Kabanata 28
After sending Aziel to the elevator ay hinarap ko si Vynz. At first ay ayaw talagang umalis ni Aziel ng hindi ako kasama pero ng naramdaman ko na malapit ng magkainitan ang dalawa ay ako na mismo ang humila kay Aziel dahil kung hindi ay baka kung ano pa ang mangyari dito lalo na at nasa loob siya ng headquarters ng Devaughne.
"Are you jealous?" Birong tanong ko dito na may mapaglarong mga ngiti sa labi. Binibiro ko lang ito kaya naman agad akong tumalikod para iwan siya roon.
"What if I am?" Sagot nito na nakapagpatigil sa akin. Lumingon ako rito para malaman kung seryoso ba ito sa sinabi. I met his eyes with blank stares. Walang bakas ng pagbibiro sa kanyang mukha. Ilang minuto pa akong tumitig dito ng hindi sumasagot. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot kun'di dahil pinagiisipan ko kung tama ba ang sasabihin ko. Sa huli ay nagpasya rin akong magsalita.
"Don't be. I've already moved on. I like him as a friend and......" I hesitated a bit before I decided to continue. "I like you but we're not friends." Sambit ko. Agad ko siyang tinalikuran at walang lingong naglakad papunta sa kwarto. Pumasok ako roon at dumiretso sa kama. Hindi ko nilock ang pinto dahil alam ko na susunod si Vynz.
I sat on the bed and opened Creed's messages on my phone.
Creed:
Where are you?
Creed:
Crizzy is here. Answer your phone.
Creed:
Where the hell are you Mirae? Answer your fucking phone.
Creed:
Fuck it! I told you not to do such stupid things!
Iyon lang ang nabasa ko dahil natuon na ang atensyon ko kay Vynz na pumasok sa kwarto.
"Anong sinabi mo?" Sambit nito pagkapasok. Umupo siya sa tabi ko at bumaling sa akin.
"Hindi mo narinig?"
"No." Umiling pa ito para mas patunayan ang sinabi.
Pinanliitan ko siya ng mga mata. "I won't repeat it."
"Hindi ko narinig ang sinabi mo." Paguulit nito. Umarte pa itong nagmamakaawa. Muntik na akong matawa dahil sa ginawa nito.
"You're a bad actor." Puna ko rito.
"And you're a good actress, indeed." I chucked because parang sarcastic yung pagkakasabi niya. "You made me believed that you were scared of that fucking head. You're scared when we were ambushed. You were scared when someone attacked you on the fucking restroom. And when I confessed that I am a mafia boss, you're fucking scared. I thought you'll leave me." Sambit nito na nakapagpatawa sa akin. I remember the days na mga nabanggit niya. Hindi ko napigilan na matawa sa sarili. "You're really pretending?" He asked.
"Hmmm."
"Ano pa? Ano pa ang ginawa mo na hindi talaga ikaw? Let me see the real Mirae Adelide Lozano." Tumingin ito sa aking mga mata. Para bang sinusuri lahat ng aking sinasabi.
"You already saw! I'm just pretending to be scared on some things but uhmm." Bahagya akong napangiwi. "I tried to fake my attitude but sometimes--most of the time, I always slipped."
"I want you to show me the real you. No pretending from now on." He muttered.
"Hmmm." I don't have plans to pretend in our situation though.
Tumungo si Vynz at inabot ang aking kamay. Pinaglaruan nito ang aking mga daliri at doon itinuon ang pansin. Ilang minuto ang lumipas na walang salitang lumabas sa aming dalawa ng bigla itong tumingin sa akin. Ngumisi ito at marahang napailing.
"You successfully changed the topic, aren't you?"
"What topic?" Inosenteng tanong ko dito.
"About what you've said awhile ago. What's the meaning of that?" He asked. Parang nabuhayan ito dahil naibalik niya ang kung anong pinaguusapan namin kanina.
"Alin doon?" Ang dami kong sinabi kanina.
"About what you've said that you like me but we're not friends." Namilog ang mga mata ko dahil doon ngunit agad namang nakabawi.
"Yeah, what about it?" Kaswual na tanong ko kay Vynz.
"Tell it to me directly." Pilit nito.
I sighed dahil mukhang walang balak tumigil si Vynz. "I like you." Mabilis na sambit ko at mabilis din na naikulong ni Vynz ang aking pisngi sa kanyang mga palad. He leaned closer to give me a soft kiss. I closed my eyes when I felt his soft lips. At first, it's just a smack hanggang sa lumalim na iyon. I responded. My heart is pounding hard like it wants to get out of the ribcage. Magkaharap na ang aming mga katawan ngunit nananatili kaming nakaupo sa kama. I wrapped my hands around his nape. Our kisses were deep and genuine. Vynz held my hand at dinala iyon sa kanyang dibdib ng hindi pinuputol ang halik. I was distracted because of what I've felt on his chest. His heart was pounding so hard. Pakiramdam ko at mas malala pa iyon sa akin.
Marahang humiwalay sa akin si Vynz.
We're both panting because of the kisses and the unknown emotion between the two of us. Inilagay niya ako sa kanyang kandungan at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. Pinulupot nito ang mga kamay sa aking baywang. Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto.
"I'll marry you first." He whispered.
"You think I'll marry you?" Pabirong tanong ko dito.
"You will. No matter what." He calmly said at para bang sigurado ito sa kanyang sinabi.
"Whatever." I rolled my eyes as he chuckled. Muli nitong isiniksik ang sarili sa aking leeg at lalong humigpit ang mga braso niya na nakapulupot sa aking baywang. I can feel him inhaling my scent.
I heard a faint sound from a phone na nasa side table. It's Vynz's phone.
"I think you have a message. Maybe it's important." Tinapik ko pa ang balikat nito habang sinasabi iyon. Ilang sandali pa ang aking hinintay bago niya ako pinakawalan at inabot ang phone sa side table ngunit hindi ako nito inalis sa kanyang kandunggan. He opened his phone at may kung ginawa roon, maybe he opened the message. Nakita ko ang agarang pagbabago ng reaksyon ng mukha nito. He frowns on his phone and a deep furrow forms in his brow. Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Why?" I asked. Ipinakita niya sa akin ang phone at naroon ang isang mensahe galing sa hindi rehistradong numero at may litratong kasama iyon.
Don't investigate for you sister's death. She's alive and safe. Mapapahamak lang siya sa ginagawa mo. Ibabalik namin ang kapatid mo kapag ligtas na siyang bumalik.
Iyon ang laman ng mensahe at isang picture ng nasisiguro ko na si Aleesha Devaughne. It wasn't a stolen picture. Nakaupo si Aleesha sa isang sunlounger. She's smiling on the camera and wearing a black bikini. She's a bit matured on the picture compare sa litrato na nakita ko sa kwarto nito at sa huli kong kita noong binaril ko ito.
Imposible! Napakunot din ang noo ko dahil doon. I was sure that she died noong binaril ko siya. Kung hindi man ay nasisiguro ko na mamamatay na ito dahil sa kawalan ng dugo. Maliban nalang kung may ibang tao doon at pagkatapos naming iwan ito ay tinulungan nito ang babae.
"You think its true?" Tanong ko kay Vynz.
"When you've said that your men didn't touch my sister, I know you're telling the truth. The past few days, I started to investigate about my sister's death. I'm searching for Doctor Morales, the one who is in charged on Aleesha's DNA test when she died but it seems that Doctor Morales is missing or hiding. May nakausap ako na nakakakilala dito ngunit bigla nalang daw itong naglaho ilang taon na ang nakalipas at hindi na muling nagpakita." Mahabang salaysay nito.
I can still remember na ako lang at ang mga underboss ko ang naroon sa lugar kung saan ko dinala si Aleesha Devaughne at pinatay. Sinigurado namin na walang tao roon bukod sa amin.
Kaya naman bukod sa nasisiguro ko na hindi ito nagalaw ng kahit sino sa tauhan ko ay alam ko rin na wala itong pagasang mabuhay. Maliban nalang kung isa sa mga underboss ko ay nagsinunggaling at pinalabas na kami lang ang tao roon.
"Mirae." Rinig kong tawag ni Vynz sa akin but my mind is too clouded to answer him.
But I doubt that. Alam ni Aleesha Devaughne na ako ang Universe na hindi namin alam kung paano nito nalaman. Iyon din ang ilang taon ko ng katanungan na hindi kaylan man ay masasagot. How did she know that I am the Universe? May iba pa bang nakakaalam bukod sa kanya?
Kaming lima, we all want to protect each other at dahil isang threat si Aleesha para sa akin ay nasisiguro ko na gugustuhin naming pare-pareho na patayin ito. Pero naisip ko rin na ayaw nila mandamay ng inosente kaya maaaring nagsinungaling sila sa akin. Napailing ako at naguluhan sa naiisip.
"Mirae." Muling tawag ni Vynz sa akin at bahagya pang humigpit ang hawak niya sa aking baywang kaya napabaling ako sa kanya.
"I said don't think about that. I'll continue the investigation. Ako na ang bahala sa lahat." He muttered, assuring me.
"What if totoo ang sinabi ng sender na maaaring mapahamak si Aleesha kapag tinuloy mo ang imbestigasyon." Sambit ko, hindi sangayon sa gusto ni Vynz. Of course I also want to know kung nasaan at ano ang nangyari kay Aleesha pero paano kung tama ang sender na mapapahamak lang ito kung ipagpatuloy ni Vynz ang imbestigasyon. The sender know that Vynz is investigating. One thing is for sure. Aleesha is alive. There's one thing pa pala! No one can stop Vynz, maybe.
"She's alive and I'll find her." Mariing sambit ni Vynz. Like he's so sure sa gagawin niya.
"Vynz." Pigil ko dito.
"Mirae, my sister is alive! For years, thought she's dead but she's alive!" Bahagyang tumaas ang boses nito. Sumikip ang aking dibdib dahil doon. Bahagya akong yumuko at kinagat ang pangibabang labi. What the hell Mirae! The last time I remember I'm not that emotional! Hindi sinasadya ni Vynz na pagtaasan ka ng boses! Suway ko sa sarili. Of course, kapatid niya iyon na pinipigilan mo na mahanap niya! But I'm just thinking na baka mapahamak ito tulad ng sinabi ng sender. Wow! Really? Coming from you, Mirae? I shrugged my thoughts off.
"Fine." Sambit ko gamit ang mahinang boses. Nanatili lang akong bahagyang nakayuko.
I heard Vynz sighed before pulling me closer. Naramdaman ko ang malambot na mga labi niya sa aking ulo bago ito nagsalita gamit ang masuyong boses. "Fine, I'll think about it." Sambit nito bago muli akong niyakap.
We're eating our lunch on the dining room. Apat lang ang naroon. Si Vynz ay nasa kabisera at ako naman sa kaliwa nito. Sa tapat ko ay si Ryder at sa tabi noon ay si Callum. Hoax and Astrid left at hindi ko alam kung saan pumunta ang dalawa.
I remember my lolo. Bumaling ako kay Vynz. "Let's go to the hospital."
Inilagay nito ang kamay sa aking noo bago sumagot. "You still have a fever, bukas na lang."
"It's just a fever Vynz, come on hindi ako mamamatay dahil dito. I want to talk to my lolo." I almost die in a different circumstances ngayon pa ba ako matatakot sa simpleng fever? Maybe he forgot that I am the Universe.
"Tara na," I muttered after finishing my food na nasa plate ko while wiping my lips with the tissue and rose up.
I smirked. He sighed and finally agreed. "Fine."
Tumayo ito at iginiya ako. Nagpaalam ako sa dalawa bago kami nagsimulang maglakad sa isang direksyon. Magkatabi lang kami at tahimik lang ako na sinusundan ang bawat nillilikuan niya. I don't need to escape na pala kasi si Vynz na mismo ang maghahatid sa akin.
Sumakay kami sa elevator at wala pang isang minuto ay bumukas na iyon. Tumambad sa akin ang pamilyar na warehouse. Unlike before, ngayon ay puno ito ng mga kotse na may iba't ibang modelo at disenyo.
Lumapit si Vynz sa isang kotse at binuksan ang passenger seat noon.
"Are those all yours?" I asked pertaining to all the cars na narito.
"No. Those cars are owned by the members of Devaughne. Ito lang ang akin." He said and tapped his car.
I smiled while one of my brows are up. "You have other cars on your penthouse right? You're obsessed with cars." Sambit ko dito bago pumasok ng kotse niya.
"Not really." Sagot nito bago niya isinara ang pinto ng kanyang kotse.
Nang makasakay ito sa kotse ay agad na pinatakbo iyon.
"When you hit my car the last time, bakit ka nagpreno? Ano 'yon nakonsensya ka bigla?" Pabirong tanong ko ng makaalis na kami sa warehouse.
He glanced on me at binagalan ang takbo ng sasakyan bago muling tumingin sa akin at sumagot. "Believe me I didn't saw your car. I didn't expect a car from the other lane turning. I'm sorry, I know my sorry is not enough. You're hurt because of me."
I gave him a smile. I know he's sincere naman.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro