02
"Aba! Gago 'to, ha!" Sigaw ko at natulak ko nalang siya bigla. Medyo may katangkaran kaya hindi ko siya masyadong natulak. Akala ba niya nakukuha ako sa mga gano'n?!
Napansin ko naman na ngumisi siya. Bakit niya ba kasi ako kailangang pakielaman?
Bigla akong may narinig na umubo, sign na makuha ang atensyon. "Sir Master, a-anong... nangyayari?"
Nakita ko na may isang babae na nakapatong yung braso niya sa lalaki na kasama niya. Maikli lang din 'yung skirt niya na parang sa akin. Yung pinapatungan niya ng braso ay may sinisipsip na softdrinks, at may katabi rin pa silang isang lalaki.
Napasulyap nalang ako bigla roon sa nagtanong na SSG na humarang sa akin, yung nagsabi ng 'I'll teach you how to wear your necktie properly'. Wala akong pake kung mas matangkad siya sa akin! Nabaling naman ulit yung atensyon ko sa nagbanggit ng 'Anong nangyari?' with 'Sir Master'. Halatang anghel ang mga mukha niya.
Napatingin naman ako sa kapapasok palang na lalaki. Mahaba ang buhok niya at natatakpan ng bangs ang kaniyang noo. Idol ata nito yung nagtanong sa akin eh! Nakita ko rin na may salamin din siya pero transparent yung frame. Moreno, tapos sakto lang yung fit ng katawan niya. Napatingin bigla ako sa braso niya. May pulang nakapalibot doon at may baybaying naka-ukit. Nakahawak din siya ng libro pero hindi ko alam kung anong tawag sa ganoon. Maliit lang kasi 'yon parang pocket book, at mukhang office with crime scene ang book cover nito.
Na-confirm ko nalang na mga kasamahan niya, noong tumingin siya sa mga kaibigan niya. Halata naman kasing magkakaibigan sila. Hindi naman kasi ako tanga para hindi masuri 'yon.
"Itong gago na 'to! Hinawakan yung..." Inisip ko pa kung anong pwedeng sabihin pero dahil sa inis ko, "Ah! Tangina, bye."
Bigla ko nalang ulit inayos yung bag ko atsaka naglakad paalis. Wala naman atang mangyayari kung isusumbong ko pa pati 'yun. Binigyan ko muna ng sipa yung lalaking magsusuot sana sa akin ng necktie na 'properly'. Properly niya mukha niya! Sir Master, Sir Master amp.
Nakarating na ako sa court habang naka-krus ang aking mga braso. Napakagandang araw nga naman!
"BieH? Ano bang nangyari?" Tanong sa akin nung nakasabay kong babae sa tricycle. Nandito na pala siya sa pila ng mga STE! Hindi rin naman ako nagulat na nakapasok ako sa isang special class. Leigh Xienne pa ba?!
"Gago! Ano ba pangalan mo ulit?" Pag-iba ko ng topic. Kanina pa kasi niya ako ginugulo at para manahimik na rin ang kaluluwa niya.
"Ha? Diba n-nasabi ko na?"
Napatingin ako sa itaas ng court, kulay blue at gawa sa yero, habang nag-iisip. "Kalimutan ko biEh."
"Emma, Emma name ko. Agh! Nakakainis ka naman, eh!" Sabi niya na may paghampas. Aba namumuro na 'to, ha!
"Hehe." Binigyan ko nalang siya ng mga ngiting pilit.
"Leigh?" May narinig akong nagbanggit ng pangalan ko habang inaayos ko yung bag ko sa likod. Nakakangalay kasi!
"Ashley?" Patanong ko pa sakaniya. Nakilala ko na kasi 'tong bruhang weirdo noong nagkakaroon ng mga Elementary School Competitions kahit magkaiba kami ng school na pinasukan.
Inagaw ko yung salamin niyang pula at saka tinignan-tignan. Hindi pa rin pala siya nagbabago.
"Bulag ka pa rin ba?" Tanong kong sagot habang binalik ko yung salamin niya.
"Hahaha!" Balik niyang tawa at saka tumingin sa katabi ko.
"Hi! STE ka rin?" Tanong ni Ashley kay Emma.
"Yes! Hello!" Ngumiti siya at saka nag-shake hands sila. "Emma."
"Oh. So saan ka pala nag-aaral dati?" Tanong ni Ashley kay Emma. Naputol yung pakikinig ko sakanila noong nililibot ko yung mata ko sa malawak na court. Ngayon ko lang napansin yung gwapong guy na may 9 na nakalagay sa colar ng polo niya. Ang cute niya ngumiti! Nandoon din yung isang tumakbong guy na Grade 7 sabay hawi sa buhok niya, ang pogi!
"Nice to meet you again, Emma!" Huli kong narinig bago umalis si Ashley. Bigla nalang kasi akong tinapik ni biEh kaya nabaling yung atensyon ko. Sayang tuloy yung viewing party ko!
"May nakita ka na naman ba?" Bulong sa akin ni Emma. "Kanina habang sa tricycle tapos ngayon dito naman. Pogi ba talaga mga Novaleños?"
"Halata naman diba."
"Mag-ingat ka lang sa paghahanap bieh. Looks can be deceiving." She tapped my shoulders habang binanggit niya. "Alison Bailey said that you can't always tell what's going on inside a person from outside."
"Shala! umitingin lang ako ng mga boys tapos may pa-Alison-Alison Bailey something ka na riyan!" Humalakhak din ako. Bakit naman naging seryoso na 'to!
"If you can't understand, It means that a good face doesn't mean a good heart, Leigh."
Pagkatapos na pagkatapos no'n ay biglang may sumulpot na babae, Englishera siya.
Habang naglalakad kaming mga STE nang nakapila papunta sa room namin ay bigla kong binulungan si Emma.
"BiEh! Minion daw ako? Ano sapakin ko na ba 'yon?" Tanong ko at nag-aalab pa rin ang aking dugo. Kanina pa talaga maganda ang mood ko simula sa pagpasok ng gate, ha!
"Sa tingin mo ba kakayanin ko pa mag-STE? Palipat nalang kasi tayo sa Waling-Waling! Section 2 'yun!" Suhestiyon niya.
"Sige biEh. Mauna ka biEh. Dami mong alam. Nandito na tayo." Sunod-sunod kong sabi at pumasok na kami sa isang silid.
Tumingin ako sa kanang itaas ko at may nakasulat na 'Welcome S.T.E.' sa baba noon ay may nakapaskil na 7-Archimedes at 8-Boyle. May mga frames sa magkabilaan na may nakalagay na mga quotes. Para saan ba 'yon?! Hindi naman 'yun magagamit sa buhay.
Habang naglalakad din ako para maghanap ng upuan ay napansin ko sa kaliwa ang quote na kulay pula at gawa sa styro ang 'Keep the good fight of faith'.
Bigla nalang ako nagulat noong hinila ako ni Emma at pinaupo katabi ang aisle. Napatili nalang ako, buti nalang at nag-excuse muna yung teacher namin kaya kami-kami lang ang nandito.
"Gago ka ba?" Bulong ko sa kaniya at irita.
"Kung gusto mo naman. Pwede." Ngumisi siya atsaka pinagkrus ang mga binti.
"Hoy! Leigh! Musta? Nova high ka rin pala nag-aaral?" Tanong ni Gielan sa akin. Classmate ko rin kasi siya sa dati kong school.
"Ay. May naligaw." Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay at tiningnan siya nang masama.
"Ay. Panget." Ganti niya at saka umupo sa likod.
Tumalikod naman ako kaagad atsaka tinaas ang aking gitnang daliri.
Bigla naman niyang kinuha yun sa ere atsaka sinubo.
"P-pwede na ba akong dumaan?" Tanong naman ng isang lalaki. Hindi ko alam na nahaharangan na pala siya ng kamay kong naka-pakyu kay Gie. Bwiset talaga 'yon.
"Gie, pre." Abot kaagad na kamay niya. Tumingin na ulit ako sa harapan. Nakita ko yung babae na mula sa pintuan at hinahangin buhok niya. May salamin pa 'to, pero may design at halatang colored. Yayamanin siya, huh.
Kakalabitin ko sana si Emma pero may sinusulat siya sa notebook niya kaya hindi ko nalang pinakealaman.
"Whatever, Momma. Just see you later." Hinalikan pa niya 'to sa cheeks at tuluyang pumasok.
"Sana all, Momma." Bulong ko.
Huminto pa siya sa harapan atsaka ibinababa ang fashionable glasses. Tiningnan niya ang buong room at binalik agad sa pagkakasuot iyon.
"Maarte pre." Rinig ko sa likod ko at nabaling ang atensyon ko roon. Kung hindi ko machichika si Emma, sila Gie nalang.
"Maarte 'no?" Tanong ko sakanila.
"Weh. Dito lang," Harang niya gamit ang kamay. "Dito lang boi. 'Wag ka na sumali. Hindi ka belong."
Tumingin naman kaagad ako sa katabi niya. 'Yung lalaking nagtanong kanina sa amin kung pwede na raw bang dumaan.
Niliitan ko ang mata ko at sabay tingin sa name tag niya. 'Siane Cario'.
"Alam mo ba Sian na tumatae yung katabi mo noong Elementary?" Ngumisi ako.
"Alam mo rin ba pre na yung nagtanong sa'yo, eh, laging naghahabol ng lalaki? Pumapatol!" Bulong niya.
"Gago!" Iritado kong sigaw.
Hindi naman ako na-offend dahil totoo naman yung sinabi niya.
Fuck all the boys! Deserved nila ang paglaruan kagaya ng mga lalaking pinaglaruan din ako.
"Hoy, Sian. Alam mo ba 'yang si Gie, nag-didiaper pa noong elem kami?" Habol ko.
"Aba, ayaw pa tumigil huh."
"Pre... alam mo ba yung pamilya nila Leigh? Sira bro. Wrecked." Sabi niya at ngumiti sa akin.
Biglang nag-init yung dugo ko atsaka tuluyang tumayo.
"Hoy gago ka! Ano? Tayo! Dali! Sapakan!"
"'Wag mo namang dalhin yung asal iskwater mo, Leigh." Nakaupo pa rin siya at hindi halata na bothered siya. Kaya bigla kong hinawakan yung collar niya.
"I-joke mo na lahat, 'wag mo lang isama pamilya ko." Susuntukin ko na sana siya pero hinawakan 'yun ni Emma.
"BiEh! Kalma." Huling sinabi ni Emma bago may pumasok na mga estudyante. Umubo sila para makuha ang atensyon namin.
"Aabangan kita sa gate 'ta mo!" Singhal ko bago umupo.
Nakatingin na ako sa mga bagong pasok. Hindi ako nagkakamali na sila ang mga SSG. Nakita ko rin ang pamilyar na mukha! Nasa gitna siya!
Lima silang nakatayo sa harapan. Lahat sila may pulang tela na nakapa-ikot sa braso.
"Magandang umaga, STEs." Panimula ng lalaking nasa gitna.
Nakumpirma ko nalang na yung sinipa ko kanina ay yung nasa gitna! Pero anong ginagawa niya rito?!
Isa-isa silang nagpakilala hanggang umabot sa kaniya. "Cameron Royce, your school year's President, at your service mga Ginoo at Binibini." Banggit niya atsaka nag-bow sa harapan namin.
Pre-president?!
Narinig ko naman kaya hindi ko na uulit-ulitin. Pero, weh? Hindi nga?
Inayos ko yung upo ko atsaka tumingin sakaniya. "Sure ka ba diyan? Wear your necktie properly, guy?"
"Bakit naman hindi, binibini?" Tanong niya kaagad pabalik. He remained his poise at binaba lang ang tingin sa akin.
Hindi naman ako natatakot sa kaniya at wala rin akong pake. Sasagutin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Emma. Halata ang takot sa mata ni Emma at nasabihan pa niya ako na respetuhin daw siya dahil nakakaangat siya sa akin. Porket ba may posisyon kailangang respetuhin?
Natapos na nila yung speech nila pero hindi ako nakinig. Bakit naman ako makikinig?!
"And also... Binibining Leigh." Agaw niya nang pansin sa akin. Akala ko tapos na sila pero nakita ko siya sa pintuan, at mukhang may pahabol. "After your class. See you at my office."
"Treat ko na. Mangga bet mo?" Sabi ni Emma sa akin at inabutan niya ako. Nandito na kami sa field at buti nalang may punong humaharang para hindi kami mainitan. Hindi ko pa rin ma-process yung sinabi ng 'President' kanina sa akin. Ang mahalaga ay wala akong pake. Wala rin naman siyang magagawa kung pupunta ako mamaya roon o hindi.
"Family..." Galaw niya sa ulo niya habang nagsa-saw-saw ng mangga sa asin. "Weakness mo? Pero... pwede ko ba pala muna matanong 'yun? Maybe it's traumatizing you." Sabi niya sa akin at nag-wonder naman ako.
Looks can be deceiving.
Naaalala ko sa sinabi niya kanina. Akala ko barbaro si Emma pero iba pala ugali niya.
"Bibili nalang ulit ako mangga." Excuse ko sa kaniya. "Inubos mo na, oh!" Inikot ko mata ko atsaka tumawa.
"Gusto mo ba magpasama?" Tanong niya sa akin.
"Luh? Ang lapit lang ng canteen, oh!" Turo ko. Napakalapit lang naman talaga!
"Sige. Bilisan mo." Sabi niya. Pumasok ako sa napakasikip na lugar. Parang impyerno kung pumasok ka! Tapos napapalibutan ng mga demonyo na nagpapainit lalo.
"Teh, magkano mangga mo?" Tanong ko sakaniya at sinusuri pa 'yung kulay. Naglabas na rin ako ng limang piso atsaka binayad.
"Bro, look. They already have milk na rin here?" Dahan-dahan kong naman nilingon yung mata ko sa nagsasalita. Dahan-dahan lang para hindi halata na tinitingnan ko siya. Pamilyar mukha niya kanina eh!
"Parang u-umiinom ka naman ng g-gatas." Banggit ng lalaking uutal-utal pa.
"Gusto niyo ba?" Tanong din pa ng isang lalaki. "Taya, gusto mo ba?"
"Sure. Sige lang!" Sagot na boses babae.
Dahil hindi ko naman pinagarap maging kabit ay lumabas na ako.
Pagkalabas ko naman sa canteen ay parang mahihimatay na ako dahil sa init. Buti nalang at maaga pa.
Kinain naman agad namin ni Emma yung mangga atsaka nililibot yung mata. Ininsist ko pa siya na rito muna kami tumambay. Alam mo na... maghahanap lang.
"Tangina! Nalaglag mangga ko bieh!" Napasigaw nalang ako dahil nalagyan damit ko ng bagoong. Inamoy ko pa 'to. Ambango!
"Amoyin mo damit ko." Yaya ko kay Emma na naghahanap ng panyo para tanggalin yung nakalagay sa damit ko.
"Wala akong panyo, Sors" Narinig ko kay Emma.
"Edi kamayin mo nalang." Suhestiyon ko at kumain ulit ako ng mangga.
"May kamay ka naman, ah! Kumpleto pa."
"Wow, may gano'n?"
"Mangga lang 'yan! Hindi nakakamatay!" Sabi niya.
"Uhm! Hey. You have stain on your shirt." Rinig kong babaeng pamilyar na boses sa kaliwa ko. Tangina! Hindi ba halata?!
"Si a-ano, yung isa pang maarte! Ano name niya ulit?" Tanong ko kay Emma na nakatulala roon sa babaeng nagtanong habang nakasubo yung mangga sa bibig niya.
"Shane ata. I forgot the first name!" Sagot ni Emma. "Masungit lang, biEh!"
Pagkatapos namin mag-away nang slight ni Emma dahil kay Natasha ay biglang sumulpot si Ashley na may dalang turon.
"Ihatid ko lang 'tong freshy friend ko. Bye!" Sabi ni Ashley bago sila umalis.
Naiwan kami ulit dito ni Emma, nakatayo pa rin. Nakikita ko rin yung mga dati kong school mates. Iyak-iyak pa sila nung kumanta kami ng graduation song pero mga hindi na namamansin.
"Balik na tayo." Suhestiyon ni Emma sa akin. Um-oo nalang ako kasi nangangalay na rin ako. Wala rin ako mahanap na pwede kong maging ka-chatmate.
Pagkabalik na pagkabalik namin ay nagkakaguluhan na sa loob! Trip lang ata nila ang mag-ingay. Siyempre, unang-una na yung mga boys diyan.
"Guys. Shut up naman na please." Banggit ni Shana. Ang Class President namin. "Umakto naman kayo kung ano ang nararapat. Nasa special section tayo kaya act like a special. Not a weirdo!"
"Mama mo weirdo." Singhal kong pabulong. Ang daming dama sa buhay.
"Tatay mo lasinggero." Singit naman ni Gie. Aba gago 'to ha! Ayaw pa tumigil!
"Tangina mo! Tahiin mo nga bunganga mo." Sabi ko.
"Bieh! Tama na 'yan. Nag uumpisa ka na naman. First day na first day, Guidance agad. Bet mo ba 'yon?" Hinawakan ni Emma yung shoulders ko para kumalma. "'Wag kang pumatol sa mga walang class. Tandaan mo 'yan, biEh."
Naglalakad na ako sa aisle ng Quezon Building dahil nga may afternoon classes pa kami. Nagpa-iwan si Emma kaya mag-isa lang ako. Dumaan lang ang mga klase nang normal. Walang bago sa mga first day of classes. Pakilala lang tapos mga requirements. Puro bayarin, at hindi ko alam kung saan ako kukuha no'n. Kapag tatanungin ko naman si Tatay ay wala naman siyang magandang sasabihin, at iniiwasan ko na rin naman na magsabi sa kaniya basta may salitang pera. Kung si nanay naman... ewan ko na rin. At siyempre kay kuya. Kung sakaniya naman ay alam kong wala namang magiging problema roon pero ang inaano ko lamang ay baka wala nang matira sa kaniya. Alam ko rin naman na may mga bilihin siya at pinag-gagastusan. Bahala na!
"E-excuse me... p-po." May biglang kumalabit sa akin kaya natigil ang aking pag-iisip.
Tinaasan ko siya ng kilay, wondering, kung bakit niya ako tinawag. Mukhang kabado siya at halata ang takot.
"Bakit ?--"
"P-pinapabigay p-p-po ni S..Sir Master." Huli niya saking sinabi bago siya umalis. May binigay siya sa akin na card. Sa harapan no'n ay may nakasulat na 'Don't Forget'. Habang sa likod naman ay may mga letrang nakalagay na,
IDAONERUSGDSIUHE
Binalik ko ulit yung tingin ko sa lalaking nakakabahala ang takbo, parang tanga, eh.
Tumingin muli ako doon sa card at binasa nang paulit-ulit, alam ko namang na SSG yung nagpabigay nito dahil din sa Baybaying nakaukit sa pinakaitaas ng card.
"Ano 'to?!"
__________________________________________________________________________________
♤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro