Chapter 3
Chapter 3
Awkward athmosphere filled the room.
Ako lang ba iyon o ganoon din siya? Seryoso lang itong nakatuon sa aking resume.
I stared at his blue eyes, his greek nose down to his thin lips. He's almost perfect. Siguro kaya andaming babae ang nasa interview list kasi kung ganito ba naman ang makakasama mo araw araw. Aayaw ka paba?
Naka fold ang button down long sleeves niya at nakikita ko ang makakapal na balbon nito ganuon din ang ugat na nasa kamay nito.
He's old, not that old dahil mid 30s lang naman siya, pero mukhang 26 lang siya dimo talaga mapaghahalataan na hindi anak mayaman dahil mukha palang ay alam na.
"Are you done?" Nabalik ako sa huwisyo ng nagsalita ito.
Done? Hindi ba dapat ako ang nag tatanong niyan?
Umangat ang dulo ng labi nito at sumandal sa office chair niya. Diretsong tingin sa'kin.
Tumikhim ako. "P-po?"
"So you're single? Don't have any suitors?" Hindi ako naging kumportable sa tanong niya. Agad akong napaayos ng upo at umiling.
Ano daw?
"P-parte paba ito ng interview?" Nag aalinlangan kong tanong.
"Hmm... i think so.." pinaglaruan nito ang labi nito habang nakatingin sakin.
"I thought it's not right to asked questions like that lalo na sa applicants. Excuse me sir but it's like invading my private life." kunot nuo kong sambit.
Umiling ito at niluwagan ang pagkakatali ng necktie nito. Napatitig lang ako kung paano niya gawin 'yon. Parang may kung anong kiliting dumaan sa aking tyan.
Ano ba'yan Vennie! Umayos ka!
Umiinit na sa buong office dahil don. sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
"Bukas na bukas rin ay magsisimula kana, your table will be here.. at my office." sabi pa nito.
"D-dito rin? A-ang akala ko ay--"
"i like you here," Aniya na 'di humihiwalay ang tingin sa mga papeles.
"You can start tommorow." umangat ang tingin nito sakin.
Parang kuryente ang tingin niya para kong naparalize ng wala sa oras, yung mga mata niya parang na hihypno ako kaya umiwas agad ako ng tingin at inayos ang aking sling bag.
"K-kung ganon ay gusto kong humingi ng pasensya sa nangyari nung nakaraan dahil hindi ko ginustong sabihan ang kumpanya ny-"
He chuckled that's why i stopped. He only looked at me intently but when he started leaning closer, agad akong nag panic. Tumabingi ang kanyang mukha at pinagmasdan ako.
"It's nothing."
Wala sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi pero agad ding natauhan dahilan para mapatayo ako kaagad at naglahad ng kamay.
"Salamat, S-sir Isaac..." tinignan niya muna ito bago tanggapin.
"Isaac will do. You're my secretary and i'm your boss, do what I'll say." ngisi nito pilit akong ngumiti at huminga ng malalim. Demanding, wow.
Dahan dahan akong lumabas ng office at nararamdaman kong nakatingin parin ito sakin, tagos ang tingin nito at nakakahilo.
Nang makalabas ako ng office ay parang nanlambot ang tuhod ko at nawalan ng balanse, muntik panga ako mapaupo buti nalang at napakapit ako sa pader dahilan para hawakan ko ang dibdib ko na hindi parin tumitigil sa pagtibok.
"Vennie?" Agad akong napalingon ng may tumawag sakin.
"E-Ethan? bat ka nandito?"
Kakalabas palang nito sa elevator at naka formal suit ito. ngumisi siya at tinignan ako sa mukha hangang bumaba sa katawan ko.
"You're so hot! Damn, girl!" lumapit ito sakin pero inirapan kolang ito at lumayo.
"Lumayo kanga. Hindi ako kumportableng suotin 'to pero ayos lang dahil may trabaho na'ko." Ngisi ko at humalukipkip.
"Oh? 'Bat natanggap kana?" Nakakunot nuo nitong sabi.
"Ethan."
Pareho kaming napalingon sa nagsalita. Syempre sino paba edi si Sir Isaac.
"Oh pare!" Nakipag fist hand ito sa kanya at ngumisi. Sumulyap sa akin si Isaac kaya napalayo ako dito. Andito na naman tayo.
"I told you not in the afternoon." Matigas na Ingles ni Isaac Kay Ethan.
"Sorry! I have important meeting later kaya 'di nako nakapag hintay. Business proposal is here."
May binigay na folder si ethan kay isaac kumunot ang nuo nito habang binabasa ang business proposal.
"Start your first day. You know what to do." hinagis niya sakin ang folder at naglakad papuntang office niya.
"Pero diba..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin at napatingin sa mga folder na hawak ko. Ngumuso ako at nadismaya dahil ngayon na pala ang unang araw ko! Gusto ko pa sanang pumunta sa lomihan at ilibre si Rowena!
Hindi ngumiti si Ethan sa akin pero may kung ano sa tingin niya. Hindi ko nalang ito pinansin at bumalik sa office kasunod si Ethan.
"Anu bayan!"
Habang naguusap sila ay ako naman ay busy naman sa pagaarrange ng papers. Akala ko ay yung folder na ibibigay lang yung aayusin ko pati rin ba ito?
Teka bakit kaba nag rereklamo Vennie! Assistant ka nga diba?
"Yeah. It's a good thing na marami naring naginvest. If magtatayo ng isang beach resort marami pa tayong aayusin na papeles sa lupa na bibilhin." Si Ethan.
Tumango si isaac at napatingin sa akn agad akong umiwas ng tingin at inituon ang tingin ko sa mga papers.
"There's no problem about the money, Ethan. If kailangan nating makausap ang mayari ng isla at bayaran ito ay gagawin kona agad para mabilisan na."
Mayaman nga naman. Pera pera lang.
"We should take it slow, Isaac. Hindi lahat nadadaan sa pera. Ayaw din ibenta ang lupa ng iilan kong nakausap. Sayang at magandang tourists spot ngunit underrated."
Tama, tama si Ethan hindi lahat nadadaan sa pera.
Sa gitna ng katahimikan ay biglang kumalam ang sikmura ko. Hindi lamang basta kalam kundi sobrang lakas nito! Agad na napunta lahat ng dugo ko sa aking mukha at tumingin sa pwesto nila.
Nakakahiya!
Tumingin ako sa kanila na ngayon ay nakatingin sa akin, pilit akong ngumiti at yumuko.
"Pasensya na ka'yo." Kagat labi kong sambit. Narinig kong tumawa si Ethan.
"Kumain na kasi tayo!" Tumayo si ethan at lumapit sa akin.
"I'll join you so we can discuss it while eating." Pagsingit ni isaac at naunang maglakad.
Pumunta kami sa isang high class restaurant. Syempre sino pabang mga kasama ko, diba? Sa isang private room kami, diba bigatin.
"Eat whatever you want, a'right?" Ngiting sabi ni ethan at tumango lang ako.
Pinili ko ang isang pasta carbonara at grilled shrimp. Masarap kasi at mura lamang. Nakakahiyang mag order ng marami dito.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Isaac.
"I'm surprised you know each other." Napalingon ako sa kanya.
"Ah... Oo. Kaibig-"
"Girlfriend ko. Mag 3 years na kami this month."
Ani ni Ethan, di nakangisi. Tila seryoso sa sinabi. Autimatikong lumaki ang mata at agad na napabaling kay Ethan
Ethan! Na'ko naman!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro