Kabanata 29
We arrived at the hospital at agad naman naming naghanap ang room ni Lolo. Vynz opened the door for me at pinauna akong pumasok doon. Naabutan namin sa loob ng room si Mommy at Tita Wena na nakaupo sa sofa sa gilid ng room. Si Lolo ay mahimbing na natutulog sa kanyang hospital bed at nakatayo naman malapit sa bed ni Lolo si Theo.
I gave Theo a smile ng nagtama ang tingin namin na tinanguan niya naman. Agad lumipat ang tingin niya sa likod ko at lumamig ang titig nito doon. Bumaling ako kay Mommy at Tita Wena. I kissed their cheeks at pormal naman na bumati si Vynz sa dalawa.
My phone rang, tinignan ko kung sino iyon at agad sinagot ng makita na si Creed ang tumatawag. I saw Vynz eyeing me. Lumayo ako ng ilang habang sa kanila para kausapin si Creed.
"Where are you right now? Are you alright? Aziel told us that you are but I'm not satisfied. I want to hear from you that you're okay." Bungad ni Creed sa akin.
"I'm alright. I'm in the hospital, binibisita ko si Lolo."
"Stay there. Pupuntahan ka namin ni Archer." Agad na sabi nito na agad kong tinanggihan.
"No need. Sa penthouse nalang tayo magkita mamaya. What I need is a private nurse, Creed." I muttered before glancing at my grandfather.
"Fuck! Why?" Tanong nito. Nasisiguro ko na iba ang naiisip nito sa iniisip ko.
"I'll tell you some other time. For now, I need the applicants for the private nurse. I'll interview them first thing tomorrow at Lozano Empire." Hindi inaalis ni Vynz ang tingin sa akin pati na rin si Mommy. Nasisiguro ko na naririnig nila ang sinasabi ko kay Creed.
"Alright. You sure you okay?" Paninigurado nito.
"Hmmm. I'll see you later." Sagot ko
"We'll talk later." Mariing sambit nito at pinutol na ang tawag. Bumaling ako kina Mommy at may tanong agad ito sa akin.
"Where the hell have you been, Mirae? Your friend died. Your lolo was shot at nasaan ka? Hindi ka mahagilap."
I was about to answer pero na unahan ako ni Vynz. "I'm sorry Madame. I abducted your daughter that's why she's gone for days." Pirmi ang tono nito at bahagya pa na yumuko kay Mommy matapos ang sinabi. Narinig ko ang pagsinghap ni Tita Wena at bumakas din ang gulat sa mukha ni Mommy dahil sa sinabi ni Vynz ngunit agad din itong nakabawi.
"And why is that?" Taas noong turan ni Mommy.
Inunahan ko na si Vynz na makasagot. "It's Cosmos related. I'm safe Mom, don't worry."
"Who says I'm worried?" Nakataas ang kilay na sagot sa akin nito.
"Araw-araw mo siyang hinahanap hindi ba? Kung hindi nga siya nagpakita ngayon ay balak mo ng ipahanap sa lahat ng tauhan ng Cosmos." Tita Wena answered and I pursed my lips to suppress a smile na until unting nabubuo sa aking mga labi. Lalo lang maiinis si Mommy kapag nakita ang mapangasar na ngiti ko.
"Wena!" Suway ni Mommy kay Tita Wena at para bang nahuli si Mommy na gumagawa ng kasalanan. Binigyan lang ni Tita Wena si Mommy ng matamis na ngiti.
"Yeah, you're not worried." I said in a tone full of sarcasm. Binigyan niya ako ng matalim na tingin bago bumalik sa kinauupuan. I heard Tita Wena inviting Vynz to sit down at agad namang tumalima si Vynz sa gustong mangyari ng aking tiyahin.
Good thing na walang nagtanong tungkol sa kaninang usapan namin ni Creed.
Tinalikuran ko ang tatlo sa sofa at narinig ko ang pagtatanong nila Mommy at Tita Wena kay Vynz na agad namang sinasagot ng huli.
Bumaling ako kay Theo at nahuli ko itong mariin ang tingin sa tatlo na naiwan sa sofa. Bumaling sa akin ang atensyon nito ng nakita na papalapit ako.
"Cosmos related? He knew?" Bungad niya sa akin ng makalapit ako. Mahina iyon at hindi rinig ng mga nasa sofa ngunit sapat para malinaw ko itong maunawaan.
"Hmmm." I answered.
"Fuck." Malutong na mura nito. "What do you think you're doing?"
"I'm safe." Iyon lang ang naisagot ko dito.
I saw his jaw tightened. Ilang sandali itong tumigil bago muling nagsalita. "Anong ginawa ng Devaughne sa'yo?"
"Nothing." Nanatili lang itong nakatitig sa akin na para bang alam nito na kulang ang sagot ko. Nang wala siyang nakuhang sagot sa akin ay wala itong nagawa kung hindi ang umiling.
"In any case, nagpangabot na ba kayo ni Vynz? You know, Cosmos and Devaughne." I asked ng maalala ko ang malamig na titig niya kay Vynz at ang matalim na tingin ni Vynz dito noong nasa mansyon kami.
"Hmmm, kilala namin ang isa't isa. Tanungin mo rin siya, mas marami iyang maisasagot." Inilagay nito sa bulsa ang dalawang kamay at bahagyang tumango. "If you need something just call me." Sambit nito bago nagpaalam na lalabas sandali.
I turned to my Lolo and saw that he's slightly moving. Gising na ito at nagbabalak tumayo. Hindi napansin nila Mommy iyon dahil panay pa ang tanong nila ni Tita Wena kay Vynz. Sinaway ko sila Mommy ngunit sabi naman ni Vynz ay ayos lang. Good thing that Mommy is now okay with Vynz. Naaalala ko noong dinala ko si Vynz sa mansyon ay walang imik si Mommy sa harap ni Vynz.
Dinaluhan ko si Lolo at tinulungan na umupo ito. I placed two pillows behind him para sumuporta sa likod niya. I sat down on the chair beside his bed.
"How are you?" I asked. I didn't know the reason why he was shot. Maybe its because of my favor? Agad akong napailing sa sarili. Imposible iyon.
Napabaling ito kay Vynz bago sumagot. "I'm fine, apo. How about you? I know that you're on Devaughne's headquarters that's why you're missing for days. Nalaman niya na ikaw ang Universe. He thought his sister died." Mahina ang mga salita nito dahil kagagaling lang sa operasyon kaya nasisiguro ko na hindi kami naririnig nila Vynz.
I frowned. "How did you know that his sister is alive?" Si Vynz at ako lang ang nakakaalam noon maliban sa sender. O baka naman may ibang sinendan ang sender maliban kay Vynz?
"Thomas told me." Simpleng sagot nito. Lolo ni Vynz?
"Kaylan pa sinabi sa inyo ng Lolo ni Vynz?"
"I can't remember. Matagal na iyon." Namilog ang aking mga mata dahil sa gulat ngunit agad ding nakabawi. Matagal ng alam ng Lolo ni Vynz pero ngayon lang nalaman ni Vynz? What the? "Don't think too much, apo. Ang isipin mo nalang ay nasa magandang kalagayan ang babaeng Devaughne kung nasaan man ito ngayon." Pati ba iyon ay sinabi ng Lolo ni Vynz? Na nasa magandang kalagayan si Aleesha Devaughne?
I nodded. "How about--"
"Everything is fine. Like what you want." Putol nito sa akin na para bang alam kung ano ang itatanong ko.
I gave him a smile. "Thank you."
"Naroon si Thomas. Kung pupuntahan mo ay isama mo si Theo." Bilin nito.
"Alam niya?" I asked and my lolo nodded.
"Isa siya sa tumulong sa akin para gawin ang sinabi mo."
"Why are you shot nga pala, Lo? Is it an accident or not?" I asked after a while.
"Aksidente lang, apo. I'm on Dasher's wake when it happens. May mga namaril doon at isa ako sa aksidenteng natamaan." And its because of Rozelli. That damn Rozelli.
"I have something to tell you, apo." Lolo muttered, hindi ko alam kung iniiba niya lang ang usapan o may sasabihin talaga siya.
"Hmmm, what is it, Lo?"
"You have a sister." Diretsong sambit nito. What is he saying?
I frowned. I opened my mouth ngunit walang lumabas na salita roon.
"Pasensya na kung ngayon ko lang ito sinasabi. You have a sister on your father." The fuck?! Is he kidding me?
"Ano bang sinasabi mo, Lo?" Gulong tanong ko rito.
"Totoo ang sinabi ko." I examined his face para malaman kung nagbibiro ba siya ngunit walang bakas ng pagbibiro doon. Seryoso itong tinitigan ako. Wait? Seriously? Parang ayaw pumasok sa isip ko ng mga sinabi niya.
"But you're still my favorite granddaughter, apo. Like what I'm always telling you." Sambit nito na para bang pampalubag loob.
"Alam ba po 'to ni Mommy?" Mahinang tanong ko.
Lumingon ito sa direksyon ni Mommy bago tumango sa akin. "Hmmm." All this time I have a sister? I'm already twenty two at ngayon ko lang nalaman?
"S-sinong mas matanda sa amin?" I asked but I don't what to know the answer. I don't know if I'll hope na sana ako o sana ang kapatid ko. Hindi ko matatanggap kung malalaman ko na may iba si Daddy habang kasal sila Mommy. Hindi ko rin matatanggap kung may unang pamilya si Daddy.
"Mas matandaan ang kapatid mo ng dalawang taon, Mirae. " Fuck! Paano nangyari 'yon?! Para namang nabasa ni Lolo ang nasa isip ko. "It was an accident, well I don't know. Engage na ang Daddy mo noon sa Mommy mo. Lasing ang anak ko ng gabing iyon. Ladia, your sister's mother pretended that she's Miranda, then you know what happened." Kwento nito. What the? I think I heard that story before. May tatlong taong pumasok sa isip ko ng marinig ang kwento ni Lolo. I shook my head to shrugged my thoughts off. That was a coincidence.
"May I know my sister's name?" I asked.
After an hour ay nagpaalam na ako na aalis. Maybe Vynz have something to do pa. Ilang minuto pa itong nakipagusap kay Lolo bago tuluyang nagpaalam. Pagkatapos kong malaman kung sino ang kapatid ko ay hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi ni Lolo. I was shocked at pakiramdam ko ay alam kung paano tatanggapin iyon.
We arrived on the building where my condo is located. I invited Vynz to come to my condo. He was about to parked his car when his Mom called saying na nasa penthouse ni Vynz ito kaya naman hindi na nito napaunlakan ang aking paanyaya.
"I'll see you tomorrow." Paalam ni Vynz.
"I think I'll be busy tomorrow. I'll go to States maybe tomorrow or the next day....and maybe stay there for some days to rest." Napahilot ako sa aking sentido dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw.
"May I know why?" Naninimbang na tanong nito. Mariin ang hawak sa manibela ngunit nasa akin ang tingin.
I hesitated if I'll tell him the truth or not.
"I'll visit our mansion." Sa huli ay iyon ang naisagot ko. Totoo naman iyon. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako pupunta roon. "You wanna come?" Anyaya ko dito sa pagaakalang tatanggi ito.
Agad kong pinagsisihan iyon dahil sa naging sagot ni Vynz.
"Hmmm, lets do it the day after tomorrow. I'll fix my schedule for that." Mabilis na sagot nito.
Hindi ko na nabawi iyon at hinayaan nalang. Maybe he can help me.
Nagpaalam na ako dito at tuluyan ng umakyat sa building. Sa penthouse na ako dumiretso dahil sa usapan namin nila Creed at Archer.
Dahil sakop ng penthouse ang buong palapag, pagbukas pa lang ng lift ay bumungad na sa akin ang dalawa. Agad nakuha ang atensyon nila at bumaling sa aking direksyon. Creed rose up at si Archer naman ay sinalubong ako.
"You okay?" Bungad nito.
"Hmmm." Ilang beses ko ng nasagot ang tanong na iyon sa loob ng isang araw.
Tinignan ako nito ng may halong pagdududa. Si Creed naman ay pinapanood lang kami ni Archer. Pinasadahan ako ni Archer ng tingin na para bang hinahanap kung may malivsa akin. Napako ang tingin nito sa aking palapulsuhan. Agad ko iyong pasimpleng itinago sa aking likod at nagsimulang maglakad patungo kay Creed para lampasan si Archer. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay nakuha na ni Archer ang aking kamay.
Tinignan niya ang aking pulsuhan na tila ineeksamina iyon. Binitawan niya iyon at ang kabilang kamay ko naman ang kinuha. Lumapit na sa amin si Creed at mariin na rin ang tingin sa akin.
"What happened to your wrists?" Creed firmly asked.
"They chained you?" Tanong ni Archer.
"I'm okay." Sagot ko na inignora lang nila.
"Hindi man lang pinigilan ni Vynz? O siya pa ang nagutos?" I didn't answer Archer dahil hindi ko naman alam. "Ang gago niya kung ganoon!" Pagpapatuloy nito ng hindi ako sumagot.
Nilagpasan ko ang dalawa at umupo sa couch. "We'll go to States, the day after tomorrow." I announced.
"Why?" Creed asked as he sat down on the couch. Medyo malayo iyon sa akin dahil maluwag ang couch.
Ganoon din ang ginawa ni Archer sa kabila ko.
"We need to go there. That's all I can say." Malalaman din naman nila iyon kapag dumating na kami roon.
"What about Astrid?"
Napahilot ako sa aking sentido. Hindi ko alam kung maayos na sila ni Hoax at kung papayagan ba ito ni Hoax. But I don't care. We all need to go. "I'll call her." I answered and started dialling her number. Not sure kung masasagot niya ang tawag.
"Why?" Sagot ng nasa kabilang linya gamit ang malalim na boses. I rolled my eyes dahil sa kung sino ang sumagot.
"Where's Astrid?" Mariing sambit ko. Nasa akin ang atensyon ng dalawa kong kasama at pinapakinggan ang sinasabi ko sa kausap.
"She's--who's that?" Naputol ang sasabihin ni Hoax dahil sa boses ni Astrid.
"Give me the phone." Rinig kong sambit ni Astrid. Ilang sandali ay si Astrid na ang sumagot sa akin sa kabilang linya. "You're on loudspeaker. What is it?" That Hoax!
"We have to go to States. You need to come."
"Kelan ba?" She asked.
"The day after next."
"I'll come with her." I heard Hoax declared.
"What?" I exclaimed. The fuck?
"Hindi siya sasama kung hindi ako kasama--" Sambit ni Hoax na agad na pinutol ni Astrid. "Hoax!"
Napahilot ako sa sentido. "Fine!" Pumayag na ako dahil mukhang magaaway na naman ang dalawa kung hindi ako papayag. Tutal ay kasama rin naman si Vynz.
"Mirae hindi na kaylangan, hindi sasama si Hoax." Sambit ni Astrid at narinig ko ang pagtutol ni Hoax doon.
"It's okay. Kasama rin naman si Vynz." Suminghap ito sa pagkagulat. Napatingin ako kay Archer at binigyan niya ako ng mapangasar na tingin. Inignora ko iyon at ibinaling ang atensyon sa kausap sa kabilang linya. "I need you here in the penthouse tomorrow, umuwi ka kahit mga hapon." I said to Astrid. "Huwag mong pigilan Hoax." Banta ko dito.
"Yeah." Tamad na sagot nito. Pagkatapos noon ay nagpaalam na ako dahil mukhang may ginagawa ang dalawa.
Pinasadahan ko ng tingin ang aplikanteng nurse na nasa harap ko. Her face is familiar but the name is not. Noong nakita ko kanina ang picture sa resume nito ay pamilyar na ito sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Ngayon na kaharap ko na ito ay hindi ko napigilan na hindi mapangisi ng mapagtanto kung sino itong nasa harap ko. You think you can fool me? Hah! You better think twice.
"Have a seat Miss Lazaro." I muttered. Agad naman itong tumalima. She confidently looked at me but I know better.
"Maureen Lazaro." Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga nakasulat sa resume niya bago muling humarap sa panglimang aplikante.
"Can you shut your mouth?" I asked. Bumakas ang gulat sa mga mata ng aplikante. Hindi inaasahan na iyon ang itatanong ko.
"Ma'am?" Litong tanong niya. I raised my brow up on her at mukha namang natauhan ito. "I mean, yes." Nakangiting sagot nito.
"Good, are you really a nurse?" Pahabol na tanong ko. Napawi ang ngiti nito sa mga labi. She was shocked on my questions because she's not expecting what I'm asking. Anong gusto niya na itanong ko sa kanya? About sa experience niya sa pagiging nurse? At ano ang isasagot niya sa akin? Baka magkamali lang siya ng sagot kaya pasalamat siya at hindi ganoon ang tinanong ko.
"Yes, I am a nurse for four years, Ma'am." Sagot nito ng nakabawi.
I gave her a smile as I formulated plans on my mind. "You're hired, Miss Lazaro. You may go. We have a flight tomorrow, ready your documents. Bukas mo makikilala ang aalagaan mo." Pinal na sambit ko.
"Thank you, Ma'am." She muttered and rose up. Paalis na ito ng muli kong tinawag ang kanyang atensyon.
"What do you think about my office?" I asked at napalingon ito sa akin.
Ngumiti ito at inilibot ang tingin sa loob ng aking opisina na parang ineeksamina ito. Para bang natural lang sa babae ang ginagawa.
"Your office, it's open for natural light because of the glass walls. It feels open and bright. The theme reflects modernism. The coffee table and couch feels comfortable--" Para itong natauhan sa mga sinasabi. Natigil ito at alanganing ngumiti sa akin.
"If I don't know that you're a nurse, I would've mistaken you as an architect or an interior designer, perhaps."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro