Kabanata 25
I can feel my phone vibrating kaya naman tinignan ko iyon. There's a message from an unregistered number.
We want the Universe in exchange of Ferron's daughter.
There is a picture attached on the message. Crizzy tied in a chair with a blindfold in her eyes.
I tried to call the number ngunit hindi iyon sumasagot. Muling may pumasok na mensahe galing sa number na iyon. I opened it at nakalagay doon ang lugar kung nasaan si Crizzy. There's also a warning na huwag akong magkakamali na sabihin sa iba kung saan ako pupunta. I don't know who's my enemy at hawak nila si Crizzy kaya sinunod ko nalang ang gusto nila.
Inilibot ko ang ang aking paningin sa malaking bodega na nasa harap ko. May isang lalaki na nasa labas noon na para bang hinihintay ang pagdating ko. Lumapit ako rito at ganoon din ang ginawa ng lalaki.
"Hand me your gun." Inilahad nito ang kamay para kunin ang baril ko. Napatingin ako sa hawak kong baril.
"Where is Crizzette Ferron?" Matigas na sambit ko dito.
"Hand me your gun first." I'll die first bago ko sundin ang utos ng isang hamak na miyembro ng mafia.
I raised a brow on him. "You want me to use it to you?"
"You s-" Napatigil ito sa pagsagot at bahagyang tumango. Napansin ko ang earpiece na suot nito. Matalim ako nitong tinignan. "Pasok." Bumukas ang warehouse at mula sa labas ay nakita ko kung sino ang nasa loob noon. I entered the warehouse at inilibot ko ang paningin ko dito. Sa dami ng nakapalibot sa warehouse ay nasisiguro ko na isang maling galaw ko lang ay mamamatay ako dito. I saw Crizzy with a blindfold in her eyes. I heard her sobbing. Nakatali ito sa upuan at nakapalibot sa kanya ang apat na lalaki.
Callum is standing behind Crizzy's chair, nasa bulsa ang dalawang kamay nito at prenteng nakatayo. Si Ryder ay nakatayo sa gilid ng upuan ngunit medyo malayo kay Crizzy at pinapaikot nito ang baril sa daliri. Hoax and Vynz were just standing while holding their gun.
Bumaling si Hoax kay Vynz na para bang hinihintay na magsalita ito ngunit nanatili lang itong nakatingin sa akin at hindi nagsalita.
Nanlambot ang aking mga tuhod ng tumama sa akin ang malamig na titig ni Vynz kaya naman palihim akong umiwas doon.
"Put your gun down." Hoax ordered.
Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig lang kay Crizzy. Ikinasa ni Hoax ang hawak na baril at itinutok iyon kay Crizzy. Creed would kill Hoax kung malalaman nito na tinutukan ni Hoax ng baril ang anak niya.
Matalim kong tinignan si Hoax bago dahan dahang yumuko para ibaba ang baril. Nang bumalik ako sa pagkakatayo ay sinenyasan ni Hoax ang isa sa mga tauhan nito. Lumapit ang dalawang lalaki sa akin at basta na lang akong kinapkapan.
Napatingin ako kay Vynz at nahuli ko ang pagbuka ng bibig nito ngunit hindi ko narinig kung ano ang kanyang sinabi.
"Stop that. She's on our headquarters. She'll die before she can hurt anyone in here." Vynz muttered in cold and firm voice. Agad namang sumunod ang mga tauhan nito.
I walked near them at dumiretso ako kay Crizzy. Tinanggal ko ang blindfold niya pati na rin ang tali sa kamay niya. Walang pumigil sa akin at hinayaan lang na kalagan ko ang bata.
"Mommy!" Agad akong niyakap nito.
"You're safe now baby." I shushed her and caressed her back.
Napabitaw ito sa akin ng hinila ni Hoax ang braso ko at pinatayo ako. Hinawakan ni Ryder si Crizzy para hindi ito makalapit sa akin.
"Leave Crizzy alone." I ordered.
Hoax's jaw clenched at galit na tumingin ito sa akin. "Who are you to boss me around."
I smirked. "I am the Universe and you're just a mere underboss." I whispered pero nasisiguro ko na maririnig niya iyon. I can hear Creed's daughter sobbing. Fuck!
Marahas na hinawakan ako ni Hoax sa panga gamit ang isang kamay. Agad ko iyong tinabig ngunit muli niyang nahuli ang aking panga. Mas madiin ang pagkakahawak niya ngayon kaysa sa kanina at idinikit niya ang dulo ng kanyang baril sa aking noo.
"Mommy!" I heard Crizzy screamed.
"Hoax." Hindi ko namalayan na nakalapit na sa amin si Vynz. "Let me handle her."
"Kuya, don't forget about our plans and let me kill her." I saw Vynz's jaw tightened. Bahagyang tinulak ni Vynz si Hoax palayo sa akin.
Lumapit si Vynz sa akin at hinarap ako. Malamig pa rin ang mga titig nito. "Why did you killed my sister?"
"She knew that I am the Universe." Taas noong sagot ko dito.
He cursed. "You killed her then what? You let your men raped her?" Mariinitong tumingin sa akin.
"I didn't." Hindi na ako nagpaliwanag dahil alam kong sarado ang mga utak nila kaya hindi nila ako pakikinggan. Bahagya akong napangiwi. Kahit bukas ang isip nila ay hindi nila ako pakikinggan dahil sa tingin nila ay isa lamang akong kalaban.
"Itatangi mo pa?" Sambit ni Hoax na nasa likod ni Vynz. Sarkastiko itong napatawa.
"I killed her but believe me or not I didn't let my men touch her and they wouldn't dare do such things like what you're accusing." Kilala ko ang mga tauhan ko at kilala din nila ako. Hindi sila gagawa ng bagay na ikamamatay nila.
"Are you saying that the doctor lied?" Vynz asked.
"Sa tingin mo ay maniniwala kami sayo?" Sarkastikong tanong ni Hoax.
"Hindi ko sinabing paniwalaan mo ako. I actually don't care whether you believe me or not." Nakataas ang kilay na sagot ko dito. I don't know kung bakit pinakasalan ni Astrid ang lalaking ito. Sa Inis ay tinutukan ako nito ng baril.
"Hoax." Tawag ni Vynz sa kapatid. May sinenyas ito sa kung sino at may bigla nalang tumama sa gilid ng leeg ko. Kinapa ko iyon at kinuha. Fuck! Syringe! Lumabo ang aking paningin at ramdam ko ang pagkawala ng aking lakas para tumayo.
"L-let Crizzy go. Make sure she's s-safe or else I'll k-kill all of you." I stammered but I managed to spoke in a firm voice enough to threatened them bago tuluyang dumilim ang aking paningin.
I woke up feeling empty. Inilibot ko ang aking paningin. Puro pader lamang ang nakita ko at isang bakal na pinto. Walang bintana ang kwartong kinaroroonan ko kaya naman walang liwanag na pumapasok sa kwarto.
Dahan dahan akong bumangon mula sa sahig na kinahihigaan ko ngunit hindi pa ako nakakatayo ay may pumigil na sa akin. Napakunot ang aking noo.
Mapait akong napangiti ng makita na nakakadena sa magkabilang gilid ang aking kamay pati na rin ang dalawang paa.
Hinila ko ang aking kamay na para bang matatanggal ang kadena doon kapag ginawa ko iyon. Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa nakita ko ang paglabas ng dugo sa aking palapulsuhan. Hindi ako nakuntento at ginawa ko rin iyon sa kabilang kamay. Nasa ganoon akong sitwasyon ng bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko.
I saw Callum entered the room with a tray filled with food in a plate and a glass of water.
Sa magkabilang palapulsuhan ko unang tumama ang kanyang tingin at bahagyang napangiwi ito. Nang nagtama ang tingin namin ay lumapit ito sa akin.
"Kumain ka muna." Sambit nito pagkaupo sa sahig at nilapag ang tray doon.
Inignora ko ang kanyang sinabi at nagtanong. "Ilang oras akong nakatulog?"
"Magdadalawang araw. Upo ka na." Bahagya nitong hinila ang kamay ko at napaupo nalang ako dahil sa sagot niya.
"That long?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Hhmm, madami ng mangyari sa labas. Kumain ka na." Ramdam ko ang pagkalam ng aking tiyan ng makita ang pagkain dala niya. Inilapit nito sa akin ang pagkain na kunot noong tinitigan ko lang. "Walang lason yan!" Depensang sabi nito na tinaasan ko lang ng kilay.
"Prove it." Tinaasan ko ito ng kilay.
"Kukuha lang ako ng kutsara." Tumayo ito para umalis ngunit pinigilan ko.
"Use this spoon. Who knows? Maybe you dipped this spoon on the poison." Kung totoo ang sinasabi niyang wala itong lason ay hindi ito matatakot.
"Hindi huh!" Maang nito.
"Then use this." Kinuha ko ang kutsara sa tray at inabot iyon sa kanya.
Saglit itong tumingin sa itaas na sulok ng kwarto at muling ibinalik sa akin ang tingin. Namutla ang lalaki at umalon ang kanyang lalamunan. I smirked.
Kinuha nito ang kutsara sa aking kamay. "Hindi ako sa lason mamamatay." Sumubo ito at muling ibinaba ang kutsara.
Ganoon nalang ang gulat ko ng ilang sandali ay bigla itong napahiga sa sahig at nagsimulang magseizure.
"Callum." Sinubukan ko itong lapitan ngunit nakapagpatigil sa akin ang kadena na naka kabit sa aking kamay at paa.
"Fuck, Callum!" Sigaw ko ng mas lalong lumakas ang panginginig niya. Hinila ko ang aking kamay na nakakadena. Nagbabakasakaling maaalis iyon para makalapit ako kay Callum. Lalong nagdugo ang aking palapulsuhan dahil doon.
"Callum." Mahinang sabi ko at bigla nalang itong bumalik sa pagkakaupo na para bang walang nangyari.
"Joke lang. Kain ka na." Ngiting sabi nito at inilapit sa akin ang tray.
"What the fuck?!" Sigaw ko dito.
He chuckled. Nagsimula akong kumain at hindi pa rin makapaniwala sa ginawa ni Callum.
"About what you have said earlier. Anong ibig sabihin noon?" I asked after a minute na walang nagsasalita sa amin.
He frowned. "Alin don?"
"Madami ng nangyari sa labas." Paguulit ko sa sinabi niya kanina.
"Ano kasi." He hesitated. Bumuntong hininga ito bago muling nagsalita. "Pumunta dito yung dalawa mong underboss."
I frowned. "Why?"
"Para kunin kayo ni Astrid. Maayos naman silang pumunta kaya lang si Hoax ang nakaharap nila kaya ayon medyo napuruhan yung isa at si Hoax." Paliwanag nito.
"Astrid?"
"Hhmm. Nandito si Astrid, hindi ko rin alam kung paano nangyari. Kinuha siguro ni Hoax." Muli itong tumigil. Parang iniisip kung magpapatuloy pa ba sa sasabihin. "Yung headquarters ng Cosmos, pinasabog. Pati yung uhmm.....lamay ni Doc Alterio."
"Fuck!" Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor sa aking kamay.
"Leonardo Lozano is your grandfather, right?" Napabaling ako kay Callum dahil sa tanong niya.
"What happened to my lolo?" I asked.
"He was shot." What the fuck?
"What did Creed do?" I know may alam si Callum ang mga nangyayari.
"Yung underboss mo? Wala pa." What? Bakit wala!
"Ipanalangin lang nila na patayin ako ng Devaughne dahil kapag nakalabas ako dito hindi ko sila titigilan." I muttered.
"Hindi kami gumawa noon huh!" Depensa niya. Pinanliitan ko ito ng mata.
"Totoo!"
Ibinaba ko ang kutsara at tinidor at itinulak palayo sa akin ang plato. "Ayoko na."
"Huh? Isang araw ka hindi kumain, ubisin mo 'to." Utos niya.
I rose my brow up. "Who are you to tell me what to do?"
"I'm Callum." He boasted na para bang may nakakaproud sa pangalan niya. Hindi ko ito sinagot at umatras para sumandal sa pader.
"I'll just get something." Paalam nito at umalis dala ang pagkain na hindi ko naubos.
Ilang sandali ay bumalik ito na may dalang first aid kit. Dumiretso ito sa akin at kinuha ang kamay ko. Kumunot ang noo ko doon. He started cleaning my wounds sa magkabila kong kamay. His touches were gentle na para bang ingat na ingat doon. It reminds me of Dasher.
"Dash." Sambit ko.
"Huh?" Nagtatakang tanong nito.
I shook my head. Si Dasher lang ang gumagamot sa akin tuwing may sugat ako. He's our doctor. Mapait akong napangiti.
"Condolence." Callum said.
"Dasher is a good friend. I don't want to lose him. I can't. I won't." Mariing Sambit ko.
"But you already did." He stated and I just smirked. "Don't smirk! You're creepy." Sambit nito at lalo lang lumaki ang aking ngisi. Namilog ang kanyang mga mata. "Don't tell me Doctor Alterio is here! At nakikita mo siya!"
"I won't tell you then." Sambit ko ng matapos siya sa paggagamot sa sugat ko.
"Seryoso?"
I smiled. "I'm kidding. He won't be here."
Hindi pa nakakasagot si Callum ng may biglang magbukas ng pinto. Hoax entered with a cold expression on his face.
"Vynz is looking for you." Hoax muttered. Diretso ang tingin nito kay Callum.
Callum whispered something pero hindi ko narinig iyon. Nang makaalis ito ay naiwan kami ni Hoax sa loob ng kwarto.
I rose up para makapantay si Hoax. Hindi ako nakatuwid ng tayo dahil sa chain na nakakabit sa mga kamay ko.
"I want you dead." Mariing sabi nito.
"Kill me." They would kill me rin naman bakit hindi pa ngayon.
"Sa tingin mo ganoon kadali iyon? You have no conscience!"
Sarkastiko akong napatawa. "Are you seriously talking about conscience? If you think you have it, think again." I smirked.
"Hindi sana ako magdadalawang isip na iparanas sayo ang ginawa mo sa kapatid ko at patayin ka. But I'm thinking if I do that I will surely lose my brother." Pinal na sambit nito bago ako talikuran at iwan sa loob ng kwarto.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro