Chapter 6
Chapter 6
Ilang araw na ang limipas mula ng maging sekreytarya ako ni Isaac gat ganuon parin pa iba-iba ito ng ugali pero minsan ay mabait at sinusuyo ako. As if naman ay meroong namamagitan sa aming dalawa?
Napahilot ako sa sentido ng sobrang daming gagawin. Hindi na ako makakain dahil dito. Kailangan na kailangan pa naman ito ngayon. Nakaka stress talaga maging sekretarya ng malaking kompanya.
Habang nag iisip ay biglang may humarang sa harapan ko. Halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko ang imahe ni Isaac.
"Sir? May kailangan po ka'yo?"
Huminga siya ng malalim bago bigla nalang ako hinatak nito ng walang pasabi. Naiwan ko ang aking ginagawa dahil doon. Nang makababa kami ay agad na may pumaradang SUV samin.
Buti naman ay 'di magarang sasakyan ang dinala niya.
"Sakay na."
Utos nito. Wala na akong magawa kundi sumakay nalamang. May driver ito at siguro ay di niya trip mag-drive ngayon. Nakakagulat na 'di ako sa front seat sumakay kundi kasama siya sa back seat. Mapatingin ako sa kamay niya nakahawak padin sa akin at ngumuso.
"Saan tayo pupunta?" mahina kong tanong sa kanya.
He groaned. "You need to take a break. I'm sorry for making this hard for you."
Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Tila nangungusap pa ang mga mata habang sinasabi nito. Sumulyap ako sa driver at mabuti nalang at 'di naman ito nakikinig.
Tumikhim ako. "Trabaho ko naman po 'yon, Sir."
Tumingin siya sa'kin. "I don't care."
I don't care? Talaga bang sinabi niya 'yon?
"Pinapasweldo mo ako kaya dapat gawin ko ang trabaho ko ng tama. Hindi ata tamang makita tayong mag kasama na 'di konektado sa trabaho dahil sekretarya mo lang ako." Mahaba at medyo iritado kong sambit.
"Woah! Vennie. I'm just taking you for a break. You're my secretary and you're responsible assistant of mine. Hindi nila iisipi na..." Napahinto siya at tila may naisip.
"..Na may relasyon ta'yo or hindi ba meron naman?"
Nanlaki ang mata ko at medyo tumingin sa harapan. Medyo kumunot ang nuo ng driver sa amin. Mahina kong pinalo si Isaac Wala akong pake kung ano man isipin niya pero 'di tama 'yon!
Humalakhak siya. "Alright, baby."
Habang humahaba ang byahe napansin kong malayo ang pupuntahan namin, kaya napatulog ako. Siguro ay dahil rin sa pagod iyon, hindi rin kasi ako nakatulog kagabi.
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan namin kaya iminulat ko ang aking mata.
Nagulat ako nang sobrang lapit ng mukha naming dalawa ni Isaac.
Bakit ba laging nangugulat itong lalakeng 'toh? buti nalang gwapo. Umiwas ito ng tingin at bumaba. Agad siyang nag lahad ng kamay sa akin.
"We're here. Isang oras kang nakatulog sa sasakyan. Tell me nagpupuyat kaba?" Ngisi niya.
"Pasensya na po, Sir. Hindi lang po nakatulog." Bumuntong hininga ito at bumaba. 'di tinanggap ang kamay nito.
Kakapain ko sana ang cellphone ko sa aking bulsa ng maalala kong nasa office pa 'yon. Ngumuso ako at humarap kay Isaac na nakatingin sa harapan.
"S-sir, yung mga gamit ko kasi nasa office. Pati yung cellphone ko..."
"It's alright. Uuwi din naman agad ta'yo." Tumango nalang ako kahit di ko alam kung anong pinagmamasdan niya ngayon.
Napatigil ako at napatingin sa paligid, nakakamangha ang tanawin mula dito. Halos napanganga ako sa ganda ng dagat. Naalala ko tuloy noong tumungo kami sa Cavite.
Lumapit pa ako sa barrel katabi ni Isaac para makita ang paglubog ng araw. Kung nandito lang aking phone ay kanina ko pa ito kinuhanan ng letrato but... nevermind.
"Ang ganda.." Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ito.
"Yes, it is...."
Nakangiti akong napabaling kay Isaac. pero bigla nalang itong nawala dahil naabutan ko itong seryosong nakatitig sa akin.
Sobrang lakas ng pintig ng puso ko pero siguro ay dahil sa kaba lamang iyon.
"B-bumaba kaya tayo ruon. Tingin ko kasi makikita natin yung dagat ng malinaw sa malapitan." para matigil ang kakaibang hangin sa amin ay bumaba ako.
Tuwang tuwa ako ng maramdaman ang malalambot na buhangin sa aking paa. Tanaw na tanaw rito ang pagkalaki ng mga pineapple trees. Tinadyakan ko ang mga buhangin sa aking paa at pinagsakop ang buhok papuntang hilid.
Narinig ko ang yapak ni sir isaac sa aking likod. Gusto kong umiwas dito dahil sa tahimik na beach na ito at halos kami lang dalawa ang nag lalakad ngayon.
Umalis na kasi kanina si Manong Driver pero iniwan ang kotse dito.
Naisip ko tuloy bakit ganito ang sitwasyon namin? Naalala kong hinalikan niya ako dati. Ano ba kami? Alam kong masyadong mabilis pero kakaiba talaga ang puso kapag andyan siya.
Umiling ako. Hindi, Vennie. Baka totoo lang ang sinasabi nilang kapag mayaman manloloko o babaero? Ipinunta ko nalang ang atensyon at napahanga ng makita ko ang nagsisilakihang rock formation duon. Sayang at hindi kami pwede tumungo doon dahil may nakaharang na.
"Vennie.."
Tumingin ako dito at nakitang sumulyap siya sa kanyang relos.
"We need to hurry. Hinahanap na ta'yo nila." Ani niya sabay kuha sa aking kami.
Nauna itong naglakad kaya sinundan ko na lamang ito. He looks good with his v neck shirt and khaki short. Kahit ganito lang ang suot niya ay para parin itong prinsipe.
Nang marating na namin ang dulo ng isla ay nagulat ako dahil may mga dayuhan ruon kung duon sa malayo ay wala dito ay sobrang dami. Dagdagan mopa ng maingay na musika.
"Isaac, Good you're here!" lumapit ang isang naka two pice na babae, maganda, maputi at mukhang mayaman. Parang kinurot ang aking puso ruon habang nakikita ko siyang hinalikan si sir isaac at naglambitin sa leeg niya.
"Samantha, Nandito ako dahil sa aking trabaho and not for you."
Marahas niyang itinulak yung Samantha. Nag iwas ako ng lumingon ang babae sa'kin. Bigla naman akong kinabahan dahil sa matalim na titig sa akin ni Samantha ngayon. Hinead to foot niya ako at umirap.
"Who is she?" Malambing na sabi niya kay Isaac.
Napayuko na lamang ako at huminga ng malalim.
"I'm with my secretary,"
Umangat ulit ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ngumisi ang babae at medyo lumambot ang tingin sa'kin. Ni hindi man lang ako nilingon ni Isaac nang hatakin siya.
Siguro ay siya ang gusto ni sir isaac.
Parang kinukurot ang puso ko dahil dito, pagmasdan ko lamang sila ay parang naghihina na ako? Bakit naman? Bakit ko ito nararamdaman?
Agad silang nawala sa aking paningin kaya nagpanic ako. May humawak sa aking braso kaya napatingin agad ako rito
"Isa-" Bigo akong mapatingin nang makitang 'di ito ang inaasahan ko.
Si Ethan pala.
"Inaasahan mobang ako si Isaac?" May diin niyang sabi agad akong umiling at yumuko.
"He's with Samantha. Pumasok sila sa hotel." Mas lalo akong nakaramdam ng lamig sa katawan unti unti akong tumango. Hotel? Anong gagawin sa hotel?
"Are you hungry? Gusto mobang kumain muna?"
Umiling nalang ako at inaangat ang tingin rito. Nanghihina itong tumingin sa akin at parang may pagaalala.
"Wag na... ikaw kumain ka naba? Tsaka asan ba ta'yo?" pagiiba ko ng usapan.
Nagsimula kaming magkalad. Kahit mabigat ang dibdib ko sinubukan kong makitungo ng maayos.
"Hindi ba sinabi sayo ni Isaac? Dito muna kayo habang nakikipag deal pa si isaac sa may ari nung resort."
"Ha? Akala ko ba babalik kaagad? Paano yan wala akong dalang damit tsaka pano?" Tumawa na lamang si Ethan sa akin.
"Don't worry. Baka pinadala na ni Isaac yun." Tumango na lamang ako.
Siguro ay matagal ko na namang makakasama si Isaac. Siguro ay makikita ko na naman siyang kasama ang ibang babae..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro