Chapter 11
Chapter 11
Hindi ko alam kung kaya ko ba ipagkatiwala ang puso ko kay Isaac. May mga bagay na nag dadalawang isip pa ako gawin, katuld nito. I'm too fragile to think about us pero sa pag kakataong 'toh susubukan kong sumaya. Susubukan kong tumaya dahil pakiramdam ko may bagong pag kakataon sa'kin.
Panay ang sulyap sa akin ni Isaac habang muling kinakausap ang engineer. Napapayuko din ako tuwing nangyayari 'yon. I feel embarassed lalo na yung nangyari kagabi. What should i feel? Proud like there's nothing happened? Syempre talagang mahihiya ako! Lalo na't meron nang namamagitan sa aming dalawa.
"I understand, Engineer. Valencia. I also thought about extending the club house." I watched his mouth as he seriously talked to the engineer. Nag init lalo ang pisngi ko.
Ganito talaga ang pakiramdam ng nagmamahal, ano? Mainit sa pakiramdam... Lalo na sa puso.
"Vennie..."
Napaayos ako ng upo at napatingin sa grupo nila. Ngumisi si Isaac sa akin dahilan para manlaki ang mata ko. Sumulyap ako ka Samantha at nakita ang matatalim niyang titig sa'kin. Like she's looking for a fight. Mahinahon akong nag iwas at tumingin sa engineer.
"S-sorry. Yes... I think that's a good idea, Engineer."
"Maganda din siguro, Mr. Darwin if we try to make it modern. The tools and woods are kinda old looking at ang iba ay 'di na maganda sa mata." Ani ng babaeng engineer.
Nagusap pa sila ng mahabang oras at ako ay nakikinig lamang. Nang matapos ang meeting ay naiintindihan ko kung bakit 'di ako napansin ni Ethan. Tila naka distansya siya sa akin at mabilis na umalis. Nagkamayan kami ng team bago sila umalis ngunit natira si Samantha.
"Isaac... I want to eat something. Samahan mo ako..." Samantha said seductively to Isaac. Kumurot ang dibdib ko at nag iwas doon.
Haliparot talaga 'tong babaeng 'toh. Syempre ay nasasaktan ako. Dahil... Bagay sila. Bagay na bagay. I glanced at Isaac and now he's looking at me with concerned eyes agad ding napalitan ng tumingin kay Samantha.
"I'm not free, Samantha. We're going back to Manila. Let's just see each other again." Walang ganang sambit ni Isaac at tinabig ang kamay niya.
"Then let's see each other at Manila? Kailan ka free kung ganoon?" There's a hope in Samantha's voice but na-uh, girl. Just waisting your time here.
Ofcourse, Isaac will refused. Sobrang naginhawaan ako doon. Gaya ng sinabi niya ay bumalik na nga kami ng Manila agad. Kumain muna kami sa restaurant bago umuwi, 'di naman ito kamahalan kaya naginhawaan ako.
Hinalikan ni Isaac ang aking palad habang nag dadrive siya. Napangiti naman ako dahil doon. Kahit kunot ang nuo niya at tila masungit ay ayos lang. Ngumuso ako. Cute naman, e.
"Do you have plans this weekend? 'Cause i don't." He said while driving.
"Wala naman. Day-off ko sa'yo diba? Free ako kaya baka mag linis ako ng apartment o bumisita ako sa puntod nila Mama..."
Balak ko din sanang mag dala ng mga bulaklak at mag sindi ng kandila. Matagal tagal narin ng makadalaw ako. Baka nag tatampo na 'yon.
Bigla siyang nanahimik. Tumingin ako dito at nakitang tila marami siyang naiisip sa kanyang utak.
"Ayos kalang?" Tanong ko.
Tumango siya at sumulyap sa gawi ko. "Did you feel sad when you lost your parents? You feel abandoned?"
Napatigil ako dahil sa tanong niya. Huminga ako ng malalim at tila naging mahirap sa aking sagutin 'yon. Lumaki ako at maagang tumayo sa sariling paa. Tinulungan ako ng kaibigan ko para umahon pero 'di ibig sabihin non naging madali narin sa'kin lahat.
Ang pangungutya at pang aabuso sa akin 'di man pisikal ngunit emosyonal. Masakit 'yon. Sobrang sakit.
"S-Syempre.... Dalawa silang nawala sa'kin. Wala naman akong kapatid. Wala akong kakilalang malayong kamag anak o... kahit malapit na kaibigan nila Mama at Papa." Sagot ko.
I sighed. "Inabanduna? Hindi naman sa ganon pero may parte sa aking nangungulila ako sa pagmamahal ng magulang. Isama mo pa ang masasakit na salitang binibitawan ng ibang tao sa magulang 'ko pero kahit kailan ay 'di ako naniniwala doon."
Tumingin ako sa kanya at nakita ang pag igting ng kanyang panga. Kumunot ang nuo ko at medyo umayos ng upo. Gusto ko din siyang tanungin.
"Ikaw? Asaan ang mama at papa mo? Hindi ko pa sila nakikita kahit sa office,"
"My mother is out of town while my father is dead..."
Napatauptop ang labi ko dahil sa sinabi niya. Mukhang naging seryoso din ito kaya mas lalo akong nanlumo. Nang tinignan ko siya at tumingin na din siya sa akin kaya bumaba ang tingin ko.
"Sorry..." Ani ko.
"It's okay, baby.." tumawa siya. "i love hearing your voice."
Ngumiti ako doon. Nag usap pa kami ngunit sa maliwanag na parte na ng buhay namin. Tawa kami ng tawa tuwing napapagusapan ang nakakahiyang parte. Hindi ko tuloy napansin na nandito na pala kami sa apartment. Sinamahan pa ako nito hanggang taas.
"Salamat sa pag hatid..." Tinuro ko ang pintuan. "P-pasok nako?"
Ngumisi siya at biglang hinawakan ang pisngi ko at nagnakaw ng halik. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya agad ko siyang natulak. Tumawa naman Ito.
"You're so beautiful, Vennie...." Pumamulsa siya. "Don't leave me,"
Hindi naman talaga. Sumimangot lang ako at bubuksan na sana ang ang pintuan ng kusa iyong bumukas at tuluyang iniluwa si Rowena. Gulat na gulat ako doon ngunit siya ay agad na napayakap sa akin.
"You're finally here! I thought you're not going home na! I missed you, Vennie!" She hugged me tightly.
Tumawa ako doon at mas lalo siyang niyakap. Parang tumangkad siya Lalo at tumingkad ang pag kamorena niya? Nanliliit tuloy ako sa kaibigan nang mag kahiwalay kami ay pinuri ko siya dahil doon.
Hinampas niya ako. "Grabe ka! Dati pa akong hot so hindi mo na kailangan ipamukha sa akin." Tumungin siya sa akin ngunit lumandas iyon sa likod ko. Unti unting nawalan iyon ng tawa at napalitan ng ngiti.
Muntik ko na makalimutan si Isaac. Tumingin din ako kay Isaac at nakitang nakatayo lamang siya at nakatanaw sa akin. Nahihiya akong lumapit sa tabi ni Isaac at tinuro si Rowena.
"Siya yung tinutukoy kong kaibigan ko sa'yo. Isa siya sa pinakamalapit na kaibigan ko. Si Rowena..." Humarap ako kay Rowena. "Rowena si Isaac... B-boss ko."
"I'm her boyfriend." Matigas na ingles ni Isaac kaya nanlaki ang mata ko.
"Boyfriend?" Si Rowena tila namutla.
"Uh... Ano kaba? Umalis ka na nga. Gagabihin ka pa." Agad kong tinulak si Isaac palabas 'di siya nakangiti sa akin. Sumulyap ito sa aking likod at muling tumingin sa akin para humalik.
"I'll text you. Goodnight." He whispered.
Namula ang pisngi ko at sinarado ang pintuan namin. Nakatulala lamang si Rowena habang nakatingin sa pintuan. Siguro ay nagulat sa biglang pag amin ni Isaac bigla tuloy akong nakaramdam ng guilty.
"B-bago lang naman. S-sorry, 'di ko nasabi. B-boss ko din siya, Wena.." napangiwi ako.
"Uh..." Nag likot ang mata niya. "Siya pala yung sinasabi mong b-boss mo? DGC? Darwin Group of Companies?"
"Alam mo? Oo.." Ani ko at inilapag sa likod ang aking mga bag.
Siguro dahil sa mga magulang niya. Kilala din ang condominium business nila Rowena. Siguro ay nabanggit sa kanya. Dapat pala ay 'di nako nag sinungaling noon!
Sumunod sa akin si Rowena. "Paano kayo nag kakilala? Kelan pa?"
"M-masyado kasing mabilis mga pangyayari, Wena. Pero ikwekwento ko naman sa'yo. Wala kabang shoot ngayon?" Nguso ko.
Biglang nag iba ang ihip ng hangin. I saw Rowena looking at me directly. There's something in her eyes na tila 'di ko mabasa. Nagulat nalang ako ng bigla niyang kunin ang bag niya at nagmartsa mabilis sa pintuan.
"Rowena!" Tawag ko at sumunod sa kanya.
Nang nasa harap na kami ay bigla siyang humarap sa akin. Buong akala ko ay galit pero agad siyang ngumiti sa akin at niyakap ako.
"I'll be back. I remember may shoot pala ako this evening. Maybe we can meet each other sa susunod?"
"H-huh? Teka nag mamadali kaba? Mag luluto sana ako ng-"
Bigla siyang lumabas ng pintuan at iniwan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro