Chapter 7
Chapter 7
Nakita ko na ulit hindi kalayun Isaac na nakatitig sa amin ni Ethan habang kausap si Samantha. Napa iwas ako nang mahalatang masyadong matagal na si Isaac nakatingin sa akin at nakailang na 'yon. Mukhang di naman ito nahalata ni Ethan dahil panay kwento niya sakin.
Nang mapansing papalapit sa'kin si Isaac ay ay umayos ako ng upo habang kumakalabog ang dibdib ko. Narinig kong tumikhim si Ethan at tumingin sa aking gilid.
"Vennie.."
Agad akong 'di mapakali sa tawag ni Isaac saakin. Ang kanina niyang matalim na tingin ay ngayon ay gumaan na.
"Youre things are now here. Don't let anyone enter your room, huh." Sumulyap siya sa tabi niya.
Tumango ako. "Salamat..."
"Hatid na kita," Ani ni Isaac ngunit agad akong napailing at tumingin kay Ethan.
"Ayos lang ako. Baka hinahanap ka na ni Samantha doon, Sir. Ethan..." Lumingon ako kay Ethan.
Lumawanag ang mukha ni Ethan at madali akong humawak sa kanyang braso. Nakita ko kung paano tumingin si Isaac doon at nag tiim ng bagang. Kahit kabado ay madali kong sinama si Ethan sa loob ng hotel.
Nang mag tungo kami sa elevator ay nakita kong nakatingin siya sa aking reflection. Kagat ko ang pang ibabang labi at sumulyap dito.
"Sorry. Dinamay pa kita. Ayaw ko lang talaga na laging kasama ko si Sir. 'di ako kumportable." Pilit na ngiti ko.
Tumingin din siya sa akin na may pag aalala sa mukha. Matagal ko nang kaibigan si Ethan at kilalang kilala ako nito. Alam ko ding may gusto at nararamdaman siya sa'kin. Kahit gwapo ang aking kaibigan kahit kailan ay 'di ko siya nakayang gustuhin.
Nakasuot siya ng simpleng jeans at shirts, mukhang walang balak mag swimming kahit nasa beach. Ngumiti ako sa kanya at tumahimik.
"Salamat. Kita nalang ulit tayo mamaya." Ani ko nang makarating sa tapat ng hotel room ko.
Papasok na dapat ako nang biglang niya akong hilahin sa braso. Agad akong napatingin sa kaibigan at nagulat. Nakita ko ang ilang beses niyang pag lunok bago ako bitawan at hawakan ang batok. Parang may gustong sabihin.
"Tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Ngumiti siya. "Darating kaagad ako.."
Tumango ako at tuluyang pumasok sa kwarto at nag handa. Nakita kong malaki ito at medyo maaliwalas ang kwarto. Simple ngunit kasing laki ng apartment ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa aking bag at binuksan 'yon. Nagulat na lamang ako sa dami ng missed calls and text ni Rowena sa akin.
Ang tagal rin kasing di nagparamdam. Sabi niya ay busy siya sa pag take ng fashion course niya dahil pangarap niya nga maging designer or model.
Rowena:
Busy ako lately but I'll try to visit you more often. Mommy is a bit bitter dahil ayaw niyang dumadalaw ako sa'yo but syempre i insisted!
Nag reply ako.
Ako:
Ayos lang. Naiintindihan ko ang Mommy mo. Siguro huwag ka muna pumunta kapag busy ka. Mag focus ka sa course mo!
Alam kong ayaw sa akin ni Tita ngunit pinakikisamahan na lamang ako ng maganda. Nakatira kasi ako sa kanila dati at kinupkop ako. Malaki ang utang ko sa kanila at naiintindihan ko si Tita. Mabuti nalang at mabait sa akin si Tito Roselle.
Hindi na muling nagreply si Rowena kaya sumalampak na lamang ako sa kama. Naisip ko tuloy kung paano may magulang pa ako? Siguro ay ang pangarap kong maging teacher ay natupad na din.
Napakagat ako sa labi. Na mimiss ko sila.
Habang nag iisip ay biglang pumasok sa isip ko si Isaac. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Umiling ako. 'Bat ko ba iniisip kung ano ginagawa niya?
Siguro ay ngayon nagpapahinga na siya o.... baka kasama niya yung kasintahan niya. Ewan ko.
Paulit ulit akong nakaramdam ng sakit, hindi na tama ito.
Nakita ko ang isang maleta duon at siguro'y ang mga damit ko iyon. Madali ko iyong pinuntahan pero pagkabukas ko ay mga bagong damit ito may mga bestidang puti, shorts, tshirts.....swimsuits and lacey underwear?
Feeling ko ay sobrang pula ng mukha ko ngayon. Sino ba ang mga bumili nito? Huwag mo sabihing ang boss ko yun? Ako ang secretary niya kaya kanina siya nag pabili?
Umiling ako ng umiling at tinakpan na lamang iyon. Napagpasyahan kong maligo na lamang dahil gabi na rin at hindi ko iyon napansin.
Pumasok ako sa banyo at binuksan ang shower. Naramdaman ko ang init ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Nakaramdam ako ng nginig ng marinig sa aking isipan ang ungol ni sir isaac yung boses niya habang nakikipag talik siya at naalala ko nung hinalikan niya ako!
Napahilamos nalang ako gamit ang palad ko ng naisip na mali ang ginagawa ko. Ia itong pagnanasa at boss ko siya! Umayos ka naman Vennie! Ang halay mo...
Nang matapos ay aad akong nagtapis ng katawan at lumabas ng banyo pero halos mapatalon ako nang makita ko si sir na nakasalampak sa aking kama at nakapikit. Bumababa taas ang kanyang adams apple.
Di mo maiiwasang tumingin sa kanyang katawan na kahit nakasuot lamang ito ng simpleng vneck ay parang modelo na siya ng isang magasin kahit may edad na ito pero hindi naman matanda ang 30 diba?
Bakat din dito ang mga tinapay-- etse ang hubog ng muscles nito yung ugat.
"Done staring at me? Hmm?"
Napayuko ako sa hiya nang hindi pala tulog si Isaac. Nang nagangat ako ng natingin nahuli ko itong nakatingin sa aking katawan na ngayon ay nakatapis lang. Nagiwas agad ako at niyakap lalo ang sarili dahil sa lamig.
"K-kukuha lang ako ng damit."
Mabilisan akong kumuha ng isang bestidang puti at pinagtyagaan ang lacey underwear na 'yon. Alam kong nakatingin siya sa gawi ko kaya mas lalo akong nataranta.
Buti nalang at may mga matitinong bra dito.
Matapos kong magbihis sa banyo ay sinuklay ko ang mahaba kong buhok.
Sabi nila ay kamukha ko si mama. Mestiza, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at ang mala kupid bow kong labi ay talagang mula sa kanya. Guapo rin daw si papa at habulin daw ng mga babae nung kapanahunan nila pero kay nanay lang daw talaga siya tumingin.
Tama lang ang hubog ng katawan ko at hndi ako kaliitan pero tama lang pero para sakin ay di ako perpekto.
Tanging malalim na paghinga lang ang nagawa ko at bumalik na nang kwarto pero pag balik ko duon ay wala ni Isaac at nasa lamesa na malayo sa kama ko.
May dala siyang pag kain na nasa lamesa at inilalatag na ito. Dumeretso ako doon at tinulungan siya nang di sinasadyang nag ka hawak ang kamay namin habang inaayos ko ang plato.
Para akong na kuryente dahil sa hawak nito agad akong lumayo at tumungo sa kabilang bahagi para mahinahon ang tensyon.
"Ayos ka lang dito?" Mahinahong tanong ni Isaac.
Tumango ako. "Oo. Komportable naman ako.."
Umupo na ako ng makitang okay naman.
"Nag tagal ba dito si... Ethan?" Mababang sambit nito sa akin.
Hindi ako tumitingin at umiling. "Hinatid niya lang ako at umalis na. Hindi siya pumasok dito,"
Tumango tango siya at umupo sa harapan ko. Kabado padin ako at hindi makakagalaw ng maayos. Nagpatuloy ako sa pagkain at narandaman ko ang mabibigat na tingin niya sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil halos lahat ng kilos ko at pinagmamasdan niya.
"Vennie.." biglaang niyang sabi
Tumaas ang tingin ko. "Po?"
"Tell me about yourself. I want to know you more.."
Napayuko na lamang ako at nag pigil sa nararamdaman. Kinabahan ako lalo at umayos upo.
"Hindi ko alam paano sisimulan. Tsaka ayos lang ba? Boss kita.." halos gusto kong bawiin ang huli kong sinabi.
"Then treat me like you treat Ethan. Yung walang gap between us. 'Cause i'm really desperate." Halos nag mamakaawa niyang sambit.
"Uhm... Ako si Venni-"
Bigla siyang tumawa dahilan para matawa din ako. Umiling ako at medyo naging kumportable habang nag uusap kami.
Tumango siya. "Yes, i know."
"Alam kong medyo pasmado ang bibig ko pero sana 'wag mo masamain. Actually, ganito na kasi ako kaya.." napatawa ako.
"Trese anyos ako nuong namatay ang magulang ko sa isang car accident. Engineer ang papa at model ang mama. Saksi ako kung pano sila namatay. Nalugi ang negosyo namin kinuha nila ang bahay namin pinalayas ako. Ni hindi ko alam kung san ako kukuha ng pagkain dahil bata palamang ako..."
Nakayuko kong sambit. Biglang napatahimik si Darius at nag iwas ng tingin.
"Huminto ako. Walang kamaganak na gusto akong tulungan pero buti nalang ay may mabuting tao na nagpatuloy sa akin.."
At si Rowena 'yon.
"Naging kaibigan ko siya, pinakain, binihisan, pinagaaral ako ng magulang niya at tinuring din akong pangalawang anak. Medyo di nga lang ako tanggap ng Nanay niya pero ang Papa niya sobrang gaan sa'kin. Nakagraduate ako ay agad akong nagtrabaho at tumayo sa sarili kong paa.."
Ang sakit balikan ng mga nakaraan na parang unti unti akong pinapatay.
"I'm sorry..." Ani nito. "What is the name of your parents?"
Nahamigan ako sa tanong nito pero mas lalo lamang kinabahan habang nakatingin sa kanya.
"Levi at Kassandra Travejo...."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro