko habang binabasa ang newspaper. Napatingin din siya sa akin at natawa na lang ako. Pagkatingin ko sa harapan ko ay biglang bumungad si Natasha na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Saan 'to galing? Tumingin siya kay Chaste at para bang nagulat.

"Hello, Leigh!" Kumayaw siya at binigyan pa ako ng ngiti. Tinanong ko naman kung saan ba siya galing at sinagot niya na para raw sa Science Exhibit. Ayon din naman ang dahilan kung bakit ako umalis kanina kaya na-pick up ko kaagad. Nagsalubong naman ang aking kilay noong tinanong niya kung sino nasa tabi ko.

"Si Chaste," sagot kong nagdududa. Hindi pa ba niya 'to nakikita? Magtatanong pa sana siya sa isa sa mga naging kaharutan ko pero kaagad naman niyang pinutol 'yon no'ng nakahalata siya. "Mahabang istorya, biEh! Oh! Sige una na kami!" sagot ko sa kaniya bago nawala sa paningin niya. 

Napahinga naman ako nang malalim. Halos hindi rin ako mapakali habang bumibili ng 1 whole sheet ng kapatid ko. Baka kasi iba pumasok sa isip ni Chaste. Na baka ako pa rin 'yung kilala niyang dating Leigh.

Sabagay wala namang kami. Wala namang namamagitan sa amin. 

Kaya ngayon... napatatanong na lang ako... Ano ba ang meron sa amin? Meron ba?

"Kumalma ka, binibini. Naka-iilang buntong hininga ka na," bulong niya sa akin habang pauwi na kami. "Hindi ka naman kabayong kumakahog."

Napatawa na lang ako sa sinabi niya, "Kabayo, amputa!" sabi ko. "Patingin nga ulit ng binabasa mo!" Binigay niya naman sa akin 'yung diyaryo at binuklat ko 'yon. "Marunong ka ba mag-solve nito?" turo ko sa Sudoku.

"Hindi. Pero kung tuturuan mo 'ko... marunong na," banggit niya sa akin at sinapo ko ang kaniyang ulo. Alam ko rin naman na nagbibiro siya. Si Chaste pa kaya hindi marunong mag-Sudoku?

"Corny mo talaga!" Kasabay no'n ay bigla akong... kinabahan. Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganito. Na para bang bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi ko alam.

Nakita kong pawisang tumakbo ang dalawa kong kapatid papunta sa akin. Sinalubong nila ako nang may takot at kaba sa mga mukha nila. Nataranta naman ako sa dinatnan ko.

"Ate! Si Luke!" bungad sa akin ni Lukas. Huminto siya para huminga. Nakita ko naman na may band-aid sa kaniyang ilong at parang may pasa sa kaniyang braso.

"Ha?" tanong kong naguguluhan at napaseryoso ako bigla. "Anong meron? Anong nangyari sa'yo?"

"Si Kuya Luke, Ate!" sabi ni Leah habang nakahawak ang mga kamay sa kaniyang mata. 

"Ano nga?!" natataranta ko na ring tanong. "Nasaan siya?"

"S-Si Kuya Luke... wala na." Nakita kong umiyak si Leah kaya pinalapit ko sa akin. Napatingin naman ako kay Chaste na hindi alam ang nangyayari.

"Anong sinasabi niyong wala na?!" 

"Ate... kasi..." Halata kay Lukas na nahihirapan siyang sabihin dahil pinagpapawisan siya. "'Yung Mayor... dumating kanina sa Plaza para... para ata bumisita. Tapos si Luke... si Luke... sumunod siya roon sa kotse."

Kaagaran namang sumagot si Leah, "Hahabulin sana siya ni Kuya Lukas kaso nga lang... huli na. T-Tapos walang magbabantay rin sa bahay."

"Bakit niyo pa inisip 'yung bahay?! Bakit hindi niyo manlang sinigawan?! O habulin?!" natataranta ko nang tanong sa kanilang dalawa. "Bakit ka may sugat? Bakit kay may ganiyan?" turo ko sa pasa ni Lukas.

"H-Hinabol kasi ni Kuya 'yung kotse kaya nadapa siya," kuwento ni Leah sa akin at napatingin na lang sa ibaba. "Ginamot ko rin naman, Ate! Kagaya no'ng turo mo sa amin."

"Anyway, nothing great will happen kung hindi kayo kalmado," hinahong singit ni Chaste sa amin.

"Paanong dapat maging kalmado?!" sigaw ko sa kaniya, "Chaste, kapatid ko, nawawala! Paano ako magiging kalmado?! 'Yung kapatid ko nagkasugat pa!"

"We should report this to the nearest Police Station at least, right?" kuro ni Chaste. "Everything will be better. Magtiwala lang kayo."

"Hindi mo kasi naiintindihan!" huli kong sinabi bago ako pumasok ng bahay. Kukuha sana ako nang panggamot para sa sugat ni Lukas kaso nga lang ay nanginig na ang tuhod ko at 'di ako makagalaw para lumabas pa ng bahay.

'Yung tatay ko nasa kulungan, 'yung nanay ko grabe ang hirap sa pagtatrabahao... pati ang pagtitiis niya sa amin, 'yung... 'yung kapatid ko, nawawala. Anong gagawin ko? Nasisira na ako!

"Nasa loob po," naririnig kong bulungan nila sa labas. 

Nagitla ako na nasa harapan ko si Emma habang nakapaikot ang braso ko sa aking tuhod, umiiyak.

"Kumusta?" tanong niya sa aking nag-aalala. Hindi niya inaakala ang nadatnan niya base sa ekspresyon niya. Napayakap naman ako sa kaniya sabay tumulo ang mga luha ko. Habang hinihimas niya ang aking likuran, hindi ako matigil sa pag-iisip. 

"H-Hindi ko... na alam..." nahihirapan kong sabi sa kaniya. Huminga muna ako bago magpatuloy. "A-Alam gagawin ko."

Hinawakan niya naman ang aking dalawang braso at inilapat ang palad sa nuo ko, "Nilalagnat ka. Magpahinga ka muna kaya."

"P-Paano ako makapagpapahinga... k-kung alam kong... nawawala kapatid ko?" 

"Leave it to us, bieh," sagot niya. Pinaupo muna niya ako at binigyan ng isang baso ng tubig para inumin 'yon. "Uminom ka muna and then rest. Pagkagising mo baka nandito na 'yun."

Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil wala na rin akong lakas para makagalaw. Ang init ng nararamdaman ko. Ayoko na rin namang maulit ang nangyari noon na nag-pass out ako. Siguro kung hindi kami kumain ni Chaste kanina ay baka hinimatay na naman ako.

"Ate, inom ka raw muna ng gamot." Binigyan ako ni Leah ng tubig at ng gamot para ata sa sakit ng ulo ko. Dahan-dahan akong tumayo para hindi matapon 'yung tubig. Hindi ko rin alam na nakatulog na pala ako. Medyo umayos naman na ang pakiramdam ko pero noong hinawakan ko ang leeg ko ay mainit pa rin ako.

"N-Nasaan sila? Si Lukas?" tanong ko sa kaniya sabay lumagok. 

"Ayaw niya magpapilit. Sumama kina Kuya Chaste at Ate Emma. Nagpaiwan naman ako rito kasi walang magbabantay sa'yo. Hindi ka pa naman maiwan-iwanan," kuwento niya sa akin. Binigay ko ang baso sa kaniya at hiniwakan iyon. "Parang hindi mo kilala si Kuya Lukas. Gosh!" irap niya. "Magpahinga ka ulit, Ate. Makikita rin natin 'yong Luke na 'yun."

Pagkalabas na pagkalabas niya ay biglang may luhang tumulo sa mata ko. Hawak-hawak ko ang bibig ko para hindi niya marinig na umiiyak ako. Hindi ko alam... bigla na lang ako napapaganito.

"W-Wala ba akong kuwentang ate?"palihim kong sabi sa akin habang patuloy ang tahimik na pag-iyak ko. "W-Wala ba?"

Dapat ba akong tumunganga... walang ginagawa? P-Paano kung... matulad siya roon sa nabasa kong kanina sa diyaryo?

Lalabas na sana ako para manlang hanapin siya sa ilalim ng gabi kaso nga lang ay biglang pumasok si Leah. Nakita kong pinunasan niya ang mukha niya at ngumiti sa akin.

"Ate," sabi sa akin at yumuko siya. "Ate, sorry talaga! Sorry!" Narinig ko ang kaniyang pag-iyak na nagpasakit sa puso ko. "Ate, kasi... kasi kahit alam kong I can do something... pero... hindi ko nagawa, ate. Sana mapatawad mo ako, kami ni Kuya." Lumapit siya sa akin at niyakap ako sa aking gilid. "Ate, sana hindi mo sisihin 'yung sarili mo."

"S-Siyempre hindi." Pinunasan ko naman ang luha niya noong napaisip ako. Kung hindi ako magiging malakas, sino ang magiging matatag sa amin? "Kaya, ikaw... huwag ka na ring umiyak diyan. Kailangan mong maging matatag, Leah. D-Dahil, hindi naman tayo biniyayaan ng buhay... na masaya... na buhay na hinahangad ng lahat."

Narinig ko naman na may mga pamilyar na taong pumasok sa bahay na nagpahinto sa akin sa pagsasalita. Agaran ko namang pinunasan ang luha namin ni Leah.

"Enter silently, Lukas. Baka natutulog pa bieh ko! Kapag nagising 'yon!"

"I'll check her out. Magpahinga muna kayo rito," bulong ng boses lalaki. Ilang segundo pa lang ay nakita ko si Chaste na naka-black jacket at sa loob no'n ay white t-shirt.  May dala-dala namang siyang isang baso ng tubig. "Gising ka na pala, binibini," sabi niya. Tumingin naman siya kay Leah, "Ah! Saglit. Kukuha pa ako ng isang baso." 

"Hindi na, Kuya Chaste. Kay Ate na 'yan. Ako na lang kukuha ng akin," tumayo si Leah at bago lumabas ng kuwarto, "Iwanan ko muna kayo po."

"Hmmm."

Natahimik naman ang loob ng kuwarto habang inaayos ko ang sarili ko. Hindi ko kaya ang katahimikan kaya tinanong ko na lang siya.

"Bakit ka nandito?" tanong kay Chaste. Nakatayo lang siya sa harapan ko at hindi ma-describe 'yung nasa isip niya ngayon. "Ano pala nangyari? Kumusta?"

"You're stressing yourself, binibini. Pero things... are doing okay naman. Nag-help for assistance kami ni Emma with her mom. That's all we did for the whole day," kuwento niya sa akin. "Kaya ikaw, magpagaling ka muna riyan kung gusto mo makasama sa amin. Naiintindihan mo ba, binibini?"

Agad naman akong tumango at ininom ang tubig sa baso kahit kaiinom ko pa lang din kanina. Pinalibot niya naman 'yung mata sa kuwarto ko habang naka-squat siya. "Gusto mo bang magpahangin? Labas tayo," yaya niya sa akin. Inilapat niya ang kaniyang palad sa aking noo para i-check ata ang temperatura ko.

"Mukhang puwede naman," sagot ko at kinagat ang labi ko. Tinulungan niya ako para makatayo at noong nakalabas kami ay nakita ko si Emma na pinapanood ang balita sa telebisyon. Bakit 'yon nandito?

Pinabalik-balik niya ang tingin niya sa amin ni Chaste at tinanong, "You two are going out?"

"Ay! Hindi," sarkastikong sagot ko.

"Sasama sana ako! Duga niyo! Edi kayo na magkajowa!"

"Hoy! Bibig nito!" suway ko dahil nakatingin 'yung dalawa kong kapatid sa nangyayari. "Fake news tawag doon, Chaste diba? Nako! Kasuhan kita ng spreading of something!" 

"Oh! Convict me, Attorney Leigh!" biro ni Emma at nagpatuloy sa panunuod. "Bago kayo lumabas, ipakilala ko kaya muna mama ko sa inyo. Gusto mo ba, Leigh?"

"Saan? Paano? Tatawagan mo?" sunod-sunod kong kuro. Nagulat naman ako nang tinuro niya ang daliri niya sa babaeng nasa telebisyon. 

"Ito si Victoria Antonette Chavez at nagsasabing magandang gabi, Pilipinas!" sumabay si Emma roon sa babaeng reporter. Ang ganda-ganda niya! Hindi ko alam na sikat pala ang mama ni Emma.

"Anong tawag ba sa mga nag-rereport? Reporter?" tanong ko.

"Yes! My mama is a journalist and a news reporter. Gusto ko rin maging katulad niya. Idol ko si mama," banggit niya at kitang-kita ko kung gaano niya kagusto 'yun. Ako kaya? Saan ako pupulutin ng mundo? "Kayo ba? May mga pangarap na kayo? Chaste, Leigh?" tanong niya at tumingin sa mga kapatid ko. "May gusto na ba kayo sa buhay, Lukas at Leah?" 

"Gusto ko maging mayaman paglaki!" sagot kaagad ni Lukas. 

"Hindi ba lahat?" 

"Hindi naman," sagot ni Chaste. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Akin muna ang binibini ngayong gabi. Kaya ko nga siya nilabas, eh."

Napahalakhak naman si Emma habang ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Chaste, "Go on! Wala naman akong magagawa. Treat my best friend like a criminal patient."

"Criminal... patient?" tanong ko dahil hindi ko makuha ang termino. 

"May sakit ka diba? Tapos nakakulong ka naman sa puso niyang Chaste na 'yan!" 

"Yiee! Si Ate Che criminal patient!" pang-aasar ng mga kapatid ko.

"Ewan ko sa inyo!" Napangiti naman ako at hinila si Chaste papalabas. "Huwag kang magpapaloko roon!" sabi na sabi ko noong pagkalabas namin. Kahit gabi na ay marami pa ring tao dahil hindi naman kami nakatira sa subdivision at pangmayaman na lugar. 

"Hmmm?" malamig niyang sabi sa ilalim ng gabi. Tumingin naman ako sa kalangitan na napalilibutan ng mga bituin habang ang mga kamay ko ay nasa likod.

"Wala," natatawa kong sabi. Pagkatapos no'n ay tumingin ako sa ibaba ko. "Pasensya pala kanina." Siguro alam naman niya 'yung ibig sabihin ko. "No'ng nasigawan kita. Hindi... ko lang kasi alam gagawin ko no'n."

Natahimik naman kami habang patuloy pa rin sa paglalakad.

"Don't be scared anymore. Wala ka dapat ikatakot kasi hindi ka na nag-iisa," bulong niya sa akin. Ramdam ko naman doon ang pagka-sincere niya. Ramdam ko na kung akong sinasabi niya, ay ayun din ang ipinapakita niya. "Diba sabi ko na proprotektahan kita?"

"P-Pero kasi bilang ate, dapat ako gumagawa no'n. Parang wala akong kuwenta," I broke down. Nanginginig na naman ang tuhod ko at tumingin sa itaas upang pigilan ang pag-iyak ko. "Parang... w-wala akong kuwentang ate."

Nagulat ako noong dinala niya ako sa kaniyang braso at doon tuluyan bumagsak ang mga luha ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong comfort... Ng taong alam ko na nandiyan para sa akin.

"You matter, binibini. Naiintindihan mo ba 'yon?" pakalma niyang tanong sa akin habang hinihimas niya ang aking likuran. "Hindi porket na wala kang nagawa ngayon, wala ka nang magagawa para bukas. Kagaya ng sabi mo, wala pa akong magagawa. Kaya ikaw rin. Hindi lang wala kang magagawa. Wala ka pang magagawa." Pinunasan niya naman ang aking luha gamit ang kaniyang daliri. "Kung hindi pa rin bumaba temperatura mo, binibini, you'll go together with me tomorrow for a check-up."

Napasagot kaagad ako at napaubo, "Hindi mo na 'yon kailangan gawin. Tubig at bimpo lang, ayos na 'ko."

"That won't work," hagikgik niya. "Pero I'm deadly serious. You need a check-up. Don't worry, marami naman akong kilalang doctors and nurses."

"S-Salamat," sagot ko na lang sa kaniya at pinunasan ang natirang luha ko. "Pero bakit mo 'to ginagawa pala sa akin? I mean, nagkita lang naman tayo noon... then poof!" ngiti ko. "Puwede ka namang mabuhay nang normal. Iyong walang sakit at pagdudusa. Iyong hindi mo nakikita kung gaano kabigat 'yung pinagdadaanan namin."

"I'm living my youth with both of it," sagot niya at may halong kirot sa mga mata niya. "Siguro sinasabi mo 'yan kasi hindi mo pa ako kilala?"

"Siguro nga," sabi ko. "Sino ka ba talaga? Tapos... ano bang meron tayo?" Diretso ko nang tanong sa kaniya. Gustong-gusto ko nang itanong 'to dahil kahit ako ay naguguluhan na rin. Hindi ko alam kung anong dapat iasta ko sa kaniya. Bilang kapwa kamag-aral, bilang kaibigan, o ano ba?

Tiningnan niya ako sa aking mga mata na para bang wala akong takas doon, "You're feeling me something that I've never been feeling for how many... years of my youth. It's like you're filling my emptiness. You're the light in my darkness. Kaya gustong-gusto kitang protektahan because I dont want na maransan mo 'tong mga ganito."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko... Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nasubukan na ng panahon ang pagmamahal ko, ang pasensya ko, at doon ay para bang hindi ko kilala ang sarili ko. Na para bang hindi ko alam kung papaano naman mahalin ang tulad ko.

"U-uhm. Alam mo ba na..." Panimula ko sa kaniya. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kaniya ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung papaano niya ako tatanggapin. "Marami na akong... mga naging kasamang lalaki. Pero lahat sila umalis din. W-Walang nagmahal sa akin ng totoo kaya natatakot na rin akong magmahal."

Pinatahan naman ako kaagad ni Chaste, "You may not found your forever during high school life just because we're too young for that, but I can promise that I could wait, binibini."

Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata. Handa na ba akong magmahal muli? Handa na ba akong buksan ang puso ko?

Natatakot akong tanungin pero, "A-Ano na tayo?" Napakagat na lang ako ng labi habang hinihintay ang sagot niya. Napapatingin na lang ako sa kalyeng mahamog, sa ilaw ng kalsada, at tanging tibok ng puso ko at ang tunog ng kapaligiran ang naririnig ko.

"Mahalaga pa ba ang merong tayo?"

Sumagot ako kaagad, "Gusto ko lang ng assurance. Iyong kasiguraduhan. Ayoko nang mapagiwanan. Ayoko nang maiwanan ulit. Hindi ko na ulit bubuksan 'yung puso ko para siraan ulit ng isang lalaki," Diretso kong sabi sa kaniya at saka huminga ako nang malalim upang ipunin ang emosyon ko. "May kapatid ako, pamilya, kaibigan. Kaya kung hindi ka seryoso sa nararamdaman mo, huwag mo na lang ako bigyan ng motibo."

"Huwag mo sana akong tatawanan, binibini," bulong niya sa akin noong narinig niya ang mga sinabi ko. "Pero... mas nauna pa akong nalaglag sa iyo sa totoo lang. Una pa lang, pagpasok mo pa lang sa Nova. High. iba na 'yung nararamdaman ko sa'yo."

Napatanong naman ako, "Anong sinasabi mo? Hindi kita maintindihan, ah!"

"Well, you got me starstrucked when you had your colored hair and inappropriate school uniform," banggit niya. Alam kong malinis siya sa gamit niya, pero bakit siya interesado sa akin noon?

"Naalala na kita!" turo ko sa kaniya. "Aba! Ikaw pala 'yung may hawak na detective something na libro noong ininspect ako ng SSG! Tapos ikaw rin 'yung laging nasa opisina ni Cameron! T-Tapos ikaw 'yung lalaking hindi manlang ako pinapasok at basta na lang dumiretso sa loob!"

Napatawa naman siya, "Napakatulis naman ng iyong memorya, binibini!"

"Matulis talaga!" Sisipain ko na sana siya bilang ganti pero napatawa na lang ako.  "Pero maiba tayo. Siguro magaling naman na ako bukas. Nararamdaman ko naman na. At saka, may church tayo bukas."

"Church... Hmm... 'Tayo'?"

Tuluyan ko naman siyang sinipa, "Walang tayo!"

"Aray, binibini!"

"Aray mo mukha mo. Deserve mo 'yan!" Tumawa ako noong nakita ko ang mukha niyang nasasaktan sa sakit. "Wala ba kayong mga church?"

"We don't have religious practices." Nahihirapan niyang sagot dahil ata nasaktan siya sa pagsipa ko. "I mean, with my state right now about 'pamilya' I don't have that church experience."

"Bakit? Nasa'n ba mga magulang mo? Kayo lang ba ni... Cameron?"

Inilag niya ang kaniyang tingin sa akin, "I'm not an open book."

"Hanggang kailan mo balak magtago?"

"Magtago?"

Niluhod ko ang sarili ko at saka tiningnan kung may sugat ba ang sinipa ko sa kaniya, "Ang hirap mong tibagin. Wala naman akong balak sirain ka, eh."

"Wala naman talaga. Kasi wala akong balak magpasira sa'yo, binibini," banggit niya sa akin. "Tumayo ka riyan. Hindi naman ako nasaktan talaga sa pagsipa mo."

Lumanghap ako ng hangin at huminga nang malalim, "Mayroon akong apat na kapatid. Kuya Leandro, magkambal na sina Luke at Lukas, pati si Leah. Si tatay? Pala-inom, laging wala sa bahay." unti-unti namang bumibigat ang loob ko. Pero naisip ko naman na kailangan kong umpisahan 'to. Una kong bubuksan ang sarili ko... para sa kaniya. "Si Tatay, laging wala siya sa recognition ng mga kapatid ko... wala rin siya sa mga birthdays, hindi siya sumasama sa pagsimba namin. Hindi namin siya kapiling tuwing pasko, bagong taon. Alam mo 'yung malapit lang siya pero parang ang layo?"

Hindi ko na kinaya kaya naiyak na naman ako. Sa harap pa niya... sa harap ni Chaste. Nakita ko naman na magkapantay na kami dahil lumuhod din siya upang yakapin ako.

"Kahit manlang... k-kahit sa kapatid ko, sana maramdaman nila na magkaroon ng tatay. 'Yung init, y-yakap... wala... kahit manlang halik ng isang t-tatay," Nakikita na naman niya 'yung kahinaan ko na dapat ko hindi ko pinapakita.

"You wanna hear my story?" mainit na sabi niya sa akin. Dahan-dahan kong hinarap ang tingin ko sa kaniya habang patuloy ang pagdaloy ng iyak ko.

Nagulat ako noong pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang dalawang kamay. "Hinahangaan kita. Salamat at binahagi mo sa 'kin 'yan."

"Ikaw... K-kung handa ka. Hindi kita pipilitin." 

"Sa piling mo, sisiguraduhin kong lagi akong handa. Dahil ikaw ang nag-iisang tiyak sa libong duda," sabi niya sa akin at itinayo ako mula sa pagkaluhod. Hinalikan niya ang aking nuo at itinahan ako.

__________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro