Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Chapter 18

Mas lalo akong humagulgol nang tuluyang lumapit sa akin si Ma'am Ezperanza. I reached for her hand and hugged her tightly. Mukhang nagulat din siya sa biglang ginawa ko dahilan para 'di makaganti agad. Sunod sunod ang hikbi ko habang umiiyak.

"Jesus, Vennie! Are you alright?"

Umiling iling ako. Hinayaan niya lamang akong umiyak sa kanyang balikat. Atleast ngayon ay medyo naging magaan ang dibdib ko. Atleast, there's Ma'am Ezperanza who can hug me and tell me it's alright. Masaya ako na kahit isang tao ngayon ay nag aalala para sa'kin.

Hinagod niya ang aking likod, habang ako ay tahimik na umiiyak. Nang medyo nakabawi ay marahan akong lumayo habang nakayuko.

"S-Sorry po, Ma'am..." I'm sobbing.

Nag aalala siyang tumingin sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Pinunasan ko ang aking luha. Nakakahiyang nasa gilid kami ng daan. May mga tao pang tumitingin.

She's wearing a dark brown turtle neck dress with belt on it. May malaking C ang nakalagay don. Kumikinang din ang mga alahas niya sa kanyang kamay, tenga at leeg. She looks so expensive and elegant at the same time.

"Bakit ka andito?" Tumingin siya sa aking gamit na nasa gilid. "Bakit dala mo ang mga bagahe mo?"

Pumikit ako ng mariin at lumingon sa sa mga dala kong bagahe. Nakakalat na 'yon ngayon. Gumuhit muli ang sakit sa puso ko.

"Vennie?" Ma'am Ezperanza called me again.

"W-wala.." Huminga ako ng malalim. "W-wala na po akong mauuwian, Ma'am.."

Kumunot ang nuo niya. "What?"

Wala na akong bahay. Wala akong pamilya. Wala akong trabaho. Wala akong kaibigan. Nasasaktan ako. Parang ako nalang ang meron ako. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip na dito na lamang ako matutulog, sa malamig na sahig.

"Wala na po akong matutuluyan. P-pinalayas na po ako sa tinitirahan ko," nahihirapan kong sambit.

"What!? You're pregnant! Where's you parents?  Pinalayas ka nila!?"

Umiling ako. "Wala po akong pamilya... Sa apartment lang po ako nakatira,"

"Oh my god," gulat na gulat siyang napatingin sa'kin. "You're pregnant! Oh- Sorry. Sumama ka sa'kin. Sa bahay ka muna titira! It's cold here! Balita ko ay uulan pa!"

Natigilan ako doon. Mukhang seryoso si Ma'am Ezperanza sa sinasabi niya. Nakaramdam ako ng init sa aking puso. Hindi ko alam bakit tila naiiyak ulit ako sa sinabi niya. Parang may kung ano kay Ma'am Ezperanza na nag papalambot sa aking puso.

She seems so close to me kahit kakakilala lang namin.

"Ma'am..."

Malungkot siyang ngumiti at iniabot ang aking kamay. "Don't worry. Wala akong kasama sa bahay. Please, Vennie? I'm worried about your child,"

That night, everything changes. Ma'am Ezperanza is right, wala siyang pamilya o kamaganak sa kanyang bahay. Wala din itong mga anak kaya mas lalo akong nagulat doon. She's very hot for guys on her age. Kung nabubuhay lang si Mama ay baka kasing edaran niya ito.

"I'm willing to adopt you as my own child, Vennie. I'll give you my name.." hinawakan niya ang aking buhok. She smiles gently.

I bit my lips. "Sobra sobra na po ang tulong niyo,"

"No, Hija. Ako dapat ang mag pasalamat sa'yo. Naging masaya ang malaking bahay na 'toh nang dumating ka.."

Naiiyak akong ngumiti kay Ma'am Ezperanza. Simula nang dumating ako dito ay wala na akong narinig na balita sa labas. Sinubukan kong mag bagong buhay sa luob ng malaking mansyon ni Ma'am Ezperanza.

Tinuruan niya ako ng mga bagay na 'di ko kayang gawin. She thought me a lot of things about this life. Dahil may alam naman ako tungkol sa business ay 'di na siya nahirapan na ipasok ako kumpanya niya. She's a successful business woman, may ari ng isa sa pinaka sikat na fashion label sa mundo.

Nung una ay 'di ako nag kainteres sa ganitong larangan but when Ma'am Ezperanza teach me about this life, nag karoon ako ng pag asang tuluyang mag bago.

"Designing Team! This is Vennie Margaret Batalier, My daughter." Matamis na ngumiti si Mama sa akin. "From now on, she'll be the head of this team. I bet you already know why. I want you to treat her like how you treat everybody."

Gulantang na napatingin sa akin ang mga miyembro ng Designing team. Nahihiya lang akong tumango kay Ma'am Ezperanza at sumangayon.

"Wala namang anak si Madame, diba?" I heard one of my teammates murmured.

"Wala. Ampon 'yan." Sagot nang isa.

Nang sumulyap sila sa aking gawi at napahinto ito at medyo natigilan. Tipid akong ngumiti bago tuluyang tumingin sa aking laptop. Sa totoo lang ay 'di ako kumportable sa tuwing nababanggit nilang ampon ako. Alam ko naman 'yon, e. Hindi ko naman ipinagtatanggol ang sarili ko.

Ang ayaw ko lang ay sa tuwing sumusobra na sila at napupunto na wala akong karapatan dahil wala akong pinag aralan. Oo, mas lalo akong nag sipag. Araw gabi ay nag aaral ako. Namumuo ang galit at pait sa dibdib ko tuwing naririnig ko 'yon dahil parang naririnig ko narin ang boses ng babaeng 'yon sa utak ko.

They're disgusting and evils. I wish they rot in hell.

Ako ang naging head ng branch ng Ezperanza Fashion Co. sa New York. The label 'Ezperanza' is very hot there. Nakadalo ako sa iilang fashion week sa iba't ibang bansa. I met a lot of models and make them wear my designs.

Nang manganak ako sa ibang bansa ay 'yon na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Lahat ng galit at pait ay nawala. Tuwang tuwa din ang Mama doon at halos maiyak sa tuwa.

"Let's name this little Islmond Matias Batalier, let's name him after my last love.." Naiiyak na sambit ni Mama habang tinitignan ang aking anak.

I smiled softly and look at the little baby on my arms. "Islmond Matias... Mon.." I whispered and kissed his temple.

"Grabe ka naman, Ma'am. Kay Sir Matias mo pa pinangalan, hah. Halatang bitter pa rin." Si Isadora sa aking gilid.

"Shut up, Isadora!" Umirap si Mama at agad naman akong natawa.

I like it. Islmond Matias. Sobrang gandang pangalan at tila anghel ang may ari non. I'll treat this child as my savior and life. Natutuwa ako. Hindi parin ako makapaniwala habang tinitignan ang bata sa aking kandungan.

Ang kanyang mga mata... It's blue, katulad nang kanyang ama. Wala man lang siyang nakuha sa akin bukod sa kulay nang aking buhok.

"I love you so much, Mon.... Ikaw ang buhay ko."

Ngiting ngiti ang iginawad sa akin ni Islmond dahilan para mapaluha ako.

Natuto na akong maging matapang para sa anak ko. Natuto akong ipagtanggol ang sarili at ang pamilya. Habang palaki ng palaki si Islmond ay 'di ko maitatangging kamukha niya ang kanyang ama.

Oo, sumasakit ang puso ko tuwing tinitignan ko siya. Hindi dahil naalala ko ang pang loloko ng gagong 'yon ay dahil naawa ako sa anak ko na lumaking walang ama.

I cutted all of my connections in the Philippines. Kahit si Ethan pa ay wala nang balita sa akin. Siguro ay may asawa na 'yon ngayon. Ilang taon na ang lumipas. Paniguradong may magandang pamilya na siya .

Mapait akong ngumiti tuwing naalala kung gaano ako kahina noon. Nagawa nila akong saktan. My bestfriend betrayed me... My only friend. Kamusta na kaya sila? Kasal na siguro. Kung sa bagay, gustong gusto naman nila 'yon diba? Kaya nila ako niloko.

One day Islmond came back at our home, crying. His crying so much that he can't breathe properly. Sobrang nasasaktan at naaligaga ako kakayakap  sa kanya. Walang maisagot sa akin si Alyssa ang aking sekretarya kundi iyak lang din.

"What happened? Oh my baby..." I hugged him.

"M-mom... C-can i a-ask a q-question?"

I bit my lips because of that. Sobrang nag aalala ako habng pinakikinggan ang anak ko na sobra ang iniiyak. Ngayon lang siya umiyak nang ganito.

"Yes baby? Please stop crying first, okay? I'll answer your questions once you stop crying. You're a big guy already, right?" I said softly.

"Y-yes, M-mom.." he sobs. "I'm a b-big guy.."

Sumulyap ako kay Alyssa na umiiyak pa din habang nakatingin sa gawi namin.

"M-mom.. My classmates are bullying me. A-Ate Alyssa tried to stop them but i-instead, they threw us a huge s-stone..."

Napasinghap ako sa sinabi ng anak. My brows furrowed because of anger. Nang tumingin ako kay Alyssa ay doon ko lang napansin ang galos sa kanyang kamay. Napapikit ako ng mariin dahil sa galit.

Humigpit ang yakap ko sa aking anak nang muli siyanv umiyak. "Shh, Baby... Mommy will report it to your dean, Alright? Oh my god. Since when? I'll suspend those kids for hurting my baby... Dios ko.."

"Mommy... They're bullying me because i don't have a f-father. M-mommy where's Daddy? I-I miss Daddy... Why i only have Lola-Nanay, Ate Alyssa and Mommy? W-where's D-Daddy?"

Napatigil ako. That time, i can't answer my son. Umiyak lang siya ng umiyak sa aking dibdib. Nakatulala ako habang pinakikinggan siya. Nawala ang buong lakas ko nang gaving 'yon. Pakiramdam ko ay dahil sa akin kaya nasaktan ang anak ko. Dahil sa akin kaya wala siyang ama. Siguro dahil 'di ako sapat, dahil ako lang ito.

Isaac left me because i'm easily fooled and not as rich as them. Dahil sa akin.. dahil mahina at tanga ako.

Ilang gabi ang iniyak ko, ilang gabi ang iniisip ko kung anong halaga ko, ilang gabing kwinikwestiyon ko ang siya bakit ako pa ang ganito. Hearing it from my son hurts me back and forth. Sising sisi ko na ang sarili ko. Bakit kailangan ang anak ko pa ang muling masaktan?

"Mommy, i want to go back in the Philippines. Daddy is living there po?" Nagliliwanag na tingin ni Islmond sa akin.

Nawala ang ngiti ko at tumikhim. Narinig ko ang pag ubo ni Mama sa screen ng laptop at sumimsim sa kape.

She knows about Isaac and his mother. I was shock when she tells me that Isaac's mother is her old friend, currently enemy. Tinulungan niya akong mag bagong buhay, isa sa mga dahilan ay yon.

"I-I don't know, Mon. Maybe he's out of town? Y-you're father is busy person.." kinakabahan kong sagot.

Mas lalo siyang humilig sa akin at yumakap. "But Daddy is living there, Mommy? I want to see Daddy! Let's go back in the Philipines! Lola-Nanay is there too!" He said adorably.

"Vennie..." Mama called.

Huminga ako ng malalim bago yakapin ang anak at medyo kilitiin yon. Napatawa naman ito at iwinagayway ang paa.

Ngumiti ako at hinalikan siya sa nuo. "I'm going to talk with your Lola-Nanay. Can you go with your Ate Alyssa, first?"

"Opo, Mommy!"

Natatawa ako dahil sa pag tatagalog niya. Hindi pa din talaga siya sanay sa tagalog kaya sumiseg-way ang kanyang boses. Ngumiti si Alyssa at binuhat ang anak ko.

Unti unting nawala ang ngiti ko nang mapunta sa screen ang tingin. Mama Ezperanza is also looking at me with malicious eyes.

"We're not going back there," Ani ko sa desididong tono.

Huminga ng malalim si Mama. "You need to, Margaret.."

"Not yet, Mama." Napahawak ako sa aking sentido at tumingin sa screen. "Ayaw ko pang makilala ni Mon ang hayop na 'yon."

"Words. My grandson might hear you." Ani ni Mama at nakita kong umupo siya nang maayos.

Nasa office siguro siya base sa suot at sa kanyang upuan. Nakita ko ang pag kuha niya nang isa envelope. My brows furrowed as i looked at Mama's dissappointed face.

"What happened, Ma?"

Muli siyang umiling at iniharap sa akin ang mga printed pictures sa luob ng envelope. Halos mahulog ang dibdib ko nang makitang kami 'yon ni Islmond, nung first birthday niya hanggang 6th birthday. Muling iniharap sa akin ni Mama ang isang picture na nasa school kami at mag kayakap, tuwing sinusundo ko siya.

"W-whats tha-"

"Too late, Hija. Isaac already knows about you and his son."

















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro