Kabanata 6
"Martini for the beautiful lady." I was leaning on the bar counter when a random guy approached me.
"No thanks." I declined dahil may iniinom pa 'ko. Sinubukan ko na igala ang paningin para hanapin si Astrid ngunit bigo ako na makita siya. I asked her to accompany me on this bar and now, she's nowhere to be found. Its Saturday naman so walang pasok bukas, meaning it's okay to get drunk and wasted.
"Are you alone?" It's still the guy who offered me a Martini. Hindi masyadong mausok at maingay ang bar kaya nagkakaintindihan pa. Hindi katulad sa iba na kaylangan pang sumigaw at maglapit para lang magkaintindihan.
"No, I'm with my friend but I don't know where is she." I shrugged. "Maybe she's on the dance floor."
"Then let me accompany you tonight?" He asked.
"Sure." He sat on the chair beside me as he leaned on the bar counter. Pumayag ako sa pagaakala na titigil siya sa pagsasalita kapag pumayag ako.
Mali pala, gosh! Lalo siyang nagingay. "May I know your name?"
"Its Mirae." Simpleng sagot ko.
"Its Mirae what?"
I forced my self not to rolled my eyes on him. "Mirae Lozano," Simpleng sambit ko matapos ay mariing pinaglapat ang mga labi.
"The CEO of Lozano Empire?"
"Yeah."
"Great! I'm Axel Miche. Nice to meet you Mirae."
"Nice to meet you, Axel." I said and gave him a fake smile.
"Take my martini. Para sayo talaga 'to."
Kinuha ko iyon para matigil siya. "Thanks." I was just sipping the Martini that he gave me while he was busy spitting nonsense.
Habang tumatagal ay palapit siya nang palapit sa akin. Ang kamay niya ay nakapatong sa ibabaw ng hita ko. I am wearing a silver bodycon dress na hanggang kalahati ng hita ko. The dress is hugging my body, revealing my hourglass shape curves at mas nagmukha iyong maiksi dahil sa pagkakaupo ko.
I looked around para hanapin si Astrid pero iba ang nakita ko. I saw Vynz drinking with his underbosses on one table near the bar counter.
I moved away from Axel because it feels so hot. Tinapik ko ang kamay niya sa hita ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay. Nagdadalawa rin ang paningin ko. Inalala ko kung anu-ano ang mga nainom ko. Three shots of tequila and a martini. I have a high tolerance for alcohol kaya bakit nahihilo na ako. Shit! Ang init.
Tumayo ako para puntahan si Vynz pero agad akong pinigilan ni Axel.
"Saan ka pupunta." He held my arm kaya napatigil ako. Some girls approached him at tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at pumunta kay Vynz. Hindi na niya ako napigilan dahil sa mga kumausap sa kanya.
Napahawak ako sa ulo ko at baka sakaling bumalik sa normal ang paningin ko.
Pagdating ko sa harap ng table nila Vynz ay agad silang napatingin sa akin.
"Mirae!" Vynz was shocked when he saw me.
"Hi, Vynz." I said using an unusual voice. Hindi ko nagustuhan ang tunog at dating noon. What the hell's happening with me?
"You're drunk, sit here." Inalalayan niya ako at tinulungan na makaupo sa tabi niya.
"Hi!" I greeted his friends.
"Are you okay?" Vynz asked. He seems worried.
"I'm spinning. Oh God!" Hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay.
"Ikaw din, Vynz!" Binalingan ko si Ryder sa tabi ni Vynz pati si Callum at Hoax sa harap namin. "Gosh! Kayo rin." I said at isa isa silang tinuro.
"You wanna go back to your condo? Ihahatid kita." Devaughne asked. I don't need my condo. I need you, kidding. What the hell? Kung ano ano sinasabi ko.
"I'm with my friend. She'll drive me back to my condo so don't worry." I keeps on caressing his face, bumaba iyon sa leeg niya hanggang sa dibdib at doon na nanatili ang aking kamay.
"Fuck!" He cursed. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa dibdib niya at marahan itong inalis.
I heard Callum laughed while Ryder was just staring with a smirk on his face.
"She's drunk." It was Hoax. Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
"I'm not drunk you bastard." Lalong napatawa si Callum dahil sa sinabi ko. Ang init!
"Then answer my question. Are you a part of Cosmos?" Maybe he's right, I'm drunk.
"Yes. I'm part of the Cosmos or inside the Cosmos, perhaps." I'm drunk pero alam ko kung ano ang itinatanong niya. I'm not the Universe for nothing.
Vynz shifted on his seat because of my answer. Nawala naman ang ngiti sa mga labi ni Callum.
"See?" Hoax said pero bakas rin ang gulat sa kanyang mga mata.
"You too." I pointed my finger on him. "All of us." I stated.
"What are you saying?"
"Well, Cosmos is the Universe right? Inside the universe are the galaxies. Inside the milky-way galaxy is the solar system. There's a planet on the solar system that is called Earth, we're living inside the Earth right? Or don't tell me you're from Mars, Hoax? Or jupiter? Gosh! Are you an alien?" They looked at me na para bang hindi sila makapaniwala sa sagot ko.
Agad ko namang binawi ang sinabi. "Nevermind, you doesn't look like an alien."
Callum laughed so hard. I heard Hoax cursed on the air and Ryder chuckled.
"Fuck, you're drunk, I'll drive you back to your condo. Come on, Mirae."
I rolled my eyes on him. "Shhh!" I placed my index finger on his lips to shut him up. "I told you already, I'm with my friend, wait I'll look for her." I rose up. Muntik pa akong madapa kung hindi lang ako nahawakan ni Vynz. Hinila niya ako kaya bumalik ako sa pagkakaupo.
"Stay here, just call her." He ordered. His friends were just staring.
"What if I don't want?" Inilibot ko ang aking paningin then I saw Astrid, she's also looking around like she's looking for someone.
"Hey! Astrid, here!" Sinubukan ko na tumayo pero muntik na naman akong mabuwal at muli akong hinila ni Vynz paupo.
"Ano ba! Hila ka ng hila!" Inis na sabi ko kay Vynz.
"You're drunk!" Mariing sambit niya na inignora ko lamang.
Lumingon si Astrid sa gawi namin at nang makita ako ay lumapit siya sa amin. The way she walked ay halatang wala ito sa katinuan. She's drunk.
"Mirae! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. You know what? I have something to tell you." She said as she sat down beside me. Umusod kami ni Vynz para bigyan siya ng espasyo.
I heard Callum saying that they were surrounded by drunk ladies.
"About what?" I leaned on Vynz.
"I saw my ex." She said at naiintindihan ko agad ang dahil kung bakit siya lasing na lasing ngayon. I don't know kung sinong ex ang nakita niya, wala rin naman akong kilala na ex niya.
"That's why you're drunk?" Matagal bago siya nakasagot kaya na pagtingin ako sa kanya. Diretso ang tingin niya kay Hoax. Then I saw Hoax giving her a cold stare.
"You looks like my ex." She said while pointing a finger on Hoax.
"Ex mo?" Callum asked Hoax.
"You!" Astrid rose up and walked towards Hoax.
Tumayo si Hoax at hinarap si Astrid.
"You're drunk. I'll drive you home." Hoax said in a firm voice. Sinubukan ni Hoax na hawakan si Astrid ngunit hinawi ng huli iyon. "No! Don't touch me!"
"You're drunk, Astrid." Mariing sambit ni Hoax. Napasinghap ako nang makita ang marahas na paglapat ng kamay ni Astrid sa pisngi ni Hoax. I heard Callum's side comment but I ignored it.
"Anong pake mo?!"
"I'll bring you back to your home." Hoax started pulling Astrid kaya napatayo na ako.
"Saan mo siya dadalin?" I asked pero walang pumansin sa akin. Dumiretso si Hoax palabas kasama si Astrid. Vynz pulled me again at napaupo na ako sa mga hita niya at mukhang siya rin ay nagulat sa nangyari.
"Fuck."
"Sorry." Lalo sumasakit ulo ko kay Astrid. Ang init pa!
"She'll be safe." I doubt that. I don't know what's with Astrid and Hoax.
"I need a drink." I said. Hindi na ako tumayo dahil baka hilahin na naman ako ni Vynz pabalik. Mas lalo akong nahihilo sa pahila hila niya.
"No. Uuwi na tayo." He said with finality. Tumayo siya kaya pati ako ay napatayo.
My brow rose up. "I said I need a drink."
"Mirae, oh!" Callum handed me a glass of Hennessy. Nakita ko ang masamang tingin ni Vynz sa kanya.
"Joke lang pala." Babawiin sana niya pero nakuha ko agad iyon at ininom.
"Isa pa."
"That's enough." I rolled my eyes on Vynz. Ako na mismo ang nagsalin sa glass dahil mukhang wala ng balak si Callum na bigyan ako. Mabilis ko iyong ininom at bumaling kay Vynz. When our eyes met ay muntik na akong mabuwal. He's giving me a cold stare.
"Uwi na tayo." Nauna akong umalis kahit hindi na matino ang lakad ko.
"Mirae! Fuck." Kanina pa siya mura ng mura. He encircled his hands on my waist para suportahan ang paglalakad ko.
"Mirae!" I rolled my eyes because Axel blocked our way.
"Dude, bitawan mo nauna ko sa kanya." Mayabang na sabi ni Axel kay Vynz.
Hindi siya pinansin ni Vynz at didiretso na sana kami ng biglang suntukin ni Axel si Vynz. Pero hindi natinag ito sa kinatatayuan. Nakita kong napatayo sila Callum at Ryder dahil sa nangyari. Binitawan ni Vynz ang aking baywang at gumanti ng suntok, nang mabuwal si Axel ay may sinenyas ni Vynz kila Ryder at iginiya na ako paalis. Nahihilo na 'ko.
Nang makarating kami sa kotse niya ay agad niya akong pinasakay.
"What's your code?" He asked before he starts the engine of his car.
I frowned. "What code? Barcode?" He looked at me like he can't believed what I've just said.
"Passcode of your condo unit, Mirae."
I shrugged. "I don't know? Maybe its Da Vynz-ci Code?" He massaged the bridge of his nose because of my answer.
His jaw clenched. "Huwag ka ng iinom sa susunod." He ordered using a cold voice.
I woke up because of my throbbing head. Parang binibiyak ang ulo ko dahil sa sakit. When I saw the interiors of the room, I realized that this is not my room. But it was familiar, from the soft bed, its modern theme, It was Devaughne's room.
Ang huling naalala ko ay tinatanong ako ni Vynz kung ano ang code ng condo ko pero kung ano ano ang sinasagot ko.
Ginulo ko ang aking buhok dahil sa inis. I don't know what happened to me last night at bakit ganon ang inaasta ko.
I tried to recall what happened kung pano ako napunta sa penthouse ni Vynz.
"Change your clothes." Vynz ordered.
"I don't want!" I was so tired to even change my clothes.
"My secretary's not answering my call so you have no choice but to change clothes yourself."
"Ikaw na." I raised both of my arms para matanggal niya ang dress pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
"Sober up, Mirae."
"Faster, Vynz nangangawit na ko." Hinawakan niya ang laylayan ng dress ko at dahan dahan iyong itinaas hanggang sa matanggal na sa aking katawan.
Nagiwas siya ng tingin dahil sa kakaunting tela na natira para tumakip sa aking katawan.
"Magbihis ka na." Aniya at aalis na sama nang hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya sa paglabas.
I encircled my arms around his neck.
"Mirae. " He said in a soft but firm voice. It was a warning.
Inabot ko ang mga labi niya. He was unresponsive so I deepened the kiss and I smirked when he kissed back. I tried to pulled him towards the bed pero hindi siya natinag sa kinatatayuan.
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahang inilayo sa kanya. "Matulog ka na." Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya.
I tried to kiss him again pero agad siyang nakaiwas. Lumayo siya sa akin para kunin ang shirt at shorts na nasa kama niya at siya na ang nagsuot sa akin.
I was back to reality when I began to feel nauseous. Inilibot ko ang paningin para maghanap kung mayroong bathroom sa loob ng room ni Vynz at laking pasalamat ko nang may makita ako. Agad akong nagtungo roon.
I leaned on the toilet and started vomiting. I felt tears rolled down to my cheeks dahil sa pagsusuka ko. I was busy vomiting when I felt someone palming my hair while gently caressing my back. Lumingon ako sa aking likod at nakita ko si Vynz doon. His stares were cold.
He flushed the toilet at tinulungan akong tumayo.
Vynz hand me a new toothbrush. "Use this, clean your self." Sambit niya bago lumabas ng bathroom.
Nang lumabas ako galing sa bathroom ay naabutan ko si Vynz na may kausap sa phone pero ng makita ako ay agad nagpaalam sa kausap.
"How are you feeling?"
"My head hurts." Yun lang ang naisagot ko because I remember the thing that I did last night.
"Eat this. I cooked this for your hangover." He's referring to the soup on the table beside the bed. "Pagkatapos ay inumin mo 'tong gamot."
Nang hindi ako gumalaw ay siya na ang kumuha ng soup sa table. He walked near me at itinapat sa bibig ko ang kutsara.
"Ako na."
We sat on the bed. I was eating my soup while he were just waiting for me to finish, then I remember something kaya napabilis ang pagkain ko.
"Hey, dahan dahan." Vynz said ng mapansin niya na bumilis ang pagsubo ko.
"I need to go."
He frowned. "Why."
"What time is it?"
He glanced on his phone before answering. "Twelve forty-five."
"Shocks! I need to buy groceries pa. I'm full already." I said kahit hindi naman talaga dahil nagmamadali na ako.
"Finish your food."
"Busog na 'ko."
"Sasamahan kita maggrocery."
"What? No! I mean, why?" What the hell? Bakit siya sasama?
He just shrugged.
"Uuwi pa ako sa condo."
"I'll drive you to your condo then we'll buy your groceries." Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanya.
__________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro